Share

Kabanata 120

Penulis: Deigratiamimi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-06 00:59:31

Pagkababa pa lang namin ng sasakyan, ramdam ko agad ang sariwang hangin. Tahimik ang paligid. Malayo sa ingay ng siyudad, walang mga matang nakamasid sa bawat galaw ko. Huminga ako nang malalim, parang unti-unting nababawasan ang bigat na dala ko.

Si Anthony, hindi na nagsalita masyado habang nasa biyahe kanina. Tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana, pero ramdam ko ang bigat sa dibdib niya. Nang dumating kami sa bahay na ipapagamit titirhan namim ni Ella, inayos niya muna lahat bago niya ako iniwan.

“Sigurado ka ba rito, Kira?” tanong niya, habang tinutulungan akong buhatin ang maleta. “Maayos naman ang lahat, pero hindi ito kasing-kompleto ng bahay natin sa Maynila. Hindi ba mahihirapan ka?”

Umiling ako. “Anthony, ito ang kailangan ko. Sapat na sa akin na kasama ko si Ella. Wala akong hahanapin pa.”

Naglakad siya papasok, sinilip ang kusina, sala, at mga kwarto. Halatang gusto niyang masiguro na safe ang lahat.

“I had the place cleaned yesterday. Pinakabitan ko na rin ng
Deigratiamimi

Arch. Kira Navarro—Salvatore Future Engr. Ella Navarro

| 14
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (7)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Updated na pooo ulit
goodnovel comment avatar
Alona Sumalinog
magaling ka kira kaya mo yan ang negosyong Plano mong ipatayo Basta mi tiwala sa sarili
goodnovel comment avatar
Mailyn Homeres Albay
wow ang ganda tapos sila na ang hahabulin ng ibat ibang firm kasi sila na ang NASA top
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 125

    Anthony’s POVPinagmasdan ko ang aking mag-ina na mahimbing na natutulog sa kama. Si Kira nakatagilid, nakaakap kay Midnight na mahigpit na nakadikit sa kanya. Lumapit ako at inayos ang kumot nila. Hinalikan ko muna ang noo ng anak ko, tapos ang noo ni Kira.Hindi ko aakalain na magiging ganito ako—hands-on na tatay at asawa. Dati, puro trabaho, puro kompanya ang iniisip ko. Wala akong ideya sa pag-aalaga ng bata. Hindi ko alam kung tama ba ang paghawak ng bote, paano magpalit ng lampin, paano patulugin. Pero sinubukan ko. At habang tumatagal, mas gusto ko pa palang ako mismo ang nag-aalaga kaysa ipasa lahat sa babysitter na hinire namin.Gusto kong i-treasure bawat segundo na kasama ko sila. Lalo na si Midnight. Pakiramdam ko, ang bilis ng panahon. Noong nasa tiyan pa siya, kinakausap ko lang si Kira habang hinihimas ang tiyan niya. Ngayon, hawak ko na siya, ako na ang nag-aalaga, ako na ang gumigising kapag umiiyak siya sa gabi.Mas pinili kong alagaan ang anak namin kaysa mag-focus

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 124

    Kira’s POV Paglapag namin sa Tuscany, ramdam ko agad ang kakaibang hangin at ang malawak na tanawin. Si Midnight ay mahimbing pa ring natutulog sa stroller niya habang si Anthony naman ay naka-focus sa pag-aayos ng mga dala naming gamit. Si Ella ay hindi mapakali sa excitement. “Grabe, Ate, ang ganda ng paligid,” ani Ella habang umiikot-ikot. “Parang nasa ibang mundo tayo.” Napangiti ako. “Oo nga. Hindi ko akalaing makakarating ako rito hindi bilang turista, kundi para magtrabaho.” Lumapit si Anthony, may hawak na diaper bag. “Kira, sigurado ka ba na kaya mong magtrabaho agad kahit kakarating lang natin?” Tumango ako. “Yes. May orientation lang naman mamaya. Wala pa namang masyadong heavy tasks.” Nagkatinginan sila ni Ella, parehong halatang protective. “Ate, huwag kang magpupumilit kung pagod ka,” bilin ni Ella. “We can handle it sa meeting kung kailangan.” Umiling ako. “No. Kailangan nila makita mismo ako. Hindi pwedeng wala ako sa unang araw.” Tinapik ako ni Anthony sa bal

