CHAPTER 4 – The Suite at 2AM
Dalawang lalaki ang may mahinang bitbit kay Damon habang pilit siyang tinutulak papasok sa elevator ng Blackwell Grand Hotel. Hawak siya sa magkabilang braso na para bang buhay na bangkay—tahimik, malalim ang hinga, pero hindi malaman kung gising o hindi. “VIP Suite 1702. 'Wag kang maingay. Dami nang nakuha ng media kanina,” bulong ng isang bodyguard habang mabilis na pinindot ang floor number. Damon’s head rolled slightly to the side. His tie was loosened, shirt unbuttoned halfway, and his lips slightly parted—dry and colorless. His eyes blinked once, slowly, but didn’t focus. “Sir?” tanong ng isa habang inalog siya ng marahan. No reply. He was breathing, yes. But something was off. Hindi ito normal na kalasingan. ——— Samantala, sa kabilang bahagi ng hotel, alas-dos ng madaling araw at wala nang gaanong staff sa hallway maliban sa mga skeleton crew. Si Luna, na halos tatlong oras nang naka-standby sa lobby ng service bar, ay nakatanggap ng utos mula kay Ms. Ella. “Luna,” sabi ni Ms. Ella habang abala hawak ang walkie-talkie. “Pakidala itong wine sa Suite 1702. 'Wag nang ipadaan sa ibang staff. Diretso ka na.” “Ma’am?” tanong ni Luna na bahagyang gulat. “Ako po?” Hindi na kasi sakop ng trabaho niya ang gawaing iyon kaya nilinaw niya kung tama ang kanyang narinig. “Wala nang ibang available, Luna. Mabilis lang 'yan. Pagpasok mo, ilapag mo lang sa table, then labas ka ma. Ibalik mo lang agad ang tray. Pero be careful, VIP ‘yan.” Wala namang nagawa si Luna kundi sumunod sa utos ng kanilang supervisor. “Okay po, Ms. Ella.” Hawak ang silver tray na may mamahaling bote ng wine at isang glass, lumakad siya papunta sa elevator. Tahimik ang buong floor ng mga oras na iyon palibhasa'y madaling-araw na. Maririnig lang ang mahinang ugong ng air-conditioning, at bawat tunog ng hakbang niya sa hallway ay parang dumadagundong. Sa loob ng elevator, napatingin siya sa sarili sa salamin. Maputla siya at mukhang pagod, pero composed pa rin. “Wine delivery lang ‘to,” bulong niya sa sarili. “Kaya mo 'to, Luna.” Kinakalma niya ang sarili dahil hindi niya maintindihan kung bakit kinakabahan siya ng mga sandaling iyon. Paglabas sa 17th floor, napansin niyang walang ibang tao sa hallway. Tahimik at para bang walang gumagalaw sa loob ng mga suite. Ilang hakbang pa, at narating niya ang Suite 1702, ang VIP na pagdadalhan niya ng alak na iyon. Tumigil siya sa harap ng pintong yari sa makapal na kahoy. Wala siyang ideya kung sino ang nasa loob. Wala rin siyang naririnig mula sa kabilang panig ng pinto. Pero ewan ba ni Luna, kung bakit mabigat ang dibdib niya habang nakatayo roon at pakiwari niya ay May hindi magandang mangyayari. Kumatok siya nang marahan bago mahinang nagsalita, “Room service po.” Walang sagot. “Room service,” ulit niya, medyo mas malakas na. Still nothing. Pag-angat niya ng kamay para kumatok muli, unti-unting bumukas ang pinto, sapat para bumungad ang madilim na loob ng suite. Walang staff. Walang guards. Tahimik lang ang iyon pero may kakaibang init na lumalabas mula sa loob. “Hello, Ma'am, Sir? Room service po,” mahinang tawag niya habang lumilinga-linga sa paligid. Muli, wala na namang sumagot kaya nag-decide si Luna na dahan-dahang pumasok habang iniikot ang paningin sa kabuohan ng VIP suite. At doon, sa dulo ng suite ay tumambad sa kan'ya ang isang lalaki. Nakaupo sa gilid ng kama at nakayuko