GAMIT ang cellphone ni Kate ay tinawagan ko si Carl.. Kinumusta ko ang kalagayan niya, Agad akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng malamang maayos ang kalagayan niya..Pero kinailangan paring isugod sa pinakamalapit na hospital sa bayan para masigurong wala ngang malalalang nangyari..Hindi naman daw sinalinan ng dugo ang lalaki tulad ng akala ko..Ilang araw akong ginulo ng pagiisip na baka naubusan siya ng dugo,dalawang bala ang tumama sakanya, Kaya sobra akong nag-alala,mabuti nalang talaga at ligtas siya..ganoon din si Kenjie na alam kong nakaranas rin ng kalupitan ni Hendrix nong araw na yon..Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring hindi maganda sa kanila..._____________________ISANG katok sa pinto ang naging sanhi ng pagdilat ko.Kanina pa akong gising pero mas pinipili ko ang manatili sa higaan dahil maaga pa naman...Muli kong narinig ang katok,kaya wala sa sariling bumangon ako at tumungo sa may pinto..Hindi na ako nagulat ng tumambad sakin ang mukha ni
NAPANGITI ako ng makita si Mang Ricky na nasa balcony, nakatayo siya sa gilid ng barandilya,nandoon rin nakalagay ang baso ng kapeng iniinom niya..Lumapit ako at binati siya...bahagya pa siyang nagulat sa biglaang pagdating ko.."Bakit po kayo nandito? Pwede naman kayong magkape doon sa loob" "Katatapos ko lang kasing linisan ang sasakyan..Tsaka mas maganda ring magkape sa labas" natatawang sagot niya..."Ah, nandiyan na po ba si sir?Aalis na ba kami?" Napakagat labi ako bago.."Hindi ko po alam" tumango siya bago muling uminom sa baso niya.."Manong?" Bumaling siya saakin.. ngumiti lang ako bago nagpatuloy.. "May itatanong lang po ako, okay lang po ba?" "Oho naman, ano ho ba yon?" "M-meron ka po bang alam na.....na nagde-deliver ng manga po? Yung bagong pitas po sana" "Bakit po ma'am?" "Uhmm, g-gusto ko po kasing kumain ng manga..Kahapon pa po akong naghahanap pero wala naman kaming nakita ni Kate, ang mga nandoon kasi e puro matagal ng naibagsak sa kanila...""Kung ganon sar
NANG sumunod na araw ay muli kong pinuntahan si Andrew sa hospital..Mabuti na ang kalagayan niya, pero kailangan paring manatili doon ng ilang araw.Nagpupumilit siyang umuwi pero pinigilan ko.. Kailangan niya paring ipahinga ang katawan niya.."Hindi na tayo tutuloy sa Palawan" kumunot ang noo nilang pareho...Aangal pa sana si Drew pero pinandilatan ko siya ng mata kaya wala siyang nagawa kundi ang manahimik at sumangayon.._____________________HABANG papalapit kami ng papalapit sa bahay ay hindi ko mapigilang maiyak...Matagal akong nawala, ngayon ko lang ulit makakasama ang pamilya ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng tuwa na halos maiyak ako..I miss them so much!AGAD akong bumaba at mangiyak-ngiyak na napatitig sa bahay namin.kung hindi ko pa naramdaman ang kamay ni Kate sa balikat ko ay hindi ako mapapailing.."Klare!" Agad kong pinahis ang luha sa pisngi ko bago patakbong sinakop ang distansiya namin.."Dad! Mom!" Niyakap ko silang dalawa, mahigpit iyon.. Naramdaman ko rin
"YOU can take the bed, Klare" pagtatapos niya sa usapan.. Muli niyang ipinatong ang kamay sa noo niya..nasilip ko rin ang pagpikit ng mata niyaNaghintay pa ako ng ilang sandali baka sakaling magbago ang isip niya, pero lumipas ang ilang segundo ay nanatili siyang walang kibo..Kagat labing bumalik ako sa kama, pumwesto sa gitna at pansamantalang isinandal ang likod sa headboard niyon..Binalik ko rin ang tingin sa lalaki.Katulad kanina ay ganun parin ang ayos niya..Napabuntong hininga nalang ako bago tuluyang nahiga paharap sa pwesto niya..I was just staring at him for a long minute..Wala naman siyang sinasabi pero alam ko na nahihirapan siya sa posesyon niya..Maliit lang ang sofa ko,hindi ko nga kayang ipagkasya ang sarili ko doon,siya pa kaya na higit na mas malaki keysa sa'kin..Napailing nalang ako at tumalikod sakanya...Why do I care anyway, kung ayaw niya sa kama ko hindi ko siya pipilitin, basta wag lang siyang magreklamo kapag sumakit ang katawan niya..Wag niya akong sisisih