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 123

    Kira’s POVHalos mabitawan ni Ella ang hawak niyang phone sa sobrang tuwa. “Ate! They picked us! Oh my God, they actually picked us!”Napatayo ako mula sa sofa at halos hindi makapaniwala. “What? Sigurado ka ba, Ella? Baka nagkamali ka lang ng basa.”Hindi siya makapigil ng ngiti habang ipinapakita sa akin ang email. “Hindi ako nagkakamali. Official letter ito, Ate. Congratulations daw sa Vantare Creative Studios dahil napili tayo as the lead design team for the Tuscany Eco-Resort Project.”Para akong natulala. Hindi ko agad ma-process ang lahat. “Tayo? As in tayo talaga?”“Of course!” halos mapasigaw siya. “Ate, this is it! International client. Tuscany. Italy. Nauna pa tayong makapasok kaysa sa mga big names sa industry.”Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mata ko. “Hindi ako makapaniwala. Ella… nagawa natin.”Yumakap siya sa akin nang mahigpit. “Sabi ko sa 'yo, Ate, kaya natin ‘to. Hindi natin kailangan ng malaking pangalan. Hard work at sincerity ang puhunan natin.”Nang biglang lum

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 122

    Kira’s POVKinabahan ako habang inaayos ang laptop sa maliit na conference room na inayos namin sa probinsya. Hindi ito kasing engrande ng mga boardroom ng Salvatore Holdings, pero maaliwalas at simple. May projector na nakasabit, puting wall para magsilbing screen, at ilang halaman sa gilid na nilagay ni Ella para raw may buhay ang paligid.“Are you ready, Ate?” tanong ni Ella habang naglalagay ng tubig sa baso at inaayos ang ilang kopya ng presentation. Kita ko ang excitement sa mukha niya kahit ramdam ko rin ang kaba.“Ready as I can be,” sagot ko. “Pero kinakabahan ako, Ella. Italians pa ang kausap natin. International brand. Baka hindi nila magustuhan ang approach natin.”Tumango si Ella, pero ngumiti. “Trust me, Ate. They’ll love it. Saka we’ve practiced this for days. Kung nagawa mo dati sa mga investors ng Salvatore Holdings, mas kakayanin mo ito. And this time, you’re representing us. Hindi bilang asawa ni Anthony, kundi bilang Architect Kira.”Napangiti ako sa sinabi niya. T

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 121

    Kira’s POVHalos hindi ako makapaniwala sa naging resulta ng pinaghirapan namin. After kong manganak at makabawi ng lakas, sineryoso ko ang plano kong bumuo ng sariling creative firm. Gumamit ako ng ibang pangalan para hindi madamay ang pangalan ni Anthony at ang Salvatore Holdings. Kasama ko si Ella na ngayon ay future engineer. Magkasama naming binuo ang maliit na opisina sa probinsya gamit ang naipon kong pera at ilang equipment na ipinadala ni Anthony kahit ayaw kong gumamit ng resources niya.Ngayon, nasa maliit kaming opisina—isang kwarto na inayos naming parang studio. May drafting tables, may laptops, may ilang sample models na ginawa namin. Hindi man malaki, pero ramdam ko ang saya sa puso ko.“Grabe, Ate, may nag-email na naman,” sigaw ni Ella habang nakatingin sa laptop niya. “Isang international brand ‘to. Gusto raw nila ng fresh perspective para sa upcoming project nila.”Napalingon ako sa kaniya, natigilan. “International brand? Ella, baka spam lang ‘yan.”Umiling siya a

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 120

    Pagkababa pa lang namin ng sasakyan, ramdam ko agad ang sariwang hangin. Tahimik ang paligid. Malayo sa ingay ng siyudad, walang mga matang nakamasid sa bawat galaw ko. Huminga ako nang malalim, parang unti-unting nababawasan ang bigat na dala ko.Si Anthony, hindi na nagsalita masyado habang nasa biyahe kanina. Tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana, pero ramdam ko ang bigat sa dibdib niya. Nang dumating kami sa bahay na ipapagamit titirhan namim ni Ella, inayos niya muna lahat bago niya ako iniwan.“Sigurado ka ba rito, Kira?” tanong niya, habang tinutulungan akong buhatin ang maleta. “Maayos naman ang lahat, pero hindi ito kasing-kompleto ng bahay natin sa Maynila. Hindi ba mahihirapan ka?”Umiling ako. “Anthony, ito ang kailangan ko. Sapat na sa akin na kasama ko si Ella. Wala akong hahanapin pa.”Naglakad siya papasok, sinilip ang kusina, sala, at mga kwarto. Halatang gusto niyang masiguro na safe ang lahat.“I had the place cleaned yesterday. Pinakabitan ko na rin ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status