LOGIN***
MONTHS AGO... "Trauma Team report to ED... Dr. Mancini, Dr. Lombardi, Trauma Team to ED, stat." Umalingawngaw ang boses ng isang nurse sa paging system na pumukaw sa dalawang lalaking seryosong nag-uusap sa isang opisina. Huminto ang mga ito at nagtitigan. "Are you sure you're ready to do surgeries again?" Dr. Rozzwell Lombardi, his assistant surgeon, his best friend and protector asked. Nasa kulay kapeng mga mata nito ang pag-aalala. And he just gave him a confident smile. "Don't worry about me, Rozz. After a long vacation, I'm perfectly fine now. I have to. My hospital is counting on me." Tumayo siya suot ang kampanteng mukha. May tiwala naman si Rozz sa kaniyang salita. Nagkaproblema man siya noon, pero hindi pa siya kailanman nagkamali sa operasyon. Ngunit hindi pa rin nito mapigilang mag-alala. Rozzwell knew him too well, especially his past trauma. Ten years ago, they relocated to the Philippines after a family tragedy. They're both Italian by blood, both handsome and tall, at hindi maikakaila na agaw-pansin lalo na sa kababaihan ang angking likas na alindog at kagwapuhan nila. But behind those good looks, may isang lihim ang pilit nilang itanatago sa dilim. Sa corridor, habang naglalakad ay halos mabali na ang leeg ng bawat empleyado at ibang panauhin kakasunod ng tingin sa pagdaan nila. Nagkikislapan ang mga mata ng mga ito na para bang mga dyamante ang nakikitang dumaan sa harapan. Ngunit ni isa sa mga ito ay wala man lang silang sinulyapan. "Hala, sina doctor Mancini at doctor Lombardi!" sambit ng isang staff na babae. Hindi ito nakapagpigil at impit na napatili sa kagwapuhan ng dalawang nagtatangkarang mga Doctor. Matagal na ito roon ngunit tila hindi pa rin nasasanay sa presensya nila. Ganoon lahat ng mga staff roon, mapamatanda man o dalaga, halos araw-araw ay naninibago, nasasabik na masilayan ang gwapong mukha nila. Kung alam lang ng mga ito kung ano'ng klaseng tao ang hinahangaan, malamang ay gugustuhin na lamang ng mga itong mag-resign. "What's the situation?" tanong agad ni Lionzo sa kaniyang team. "Male, mid-40s, gunshot wound from .45 caliber, vital signs unstable," mabilisang sagot ng isang nurse na babae. His attention was focused on the stretcher bed where the said male patient was lying, unconscious. Halos hindi ito makahinga nang maayos, eyes tightly closed as his arms and legs trembled. His skin is pale and sweaty. Kunti na lang ay mukhang kakalabitin na ito ni kamatayan. "Get him to the OR 3 stat," malakas niyang utos. "Let's move, team! Time to save a life," malakas na sambit ni Rozz, nahawa naman ng energy nito ang iba pa. Ganado ito dahil sa pagbabalik niya, pagkatapos ng mahabang panahon ng pagkawala niya upang magpagamot sa ibang bansa. "Prepare for emergency thoracotomy," seryoso ang mukha na saad ni Lion. Their hospital boasts a team of highly skilled staff, from doctors to support personnel. Everyone is well-trained. At sa katunayan nga niyan, his hospital was ranked as one of the leading private hospitals in Manila, ayun sa ulat sa taong iyon. Iniingatan niya ang reputasyon ng kanilang hospital, kaya bawal sa kaniya ang magkamali. Bawal masira ang kaniyang iniingatang pangalan. Kapag narumihan pati iyon, wala na siyang makakapitan pa para manatiling matino. INIHANDA na muna ni Lion ang sarili at ang lahat ng kinailangang suotin bago tumuloy. Pagpasok nila sa operating room ay bumungad agad sa kaniya ang hanging may dalang