“Damn!” inis na sabi ni Terrence matapos niyang ibuga ang kape na kakahigop lang niya. Bwisit siya, ako ang nagtimpla non! “Gusto mo ba akong magkasakit ng diabetes?”
“Hindi niyo naman sinabi na no sugar,” simpleng tugon ko ngunit tinitigan niya lang ako ng masama bago pumindot sa intercom. “In my office, NOW!”
Maya-maya lang ay pumasok na si Warren matapos ang tatlong warning knock.
“Sir,” sabi niya ng nakatayo na sa harap ng table ni Terrence.
“Hindi mo ba sinabi sa kanya kung anong klase ng kape ang gusto ko?” tanong ni Terrence sa bagong dating.
“I’m sorry, Sir. Ang akala ko po ay sasabihin niyo rin kay Evelyn, kagaya noong bago pa lang ako. I’ll brief her sa mga bagay na gusto niyo.”
“No need!” awat ng hambog na lalaki bago nagbaling ng tingin sa akin. “Make me another cup, 1 teaspoonful of coffee. No sugar, no creamer.”
“Yes, Sir.” Tapos ay dinampot ko ang tasa ng kape na una kong ginawa. Lumabas na ako ng kanyang office at nagpunta na ulit sa pantry para igawa siya ng panibago.
Kanina ng dumating siya ay nilagpasan niya lang ako matapos naming magkatitigan. Hindi ko alam kung nakalimutan na niya ako, pero sa tingin ko ay mabuti na ang ganon kahit na nakakainis dahil parang tinapakan niya ang pride ko lalo at grabe ang naging bangayan namin noong panahong nag-aaral pa lang kami.
Now that he’s my boss, gusto kong umatras na. Ayaw kong magpa-ilalim at maging sunod-sunuran sa kanya ngunit malaki talaga ang pasahod niya at nagsimula na akong magplano kung paano makakabayad sa hospital bill ni Mommy.
“Kainis!” wala sa sarili kong sabi. “Magtiis ka lang Evelyn, para sa Mommy mo.. tiis-tiis…” bulong ko sa aking sarili bago ako bumalik sa office ng hambog na ‘yon.
Pagpasok ko ay busy sa pag-uusap sina Warren at Terrence ng nilapag ko ang kape niya sa table.
“Make sure na makipag-coordinate ka sa EA ko sa MH para masabihan ang mga secretary ko doon ng tungkol sa schedules ko para maiayos ni Evie ng walang problema,” sabi ng hambog.
Teka, Evie? Saan nanggaling ‘yon? Anong karapatan niya na tawagin ako ng ganon? Hindi ko napigilan ang pagsasalubong ng aking mga kilay, saktong tumingin sa akin si Terrence.
“Is there a problem?” tanong niya.
“If you’re referring to me as Evie, I like to remind you that my name is Evelyn.”
“‘Wag mo na akong bigyan pa ng isipin sa itatawag ko sayo. Maigi na yon kaysa “hoy” ang gamitin ko.” Parang wala lang ang tugon niya. Talagang pinamukha niya sa akin na wala akong halaga at empleyado lamang niya ako.
Naikuyom ko ang aking kamao sa inis.
“Warren,” baling niya sa kanyang EA na dati yatang boyscout dahil laging handa kung umasta. “Are you sure na kaya mo na ang trabaho mo kahit na mag-isa ka lang?”
“Okay lang, Sir.”
“Just tell me kung kailanganin mo ng iba pang kamay at kukuha agad tayo,” sabi pa ng hambog na tinanguan ng lalaki na nagpaalam na rin pagkatapos.
“Evie,” tawag na naman niya sa akin. Nag-init ang bumbunan ko dahil doon. “Binigay na ni Warren sa mga secretary ko dito at sa Montemayor Holdings ang email address mo. Everyone will be sending you lahat ng possible appointments ko kaya i-manage mo iyon ng maayos dahil ayaw ko ng may nakakaligtaan.”
“Yes, Sir.” Napatiimbagang ako kasabay ang pagkuyom ng aking kamao. Shit, hindi ko matanggap na kailangan ko siyang sundin at sa kanya nakasalalay ang kahit papaano ay pagbuti ng kalagayan ng pamumuhay ko lalo na ng hospital bill ni Mommy.
“You can leave.” Yun lang at lumabas na ako para bumalik sa aking pwesto. First day pa lang ng trabaho ko pero palagay ko ay drain na drain na ako simply because si Terrence ang amo ko. Ang nakakadagdag stress pa ay alas dyes pa lang ng umaga!
Naupo na ako sa harap ng aking computer at nagsimula ng mag-ayos ng schedule ng hambog dahil may nakita na rin akong email na nagsasabing secretary daw sila ni Terrence from MH, short for Montemayor Holdings.
Sa lahat ng ayaw ko ay ang mapulaan ako sa aking trabaho lalo na niya dahil mahigpit pa rin ang paniniwala ko na ako dapat ang highest honor noong junior high school kami ngunit dahil sa donasyon ng kanyang ama na napakaraming computer set sa school library ay biglang siya ang nagbigay ng speech sa aming graduation.Hindi sa pagiging bitter, but I worked hard for my grades. Tapos ay aagawin lang ng hambog na ‘yon ang dapat sana ay reward sa mga paghihirap ko?
