MasukClara Santos POV
Isang itim na backless gown ang nakalatag sa kama ko. Kasama nito ang isang set ng mga dyamante na tila mas mabigat pa sa kadenang nakagapos sa puso ko. Inutusan ako ni Sebastian na mag-ayos. Ngayong gabi ang charity gala ng Vergel Foundation. Ang gabi kung saan kailangan naming i-flex sa mundo ang aming "masayang" pagsasama. Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin, hindi ko na makilala ang babaeng nasa harap ko. Ang dating masayahing Clara ay napalitan ng isang maputlang anino na balot ng karangyaan. Pumasok si Sebastian sa kwarto. Nakasuot siya ng tuxedo na lalong nagpadagdag sa kanyang nakakatakot na karisma. Tumayo siya sa likuran ko at pinanood ako sa pamamagitan ng salamin. “Wear the diamonds, Clara. Ayaw kong isipin ng mga tao na pinapabayaan ko ang asawa ko,” malamig niyang utos. Isinuot niya sa akin ang kwintas. Ang lamig ng metal sa balat ko ay naghatid ng matinding kilabot. Inilapit niya ang kanyang labi sa tenga ko. “Smile later. If I see even a hint of sadness on your face, your father will lose his privileges in the detention cell tonight. Understood?” Tumango ako nang bahagya. “Yes, Sebastian.” “Yes, who?” madiin niyang pagtatama. Huminga ako nang malalim, pilit nilulunok ang bara sa aking lalamunan. “Yes, Love.” Isang mapait na ngisi ang sumilay sa kanyang labi. “Good girl.” Pagdating sa venue, tila nag-iba ang anyo ni Sebastian. Sa harap ng mga camera at flash ng media, siya ang *perfect* na asawa. Ang kanyang kamay ay nakapulupot sa bewang ko, protektado at malambing sa paningin ng iba. “You look breathtaking tonight, Mrs. Vergel,” sabi niya habang may mga reporters na nakikinig. Hinalikan niya ang sentido ko, isang halik na punong-puno ng pagpapanggap. Naupo kami sa main table kasama ang ilang matataas na opisyal. Sa ibabaw ng mesa, hawak ni Sebastian ang kamay ko habang seryoso siyang nakikipag-usap tungkol sa negosyo. Pero sa ilalim ng mesa, ibang kwento ang nangyayari. Ang kanyang malapad na palad ay gumapang mula sa tuhod ko patungo sa aking hita. Napasinghap ako at muntik nang mabitawan ang wine glass na hawak ko. Ang haplos niya ay hindi banayad—ito ay madiin, nagmamay-ari, at tila nananakot. “Is something wrong, darling?” tanong niya, hindi inaalis ang tingin sa kausap niya, pero lalong humigpit ang hawak niya sa hita ko. Ramdam ko ang init ng kanyang palad sa manipis na tela ng aking gown. “W-wala,” nauutal kong sagot. Pinipilit kong huwag manginig habang ang kanyang mga daliri ay unti-unting umaakyat, sinusukat ang limitasyon ng aking pasensya. Ito ang laro niya. Gusto niyang makita kung gaano ako katagal makakapagpanggap habang binabastos niya ako sa harap ng maraming tao. Ang bawat haplos niya ay tila kuryenteng gumagapang sa katawan ko—isang halo ng galit at isang nakakahiyang pagnanasa na pilit kong itinatago. Natapos ang gabi na puno ng papuri para sa "perfect couple." Pero pagpasok pa lang sa limousine, agad na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Kinuha niya ang flask ng whiskey sa gilid at uminom nang diretso. Lasing siya nang bahagya, at ang kanyang mga mata ay naniningkit sa bawat tingin sa akin. Tahimik ang biyahe pauwi. Pagdating sa mansyon, hindi na niya ako hinayaang maglakad. Binuhat niya ako na parang isang kagamitan at dinala diretso sa kanyang master suite—hindi sa guest room kung saan ako natutulog. Pinuwersa niya akong inihiga sa kama. Ang amoy ng alak at ng kanyang matapang na perfume ay nakakahilo. “Sebastian, lasing ka na,” pagpigil ko nang magsimula niyang tanggalin ang kanyang tuxedo. “Lasing? Marahil. Pero sapat pa ang wisyo ko para kunin ang akin,” ungol niya. Sinunggaban niya ako ng mga halik na walang halong tamis, puno ng poot at pangungulila. Mabilis na gumalaw ang kanyang mga kamay, tinatanggal ang anumang hadlang sa pagitan ng aming mga balat. “Ayaw mo ba nito, Clara?” bulong niya sa gitna ng paghingal habang ang kanyang labi ay nasa leeg ko. “Don’t lie to me. Your body is trembling for me.” Hindi ako makasagot. Gusto kong lumaban, pero ang bawat pagdampi ng kanyang balat sa