Share

Chapter 4

Author: Rocel
last update publish date: 2026-02-13 00:19:46

ALEX POV

Nandito pa rin kami sa lugar kung saan ginaganap ang birthday party niya.

Maingay. Magulo. Maraming tawanan. Maraming alak.

At ako? Chill lang dito.

Naiwan dito sa isang mesa, na mag-isa pero ayos lang naman ako dito na nakatanaw lang sa mga taong di ko kayang mga pantayan pag dating sa buhay.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako sumama sa kaniya kahit niyaya niya akong makasama ang mga kaibigan niyang makipag kwentuhan.

Siguro dahil pakiramdam ko hindi ako bagay sa mundo nila. Lahat sila naka-dress nang maayos, mamahalin ang suot, confident ang mga tindig.

Samantalang ako eto simpleng blouse at simpleng short lang ang kasuotan at mayroon lang kami ng tatay ko na, simpleng buhay.

Pero kahit gano’n, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya may kakaiba kasi sa kaniya eh, ewan siguro dahil ngayon lang ako naka meet ng taong mayaman pero kayang makipag usap sa tulad kong alikabok lang sa kanila.

Nawiwili akong pagmasdan siya habang kinakausap ang mga kaibigan niya. Nakangiti siya, tumatawa, mayabang ang aura pero charming pa rin. Parang sanay na sanay siyang maging sentro ng atensyon.

Hindi ko alam kung bakit ako napapangiti habang nakatingin sa kanya.

“Hi! Alex.”

Napabalik ako sa realidad.

Isang babaeng elegante ang nakatayo sa harap ko. Nakalahad ang kamay at nakangiti nang magiliw.

“By the way, I’m Danica Madrigal. Mommy ako ni Diego. Soon-to-be mother-in-law mo!”

Muntik na akong mabilaukan sa iniinom ko.

Soon-to-be ano?!

Nginitian ko siya nang tipid pero hindi plastik. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako nailang sa kanya. May kakaiba siyang warmth sa pakiramdam ko.

Base sa itsura at ngiti niya, hindi siya mukhang plastik. Maganda siya—kahit may edad na. Yung tipong alam mong dating beauty queen o sosyal na sosyal sa high school o kaya nung college, isa siya sa mga campus crush, ganon sa sobrang ganda talaga niya.

Gusto kong kamayan siya agad pero napatingin ako sa sarili kong kamay. Galing ako sa pag-aayos ng paninda kanina—baka madumi pa, nakakahiya.

Pero bastos naman kung hindi ko siya kakamayan.

Pinunasan ko muna sa short ko ang kamay ko bago ko inabot ang kanyang kamay.

Grabe.

Ang lambot. Parang hindi naghuhugas ng pinggan, kamay pa ba to o bulak sa lambot.

“Hello, po. Nice to meet you po, Ma’am Danica,” medyo nahihiya kong bati, sino ba namang hindi mahihiya eh ang kamay ko kabaligtaran ng kamay niya, sakin kasi parang di mo malaman kung kamay pa ba o pang liha sa gaspang eh.

“Hi! Ate Alex! I’m Dianne, one and only sister ni Kuya!” masiglang bati ng isang dalagitang halos kasing-edad ko.

Nakipagkamay din siya sakin at nakipag beso, syems, sobrang nakakahiya naman na dumikit ang face niya na sobrang kinis dito sa mukha kong parang sabon na normal lang ang gamit minsan wala pa.

Grabe, mga tao pa ba ’tong mga ’to o mga mannequin? Ang kikinis ng kutis! Parang hindi pinapawisan o alam kaya nilang may nga taong tulad ko na, minsan nagiging amoy maasim.

“Hello. I’m Diego Madrigal Sr. Siyempre, ang gwapong tatay ni Diego, my dear.”

Natawa ako. May saltik din pala ang tatay niya.

In fairness, pero gwapo nga talaga siya, di naman din talaga maitatanggi kasing gwapo niya ang mga sikat na artista, yung tipong mala Gabby Concepcion.

“I think… he likes you para sa anak namin,” dagdag pa ng mommy niya. “And our feeling is mutual, iha. I like you—kesa naman kay Samantha na pinapaasa lang palagi ang anak ko.”

Bigla siyang siniko ng asawa niya.

“Danica…”

“Oh! I’m sorry, wag kang magseselos ah! ’Wag mong awayin si Diego. Baka mag-away kayo dahil sa past niya!” sabay kindat niya sa akin.

Saltik family nga sila. Confirmed.