amoy ng pinaghalong dugo at disinfectant. The scent of blood stirred up old memories... Mga alaala na makailang ulit niyang sinubukang alisin sa kaniyang utak ngunit nanuot na hanggang sa kaniyang sistema. "What's the update?" tanong niya. Nauna na roon ang kaniyang Pilipino anesthesiologist na si Dr. Malindig, kasama ang dalawa pang nurse sa kanilang team. "Naka-prep na po ang pasyente, Dok. Anesthesia ready na rin," sagot ng nurse. "General anesthesia administered na, Dok," wika naman ni Dr. Malindig. Nakatayo siya sa operating table, scrubbed in and ready at ganoon din ang kaniyang buong team. Mataman niyang tiningnan ang pasyente. Nagpang-abot ang kaniyang mga kilay nang makita ang kalagayan nito. Sira ang balat nito sa may dibdib at may butas ng bala. Blood flows from the wound, showing serious damage to the nerves and tissues. Sanay na siya sa ganitong tagpo ngunit dahil sa nangyari noon, tila binabangungot siya sa tuwing nakakakita ng ganito kalalang dugo at sugat sa katawan. He could handle all emergencies. Anything was a cakewalk but not gunshot wounds, because they always reminded him of what happened before. "Scalpel." Inabot sa kanya ng Surgical Tech ang instrumento. "Scalpel, Dok." Mahigpit na hinawakan ni Lion ang scalpel, sinipat pa niya ang sariling kamay kung nanginig ba iyon. Nakahinga siya nang maluwag nang matantong kalmado pa rin naman ang nerves niya. Mataman na nakamasid ang buong team sa pagbubukas niya ng sugat ng pasyente. Lalong-lalo na si Rozz. Naroon ang tensyon nito, na sa bawat paghinga ay may halong kaba na baka atakihin siya ng kaniyang trauma at magkamaling bigla. "Retractors," mayamaya'y sabi ni Rozz na agad namang tinuguan ng ST. "Retractors ready, Dok." Maingat na ipinasok ni Lion ang mga retractor at dahan-dahan na hinihila pabalik ang tissue. He is careful and precise in his procedures while his team is alert, waiting for his next command. After two years, ngayon lang ulit siya sumalang sa operasyon at critical na agad ang sitwasyon. Medyo pinagpapawisan na siya ngunit nanatiling kalmado ang paghinga. He also kept checking his hands. Bawal nga kasi, bawal siyang manginig, bawal magkamali, bawal, bawal, bawal! He kept telling that to himself. Mabuti na lang din at umepekto na ang ininom niyang gamot kanina. "Expose the wound," aniya habang ang mga mata ay nanatiling nakatuon sa sugat. Titingnan niya ang loob upang hanapin ang bala while Rozz assists him by applying pressure to stop the bleeding. "BP 120/80, Dok," mahinahong sabi ng nurse na nakasubaybay sa vital signs ng pasyente. Tumango siya. "Continue monitoring." The team worked flawlessly. At habang seryuso siya sa ginagawa, his team was silent, ears open, eyes alert, and mouths shut. Wala siyang ibang naririnig doon kundi ang tunog ng heart monitor. Nakita na niya ang bala ngunit tumindi ang pagdurugo. Damn! Kumupas na ba ang galing niya? "Clamp!" biglang utos niya na bumasag sa pananahimik ng kaniyang team. "Clamp, Dok!" tugon naman agad ng nurse. Napansin ni Rozzwell ang pagbigat ng hininga niya. Rozz knows he is good at this job but he also knows his hidden agony. The sight of flooding blood brings back the nightmares of his past, triggering his trauma. Still, pinilit niyang nilabanan iyon. 