pero mahahalatang hindi steady ang katawan nito. Umuuga-uga na para bang isang punong anumang oras ay mabubuwal na. Nakasuot ito ng itim na suit, magulo ang buhok, nakabukas ang butones sa dibdib ng pang-ilalim nitong puting longsleeve, at may butil-butil na pawis sa noo. Ang bote ng alak na wala nang laman ay nahulog din sa sahig. When the man looked up, Luna froze. It was Damon Blackwell. Saglit niyang pinagmasdan ang paligid. Isang suite na para bang mas malaki pa sa apartment nila. Carpeted floor, dim lighting, at malalambot at mamahaling mga furniture. Bakas ng karangyaan ang buong suite pero sa mga oras na ito, mistulang kulungan ang lugar na iyon para kay Luna. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Luna. Mabilis at maingat siyang kumilos habang inilalapag ang tray sa table malapit sa pinto. Matapos niyon ay pumihit na siya palabas pero bago pa siya makakilos ay naestatwa siya nang magsalita ang lalaki. “Wait...” pigil nito sa namamaos na tinig. Hindi malaman ni Luna kung siya ang tinutukoy nito, pero dahil siya lang ang nandoon kaya in-assume niyang siya nga ang kausap nito ng mga oras na iyon. “Don’t go.” Hindi gumalaw si Luna, na parang na-estatwa sa kinatatayuan. Tiningnan niya si Damon— mga tingin na para bang wala sa sariling katinuan. Bahagyang nakapikit ang mga namumungau na mga mata. Hindi normal ang kinikilos. Alam ni Luna na hindi ito basta dahil lang sa kalasingan, parang groggy ito. “I’ve been waiting…” bulong ni Damon, halos hindi marinig. “Sir, I’ll leave the wine here po,” sabi ni Luna, pilit inaalis ang kaba sa tinig. Ngunit bigla siyang humakbang paatras nang makita niyang tumayo si Damon, dahan-dahan, habang nakatitig pa rin sa kanya ang halos pikit nitong mga mata. Dumiretso ito papunta sa kanya kahit na pagewang-gewang, mabagal, at parang wala sa tamang ulirat. Hindi siya makagalaw. Nanigas ang buong katawan ni Luna. “Sir…” mahina niyang tawag. Pero hindi na siya pinansin nito. Ang mga sumunod na minuto ay dumaan nang mabagal—parang bawat segundo ay hinihila siya pababa sa bangungot. Hawak niya ang kanto ng mesa. Nanlalamig ang kanyang mga palad. Nanginginig ang tuhod. Hindi siya makasigaw. Hindi siya makatakbo. Hindi siya makatingin sa mukha ng lalaking nasa harap niya, lalaking walang ideya kung sino siya. Lalaking, sa isang iglap lang, ay may kakayahang sirain ang buong pagkatao niya. “S-Sir, please... 'wag po. Maawa kayo...” mahina at nanginginig na sambit ni Luna habang pinipilit umatras. Ngunit sa bawat hakbang niya palayo, isang hakbang naman ni Damon palapit. Dahil sa kalasingan at epekto ng droga, tila ba may hallucinations si Damon ng mga oras na iyon. May ibang tinatawag. Hindi siya si Luna sa paningin ng lalaki—at iyon ang mas nakakatakot. Ang mga kamay nito ay biglang humawak sa braso ni Luna—mahigpit, malamig. Dahilan para lalo siyang mag-panic. “Bitawan mo ako, please!” pagmamakaawa ni Luna sa nanginginig na boses. Pero hindi siya binitawan ng lalaki. Nagpupumiglas si Luna. Nilalabanan ang pagkakahawak sa kanya. Hanggang sa mapaatras siya sa kama at bigla siyang itinulak doon dahilan para mapahiga siya. “S-Sir, hindi po ako ang hinahanap n'yo. Pakiusap—sir, please!” Pero tila ba tuluyan nang nabingi si Damon. Ang mga kamay nito ay mabilis—tulad ng pagkabura ng kanyang ulirat. Dahil sa malaki itong lalaki at malakas, ni hindi man lang ito natinag sa