FAZER LOGIN"Nakabalik ka na pala," marahang sambit ng ina ni Tyler nang maalimpungatan ito mula sa sofa.Sabay kaming napalingon ni Tyler sa gawi niya. Mukhang nagising siya sa pagtatawanan namin. Bahagya siyang bumangon, inayos ang kumot na nakatalukbong sa kanya, at naupo nang tuwid habang pinapasadahan ng kamay ang nagulo niyang buhok. Halatang antok na antok pa ang kanyang mga mata at medyo nangangapa sa liwanag."Bakit naman inabot ka na ng hatinggabi bago bumalik? Saan ka ba nagtungo, Tyler?" tanong niya habang humihikab nang bahagya."May inasikaso lang akong importante sa labas," kaswal at maikling sagot ni Tyler. "Thanks for accompanying Sophia, Mom. Umuwi ka na muna para makapagpahinga ka nang maayos. Halatang antok na antok ka na. Nasa labas pa si Axel sa lobby, magpahatid ka na sa kanya sa mansyon."Bumuntong-hininga si Mrs. Santibañez ago dahan-dahang tumayo mula sa sofa at bitbitin ang kanyang leather bag. "Mabuti pa nga. Matanda na talaga ang katawan ko at mahina na ako pagdating
Kanina pa ako walang kurap na nakatitig sa screen ng cellphone ko. Nakailang ulit na akong nagtipa ng mensahe para kay Tyler, pero sa huli, natatakot akong isend kaya muli ko rin itong binubura.Mag-aalas-onse na ng gabi pero hindi pa rin siya bumabalik dito sa VIP room. Alam kong labis siyang disappointed sa naging desisyon kong ilihim ang mga nangyaring kaganapan sa amin ni Rowan. Pero sana naman... pakiusap, huwag naman siyang tuluyang umiwas o maging cold sa akin. Hindi ako sanay na ganyan siya. Pakiramdam ko ay unt-unting hinuhukay at pinipiga ang dibdib ko sa tindi ng bigat.Muli akong napabuntong-hininga sa ikatlong pagkakataon, bago binalingan ng tingin si Mrs. Santibañez na tuluyan nang nakatulog sa sofa sa paghihintay. Ang sabi ni Tyler kanina ay babalik siya sa loob ng dalawang oras, pero mahigit tatlong oras na ang lumipas.Ibinaba ko na ang cellphone sa ibabaw ng bedside table at dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata upang piliting matulog. Kabilin-bilinan sa akin ni C
TYLER"Drive to Trajano's Steel and Engineering," mariin kong utos kay Axel pagkaupong-pagkaupo ko sa likod ng sasakyan."Yes, Sir," sagot ni Axel, bago mabilis na isinara ang pinto at pinaharurot ang kotse patungo sa kumpanya ni Rowan.Dahan-dahan kong pinatunog ang aking mga kamao sa loob ng tahimik na sasakyan habang nagngingitngit ang aking mga bagang sa tindi ng aking galit. That asshole has the guts to beg Sophia to take him back after everything he did to her. Kung hindi dahil sa katarantaduhan ng lalaking iyon at ng baliw niyang kabit, hindi sana nakaratay si Sophia sa ospital ngayon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa kanila ng anak namin dahil lang sa mga basura ng nakaraan niya.Kinuha ko ang kulay brown na envelope na nasa tabi ko. Naglalaman ito ng opisyal na termination contract letter na kakatapos ko lang ipahanda kay Anya. Tititiyakin kong bawat patak ng dugo ni Sophia ngayon ay babayaran ni Rowan ng higit pa sa buong pagkatao niya.Nang
"Kahit pa," mariing putol ni Tyler, ang boses niya ay seryoso ngunit mababa pa rin, halatang iniiwasan na huwag akong sigawan. "Dapat sinabi mo pa rin sa akin, Sophia. I'm your fiancé. May karapatan akong malaman ang bawat galaw at bawat pagtatangka ng lalaking yun na lumapit sa'yo. Even Anya didn't tell me anything! Ni wala akong kaalam-alam na ganoon pala ang nangyari sa loob ng korte noong nakaraan. Ang sabi mo lang sa akin ay malakas ang laban ninyo."Hindi na ako sumagot pa. Napayuko na lang ako habang pinaglalaruan ang gilid ng aking kumot. Siguro nga ay tama siya... dapat ay sinabi ko na lang sa kanya ang lahat ng nangyari. Pero ayaw ko naman kasi na bawat maliit na problema ay iatasa ko pa sa kanya. May sarili din naman siyang buhay at mabigat na responsibilidad. He is running a massive company. Ayaw kong isipin niya na pabigat ako, at ayaw ko rin naman na sa akin na lang umiikot ang buong mundo niya araw-araw.Sa gitna ng aming tahimik at tensyonadong pag-uusap, biglang may s