'Come on, Lion!' sa isip niya habang abala ang kaniyang mga kamay. Tagaktak na ang kaniyang pawis at nagsimula nang manlabo ang kaniyang paningin. Unti-unti ring namuo ang masipang sigaw na umalingawngaw sa kaniyang pandinig, ang miserableng hikbi at pagmamakaawa ng isang boses na halos gabi-gabi niyang naririnig sa kaniyang panaginip. "Lionzo! Help! Aiutami per favore! Aghck! L-Lionzo, mi fa male! Aiutami, m-mi stanno fa-facendo male!" Ipinilig niya ang ulo at mariin na pumikit kasabay ng paghinga nang malalim. Pagdilat niya ay nawalang bigla ang mga naririnig niya. "Doctor Mancini?" sambit ni Rozzwell na sa kabila ng pag-aalala ay nanatiling pormal sa harap ng lahat. "I'm fine," sagot niya nang hindi man lang ito sinulyapan. Surgeon is his passion, ngunit hindi ni Rozz. Pero dahil sa malasakit at pag-aalala nito sa kaniya ay nag-switch ito noon ng kurso para lang makasama siya at mabantayan ang bawat kilos. Rozz is his best friend, kababata na mas nakakakilala sa kaniya at nakakaalam ng itinatago niyang totoong katauhan. Maingat niyang ipinasok ang forceps sa loob ng sugat, at dahan-dahan na inipit saka niya buong ingat na hinila ang bala palabas. Lumuwag ang kaniyang paghinga nang magtagumpay siya. "Bullet removed," sabi niya, habang inilalagay ang bala sa isang tray. He made it! Isang buhay na naman ang nailigtas. Halos kasabay niya ay lihim ding napabuga ng hangin ang mga kasamahan niya. Another successful surgery! At lahat sa loob ay tila nabunutan ng tinik. "Good job, everyone!" sigaw ni Rozz sa mga kasama pagkatapos ay binalingan siya. "Welcome back, doctor Mancini. Welcome back to the old you." Ngumiti siya at hinubad ang suot na glove. Paglabas nila ng silid ay agad silang sinalubong ng kamag-anak ng pasyente. Sininyasan niya si Rozz. "Sa opisina na ako. I'll take care of the surgery report." "Go ahead, ako na ang bahala rito," sagot nito. LIONZO took a glass of water bago siya tumuloy sa opisina at ginawa ang nasabing report. Pagkatapos ay naglakad siya palapit sa floor to ceiling na salaming bintana. Mayamaya lang ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at pumasok si Rozz, hawak ang phone na nakalapat sa tainga. "Pronto." Suminyas ito sa kaniya. "It's Brook." Tumango siya at muling itinuon ang paningin sa labas ng bintana kung saan makikita ang abala na daan ng ka-Maynilaan. Mataman na nakikinig si Lion habang nakapamulsa sa suot na pantalon, at tuwid na nakatayo roon. "D'accordo, informerò Lionzo," rinig niyang sabi ni Rozz. Tinapos nito ang tawag saka bumuntong-hininga. Nang tuluyan siyang humarap dito ay nakasalubong niya ang seryoso nitong mukha. "The traitor's been exposed," nagtagis ang bagang na sabi nito. Tumaas ang kaniyang isang kilay, inaabangan ang pinakamahalagang bagay na nakahanda nang masiwalat. "It's Tiongzon." Tiongzon was one of his associates, his trusted man in his underground operation. Ngunit kamakailan lang ay nagkaroon ng sunud-sunod na problema sa kanilang mga nagdaang transactions. Kung hindi sila nahuhulog sa patibong ng mga kalaban ay nakukumpiska naman ng pulisya ang mga kargamentong ibinabyahe ng mga tauhan niya sa iba-ibang parte ng probinsya sa Pilipinas. And now, finally, the answer he had been seeking was out. "Hmm." Humigpit ang kaniyang panga. Ang tarantadong Tiongzon, hindi man lang nangiming traydurin siya. "Well, Mr. Tiongzon, let's see how far you can hide." Lumapit siya sa kaniyang table, hinatak ang drawer at inilabas ang nakatago niyang baril. Itinaas niya iyon sa harap ng kaniyang mukha, pinasadahan ng tingin bago binalingan si Rozz. "We've saved a life, it's time to