Pero hindi ko maikakaila—ang babait talaga nila. Parang hindi galing sa isang mayamang angkan.

Maya-maya, nagpaalam na ang mga bisita. Sumunod na rin ang pamilya niya at mga kaibigan.

Kami na lang dalawa ang naiwan dito, para akong tanga ditong nakatingin lang sa kaniya.

Nakayuko siya at halatang malungkot. Hawak ang baso ng alak. Tahimik.

Bigla akong nakaramdam ng awa sa kaniya, pero ano ang magagawa ko, buti nga yan lang ang problema niya eh, daming babae dyan.

Nilapitan ko siya at tinapik sa likod, inaantok na ko.

“Kuyang may saltik, sisibat na ’ko ha, salamat sa masarap na pagkain at naging bisita mo ko sa birthday mo, sobra akong nag enjoy.”

Paunang hakbang ko pa lang nang bigla niya akong hinila sa kamay at inilapit sa kanya.

Grabe ’tong lalaking ’to. Hilig manghaltak.

“What did you say?” galit niyang tanong. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sakin. Bigla ko siyang nasipa dahil sa takot.

Napa upo siya at nakita kong namilipit siya sa sakit.

Nakaramdam ako ng awa kaya agad ko siyang tinulungan at inupo muna.

“S-sorry! Ikaw kasi eh! Puro kapraningan yang ginagawa at sinasabi mo sakin, nakakatakot na kasi. Sorry kung sinabihan kitang saltik, kasi parang papalapit ka na dun” mabilis kong pag hingi ng paumanhin sa kaniya.

Akala ko sasabog siya at sasaktan niya din ako, wala akong palag dito dahil terotoryo niya to.

Baka isilid na lang ako nito sa sako!

Pero bigla siyang napahinga nang malalim saka napangisi.

“I’m not angry when you said na may saltik ako. Kasi… sometimes gano’n talaga ako, pero ang sakit ng sipa mo ah. Solid yun ah.”

Ayon naman pala.

“I’m hurt nang sinabi mong you’ll leave. Please stay. I need someone na makikinig sa’kin.”

Napatingin ako sa kanya.

Hindi man lang niya naisip na bakit ako ang pinagkakatiwalaan niya eh ako, hindi ko pa siya lubusang pinagkakatiwalaan?

Pero ewan ko ba.

May lungkot sa mata niya na hindi kayang itago ng kayabangan niya.

Tumango na lang ako.

Ngayon, nandito kami sa gilid ng Manila Bay.

Tahimik ang hangin. Malamlam ang ilaw ng mga poste. May mga naglalakad na magkasintahan sa malayo.

Si Diego? Nakaupo, tahimik, nakatingin sa dagat.

Parang ubos na ubos ang lakas niya, ramdam ko.ang lungkot at pagod niya.

Kumuha ako ng balut sa basket ko at binuksan iyon.

Medyo malakas ang paghigop ko ng sabaw.

Napalingon siya.

At doon ko unang nakita ang munting ngiti sa labi niya.

“Gusto mo?” Alok ko saka inabot ang isa pang nasa basket.

Umiling siya, na parang diring diri.

“I can’t eat that. Why do so many Filipinos love that freaking food?”

“Hoy! Masarap kaya ’to! At saka mukha ka nang nanghihina sa itsura mo, pampalakas to ng katawan baka akala mo” depensa ko sa paninda kong balut.

Bago pa siya makatanggi, pinukpok ko sa ulo niya ang penoy.

“Ouch! Why are you hurting me?!”

Natawa ako sa reaksyon niyang nabigla.

“Insane! Bakit ba ang mga mahihirap mga, ugaling baliw?!”

Tumigil ang pag tawa ko sa kaniya at napalitan ng inis.

“Bakit kayong mga mayayaman, may mga saltik sa utak?”

Tumayo siya at lumapit sakin, mukhang inis na siya.

“Bakit kayong mga mahihirap, ang dami sa inyong magnanakaw? Kung saan saan nagkalat walang mga pinipiling lugar ang pagnanakawan!”

Parang may kung anong sumabog sa dibdib ko.

“Bakit, wala bang mayayamang ganid? ” balik ko sa kaniya.

“Matanong ko lang ha? Bakit mayaman na nga kayo, nagnanakaw pa rin kayo? Kung tutuusin mas marami sa inyo ang magnanakaw! Di kayo nabubusog sa kung anong meron na kayo! Karamihan nga sa inyo, madadamot! ”

Napakagat siya sa labi.

