Teilen

Kabanata 30

last update Veröffentlichungsdatum: 07.04.2026 14:26:41

Dasha POV

Gusto ni Madam Maria ay puro yellow ang kulay ng bulaklak ni Sta Maria Magdalena ngayong Miyerkules santo. Kaya ang mga bulaklak na nabili namin nung nakaraan sa Dangwa ay puro sunflowers, tulips, at yellow rose. Wala ngang halos dahon, puro bulaklak talaga.

“Ang galing ninyo kasi kahit nung Linggo pa nabili ang mga bulaklak ay fresh na fresh pa rin ang lahat,” sabi ni Ryuji na nanunuod na sa amin sa pag-a-arrange ng bulaklak.

“May technique kasing ginagawa si Ivy diyan,” sagot ko sa
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel

Aktuellstes Kapitel

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 30

    Dasha POVGusto ni Madam Maria ay puro yellow ang kulay ng bulaklak ni Sta Maria Magdalena ngayong Miyerkules santo. Kaya ang mga bulaklak na nabili namin nung nakaraan sa Dangwa ay puro sunflowers, tulips, at yellow rose. Wala ngang halos dahon, puro bulaklak talaga.“Ang galing ninyo kasi kahit nung Linggo pa nabili ang mga bulaklak ay fresh na fresh pa rin ang lahat,” sabi ni Ryuji na nanunuod na sa amin sa pag-a-arrange ng bulaklak.“May technique kasing ginagawa si Ivy diyan,” sagot ko sa kaniya.“Ano nga bang ginagawa mo, Ivy, para mapanatiling fresh ang mga binili nating bulaklak sa Dangwa?” tanong rin ni Elco.“Ano lang ‘yan, kailangan ng malinis na tubig at ‘yung sikretong tinitimpla ko,” sagot niya habang nakangiti.“Ah, so may sikreto pala. Nakakaintriga naman ‘yan. Bilang mga plantito at plantita kami ni Dasha ay gusto naming malaman kung paano mo napapatagal ang mga bulaklak kahit hindi na nakatanim sa lupa?” tanong pa ni Ryuji kay Ivy. Mabuti na lang at hindi na masyadon

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 29

    Elco POVAlas kuwatro ng madaling-araw ako gumising. Dinala ko ang wallet ko para maagang pumunta sa palengke. Sinabay ko na rin doon ang pagte-ten step walking ko para hindi sayang ang pag-e-exercise ko.Pagdating ko sa palengke, nakita ko si Kagawad Owen. Narinig kong inaayos na nila ang daloy ng traffic. Dinig ko rin na pinapaalis muna ang ibang nagtitinda sa may mga daan o kalsada para sa paghahanda mamaya sa prusisyon ngayong Miyerkules Santo.Hindi na ako masyadong nakigulo pa, masyado lang akong naanlig sa paghahanda nilang lahat kasi ngayon ko lang talaga naranasan ang holy week sa probinsya.Nilabas ko na ang listahan na ginawa ko kagabi. Pagkatapos ay isa-isa ko na itong binili sa mga tindahan na pinuntahan ko. Nagamit ko ang kapogi-an ko kasi madalas akong nakatawad sa kanila, iyon kasi ang turo sa akin ni Tita Susie sa tuwing isasama niya ako rito sa palengke.Alas singko palang ng umaga ay nasa bahay na agad ako. Wala pang gising kaya ginawa ko na ang mga dapat kong gawin

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 28

    Elco POVAlas tres ng hapon kami nakauwi ni Dasha. Sobrang init, grabe, nakakalata ng katawan. Kaya pag-uwi, naligo agad ako. Pakiramdam ko, para akong nag-gym ng limang oras. Walang humpay ang pagpapawis ko habang naglilinis at nag-aayos kami sa karo na iyon. Totoo nga pala ang sabi ni Dasha na hindi biro ang maglinis at mag-ayos nun.Mabuti na lang at nag-enjoy ako sa pa-lunch kanina ni Madam Maria. Natawa pa ako sa kuwento niya about sa baby na may kagaya ng birthmark ko sa likod. Hindi ko tuloy alam kung nagsisinungaling ba siya o gumagawa na lang ng kuwento para makipag-usap sa amin.Pagkatapos kong maligo ay nahiga muna ako sa kama ko. Katabi ko rito sa kama ang pasalubong ni Madam Maria na cap at mga chocolates. May sabon at lotion pa, totoo ngang mabait ang madam-madam na iyon.Kay Ivy at Dasha ay bag naman ang bigay, tapos chocolate, sabon at lotion na rin.Hindi naman masamang matulog saglit, napagod talaga ako kaya deserve ko ito.Nagising ako na nag-aagaw na ang liwanag at