take one."Caliste had fulfilled her promise. And Lionzo hadn't. Tumingin si Lion sa maliit na mukha ni Belleza. Bawat sulok ng magandang mukha nito ay isa-isa niyang pinagmamasdan, pinag-aaralan. Maga ang mga mata, may bakas pa ng luha sa makinis nitong pisngi. Ang kamay naman nito ay nakakuyom pa rin sa damit nito kahit tulog na, na para bang hanggang sa panaginip ay nanggigigil ito at gusto siyang saktan. Nakatulog si Belleza sa mga bisig niya kaiiyak. Hindi niya lubos maisip ang halu-halong emosyong nararamdaman nito habang inaakala nito na pinaglalaruan lang niya ito. Malamang ay iniisip ni Belleza na handa siyang ipagpalit ito kay Caliste. Parang piniga ang puso niya sa tuwing naaalala ang mga paghihirap nito nang dahil sa kagagawan niya. Bakit ba siya nasasaktan para sa babae? "Damn it!" Kumalas sya sa pagkakayakap kay Belleza at tumihaya. Matagal na rin siyang hindi nakakaramdam nang paglambot. Ang buong akala niya ay bato na siya, pero ang totoo, nabalot lang pala ng yelo an
Biglang tumahimik si Lion pagkatapos ng mga sinabi ni Belleza. Hindi niya alam kung pumayag ba ito o hindi. He just went silent. Then he hugged her. "Rest for now. You need it," bulong nito. Umatras si Belleza. Bigla siyang natuliro. Bakit hindi ito makasagot nang direkta? Nagbago ba ang isip nito? Dahil ba sa nangyari? O dahil napagtanto nitong hindi naman talaga siya nito mahal? Dahil si Caliste... Ang babaeng iyon naman talaga ang mahal nito! Tiningnan niya si Lionzo sa mga mata at pilit na hinahanap ‘yung sagot. "Ayaw mo?" kabado niyang tanong pero sinikap niyang magmukhang matigas. Lion didn't answer. Sa halip, hinalikan lang siya nito sa sentido. Magaan. Masyadong marahan.
"You're pregnant. But the baby's gone." Natulala si Belleza. Hindi n'ya malaman ang sasabihin, ang gagawin lalo na ang mararamdaman. Inaabangan naman ni Rozz ang magiging reaksyon niya pero ilang segundo na ay nanatili pa rin siyang walang imik."Belleza," tawag ni Rozz. Hindi niya ito pinansin, ni hindi niya nilingon. "Alam kong galit ka. Kahit anong paliwanag ko, I know you wouldn't listen. Pero gusto ko pa ring malaman mo, hindi sinasadya ni Lion ang nangyari. Wala siya sa sarili nang gawin niya sa iyo iyon. May sakit siya, Belleza." Nanatili siyang nakatingin sa kawalan, sa labas ng salaming bintana ng hospital. Walang emosyon ang mukha. Walang kibo."Belle, k-kung pwede, huwag mo sanang isumbat sa kaniya ang nangyari sa anak ninyo. Hindi niya sinasadya. Please, baka lumala lang ang sakit niya." Natigilan si Rozzwell nang bigla siyang tumawa. Tawang malakas na umaalingawngaw sa loob ng silid, pero walang laman, walang emosyon. Naluluha na siya sa katatawa. Nag-aalala namang
Continuation🔞Trigger Warning: ⚠️ The following scene depicts intense physical violence, sexual assault, and non-consensual acts."I'm sorry, mom... I'm sorry... I'm sorry..."Tahimik siyang humahagulgol habang yakap ang ina. Walang ibang naririnig na ingay ng mga sandaling iyon kundi ang mga paghingos niya at ang mabibigat niyang paghinga.Mayamaya ay isang demonyong halakhak ang kumudlit sa katahimikan at bumasag sa pandinig ni Lion. Parang kutsilyong tumatarak sa utak niya ang bawat hagikgik nito. Paglingon niya ay tumambad ang leader na nanginginig ang balikat sa katatawa at kumikislap ang mga mata sa tuwa na para bang isang nakaaaliw na palabas ang nasasaksihan."Hahaha! Good job! Good job!" Pumalakpak pa ito. Mayamaya'y tumigil ito sa pagtawa at nagtatagis ang bagang na tumitig sa kaniya. "How foolish! Just like your father! Did you really think I'd let either of you walk out of here alive?" Ipinitik nito ang mga daliri, saka naman kumilos ang lalaking may hawak sa kaniyang
