Share

Kabanata 36

KABANATA 36 :: SINIGANG

"Where have you been?" salubong ni Kleindro nang makapasok ako sa penthouse.

Nabungaran ko siyang komportableng nakaupo sa malambot na sofa habang ako ay halos maligo sa sariling pawis.

Paano ba naman iritang-irita ako buong oras ng byahe. Hindi ako makapagsalita dahil may pesteng tape sa bibig ko. Kung hindi pa namin kailangang bumaba hindi yata nila tatanggalin.

"Ask your guards!" bulyaw ko.

"Sir, sorry po galit sa amin si Miss Vanna, ayaw nya kaseng sumama…" anang isang gusard na nasa driver seat kanina.

Alam pala nilang galit ako?!

"Masyado bang pasaway?" tanong ni Kleindro, nakataas ang sulok ng labi at nagbabadya ng ngiti.

Subukan lamang niyang ngumiti at ipapalunok ko sa kanya ang malaking vase sa ibabaw ng center table!

Padabog akong umakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang master's bedroom matapos siyang irapan.

Inihagis ko ang aking bag sa kama at basta na lamang naghubas ng sapatos para makadiretso sa banyo.

Mas mataas na yata kaysa normal ang t
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status