pagpupumiglas ni Luna. "Stop..." Damon whispered, not in anger, but as if pleading. "Don't leave... Please, stay." With every attempt to resist, Luna was consumed by a deeper sense of fear. The zipper at the back of her uniform was slowly being lowered. She tried to cover her shoulder with her elbow, her hands trembling uncontrollably. Tears fell from her eyes as she repeated, again and again, in a trembling voice: “S-Sir, please… nagkakamali kayo... Pakiusap, itigil niyo na 'to...” Ngunit sa loob ng kwartong iyon, tanging katahimikan ang naging saksi sa masalimuot na gabing iyon ni Luna. Ni Wmwalang tumulong. Ni walang nakarinig. At sa loob ng madilim na suite ng Blackwell Grand Hotel, sa oras na wala na siyang boses, wala na rin siyang lakas... Naiwan siyang walang kalaban-laban...NANG matapos ang dinner kay Cassandra, kaagad na ring umalis si Damon sa resto. Hindi na siya nagprisinta pa na ihatid ang babae dahil ayaw niyang magkaroon pa muli ng ingay sa pagitan nila. Habang nakaupo sa backseat ay nakapikit ang mga mata ni Damon. From 6AM until 9:PM, gising na gising pa rin siya dahil sa sunod-sunod na meetings, appointments, at mga papeles na kailangang pirmahan. Sa totoo lang, exhausted na siya at pagod na pagod, kaya kung p'wede lang sanang umuwi na ay ginawa na niya. Pero malaking project ang Cebu mall expansion kaya hindi niya pwedeng basta iwan iyon sa mga tauhan niya lalo pa't may malaking problema na kinahaharap ito.Ilang minuto pa lang na nakapikit si Damon nang tumunog ang kanyang cellphone. Napabuntong-hininga siya saka dinukot ang aparato sa bulsa ng suot niyang coat. Nang tingnan niya kung sino iyon, si Chase ang lumabas sa caller ID.“Yes?” malamig na tugon niya, halatang pagod.Sa kabilang linya, si Chase, ramdam ang kaba sa boses. “Sir Damon,
CHAPTER 114: MAINIT ang sikat ng araw na tumatama sa bintana ng hotel conference room nang matapos na ang halos tatlong oras na meeting ni Damon kasama ang kanyang core team. Mga papeles, blueprint, at revisions ay nakakalat pa rin sa mesa. Nakatayo siya, bahagyang nakasandal sa gilid ng lamesa, hawak ang cellphone habang pinapakinggan si Chase na nag-uulat tungkol sa latest compliance report.“Sir, the city engineer accepted the revised structural plan. But may pending pa sa environmental office. They’re asking for supporting documents.”Pinisil ni Damon ang tungki ng ilong niya. Halos isang linggo na siyang lumalaban sa technicalities. “Who has the originals?”“Unfortunately, nasa kabilang kampo, Sir. They’re holding it for cross-checking.”Sa tabi, naglinis ng lalamunan si Cassandra, na kasama pa rin bilang legal representative ng opposing side. Naka-blazer ito, prim and proper, pero ang tono ng boses niya ay mas banayad kaysa kahapon. “Damon… if you want, I can provide copies for
MAAGA pa, bahagya pang madilim ang langit sa Forbes Park nang magising si Luna. Tahimik ang buong bahay, tanging tunog lang ng orasan at huni ng mga ibon ang maririnig. Hawak niya ang cellphone, nakapatong sa mesa katabi ng malamig na tasa ng kape na hindi niya naubos kagabi.Tahimik siyang nakahiga habang nakatingin sa puting kisame. Mabigat pa rin ang kanyang dibdib, pero muling niyang in-on ang cellphone hindi para muling magbasa ng mga mapanirang article kundi i-check kung may message ang asawa sa kan'ya.Pagkabukas niya ng tawag, sunod-sunod na notifications ang pumasok sa cellphone niya. Texts, chats, at maya-maya pa'y tawag mula kay Damon.Awtomatikong kumabog ang kanyang dibdib. Mariin ang pagkakahawak niya sa cellphone. Pagpindot niya ng answer button halos mapikit siya. “Hello…”“Love.” Boses ni Damon, paos, mababa, halatang galing sa puyat pero puno ng pag-aalala. “Finally. Thank God you answered.”Naramdaman ni Luna ang biglang pagsikip ng lalamunan. Hindi siya agad nakasa