Pikitmata ginawa ko ang aking trabaho. Naiinis man ay kailangan kong lunukin ang pride ko pati na ang lahat ng sinabi ko noon na hinding hindi ako lalapit sa kanya. Ni ayaw ko nga sanang makasama siya sa iisang lugar, ngunit sadyang mapaglaro ang mundo dahil naging personal assistant pa niya talaga ako.
11:30 am ay biglang tumunog ang telepono sa harap ko. Inangat ko ang receiver at ganon na lang ang pagtirik ng mga mata ko ng marinig ang boses ng hambog.
“Get ready, sa labas tayo magla-lunch.” Iyon lang at tinapos na niya ang tawag, ni hindi man lang ako hinayaang makapagsalita.
Kakain daw kami? Paano akong mabubusog kung siya ang kaharap ko? Eh di gutom lang ang aabutin ko nito!
Mabilis na lumipad ang tingin ko sa pintuan ng opisina niya. Alam kong one sided mirror ang wall at maaaring nakikita niya ako, pero hindi naging dahilan yon para hindi ko siya panlisikan ng mga mata. Gusto kong malaman niya na hindi ako natutuwa sa kanya.
Anong naisipan niya at kailangang sa labas pa kami mag-lunch? Don't tell me bigla niyang na-realize na mali pala siya?
Huh! Anong akala niya sa akin? Dahil lang sa lunch ay makakalimot na? Pwes, hindi ko kailangang paghandaan ‘yon. Kumain siyang mag-isa.
Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho at hindi ko na namalayan na lumabas na pala ng kanyang opisina ang hambog. Nagulat na lang ako ng bigla niyang katukin ang table ko dahilan upang mag-angat ako ng tingin.
“Hindi ka pa ready kahit na sinabihan na kita?” Halata ang pagkaasar sa mukha niya, kita kong hindi niya nagustuhan ang pag-ignore ko sa utos niya.
“Hindi ko kailangan kumain kasama ka, SIR.” Mataray ang pagkakasabi ko at talagang diniinan ko ang huling salita dahil baka isipin niyang hindi ko siya ginagalang.
Napansin ko ang pag-iling niya kasabay ang paghilot ng kanyang sentido gamit ang hinlalaki at middle finger na akala mo ay sumasakit ang ulo.
Magsasalita sana ako ngunit biglang dumating si Warren.
“Let's go, Evelyn. May lunch meeting tayo with a client.”
Natigilan ako tsaka tumingin kay Terrence na ngayon ay nakataas ang kilay na para bamg sinasabi niyang ambisyosa ako.
Shit! Parang napaka-assuming ko! Ang akala ko ay kami lang ng hambog, yun pala ay kasama ang kanyang EA at kliyente!
Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko at kainin na lang ng sahig. Ang yabang ko pa kanina!
“Turn around,” sabi ni Terrence ng hindi inaalis ang tingin sa akin. Yung mata ko ay talagang tumirik at inakala kong hindi niya iyon nakita dahil nakatagilid na ako ng gawin ko ‘yon at wala din siyang sinabi.“Masyadong malalim ang pagka-backless, Claire.” Grabe naman! Hindi din ako mahilig sa revealing na dress pero sa palagay ko ay hindi naman masyado. Kalahati lang ng likod ko ang nakalitaw at alam ko yon dahil dama ko ang lamig ng aircon.“Sige, I'll let her try another one.”Pagkasabi ni Claire non ay muli niyang sinara ang kurtina ay tinulungan akong hubarin ang suot ko.Maganda sana iyon. Parang filipiniana ang dating dahil sa manggas nito. Ang neckline ay hindi rin malalim, sapat para malagyan ng accessory ang leeg ko kagaya ng kwintas o kaya naman ay choker.Hapit din iyon sa katawan ko pero dahil sa elegant design nito ay hindi malaswa ang dating kahit na nga malaki ang aking dibdib, balakang at pang-upo.Ang pinaka-skirt ay humahagod pababa. Masikip, papaluwag hanggang sa
“Sir, sa Saturday na po ang party para sa formal announcement ng pagiging CEO mo ng Montemayor Holdings. Gusto ng Daddy niyo na mailipat na rin ang office ng Nylerret sa building ng MHI para hindi ka na raw mahirapan.” Nasa receiving area kami ng office ni Terrence bandang alas diyes ng umaga. Breaktime sana, pero itong amo ko ay gustong sulitin ang binabayad sa akin kaya coffee break with meeting ang peg namin. “Ayaw ko sana doon,” tugon ng hambog. “Sa palagay ko ay mabuti kung doon na rin ang office natin, Sir. Mas madali makipag-coordinate. Sa pagkakaalam ko rin ay nasa anim na palapag pa ang bakante sa building. Baka ito na rin ang oras para sa plano mong expansion na game development.” Sa palagay ko ay may punto si Warren. Makakatipid pa si Terrence sa expenses dahil pag-aari nga nila ang building at higit sa lahat, ang pagkakaalam ko ay maganda ang facility ng building ng Montemayor Holdings kaya hindi na siguro ako makakaranas na mahintuan ng elevator dahil sa power shorta
