Mag-log in"WHAT the heck?! Get off of me!" Gulat at nagpapanic na itinulak ni Aryennah ang weirdong lalaking biglang nangahas na yumakap sa kanya.
Ngunit hindi nagpatinag ang lalaki, mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagyakap sa kanya. "No... I've been waiting and looking for you for so long," pagmamatigas pang sabi ng lalaki. Kababalik lang ni Aryennah galing banyo para pakalmahin ang sarili, ngayon pinagsisihan niya na kung bakit bumalik pa siya at lumapit sa iniwang table na inuukupa nila ng kuya Archer niya. "Leon, what do you think you are doing, man?" Narinig niyang pagsasalita ni kuya Archer. Halatang tuluyan ng nakabawi mula sa pagkagulat dahil sa ginawa ng weirdong lalaki. Akmang hihingi pa sana siya ng saklolo kay Kuya Archer kahit labag man sa kalooban niya, ngunit naunahan siya nito. Kusang lumapit si Kuya Archer at saka marahas at walang kaingat-ingat siyang hinila sa braso palapit dito. "Aray!" Daing ni Aryennah. Kung makahila naman kasi si Kuya Archer, parang sa 'kanya pa ito nagagalit. Tumayo si Kuya Archer sa harapan niya, tila tinatago at pinoprotektahan siya mula sa weirdong lalaki na tinatawag nitong Leon. "Hijo? What's the problem?" Halos mapairap si Aryennah nang marinig ang boses ng Lola niyang si Dorothea. Ngunit natigilan siya nang makitang sa kanya pa rin nakatingin si Leon. "S-she's Ari, right?" Halata ang kaba at pag aaalinlangan tanong ni Leon. Tahimik lang si Aryennah nakatingin kay Leon, kaya malinaw niyang nakikita ang pangungulila, lungkot at galak sa mga mata nito. Napakunot noo si Aryennah. Kahit itaya man ni Aryennah ang buhay ng kanyang lola, never niya talagang nakita, nakilala o nakausap si Leon. "Bro? What are you talking about?" Tanong ni kuya Archer. Tipid na tumango si Aryennah bilang sang-ayun sa sinabi ni Kuya Archer. "Don't tell me... siya yung palagi mong kinikuwento mo sa'min?" Biglang pagsasalita ni Kuya Caden. "What happen? Why are you all standing?" Lasing na tanong ni kuya Thomas. "Fuck, I'm dizzy," dagdag nito habang sapo ang sariling ulo. Napangiwi si Aryennah. Sila Kuya Caden at Kuya Thomas ang dalawa sa mga nakilala ni Aryennah kanina. Napag-alaman niyang matagal ng best friends ang mga ito ng Kuya Archer niya. Kung hindi pa nagkusang magpakilala sila Kuya Caden at Kuya Thomas sa kanya ay baka si stranger 1 at stranger 2 pa rin ang tawag niya sa mga ito. Ang mabait niya kasing Kuya Archer, tinrato siyang hangin na hindi kailangan pang ipakilala sa mga kaibigan nito. "Ari... Hindi mo na ba ako naalala o namumukhaan? Ako ito, si Leo." Nakangiti ngunit halatang kabadong sabi ni Leon kay Aryennah. Muling napatingin si Aryennah sa kanya. Mariin siyang umiling. Kahit gaano man pigain ni Aryennah ang isip niya at halukuyin ang memorya niya. Wala talaga siyang naalalang Leo at higit sa lahat hindi niya ito kilala. Sa katunayan nga ay ito ang unang pagkikita niya kay Leon. "I'm sorry. But perharps you mistook me with someone. I don't really know you." Direktang sagot ni Aryennah. Hindi maiwasan makaramdam ng konting konsensya nang makita niya ang dumaang sakit at dismiyado sa mukha ni Leon. "Hijo, Leon. What are you really talking about? Do you know my granddaughter?" Kalmadong tanong ng Lola ni Aryennah. Tuluyan nang hindi mapigilang mapairap sa hangin si Aryennah. Halos magsitayuan ang mga balahibo niya sa sobrang mahinahon ng boses ng kanyang Lola. Kung pwede lang takpan ni Aryennah ang bibig ng kanyang lola, baka matagal niya ng ginawa ito. "Yes, Mrs. Kalem." Mabilis na sagot ni Leon. Umikot ang mga mata ni Aryennah sa narinig. "Kailan ba ito matatapos?" Tanong ni Aryennah sa kanyang isip. "Really, hijo? How?" Interesadong tanong ng Lola Dorothea.. Mahinang napabuntong hininga si Aryennah. "Actually, nineteen years ago, I met a young