"Hindi ko naman kailangan ng private room rito sa ospital. Sana inuwi mo na lang ako sa mansyon," nakasimangot kong sambit habang maingat na nakasandal sa mga nakatambak na unan sa kama.Narito kami ngayon sa isang malawak na VIP room na agad na kinuha ni Tyler para sa akin matapos akong suriin ni Chloe at matagumpay na mapatigil ang aking pagdurugo. Mas lalong naging komportable ang silid, ngunit mas gusto ko pa ring magpahinga sa sarili naming kwarto."Hindi mo ba narinig ang mahigpit na bilin ni Chloe. You need complete bed rest and continuous medical monitoring. Kailangan mo ng sapat at payapang pahinga. Mas mabuti nang narito ka para masiguro nating ligtas kayong dalawa," seryosong giit ni Tyler habang nakaupo sa gilid ng aking kama, mahigpit na hinahawakan ang aking palad.Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang napatingin sa aking tiyan, bago iyon marahang hinaplos ng aking bakanteng kamay. Within the first two months of my pregnancy, I suffered two severe accidents. Dalawang b
"Dalhin niyo siya sa Emergency OB Suite," maawtoridad na utos ni Chloe sa mga staff.Nang marating namin ang pinto ng tanging mga doktor lang ang pwede, hinarang na ng mga nurse si Tyler. "Sir, hanggang dito na lang po kayo. Kami na pong bahala sa kanya.""T-Tyler!" umiiyak kong tawag sa kanya habang sapilitan kaming pinaglalayo."Hihintayin kita rito sa labas." Iyon ang huli kong narinig bago sumara ang pinto.Pinaligiran agad ako ng medikal na kagamitan. Kahit nanghihina ang buong katawan ko at ramdam ko ang lamig ng pawis sa aking noo, pinilit kong huwag pumikit. Natatakot ako na baka kapag ipinikit ko ang aking mga mata ay hindi ko na muling mayakap ang anak ko.Mabilis na nagsuot ng surgical gloves si Chloe at lumapit sa gawi ng hita ko, habang ang dalawang nurse ay abala sa pagsaksak ng IV line sa aking kaliwang kamay at pagkabit ng mga monitor sa aking dibdib."Chloe, please.. ang baby ko... huwag mong hayaang mawala siya. Nagmamakaawa ako sa'yo, Chloe, iligtas mo ang anak ko,"
"Mariel!"Isang pamilyar na boses ang dumagundong mula sa men's wear section. Agad akong napalingon at doon ay nakita ko si Rowan na galit na galit habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa amin. Dali-dali niyang dinaluhan si Mariel at ingat na ingat na itinayo ito na tila ba isang mamahaling
"Get everything you want," seryosong sabi ni Tyler habang nakatingin sa akin.Napaangat ako ng tingin sa kanya, tila hindi makapaniwala sa narinig. "Kahit ano?""Anything," sagot niya na para bang wala sa kanya ang pera kung magkano man ang gastusin ko.Inabot ni Tyler ang isang black card sa akin.
"Aren't you going inside?" tanong ni Tyler sa akin. "Kailangan pa ba kita buhatin papasok dito sa loob?"Napalunok ako at dahan-dahang sumakay sa sasakyan. Naupo ako sa tabi niya pero tila may malaking pader sa pagitan namin dahil ilang dangkal ang layo ko sa kanya. Hindi ko magawang tumingin nang
EIGHT YEARS AGO.Akala ko ang pagiging bankrupt ng kumpanya namin ang pinakamasaklap na balitang matatanggap ko. Pero kagabi lang nang sabihin ni Daddy na bata pa lang ako ay naipagkasundo na akong ipakasal sa isang lalaking nagngangalang Tyler Santibañez. Apo siya ng isa sa mga pinakakilalang busin