Shit, nakakagigil. Alas otso pa ang time pero putik, alas kwatro pa lang ay ginising na ako ng hambog. Mag-e-exercise daw siya at gusto niya na pagnatapos siya ay handa na ang agahan.“Why don’t you eat?” tanong pa sa akin ng magsimula siyang sumubo.“Pagkatapos mo na, SIR.”“Masama ba ang loob mo na ginising kita ng maaga?” Nagtanong pa talaga ang hambog. Pero syempre, hindi ko pwedeng sabihin na “oo”.“Bakit naman sasama ang loob ko eh bayad ako?” Binitawan niya kutsara at tinidor at tsaka ako tinitigan.“Kung hindi ka kakain ay umalis ka sa harapan ko,” madiin niyang sabi. At bakit ko naman tatanggihan ‘yon? Mabilis akong tumalikod at nagpunta sa aking silid.Dahil wala naman akong ibang gagawin ay nagdesisyon na lang akong magsimula ng gumayak para pumasok. Naligo na ako ngunit pambahay pa rin ang sinuot ko. Alas singko y medya pa lang naman kasi.Paglabas ko ng aking silid ay binalikan ko sa dining area si Terrence at napansin kong nandoon pa rin siya.“Anong susuotin mo, SIR?” M
“‘Wag mo akong tingnan ng ganyan,” sabi ko kay Casey habang isa-isa kong nilalagay ang aking mga damit sa maleta. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto ng Terrence Montemayor na ‘yon.“Nag-aalala lang naman ako sayo,” mahina niyang tugon. “Pero naiintindihan ko dahil nakakalula talaga ang sweldo mo kaya ang hirap pakawalan lalo at sinisingil ka na rin ng hospital. Kaya lang Bestie, sure ka ba na kakayanin mo? Paano kung pahirapan ka ng Terrence na yon?”Huminga ako ng malalim at tsaka nag-isip. ‘Yan din ang inaalala ko, pero kahapon maghapon ay hindi ko naramdaman na pinersonal niya ako.“Hindi naman ako papayag sa hindi makatwirang pagtrato and I'm sure alam nya rin ‘yon.”“Sabagay, mapagpatol ka pa naman. Nang magsabog yata ng pasensya ang Diyos ay nagpayong ka na, nagkapote ka pa. Ayan hindi ka man lang naambunan at kahit konti ay wala kang nasalo.”Tinawanan ko na lang ang sinabi niya dahil may katotohanan naman din. Kaya kung iniisip ng hambog na ‘yon na maalipusta
“Hindi ko akalain na marami ka pa lang kasama, Mr. Montemayor.” Ngumiti si Terrence sa sinabi ng matandang negosyante na kaharap namin ngayon.“I always bring my assistants sa tuwing may client meeting. Mas gusto ko na alam nila ang mga bagay bagay para hindi sila natutulog sa pansitan kapag kinakausap ko sila.”“Marami kang assistant,” puna ng matanda na kung makatingin sa akin ay akala mo may nais ipahiwatig na hindi ko nagustuhan.“Warren has been with me ng simulan ko ang Nylerret, while Evelyn started today so don't scare her, ayaw ko ng papalit-palit ng staff o magkaroon ng kahit na anong hindi magandang relasyon sa aming kliyente.” Seryoso ang mukha ng hambog at kahit na di hamak na napakabata niya kumpara sa kaharap ay napansin ko ang pangingilag ng matanda matapos siyang magsalita. Pero teka, anong hindi magandang relasyon ang sinasabi niya? Iniisip ba niya na pwede akong lumandi sa matandang ito?O baka naman napansin din niya ang tingin na pinupukol sa akin ng kliyente kay
“Damn!” inis na sabi ni Terrence matapos niyang ibuga ang kape na kakahigop lang niya. Bwisit siya, ako ang nagtimpla non! “Gusto mo ba akong magkasakit ng diabetes?”“Hindi niyo naman sinabi na no sugar,” simpleng tugon ko ngunit tinitigan niya lang ako ng masama bago pumindot sa intercom. “In my office, NOW!”Maya-maya lang ay pumasok na si Warren matapos ang tatlong warning knock.“Sir,” sabi niya ng nakatayo na sa harap ng table ni Terrence.“Hindi mo ba sinabi sa kanya kung anong klase ng kape ang gusto ko?” tanong ni Terrence sa bagong dating.“I’m sorry, Sir. Ang akala ko po ay sasabihin niyo rin kay Evelyn, kagaya noong bago pa lang ako. I’ll brief her sa mga bagay na gusto niyo.”“No need!” awat ng hambog na lalaki bago nagbaling ng tingin sa akin. “Make me another cup, 1 teaspoonful of coffee. No sugar, no creamer.”“Yes, Sir.” Tapos ay dinampot ko ang tasa ng kape na una kong ginawa. Lumabas na ako ng kanyang office at nagpunta na ulit sa pantry para igawa siya ng panibago.