“Kayo, mga patay gutom, hampaslupa—”

Hindi ko na siya pinatapos pa dahil hindi nasasaktan ako kundi galit talaga ako.

SLAP.

Buti na lang walang masyadong mga tao, tahimik ang paligid.

Ako lang at siya ang nakarinig, papano kung mga tambay ang mga nakarinig sa kaniya ng mga sinabi niya, malamang umuwi siyang lumpo sa mga magulang niya.

Kinuha ko bigla ang basket ko para umalis na sa harapan niya at baka kung ano pa ang magawa ko. Nanginginig ang kamay ko sa galit, hindi lang sampal amg matitikman niya sakin kapag nagsalita pa siya ng hindi maganda.

Hindi ko kaya ang minamaliit kaming mahihirap, dahil halos karamihan samin halos pawis at dugo ang puhunan para lang mamuhay sa mapang husgang mundo na ito.

Wala akong paalam na umalis sa kaniya, bahala siya.

“Hey! Look, I’m sorry!” Habol niya sakin.

" Ikaw naman kasi, ang sakit sakit ng noo ko sa ginawa mo, nabigla kasi ako." Paliwanag niya na kinatawa ko nang inis.

Pero hindi ako lumingon dahil nababanas ako sa kaniya.

Hinarangan niya ang daraanan ko, tiningnan ko siya ng tabang.

Pagod na pagod na ang mga mata ko at katawan ko, gusto ko na talagang umuwi para magpahinga.

“Alam mo ikaw,” nanginginig kong sabi, “ang galing mong umangal sa ginawa ko. Pero naisip mo ba naramdaman ko?”

Tahimik siya.

“Pinagbigyan lang kita kasi naawa ako sa’yo!”

Napakamot siya sa ulo.

“Sorry…”

“Sorry? Ilang sorry pa ba ang dapat kong sabihin para mapatawad mo na ko?”

Tahimik ko siyang pinagmasdan.

Bigla niyang kinuha ang hawak kong balut.

Bigla niyang kinain, mukha naman nasarapan siya.

Humingi pa nga ng asin.

Napangiti ako.

“Sige na nga. Bati na tayo.”

Lumipas ang ilang oras.

Tahimik lang kami ulit, kasi ang layo na naman ng tingin niya at sobrang lalim ng iniisip.

“Ano ba kasing nangyari sa inyo ng syota mo?”

“Nagalit ako sa kaniya kanina dahil hindi man lang niya nagawang magpakita sa special day ko. Birthday ko yon! Pero nakaramdam ako ng pagsisi, dahil gumawa ako ng desisyon na hindi ko man lang pinag-isipan,” sagot niya.

“Bakit kasi kailangan mong magmadali? Bata pa naman kayo. Mag enjoy ka muna sa ganyan at sa relasyon niyo sa kung ano ngayon.”

“Miss na miss ko na kasi siya. Mahal ko siya kaya gusto kong makasal na ko sa kaniya agad, para di na siya umalis pa sa tabi ko.”

Napatingin ako sa kanya, hindi ko na alam kung anong maipapayo ko sa kaniya kasi never ko pa naman naging problema ang love life, puro money life lang ang nais ko.

“ Alam mo ba sabi ng tatay ko, kapag mahal mo ang isang tao, matuto kang maghintay at kung malayo naman kayo sa isa’t isa lang daw ang solusyon, sundan mo para masayang magkasama na kayo.”

" Malabo yon eh. Alam niyang busy ako sa negosyo at trabaho ko. Hindi rin pwedeng malaman na meron siyang boyfriend sa trabaho niya."

Napaisip siya.

“Paano magiging strong kung hindi mo siya katabi?”

Huminga lang siya ng malalim at wala naman siyang pake sa opinion ko.

“Sabagat , maraming LDR na tumatagal. Kung mahal mo, lalaban ka at maghintay ang pagbabalik niya.”

Napangiti siya sakin na para bang nagihawaan sa sinabi ko.

“Hindi ako makapaniwala… na meron akong instant fiancé.”

“Ha?!”

Ngumiti siya.

“Na ngayon ko lang nakilala.”

Bigla kong naalala ang singsing, naku ayaw matanggal pano ba to?!

" Hoy! Ayaw matanggal!" Taranta kong sabi sa kaniya. Lumapit siya at siya ang sumubok tanggalin ang singsing sa daliri ko.

" Di pwede sa mommy ko yan!" Ayaw talaga!

