INICIAR SESIÓN"Masyadong mabilis ang lakad mo, Miss Banaag. You are walking like you’re trying to catch a departing jeepney in EDSA, not entering a high-society ballroom," malamig na sita ni Ethan habang nakatayo sa gitna ng malawak na penthouse living room niya.
Umaga ng sumunod na araw, at opisyal nang nagsimula ang tinatawag ni Tala sa kaniyang Excel sheet na "Operation: Project Fiancée Bootcamp."
Inasahan ni Tala na may darating na mataray na poise coach na may dalang mga libro, ngunit nagulat siya nang si Ethan mismo ang humarap sa kaniya, suot ang isang simpleng white button-down shirt na nakatupi ang mga manggas hanggang siko. At may hawak itong... laser pointer at isang whiteboard.
"Teka, Mr. Martinez," reklamo ni Tala habang pinapantay ang pagkakatayo sa tapat nito. "Ikaw ang magtuturo sa akin? Akala ko ba napaka-busy mong CEO?"
"Hiring an external consultant is a security risk," sagot ni Ethan, na tila binabasa ang isang corporate policy. "Mas kilala ko ang lola ko, at mas kilala ko ang sarili ko. Kung may magtuturo sa'yo kung paano maging perpektong kapareha ko, ako 'yon. Now, sit down. We need to review the profile of the target audience: Mama Let."
Naupo si Tala sa sofa, binuksan ang kaniyang laptop, at handa nang mag-take notes na parang nasa isang major business lecture.
Nag-click si Ethan sa kaniyang remote, at lumabas sa malaking TV screen ang isang slide na may nakasulat na: MAMA LET’S DOS AND DON'TS.
"First, let's talk about her pet peeves," panimula ni Ethan habang naglalakad pabalik-balik, ang kaniyang boses ay seryosong seryoso. "Mama Let hates fake people. The moment na makita niyang masyadong pormal o 'scripted' ang kilos mo, hihinalain niyang binayaran kita. She also despises wastefulness. Kahit galing siya sa yaman, ayaw niya ng mga taong nag-aaksaya ng pagkain."
"Oh, madali 'yan," komento ni Tala habang nagta-type. "Sanay ako sa simot-sarap lifestyle. No food waste policy ang pamilya Banaag."
"Good. But here is my pet peeve, Miss Banaag, which you must absolutely remember," biglang huminto si Ethan at itinuro ang laser pointer sa tapat ng mukha ni Tala. "I cannot stand unpunctuality and untidiness. Kung may usapan tayong alas-siyete, dapat alas-sais kuwarenta'y singko pa lang ay handa ka na. At kapag kasama kita sa harap ng ibang tao, do not touch my personal belongings without asking."
Inirapan siya ni Tala, sabay taas ng kaniyang kamay na parang nagtatanong sa klase. "Question, Instructor! Paano naman ang mga pet peeves ko? Paano kung bigla kang maging masungit sa harap ni Mama Let?"
"I am paying you ten million pesos, Miss Banaag. Part ng trabaho mo ang tiisin ang ugali ko," malamig na tugon ng CEO.
"Kahit na! In business, we call this stakeholder management. Dapat alam ko rin kung paano ka i-handle kapag nag-tantrums ka," hirit ni Tala, na nagpataas sa kilay ni Ethan.
Bago pa man makasagot si Ethan, mabilis na pinalitan ni Tala ang screen gamit ang kaniyang sariling laptop connection. Lumabas ang isang bagong slide: THE WINNING STRATEGY: THE OPPOSITES ATTRACT MATRIX.
"Tingnan mo ito, Mr. Martinez," seryosong paliwanag ni Tala, itinuro ang kaniyang matrix diagram. "Kung magpapanggap tayong pareho seryoso at business-minded, hindi maniniwala si Mama Let. Ang winning strategy natin para mapaniwalaan tayo ng walang duda? Ang konsepto ng 'opposites attract.' Ikaw ang cold, ruthless tycoon, at ako naman ang makulit, madaldal, at masayahing student na nagpapalambot sa puso mo. Ang contrast na 'yan ang bentahe natin."
Napatitig si Ethan sa matrix ni Tala. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo, ngunit hindi niya maikakaila na may punto ang babae. "At paano natin gagawin 'yan?"
"Simple," ngumiti nang nakakaloko si Tala. "Kapag nagkasalubong ang mga tingin natin, dapat acting-suplado ka pa rin, pero hahayaan mo akong asarin ka. At kapag may tinanong si Mama Let tungkol sa relasyon natin, ako ang sasagot ng may kasamang kwento, habang ikaw naman ay titingin lang sa akin na parang... kunyari, gustong-gusto mo ako kahit naiirita ka."