MALAMIG ang simoy mula sa garden, pero mainit ang dibdib ni Luna paggising kinaumagahan. Maaga pa, maaliwalas ang langit sa labas, at ang mansyon ay may amoy ng bagong timplang kape. Nakatitig siya sa telepono, nakabalandra ang dose-dosenang notification mula sa group chats at work threads, pati mga unknown numbers.Hindi pa niya ito binubuksan, kumapit muna siya sa sandalan ng upuan at humugot ng malalim na hininga. “Good morning,” bulong niya sa sarili, parang ritwal laban sa kaba. Sa may pinto, sumulpot si Callyx, bitbit ang backpack at ang paboritong dinosaur.“Mommy, can I bring two snacks? Promise I’ll share!” Kumislap ang mata nito.“Deal,” sagot ni Luna, marahang tinapik ang ulo ng anak. “And be kind to your seatmate.”Tumakbo si Callyx palabas para hanapin si Mariel. Saka pa lang binuksan ni Luna ang telepono. Naka-pin ang message ni Kate.“Bestie, breathe. I’m here. Don’t open comments. Call me when ready. 💛”Sumunod naman ang link tungkol sa blind-item page na kilala sa ma
NARATING si Damon sa Mactan-Cebu International Airport bitbit ang bigat ng problema. Hindi gaya ng inaasahan niyang tatlong araw lang na business trip, mabilis niyang napagtanto na magiging mas komplikado ang lahat.Paglapag pa lang, sinalubong na siya ng abogado ng kumpanya nila, si Atty. Romero, dala ang makapal na folder ng documents.“Sir Damon,” bati nito habang inaabot ang mga papeles. “The local government discovered several inconsistencies sa environmental clearance. May signature na hindi tugma, at may missing annexes. It looks like someone forged certain approvals.”Napatingin si Damon, seryosong nakakunot ang noo. “Are you saying someone inside tampered with our papers?”“Possible, sir. And the opposing counsel is pushing for a full investigation. This could delay the expansion indefinitely if not handled properly.”Humigpit ang hawak ni Damon sa folder. Ramdam niya ang kirot ng galit sa ilalim ng kanyang dibdib. “Set a meeting with their legal team tomorrow. I want to know
MAAGA ring nagising si Damon kinabukasan, bago pa man sumikat ang araw. Nakahiga siya, nakayakap kay Luna, habang marahang humihinga ang babae sa tabi niya. Pinagmasdan niya ito sandali—ang maayos na buhok na nakalugay sa unan, ang banayad na paggalaw ng dibdib habang natutulog.Napangiti siya, at marahang hinalikan ang sentido nito. “Good morning, love,” bulong niya kahit alam niyang hindi pa ito gising.Maya-maya’y nagmulat din si Luna, medyo antok pa. “Hmm, ang aga mo.”“Couldn’t sleep,” sagot ni Damon, hinahaplos ang buhok niya. “Too many things on my mind.”Nagtaas ng kilay si Luna. “Work?”“Always,” sagot niya, pero sabay halik sa labi ng asawa. “But you come first.”Umiling si Luna, pinisil ang kamay niya. “Kaya mo ’yan. Just don’t forget na hindi ka mag-isa ngayon.”---Habang nag-aalmusal sila kasama si Callyx, tumunog ang cellphone ni Damon. Isang tawag mula kay Chase. Pinilit niyang manatiling composed, pero ramdam ni Luna na may bigat ang tawag.“Excuse me,” sabi ni Damon,