Mga ilang minuto pa ang pagpupumulit namin pero wala kaming nagawa, kami na ang sumuko dahil baka maputulan pa ko ng daliri.

“Oh! Paano ayaw matanggal eh, uuwi na ’ko! Sobrang pagod ko na. Tatanggalin ko na lang’to sa sabon tapos bukas dito tayo magkita, ibabalik ko tong sing sing ng ermat mo.”

Dumukot siya ng pera at inabot sakin.

Makapal di niya na binilang basta't nilahad niya lang sa harapan ko.

" Naku! Wag na, itago mo na lang yan."

“I insist. Dinistorbo kita.”

Ayaw kong tanggapin.

“Kapag hindi mo ’to tinanggap, ibibigay ko na lang dyan sa mga rugby boys.”

“Hoy! Sige na nga!”

Tinanggap ko na dahil kong sa mga batang nag bibisyo lang niya ibibigay kung san san lang nila to dalhin.

" Salamat ah."

" Mas thank you sayo."

THE NEXT MORNING

Nagising ako sa sunod-sunod na katok sino bang kakatok samin nang ganitong oras?! .

Binuksan ko ang pinto.

At muntik na akong mahimatay.

Nasa harap ko ang buong pamilya niya.

At sa likod nila—

Si Diego.

Ngumiti siya.

“Good morning, sweetheart. Nandito kami para mamanhikan.”

Napanganga ako.

Ano na naman ’to?

Akala ko ba okay na kami kagabi?

Mababaliw ako sa pamilyang to!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Strange Proposal    Chapter 59

    After two months Busy si Alex sa negosyo niyang itinayo na lamang sa Pilipinas na pastries at cakes, dito na lang niya itinuloy ang pinakamamahal niyang ginagawa. Sa loob ng two, months sobrang nakilala agad ng mga tao ang kaniyang business kaya palaging madaming order and reservation nag nagpupunta sa kaniya, kaya minsan hindi niya na namamalayan pa ang oras at panahon. Palagi din siyang nalilipasan ng gutom pero may mga nagmamahal naman sa kaniyang palaging nandyan para ipaalala iyon. Sa totoo lang napaka sakit pa din ang pagkawala ni Diego sa buhay nilang mag ina. Pero kailangan niyang magpaka tatag at magpatuloy silang mamuhay ng pinaka mamahal na anak. “Bakit ka nagpapalipas na ng gutom? Lagpas lunch na ah,” medyo nagulat siya nang may nagsalita. Ngumiti siya sa bumisita. “Mathew! Kamusta naman? Bakit ngayon ka lang napadpad dito?” taas kilay ni Alex, sabay tawa sa reaksyon niya. “May pinuntahan lang ako at may tinrabaho sa ibang bansa. Alam mo naman, laging busy ang mga

  • Strange Proposal    Chapter 58

    Third POV"Good morning, everyone!" masiglang bati at sobrang ngiti ni Alex sa mga kasama niya sa bahay."G-good morning, Iha. Maganda yata ang araw mo?" tanong ng kanyang byenang lalaki, halatang nagtataka ito sa kinilos niya.Ngumiti lang si Alex sa sinabi nito at umupo sa lamesa para mag-almusal. Magana siyang kumain at pinaparamdam sa lahat na ayos lang siya."Bukas na po ako babalik sa trabaho ko. Naiinip na po kasi ako dito sa bahay, gusto ko pong malibang muna." sabi ni Alex sa kanyang mga byenan, may kaunting ngiti sa labi."Kaya mo na ba Iha?" Pag aalala ng kaniyang byenang babae, Tumango lamang si Alex dito.Ang bawat kilos ni Alex ay tila naninibago ang lahat. Dalawang linggong napapansin siyang kakaiba ang lahat ng pinapakita nitong saya.Naging sobrang palangiti at palatawa ito,kumpara sa dati niyang gawi. Hindi normal ang na ganon ang pinaparamdam niya. Parang may tinatago siya o may kinikimkim na sakit at pighati. Kahit nakangiti ito at tumatawa ang mga mata naman ni