"Like a hostage situation?" untag ni Ethan.
"Like a K-drama, Mr. Martinez! Mas benta 'yon sa mga lola," tawa ni Tala. "Trust me, effective ang market research ko rito."
"Sir, Miss Tala, handa na po ang sasakyan," untag ni Mark na biglang pumasok sa silid. "Gabi na po, at naghihintay na si Madam Leticia sa inyo para sa opisyal na hapunan sa main mansion sa Forbes Park."
Naramdaman ni Tala ang biglang kabog sa kaniyang dibdib. This is it. The real application of the strategy.
Makalipas ang tatlumpung minuto, pumasok ang marangyang Rolls-Royce ni Ethan sa naglalakihang p***o ng isang mansyon sa Forbes Park. Pagbaba pa lang ng sasakyan, naramdaman na ni Tala ang bigat ng karangyaan ng lugar—ang naglalakihang fountain, ang mga nakahilerang bodyguard, at ang chandelier na kitang-kita mula sa malalaking bintana.
Sa loob ng marangyang dining room, mahabang mesa ang nakalatag na puno ng mga mamahaling putahe. Sa dulo ay nakaupo si Mama Let, suot ang isang eleganteng silk dress, mukhang masigla at walang bakas ng sakit.
"Oh, my favorite couple!" masayang bati ni Mama Let nang makita silang pumasok. Lumapit si Tala at magalang na nag-mano at yumakap sa matanda.
"Good evening po, Mama Let. Ang ganda niyo naman po ngayon, mukhang mas bata pa kayo sa akin," lambing ni Tala, na agad namang nagpatawa nang malakas sa matanda.
"Naku, itong si Tala talaga! Ethan, napakaswerte mo sa batang ito. Maupo na kayo!"
Habang kumakain, naging maayos ang takbo ng usapan dahil ginamit ni Tala ang kaniyang 'Opposites Attract Matrix.' Tuwing magbibigay ng seryosong sagot si Ethan tungkol sa ekonomiya, sinisingitan ito ni Tala ng nakakatawang hirit tungkol sa kung paano "napaka-kuripot" ni Ethan sa mga simpleng bagay, na labis na ikinatutuwa ni Mama Let dahil alam niyang ganoon talaga ang apo niya.
Ngunit alam ni Tala na nanonood pa rin nang maigi si Mama Let. Ang mga mata ng matanda ay pabalik-balik sa kanilang dalawa, na tila naghahanap ng pisikal na patunay ng kanilang koneksyon.
"You know, Tala," panimula ni Mama Let habang nagpupunas ng labi gamit ang table napkin. "Ang sabi sa akin ni Ethan, masyadong busy ang schedule niyo kaya hindi kayo madalas magkasama sa publiko. Pero bakit parang... may distansya sa inyong dalawa ngayon habang kumakain tayo? Is there something wrong?"
Napatigil si Ethan sa paghiwa ng kaniyang steak. Ang kaniyang katawan ay biglang tumigas. Heto na ang hinala.
Mabilis na gumana ang utak ni Tala. Alam niyang ito ang kritikal na sandali para isalba ang kanilang sampung milyong pisong kontrata at patunayan na tama ang kaniyang winning strategy. Sumulyap siya kay Ethan, pagkatapos ay dahan-dahang ibinaba ang kaniyang kanang kamay sa ilalim ng lamesa, itinaas ang limang daliri nito para bigyan si Ethan ng senyas.
Five fingers. Limang libong piso.
Naintindihan agad ni Ethan ang senyas. Sa loob-loob niya, gusto niyang magmura. In the middle of a family dinner, she is negotiating her PDA rate card! Pero wala siyang pagpipilian. Ang talim ng tingin ni Mama Let sa kanila.
Bahagyang tumango si Ethan—isang mabilis, halos hindi mapansing pagsang-ayon sa presyo.
Sa isang iglap, binuhat ni Tala ang kaniyang kamay mula sa ilalim ng mesa at marahan ngunit buong pagmamahal nitong hinawakan ang kamay ni Ethan na nakapatong sa ibabaw ng tela. Ang kaniyang mga daliri ay dahan-dahang pumasok sa pagitan ng mga daliri ng billionaire tycoon, locking their hands together perfectly.
Napatigil si Ethan. Ang kaniyang kamay na laging malamig at sanay lang sa pagpirma ng kontrata ay biglang nakaramdam ng kakaibang init mula sa maliliit at malalambot na kamay ni Tala. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam siya ng tila kuryente na gumapang sa kaniyang buong braso.