***"Belleza! What have you done?!" "S-sabi mo akin ka lang. Kaya akin ka lang dapat, Lion... Hanggang kamatayan!" Napaawang ang mga labi ni Lion at marahas na tinulak si Belleza palayo sa kaniya. Bumagsak ang babae na kaagad na bumaluktot sa sahig habang hawak ang sariling leeg at tiyan. Hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin at kaagad na dinaluhan si Caliste."Caliste!" "L-Lion..." Niyakap niya ito nang mahigpit. Nang dumaloy sa kaniyang kamay ang sariwang dugo mula sa sugat nito sa tiyan ay unti-unting nagbago ang expression ng kaniyang mukha. Biglang nanginig ang mga kamay niya."Aiuto!" Humigpit ang paghinga ni Caliste habang nakakapit sa roba ni Lion. "Lion, aiutami, per favore! Help me!" Help...'Help...''Help! Lion, aiutami, per favore!'Umalingawngaw sa tainga niya ang daing nito, paulit-ulit na parang sirang plaka. Napapikit siya at sa isang iglap ay tila bigla na lamang siyang nilunod sa kawalan at hinila ng malakas na pwersa patungo sa bangungot ng kaniyang nakaraa
MALALIM na ang gabi, tahimik at madilim. Mahimbing na ang tulog ni Belleza nang maulinigan niya ang ingay mula sa ibaba. Pupungas-pungas siyang bumangon. Wala si Lionzo sa kaniyang tabi at bukas ang pinto ng silid. Nasaan na naman kaya ito? Kinuha niya ang kaniyang manipis na roba at isinuot bago lumabas. Sa hagdan pa lang ay sumalubong na sa kaniya ang boses ng babae na tila lasing na nagwawala. "Lionzo, you promised me! You swore you'd only marry me! And now you're suddenly engaged to someone else?! Sabi mo, lalayo ka lang saglit at aayusin ang sarili mo, and I believed you! But why did you replace me?! Sei un bugiardo! Bugiardo!" (You're a liar! Liar!) Kumunot ang kaniyang noo. Kaagad na binalot ng katanungan ang kaniyang isip kung sino ang babaeng maingay na iyon. Bukod sa kaniya at sa kaniyang personal maid, wala nang ibang babaeng nakakapasok doon. Baka naman drama lang iyon sa TV. Baka nanonood si Salvatore. Pero tinawag nito ang pangalan ni Lion! Dahan-dahan siyang nag
"Kumusta siya?" Nangunot ang noo ni Mang Pablo nang bigla siyang magtanong dito. Sandali lang naman ang pagtataka sa maamong mga mata ng matanda at napalitan din agad iyon ng kakaibang kislap. "Si Lionzo ba?" "Oo." "Maayos na ang lagay niya." Napabuga siya ng hangin. May bahagi ng kaniyang
NANAGINIP AKO. Nagbago na raw si Lion. Mabait na ito... Hindi na siya nito sinasaktan. Sa katunayan ay hindi na nito kayang gumalaw nang hindi nahahawakan ang kamay niya. Palagi nitong hawak ang kamay niya, ayaw bitiwan. Alam niyang imposible. Pero gusto niyang samantalahin habang nasa loob siya n
Magdamag na hindi nagpakita si Lion. Ibig sabihin lang no'n, ligtas si Belleza pansamantala kaya naman naging maluwag ang paghinga niya buong gabi. "A-aray!" daing niya nang maramdaman ang sugat sa kaniyang pwet. Nahirapan siyang gumalaw dahil do'n. Kahit malapad at malambot ang kama ni Lion ay h
"Isa!" sigaw ni Belleza sa nagbabantang tono. Kumuyom nang mahigpit ang isang kamao ni Lion. "You're gonna regret this!" "Dalawa!" "Ma'am Belleza! Umalis ka na!" Bagaman nanghihina ay nakuha pa ring sumigaw ni Ethan. Sinulyapan niya ito na hirap na hirap na sa posisyon nitong bahagyang nakah