  • Strange Proposal    Chapter 57

    Alex POVUmupo ako sa passenger seat. Hinawakan ko ang manibela at ang upuang maraming dugo, ang dami ding bubog sa upuan at lapag. Tumutulo na ang luha ko dahil hindi ko ma imagine ang itsura ng taong nanditosa loob nang saklolohan ito.May nakita ako sa lapag isang magazine na kami ang cover at isang video recorder. Kinuha ko iyon agad."Boy nasaan daw yung may ari nitong kotse?" Tanong ko sa kanya at biglang yumuko ang bata may inabot siya sa aking papel." Baka ito po ang kasagutan sa tabong niyo po, Ma'am."Nanginginig akong abutin ang papel na hawak niya yun nang buksan ko. Eye donor rules and agreement. Nakalagay dun na kailangan galing sa kamamatay na tao ang i dodonor na mata.Nang makita ko yon nakaramdam agad ako nang panginginig na pakiramdam, hindi naman siguro, hindi. Pagpapakalma ko sa aking sarili.Agad akong lumabas ng kotse at kinuha ko ang cellphone ko agad na tinawagan ko ang hospital ng eye bank. Nag riring ang telephone, habang hindi ako mapakali."Hello." agad k

  • Strange Proposal    Chapter 56

    Alex POVNgayon na ang pinakahihintay naming araw na aalisin ang benda sa mga mata ko. Halos lahat nandito, pero si Diego lang ang wala. Dahil out of the country daw ito nang biglaan daw.Bakit kaya ganon si Dy ngayon. Nag papayaman ba siya ng sobra sobra? Ganon ba mas kahalaga sa kaniya ang negosyo niya kesa samin?Pero diba kami ni Xandie ang mahalaga sa kaniya. Sabi niya samin kami ang buhay niya at di kumpleto ang mundo niya kapag nawala kami.Pero bakit tuwing ganitong mahalagang pangyayari eh wala siya? Bakit nakaraang na operahan ako di man lang siya nagparamdam sakin, pati ba naman ngayon. Silang dalawa ng anak namin ang gusto kong unang masilayan sa pagbabalik ng paningin ko. Pero wala naman siya.“Good morning, Mrs. Madrigal. Are you ready to see the world again?” Tumango na lamang ako. Masaya ako pero may konting lungkot dahil sa pag-alis ni Dy dahil wala ang lalaking isa sa nga dahilan kung bakit gusto ko muling makakita, at mapagsilbihan ko pa siya.Nang maalis na itong m

  • Strange Proposal    Chapter 55

    Third POV “Dy!” Hingal na hingal na napasigaw si Alex habang bigla siyang napabangon mula sa pagkakahiga. Nanlalaki ang mga mata niya kahit wala siyang nakikita—dala ng napakasamang panaginip na gumising sa kanya. Kinapa-kapa niya ang kabilang side ng kama kung saan karaniwang nakahiga ang asawa niya. Pero wala. “Sweetie! Anak! Xandie! Anak ko! ” Nanginginig ang boses niya habang tinatawag ang anak. Gusto niyang marinig agad ang boses nito… gusto niyang mayakap… para mawala ang kaba at takot na bumabalot sa kanya. Agad siyang tumayo mula sa kama kahit nanginginig ang tuhod. “Sweetie! Anak! Nasaan ka?” “Mom, bakit po?” Nag-aalalang lumapit ang bata nang makita ang ina na tila takot na takot. Agad nitong hinawakan ang kamay ng ina at pinunasan ang mga luha sa mga mata nito. “Mom… why are you crying po? May nangyari po bang masama? Merong masakit po ba sayo? O may napaginipan ka bang nakakatakot po?” Hindi na napigilan ni Alex ang sarili. Lumuhod siya at mahigpit na niyakap a

  • Strange Proposal    Chapter 54

    Diego POV Malapit na ako sa dapat kong puntahan. Handa na ako para sa ikakasaya ng anak ko at ng asawa ko. Masaya na rin ako, dahil kahit sa maikling panahon, naramdaman kong maging isang tunay na asawa at ama. Kapag naaalala ko ang bonding naming tatlo kagabi—lalo na na samin ni My—hindi ko maiwasang ngumiti. Flashback “Daddy, please bilisan mo po. I want to learn how to cook pancakes po,” sabi ni Xandie habang hawak ang spatula at nakasuot ng apron. Ngumiti ako at kinuhanan siya ng litrato, saka ko agad nilagay sa scrapbook na ginagawa ko. Nag-set din ako ng video para mapanood ito ni Alex kapag nakakita na siya. “Dad, ang tagal mo po. Teach me na po, Dad,” sabik na sabi ng anak ko. Tumango ako at sinuot ang apron. Maaga kaming nagising para paghandaan si Alex ng pancakes, bacon, at ham para sa breakfast. Napag-usapan na namin ito kagabi—isang simpleng surprise para sa mommy niya. “Dad, why do you always take pictures and videos of everything we do?” tanong ni Xandie habang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status