akin ay tila tumutunaw sa aking depensa. Sa loob ng kwartong iyon, nawala ang galit sa nakaraan. Ang tanging natira ay ang matinding tensyon sa pagitan naming dalawa. Isinuko ko ang lahat. Ang aking dangal, ang aking katawan, at ang huling piraso ng aking pagkatao sa lalaking pinaka-kinamumuhian ko. Sa gitna ng dilim, naramdaman ko ang bawat haplos at bawat linyang nag-uugnay sa amin sa isang paraang hindi ko inaasahan. Nakuha ni Sebastian ang gusto niya. Ipinakita niya sa akin kung sino ang tunay na may-ari ng gabing iyon. Pero nang matapos ang lahat, nang humupa ang init ng aming mga katawan, tumalikod siya sa akin nang walang pasabi. Humiga ako nang patagilid, yakap ang kumot na tila iyon na lamang ang tanging proteksyon ko. Sa gitna ng katahimikan ng madaling-araw, isang malamig na luha ang pumatak mula sa aking mata patungo sa mamahaling unan. I was officially his. In every way possible. At iyon ang pinakamasakit na reyalidad na kailangan kong harapin.Clara Santos POVIsang taon na ang lumipas mula nang buksan namin ang kiosk, at ang dating tahimik na kalsada sa tapat ng aming compound sa Maligaya ay naging isa na sa mga dinadayo rito sa probinsya. Ngayong hapon, nakaupo ako sa veranda ng aming bagong gawang bahay—isang modernong istilo pero nananatiling bukas at presko. Hawak ko ang aking laptop, pero hindi na lang simpleng inventory ang tinitignan ko; tinitignan ko na ang blueprints para sa pangalawang processing plant na itatayo namin sa kabilang sityo."Hon, kailangan mo na bang mag-send ng confirmation kay Mr. Reyes? Tumatawag ang secretary niya, tinatanong kung kailan 'yung ribbon cutting nung bagong plant," tawag ni Sebastian mula sa garden.Kasalukuyan siyang naglalaro kasama ang aming anak sa damuhan. Ang saya-saya nilang tignan. Si Sebastian ay mukhang mas bata at mas relax kaysa noong nasa Manila pa kami. Ang pagod niya ngayon ay pagod na may kasamang fulfillment."Naka-send na, Sebastian. Sabi ko sa susunod na buwan na,
Clara Santos POVAlas-otso y medya pa lang ng umaga pero ang tapat ng aming compound ay buhay na buhay na. May mga makukulay na banderitas na nakasabit mula sa gate hanggang sa bubong ng kiosk, at ang amoy ng sariwang kape at ginigisa naming bawang ay humahalimuyak sa hangin. Ito na ang araw na pinaghandaan namin ng ilang buwan—ang opisyal na pagbubukas ng aming kauna-unahang physical store sa Maligaya."Diana, 'yung ribbon! Nasaan na 'yung gunting na may gold ribbon?" tawag ko habang inaayos ang pagkaka-display ng mga gift sets sa main counter."Nasa tabi ng register, Ate! Wait lang, tinitignan ko lang itong live feed. May thirty people na agad na nanonood kahit hindi pa tayo nagsisimula!" excited na sagot ni Diana habang hawak ang kanyang phone na nakakabit sa stabilizer.Lumabas si Sebastian mula sa bahay, suot ang kanyang bagong linen shirt. Mukha siyang seryoso pero kitang-kita sa mga mata niya ang pride. "Clara, dumating na sina Mang Carding at 'yung iba pang partner farmers nat
Sebastian POVAlas-singko pa lang ng madaling araw, gising na ako. Hindi dahil sa alarm clock, kundi dahil sa halo-halong excitement at kaba na nararamdaman ko para sa grand opening ng kiosk bukas. Lumabas ako sa veranda bitbit ang isang mainit na tasa ng kape. Ang Maligaya ay nababalot pa ng manipis na fog, at ang tanging naririnig ko lang ay ang tilaok ng mga manok sa malayo at ang mahinang huni ng mga ibon.Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang kiosk sa tapat. Kahit patay ang ilaw nito ngayon, alam ko ang bawat detalye ng loob niyon dahil ako mismo ang nagpako ng bawat shelf at nag-pintura ng counter. Ito ang bunga ng pangarap namin ni Clara na nagsimula lang sa dalawang kawali sa isang maliit na kusina sa Maynila."Ang aga mo na naman, Hon. Hindi ka ba nakatulog?"Naramdaman ko ang mainit na yakap ni Clara mula sa likuran ko. Humarap ako sa kanya at ngumiti, kahit medyo inaantok pa ang mga mata niya."Medyo. Iniisip ko lang kung sapat na ba 'yung parking space sa tapat. Baka kasi