Hinarap ni Tala si Mama Let, may kasamang pinakamatamis na ngiti. "Naku, Mama Let, wala po kaming problema. Medyo nahihiya lang po ako dahil alam kong napakaraming umaaligid na magagandang babae kay Ethan sa opisina. Pero..." mas hinigpitan pa ni Tala ang pagkakahawak sa kamay ni Ethan, habang malambing na tumingin dito ayon sa kaniyang matrix. "Alam ko naman pong ako lang ang may hawak ng... kaniyang priority shares."
Napatitig si Ethan sa mukha ni Tala. His heart suddenly skipped a beat, thumping against his chest in a way he couldn't quite explain. Is she still acting, or am I just going crazy?
"Oh, look at that! Ang tamis niyo talaga!" pumalakpak si Mama Let sa tuwa, tuluyang nawala ang hinala sa kaniyang mukha. "Sabi ko na nga ba, kayo talaga ang para sa isa't isa!"
Habang nakangiti si Tala kay Mama Let, bahagya niyang ginalaw ang kaniyang hinlalaki para haplusin ang likod ng kamay ni Ethan. Lumapit siya nang kaunti sa tenga ng seryosong CEO at bumulong sa isang boses na sila lang dalawa ang makakarinig.
"That’s five thousand pesos, Mr. Martinez. Cash or bank transfer?"
Napakunot ang noo ni Ethan, ngunit hindi niya binitawan ang kamay nito. Isang tipid at misteryosong ngiti ang dahan-dahang sumungaw sa kaniyang mga labi.
"Double it to ten thousand, Miss Banaag," bulong din ni Ethan pabalik, ang boses ay may kasamang mapaglarong hamon. "Dahil hindi ko pa binibitawan ang kamay mo hanggang matapos ang dessert."
Eksaktong alas-dose na ng tanghali, natapos na rin ni Tala ang pinapagawa sa kanya ni Mr. Martinez. Tumayo siya at lumapit sa mesa ng binata hawak ang flashdrive kung saan nakasave ang kanyang report.“Excuse me, Mr. Martinez, I already sent the audit report to your work email and here’s a back-up copy for your perusal,” pilit na tinataboy ni Tala ang kabang nararamdaman.“Put it on my desk. I’ll review them shortly. It’s lunch time. Do you have a plan right now?” Casual na sabi ng binata.“No, sir,” mabilis na sagot ni Tala.Tinigil na ng binata ang anumang ginagawa at mabilis na naglakad papalapit sa dalaga.“Then, let’s go out. Eat with me, hon."Napatigagal sa narinig ang dalaga at napaatras siya ng hakbang.“Mr. Martinez, with all due respect, don’t be delusional. I’m not your honey. Moreover, we’re at work. Can we maintain our professional boundaries?” Matapang na sagot ni Tala.“We’re in my office, Hon. Tayong dalawa lang dito. Above all else, I’m the CEO of this company.” Mulin
Isinantabi ni Tala ang kung anumang agam-agam na nararamdaman niya. Nasa loob sila ng training room ni Hazel kasama ang HR supervisor upang i-orient sila tungkol sa kanilang on-the-job training sa kumpanya. Binigyan muli sila ng tig-isang kopya ng kanilang memorandum of agreement at tinalakay ito upang siguruhin na nauunawaan nila ang rules, training hours, at ang responsibilidad nila sa kumpanta, at ang expectation ng kumpanya sa kanila.Matapos ang dalawang oras, isa-isa nang tinawag ang mga pangalan ng interns upang i-deploy sa kanilang mga designated departments."Miss Hazel De Vera, here’s your internship ID card. You are assigned to the Executive Secretary's Office under Mr. Mark Gallego," anunsyo ng supervisor na nagpabaling sa tuwa ni Hazel."Here’s yours, Miss Tala Banaag..." binalingan siya ng supervisor. "Please follow me. Your designated station is at the top floor, direkta sa loob ng Chief Executive Suite."Nanlalaki ang mga mata ni Tala sa narinig. "I’m sorry, Miss. I co