girl while where my family decided to have a vacation from the country side. This girl introduced herself as Ari." Nakangiting pagkwekwento ni Leon. Halata ang kasiyahan sa mukha nito. Matiim na nakatingin si Aryennah kay Leon. Kinain siya ng pagtataka nang makita niya ang bahagyang pamumula ni Leon. "And we promise that we will married once we are in the right age." nahihiyang dagdag nito saka bahagyang kinamot ang batok. Napatulala si Aryennah. Aaminin niyang namangha siya. Dahil sa ganung katagal, hanggang ngayon ay naghihintay pa rin si Leon sa babaeng nakilala nito no'ng bata pa ito. "Pero hin---" natigil si Aryennah sa pagsasalita nang bigla siyang hinawakan ng kanyang Lola sa kamay. "Ari, hija..." Mabilis na nagsipagtayuan ang mga balahibo ni Aryennah sa itinawag ng Lola. "Siguro masyado ka pang bata that time kaya hindi mo pa naalala. But your mom once told me that you met a little boy when you're in vacation with her." Pagkwe-kwento nito. Napanganga si Aryennah. "Huh? Ano'ng pinagsasabi niya?" Naguguluhang napatanong sa isip si Aryennah. "La," Narinig niyang tawag ni kuya Archer sa lola nila. Subalit hindi ito pinansin ng Lola. Nakangiti lang itong nakatingin kay Leon. At sa hindi malamang dahilan, masama ang naging kutob ni Aryennah sa mga ngiti ng kanyang Lola. Mas lalong nakumpirma ang masamang niyang kutob nang hinawakan ng lola ang kamay ni Leon at saka maingat na pinahawak ito sa kamay ni Aryennah. Nagulat pa si Aryennah nang maramdaman ang pagpisil ni Leon sa kamay niya. Hindi makapaniwalang tiningnan ni Aryennah si Leon. Mabilis na sumalubong sa kanya ang masaya nitong mukha. "Hijo, I think you really finally found her. She's Aryennah but we call her, Ari." Sabi bigla ng Lola. Mabilis napatingin si Aryennah sa Lola niya. Gusto niyang sigawan at itanong ito kung nahihibang na ba ito, ngunit wala siyang nagawa nang tiningnan siya na puno ng pagbabanta sa kabila ng may matamis na ngiti sa labi nito. "Everyone! Let's give cheers for the reuniting of the childhood sweethearts who didn't meet for such a very long time." Puno ng galak na sabi ng Lola sabay itinaas ang isang champagne flute na kinuha sa kalalapit lang na server. Doon lang napagtanto ni Aryennah na maraming tao na palang nakatingin sa kanila at kaniya-kaniyang taas agad sa mga hawak nilang flute. "Cheers mga apo! I can't wait for tomorrow." Nakita ni Aryennah na kumuha si Leon ng inumin saka maingat na nakipag-cheers sa Lola niya. "Cheers for our reuniting, Ari." Nakangiting sabi ni Leon sa kanya. "What the heck is happening?""How's the preparation of the wedding, Ari." Tanong ni Lola Dorothea nang pumasok ito sa silid ni Aryennah.Pagod na bumuntong hininga si Aryennah."Are you okay, old woman?" Buryong tanong ni Aryennah.Nakita ni Aryennah ang pagkunot noo ng kanyang Lola."What the heck are you talking about, Aryennah?" Tila nagsisimula ng maubusan ng pasensyang sabi ni Lola.Over acting na napasinghap si Aryennah."Thank God. You're still in the right mind. I thought you are starting to forget things, because of your old age.""Aryennah! Umayos ka nga! If you're not going to behave, do you think your Father will be happy?" Natigilan si Aryennah. Nawala rin ang pang-aasar na ngiti sa labi niya."Do you forgot about him now? We both knew how he cherished the company. And I know if wherever my son is. I know he was proud of you knowing that you're stepping up to help the company." Bahagyang gumaragal ang boses ng kanyang Lola. Tumingala ito na tila pinipigilang tumulo ang nagbabadyang mga luha.Gustuh