Clara Santos POVMiyerkules ng hapon, at ang init ng sikat ng araw ay tila hindi iniinda ng mga tao sa paligid ng aming compound. Busy ang lahat sa paghahanda para sa grand opening ng kiosk sa Sabado. Sa gilid ng garahe, nakita ko si Sebastian na tinutulungan sina Rico at Ben na mag-assemble ng mga karagdagang wooden shelves para sa mga display units."Hon, dahan-dahan dyan sa kanto. Baka magasgas 'yung finish nung kahoy, sayang naman," paalala ko habang lumalapit sa kanila, bitbit ang isang tray ng malamig na tubig."Don't worry, Clara. Nilagyan namin ng masking tape 'yung mga kanto para safe. Rico, paki-hawakan muna itong kabilang side, hihigpitan ko lang 'yung screw sa ilalim," sagot ni Sebastian na nakaluhod sa semento.Inilapag ko ang tray sa bench sa tabi nila. "O, uminom muna kayo. Masyadong mainit, baka ma-dehydrate kayo dyan.""Salamat, Ma'am Clara! Tamang-tama po ito, medyo tuyo na rin 'yung lalamunan ko sa alikabok," sabi ni Rico habang kumukuha ng baso. "Sir, pagkatapos po
Clara Santos POVLunes ng umaga, at ramdam ko pa ang pagod sa aking mga binti mula sa weekend expo, pero ang energy sa loob ng aming munting opisina sa Maligaya ay abot-langit. Nakatambak sa lamesa ang mga business cards, flyers, at ang pinakaimportanteng dokumento sa lahat—ang draft contract mula sa hotel group ni Mr. Reyes."Hon, kape mo. Kanina ka pa nakatitig dyan sa third page. May problema ba sa terms?" tanong ko kay Sebastian habang inilalapag ang tasa sa tabi ng laptop niya.Uminom muna si Sebastian bago tumingin sa akin. Medyo seryoso ang mukha niya pero may halong ngiti. "Wala naman, Clara. Actually, masyadong maganda 'yung offer. Gusto nila ng exclusive supply para sa tatlo nilang branches dito sa Luzon. Ang concern ko lang, kailangan nating mag-deliver ng at least 800 bottles every two weeks. Kayang-kaya nina Ate Tess 'yun, pero 'yung inventory natin ng bote at stickers, kailangang laging advance.""Kausap ko na si Diana kanina tungkol dyan. Sabi niya, may supplier daw siy
Clara Santos POV Sabado ng umaga, at ang sikat ng araw sa labas ng malaking convention center sa Manila ay nagsisimula nang tumindi. Pero sa loob ng hall, ramdam ang lamig ng industrial aircon at ang nakaka-excite na ingay ng mga exhibitors na nag-aayos ng kani-kanilang mga booth. Nakatayo kami sa Booth 42—ang pwesto ng Sebastian’s Spice. "Hon, 'yung centerpiece na basket ng mga tuyong sili, i-move mo nang konti sa left. Masyadong natatakpan 'yung Garlic-Heavy variant," puna ko habang inaayos ang pagkaka-display ng aming mga flyers. Inayos ni Sebastian ang basket at tumayo nang tuwid para tignan ang kabuuan ng aming pwesto. "Ayan, okay na ba? Diana, 'yung monitor, gumagana na ba 'yung loop video?" "Yes, Kuya! Kita niyo, ang ganda nung shots nina Rico habang nag-a-ani sa farm. It gives that authentic farm-to-table vibe," sagot ni Diana habang tinitsek ang audio level ng maliit na speaker. "Ate, ready na rin 'yung QR codes for the online shop. Kung maubusan tayo ng physical stock, p
Clara Santos POV Nagising ako kinaumagahan na nasa rocking chair pa rin. Masakit ang leeg ko at medyo naninigas ang binti ko. Napansin ko ang isang makapal na kumot na nakabalot sa akin. Si Sebastian. Kahit nag-aaway kami, hindi niya nakakalimutang siguraduhin na hindi ako lalamigin. Dahan-daha
Clara Santos POV Alas-onse na ng gabi pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame habang nararamdaman ang bawat galaw ni Lucas sa loob ng tiyan ko. Limang buwan na, at ramdam ko na ang bigat sa bawat pag-ikot ko sa kama. Sa kabilang kwarto, naririnig ko a
Clara Santos POV Pagkaalis ni Sebastian, hindi ako mapakali. Ang mga salita ni Sister Agnes sa telepono ay parang sirang plaka na paulit-ulit sa isip ko. Kung si Julian pala ang architect na kasama ni Papa sa project na gumuho, bakit ngayon lang siya nagpakita? At bakit parang takot si Sebastian
Clara Santos POV Nakatayo lang kami sa gitna ng kusina. Ang tanging ingay ay ang mahinang pagpatak ng tubig mula sa gripo at ang tunog ng hangin sa labas. Hawak ni Sebastian ang kanyang cellphone nang napakahigpit, habang ako naman ay nakatingin sa mga bubog ng baso sa sahig. "Spam nga lang 'yu