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 27

    Dasha POVMatapos malinis ang karo, ilaw naman ang sunod na tinignan para ma-check kung may napundi ba o may sira na ba ang mga kable. Mabilis-bilis this time because of Elco.“Now, check mo naman, Elco, kung matibay pa ang platform,” utos ni Ivy sa kaniya.Umikot siya sa karo at sumakay. Bawat bakal at kahoy ay hinawakan niya, na para bang alam na alam nito ang ginagawa niya.Kami ni Ivy, walang ginawa kundi tumingin sa kaniya. Mas pawis na pawis na ang katawan ni Elco ngayon, na kada galaw, panay labas ng muscle niya.“Look at Elco, so hot ng body niya,” bulong ni Ivy habang titig na titig kay Elco.“Nandidiri ako sa iyo, Ivy, doon ka nga,” sagot ko sa kaniya habang nilalabas ko na sa kahon ang mga foam.“I think the platform is fine, nothing needs fixing, the wood and the steel are still very sturdy,” sabi ni Elco.“Alright, let’s go, Dasha. Oras naman para tayo ang kumilos,” aya sa akin ni Ivy. “Sige, Elco, mag-rest ka muna,” duktong pa niya.Kahit hindi pa today ang mismong prusi

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 26

    Dasha POVNatawa ako nung malaman ko kay Nanay Susie na hindi pa gising si Elco ngayong umaga. Halos alas dos na kasi ng madaling-araw nung makatulog kami at makauwi dito sa bahay. Napuyat ang makulit kong pinsan, kaya hanggang ngayon ay hindi pa nagigising.“Gisingin mo na, mali-late kayo niyan sa trabaho,” utos sa akin ni Nanay Susie.“Sige po,” sagot ko, saka na ako naglakad papunta sa pinto ng kuwarto ni Elco.Nagsusuklay pa ako ng buhok dahil kakatapos ko lang maligo.Tumatok ako ng tatlong beses. “Elco, hoy, gising na, mali-late tayo sa work,” sigaw ko rito sa labas ng kuwarto niya.Tila naman hindi siya tulog mantika dahil dali-dali siyang nagising sa sigaw ko.“Shit!” dinig kong sigaw niya sa loob. “Ayan na, gising na ako!” sabi pa niya.Nung marinig ko iyon, bumalik na ako sa hapagkainan. Nag-almusal na ulit ako.Maya maya ay lumabas na siya, singkit ang mata, at naghihikab pa. “Sabi na, e, hindi magandang idea ‘yung naglugaw pa tayo kaninang madaling-araw,” sisi pa niya sa a

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 25

    Elco POV10 pm ng gabi ay wala ng masyadong tao, lahat nung mga kapitbahay nila Dasha na nakapag-merienda na ay nag-uwian na.Ngayon, kaming apat na lang ang nandito sa maliit na chapel. Sina Ivy at Dasha ang bumasa, habang si Ryuji, ayon, kandila ng poon ang inaatupag. Naubos na kasi ang isa, kaya nagbukas ulit siya para mapalitan ang naubos nang kandila. Pagkatapos niyang gawin iyon, napalingon siya sa altar. Tinitigan niya itong mabuti, pati na rin ang mga lumang pekeng halaman at bulaklak na nasa paligid nito.Maya maya ay naupo na ulit siya sa tabi ko. “Elco, sa tingin mo, dapat na bang palitan ang design ng paligid ng altar?” tanong niya sa akin kaya nagulat ako. Pati ba naman ang altar ay napagdiskitahan niya?“Seryoso ka ba?” tanong ko sa kaniya.“Luma na ‘yung mga pekeng halaman at bulaklak, masyado na ring maalikabok. Gusto ko sanang mag-donate ng pang-design sa altar para mas umaliwalas pa lalo ang itsura nito,” sabi niya na seryoso pala talaga sa sinasabi niya.“Ikaw ang b

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status