“Maiba naman tayo. Ano naman ang drama ninyo ni Kyle?”Napatigil si Tala sa pagsinga sa tissue nang marinig ang tanong ng kaniyang chismosang kaibigan. Nagpakawala siya ng isang malalim na bunting-hininga bago sagutin ang tungkol sa blockmate nila.“Kay Kyle? Naku, friend, kung alam mo lang,” kumuha muli siya ng tissue upang ipahid naman sa kanyang mukha na basa pa rin ng luha. “Naalala mo yung isang Biyernes na nagpresent tayo?” Tanong niya sa kaibigan.“Oo, two weeks ago na yun ah. Ano ang hindi ko nalalaman? Sige ikwento mo.” Mataman itong nakikinig sa kanya.“Noong araw na yun, hinabol ako ni Kyle sa may drop-off zone. Nagtapat siya ng feelings sa akin… gusto niya raw ako. Syempre, first time ko na makarinig ng confession tapos nasa school pa kaya sandali akong natameme. Bago pa man ako makakilos, ang lolo mo bigla na lang iniyuko ang mukha at tinangkang halikan ako sa mismong mga labi.”“Oh my gosh! Tala! Tinangka ka niyang tukain?!” Parang nasisilihan sa pwet si Hazel sa tindi ng
“Friend, super cozy naman ng unit mo! Napakabango at napaka-relaxing dito! Para akong nasa staycation. Ang shala! Tapos may swimming pool pa sa baba.” Papuri ni Hazel habang inilalapag ang kanyang gamit sa tabi ng sofa.“Feel at home, friend.” Sabay bato niya ng isang rolyo ng tissue sa kaibigan nang makaupo ito sa sofa.“Wow ha! Uumpisahan na ba natin agad-agad? Di ba pwedeng magrelax muna tayo sandali?” Reklamo nito sa kanya nang masalo nito ang tissue.“Gagi, itabi mo lang yan sa iyo. Gagamitin natin yan mamaya, tig-isang rolyo tayo.” Sarcastic remarks niya rito.“O-kay! Pasilip sa balcony mo ah!” Pagpapaalam ni Hazel.“Kakasabi ko lang kanina, feel at home. Do as you please, friend.” Nakangiti si Tala.“Sheeeeeeeettt! Ang ganda naman ng sunset view mo rito! Palong-palo!”Tama naman talaga si Hazel. Isa iyon sa dahilan kung bakit niya pinili itong unit kaysa sa iba. Ito lang kasi yung bukod tangi na may magandang view ng sunset ng Manila Bay.“Halika muna sa sala. May plano akong i
“Cleared ka na, Ms. Banaag. You have completed your onboarding requirements,” nakangiting wika ng coordinator matapos nitong i-check ang kanyang envelope. “Please wait for the memorandum of agreement within this week para sa deployment ninyo.”“Thank you, Miss,” magalang na tugon niya rito.Nakahinga ng maluwag si Tala. Maaga siyang pumasok kanina para mapanotaryo ang kanyang consent form. Hindi na kasi siya nakaabot kagabi dahil inabot lang naman siya ng ilang oras sa biyahe sa tindi ng traffic. Sa dulo ng hallway sakto namang naghihintay si Hazel. Magiliw na ngiti ang pinakita nito sa kanya.“Ano, friend, sa tingin mo kaya may pag-asa tayo makapag-OJT sa kumpanya ng jowa mo?” Excited na excited ang tono ng pagkakasabi nito sa kanya.Kung anong dalangin ko na huwag na sana magkrus pa muli ang landas namin ni Ethan, ay siya namang kabalintunaan na hiling ng aking butihing kaibigan.“Ah, malay mo. Marami namang naglalakihang kumpanya dito sa malapit lang. Laking tipid din yun para sa a
CHAPTER 27Dumating ang Sabado ng umaga. Kinailangan ni Tala na lumuwas sa kanilang probinsya sa Quezon. Ilang oras din ang kaniyang naging biyahe. Bitbit ang kaniyang backpack na may lamang documents na kailangan papirmahan sa kanyang ina. Pagbaba niya sa bus terminal, sumakay pa siya ng jeepney upang makarating sa kanilang baryo. Sariwang hangin ang nalalanghap niya sa mga oras na yon, taliwas sa nakagawian niya sa Maynila.I miss my hometown. Naisip niya sa mga oras na iyon habang nasa biyahe. Sa bakuran ng kanilang lupa, nakatayo ang kanyang ina. Nagwawalis ito ng mga tuyong dahon. Bagamat nakayuko, hindi nito napansin ang kanyang pagdating.“Nay…” sambit niya rito. Her tone carried a trace of longing. Nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.“Tala, anak!” Nabitawan nito ang walis tingting na hawak at mabilis na tinungo siya para yakapin. “Halika, pumasok tayo sa loob. Alam kong pagod ka sa biyahe.”“Miss na miss kita, Nay.” Yakap pa rin niya ang ina bago sila gumayak paloob n