TAHIMIK ANG SALA...Kahit narito at kasama namin sina Daddy ay inatupag ko ang pag-aalaga kay Andrew..I help him change his bandage..Tinulungan ko rin siyang palitan ang damit ng makita ang kaunting mantsa ng dugo doon, pipigilan niya sana ako dahil narinig namin ang pasimpleng pag-ubo ni Daddy pero hindi ako nagpatinag...Ano bang bago sa ginagawa ko? Palagi ko naman siyang tinutulungan, nagkakataon lang talaga na busy ako kaya si Kate ang gumagawa minsan..Nang masiguro kong maayos na siya ay doon ko lang pinulot ang mga kalat sa mesa..Nabitawan ko pa ang gamot at gumulong iyon sa paanan ni Hendrix....sa dinami dami ng pwedeng puntahan dito pa talaga!? Napailing nalang ako at dinampot ng walang pinapakitang emosyon sa lalaki.."Ehem..What about lunch?" Suhesyon ni Daddy..Tumayo siya at pinagpag pa ang suot, tumikhim"Maghahanda po ako-" aalis na sana ako ng biglang magsalita si Daddy"No,Klare..stay here" kunot noong tumingin ako sakanya, "Hendrix need companionship" umawang ng kau
.....hinding hindi mo siya mahahawakan!" Matapang na saad ko sa mukha niya..Ang akala ko ay makikita ko sa reaksyon niya ang pagkagulat o pagkabalisa,pero nagkamali ako..Ngumisi lang siya na tila ba hindi sineryoso ang sinabi ko.."Don't challenge me,Klare..You know how far I can do just to get what I want" naikuyom ko ang kamay sa inis.. sinubukan ko ring galawin ang kamay ko para itulak siya pero agad niya iyong nahawakan.muli niya ring inilapit ang mukha niya sa tenga ko.bumulong"Do you really think that you can influence my decision..Let me remind you who you are.. You're just a gold digger, a slút who willing to sell her dignity for the sake of money....So don't expect me to be frighten with your words, I have the control over you,just in case you missed" umigting ang panga ko.Inagaw ko rin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at ng makawala ay buong lakas ko siyang itinulak"Hindi mo na ako hawak Hendrix! Hindi na nakasalalay sayo ang mga disesyon at bagay na gagawin ko!"
HINDI ko maiwasang mapasulyap sa labas,tanging malaking sliding glass door lang ang pagitan namin ng lalaki. Kasalukuyan siyang kausap ni Daddy,habang ako ay nakatotok sa laptop..Inaabala ko ang sarili sa ginagawa pero hindi ko maiwasang umisisa sa kung ano ba ang pinaguusapan nila...Pilit kong pinapakingan ngunit wala akong marinig..Simula noong gabing nakita niya ang picture at hanggang sa lumipas ang tatlong araw ay hindi niya na ako ginulo..Minsan ko nalang din siya nakikita sa bahay, sa tuwing kakain lang ay doon lang namin matagal na nakakasama at nakikita ang isat-isa..Paminsan minsan ko rin siyang nahuhuling nakatingin sa'kin pero agad ring iiwas, at umaaktong parang walang nagyari... Para kaming nagpapatintero sa loob ng bahay, kapag alam kong aalis siya ay doon lang ako lalabas ng guestroom at makikibonding kina Kate,kapag darating naman ay magpapaalam akong may gagawin sa loob para maiwasan siya..hindi alam nina Daddy na magkahiwalay kami ng kwarto ni Hendrix, tiyak ka
Goodnight Klare...Goodnight Klare...Goodnight Klare....Goodnight Klare.....Napasabunot ako sa sarili ko.Kagigising ko lang ay ang salitang iyon agad ang sumagi sa isip ko....Did he-..Did he really say those words last night. Talaga bang nag goodnight siya sa'kin? O nag-iilusyon lang ako o kaya nanaginip lang--Argg! Napahilamos nalang ako sa mukha bago marahas na napabangon You're hallucinating Klare, you're just making an event in your head! He will never do that! How come, right?"KLARE? ARE YOU AWAKE?" rinig kong sigaw ni Kate mula sa labas...Napayuko ako, ngayon ko lang naalalang aalis na nga pala kami dito.."Klare?" Mariing pumikit ako bago.."Oo" sagot ko.."Kailangan mo ba ng tulong? Nakaimpake ka na ba?" Bumaling ako sa dalawang maletang nasa gilid, kagabi ko pa naayos ang mga iyon..."I'm good Kate,thank you!" "Sigurado ka?" "Oo""Sige,antayin ka namin sa baba!" Nang marinig ang yabag niya papaalis ay doon lang ako bumaba sa kama.._______________________"Take care,