"Ari, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Leon kay Ari.Napansin ni Leon ang kanina pang pananahimik ni Ari.Nasa isang botique sila. Kasalukuyang namimili ng susuotin sa darating na engagement party nila."Ilang beses ko bang sabihin sa 'yo na hindi ako si Ari, Leon. At ngayon lang kita nakilala." Walang emosyon sabi ni Ari.Napabuntong hininga si Leon. Hindi niya na halos mabilang kung ilang beses na ginigiit ni Aryennah sa kanya na hindi ito ang Ari na kilala niya."If you're not the Ari that I'd known. Then who is she? Unless you have a twin sister, that makes me believe you." Pagmamatigas ni Leon.Nakatuon lang ang paningin ni Leon kay Ari. Kaya nakita niya kung paano ito natigilan."I... I have a twin sister, I don't have many memories of her but all I know she passed away when we're still 5 years old." Mahinang sagot ni Ari.Natigilan si Leon. Hindi inaasahan ang narinig at nalaman. "Damn. Why didn't Archer tell me about this?" napatanong si Leon sa sarili."I'm sorry." Tang
"What are you scheming this time, old woman?!" stressed na sabi ni Aryennah nang walang babala siyang pumasok sa loob ng silid ng kanyang Lola.Naabutan niya itong pinagsisilbihan ng mga katulong. Mula sa pagsusuot ng damit hanggang sa paglalagay ng kolorete sa mukha nito. "What?" "'Don't treat me like a fool! We both know na hindi ako si Ari na kilala ng Leon na iyon. At kahit kailan malabong magiging ako yun dahil in the first place, never pa akong nakasama si Mommy para magbakasyon." "Don't mention that woman, Aryennah!" Biglang nawala ang kalmadong pose ng Lola.."You can't do this to me, old woman! Hinayaan na kitang kontrolin ang buhay ko sa loob ng maraming taon, pero ngayon hindi ako papayag na makulong sa plinaplano mo." Buong tapang na pagmamatigas ni Aryennah.Hindi niya na hinintay pang makapagsalita ang kanyang Lola. Agad siyang tumalikod at lumabas ng silid nito.Buong buhay ni Aryennah, nakakulong siya sa hawla ng kanyang Lola. Hawak siya palagi nito sa leeg. Kinokon
"WHAT the heck?! Get off of me!" Gulat at nagpapanic na itinulak ni Aryennah ang weirdong lalaking biglang nangahas na yumakap sa kanya.Ngunit hindi nagpatinag ang lalaki, mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagyakap sa kanya."No... I've been waiting and looking for you for so long," pagmamatigas pang sabi ng lalaki.Kababalik lang ni Aryennah galing banyo para pakalmahin ang sarili, ngayon pinagsisihan niya na kung bakit bumalik pa siya at lumapit sa iniwang table na inuukupa nila ng kuya Archer niya. "Leon, what do you think you are doing, man?" Narinig niyang pagsasalita ni kuya Archer. Halatang tuluyan ng nakabawi mula sa pagkagulat dahil sa ginawa ng weirdong lalaki.Akmang hihingi pa sana siya ng saklolo kay Kuya Archer kahit labag man sa kalooban niya, ngunit naunahan siya nito. Kusang lumapit si Kuya Archer at saka marahas at walang kaingat-ingat siyang hinila sa braso palapit dito."Aray!" Daing ni Aryennah.Kung makahila naman kasi si Kuya Archer, parang sa 'kanya pa ito na
"PROMISE, Ari. Kapag nasa tama na tayong edad. Ipangako mo sa'kin na ako lang ang papakasalan mo." Sabi ng batang Leon habang maingat na isinuot ang ginawa niyang flower ring sa ring finger ni Ari na siyang kaharap niya."I promised, Leo." Tumango at nakangiting sagot ni Ari. Lumawak ang ngiti ni Leon, at saka tuluyan ng tinapos ang pagsuot ng singsing kay Ari."Panghahawakan ko ito hanggang sa paglaki ko, Ari." Itinaas ni Leon ang hinliit na daliri. Nakangiting ipinagdikit naman ni Ari ang sariling daliri at saka pinag-pinky swear ito. Tila'y sa pamamagitan na iyon ay magiging kandado sa kanilang pangako sa isa't isa.Akmang magsasalita sana si Ari nang mapatigil ito nang marinig ang pagtawag ng ina sa may di-kalayuan. Napatingin din si Leon dito."Mauna na muna ako, Leo. Tinatawag na ako ni Mommy." Tumayo si Ari kaya napatingala si Leon para tingnan ito.Hindi man lang hinintay ang magiging sagot niya, dahil nagmadaling naglakad paalis at patakbong lumapit sa ina si Ari."Mag-iing







