تسجيل الدخولKararating lang ni Venice sa North City Airport nang marinig niya ang sunod-sunod na boarding announcements mula sa malalaking speakers sa paligid. Tahimik siyang naglakad habang hinihila ang maleta, ngunit halatang mabigat ang bawat hakbang niya.
Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa cellphone, ngunit nananatiling tahimik ang screen nito walang tawag, at walang message. Mula nang makipaghiwalay siya kay Asher, ni minsan ay hindi siya nito sinubukang kontakin o gawan ng paraan para makausap siya.
Bahagyang natawa si Venice ngunit walang emosyon ang mga mata. Dati, akala niya ay si Asher na ang lalaking makakasama niya habang buhay, handa niyang talikuran ang lahat para rito. Pero sa huli, napatunayan niyang mali pala siya.
Sakto namang muling nag-vibrate ang cellphone niya, message iyon mula sa mommy niya,
“Venice, one last time kitang tatanungin. Sigurado ka na ba talaga sa substitute marriage? Ayokong pinipilit ka.”
Matagal na nakatitig si Venice sa mensahe, bahagyang huminto ang daliri niya sa ibabaw ng screen habang tahimik na iniisip ang lahat. Sigurado na ba talaga siya? Kaya ba talaga niyang magpakasal sa lalaking hindi niya kilala?
Noon, palagi siyang tumatanggi, pero ngayon—wala na siyang dahilan para umatras. Dahil ang taong dahilan kung bakit patuloy niya itong tinatanggihan ay wala ng puwang sa buhay niya, kaya oo, hindi na muli siyang tatanggi kahit pa hindi niya alam kung sino ang lalaking naghihintay sa kanya.
Unti-unti siyang napapikit bago marahang nag-type ng sagot.
“Desidido na po ako, mommy.”
Halos agad namang dumating ang kasunod na mensahe, inaabangan talaga ang reply niya.
“Venice, eto ’yung contact number ni Mr. Hendrick Monteverde. Bakit hindi mo muna siya kilalanin?”
Bahagyang napakagat-labi si Venice bago kinopya ang number at sinearch iyon sa WeChat.
Maya-maya ay may lumabas na profile. Itim na profile picture at kahit ang background ng account nito ay puro itim.
Walang bio, walang kahit anong impormasyon. Parang hindi totoong gumagamit ng social media ang may-ari nito. Tahimik na pinindot ni Venice ang “Add Friend” bago basta isinuksok ang cellphone sa bag.
Hindi naman siya umaasang ia-accept agad siya, narinig niya noon na sobrang misteryoso raw ni Hendrick Monteverde, ayaw nitong nakikisalamuha sa iba at napakahirap nitong lapitan. Maraming tao sa business world ang gustong magkaroon ng koneksyon dito pero kahit assistant nito ay hindi nila makuha ang contact.
Kaya wala talaga siyang inaasahan.
“Passengers bound for Hong Kong, boarding for flight is now starting…”
Umalingawngaw ang announcement sa buong airport.
Tahimik na hinila ni Venice ang maleta papunta sa boarding gate. Pagkasakay niya sa eroplano, sumandal siya sa upuan at tahimik na pinagmasdan ang tanawin sa labas, mula sa maliit na bintana ay kitang-kita niya ang kumikislap na ilaw ng siyudad.
Napakaraming alaala ng pagmamahal ang iniwan niya, akala niya noon, doon na ang magiging tahanan niya habang-buhay.
Pero ngayon ay napagtanto niyang ilusyon lang pala ang lahat, unti-unti niyang ipinikit ang mga mata habang pilit inaayos ang magulong emosyon sa dibdib niya.
Hindi niya akalaing darating siya sa puntong mapapagod siyang magmahal. Napabuntong-hininga siya at kinuha ang cellphone para i-on ang airplane mode.
Ngunit bago pa niya iyon magawa, may biglang notification na lumabas.
You and H are now friends. Start chatting now!
Nanlaki ang mata ni Venice, agad niyang tiningnan ang oras. Muli niyang chineck ang profile nang tatlong beses, walang mali, si Hendrick Monteverde talaga.
Hindi niya alam kung nagkamali ba siya ng account o assistant lang ba ang gumagamit noon. Pero sa huli, hindi na rin niya iyon masyadong inisip, tahimik niyang isinuksok ulit ang cellphone sa bulsa habang unti-unting umaandar ang eroplano sa runway.
…
Alas-tres ng hapon.
Hong Kong International Airport.
Pagkalabas na pagkalabas ni Venice ng arrival hall ay agad na nag-ring ang cellphone niya.
Unknown Hong Kong number, bahagya siyang natigilan bago iyon sinagot.
“Miss Venice.” Malalim at magalang ang boses ng lalaki sa kabilang linya. “Ako po si Yohan, driver ni Mr. Hendrick. Inutusan niya po akong sunduin kayo, nasa Exit 3 na po ang sasakyan.”
Biglang huminto sa paglalakad si Venice dahil sa narinig.
Hendrick? Paano nito nalamang ngayon ang balik niya sa Hong Kong?
“Okay, papunta na ako.” natitigilang sagot niya, wala ng oras para magtaka, magtatanong na lang siya mamaya.
Pagkababa ng tawag, hinila niya ang maleta papunta sa Exit 3.
Pagdating doon, agad niyang nakita ang isang itim na Maybach na nakaparada sa gilid.
Pagkakita sa kaniya ay mabilis na bumaba ang driver. Mukha itong nasa early twenties, nakasuot ng dark gray suit at napakaayos kumilos.
“Miss Venice, ako na po sa luggage ninyo.” Kinuha ni Yohan ang maleta niya at magalang na binuksan ang back door ng sasakyan.
Sa pagbukas ng pinto, agad niyang naamoy ang malamig na halimuyak ng cedarwood na may halong mahinang amoy ng sigarilyo. Bahagyang natigilan si Venice, madilim ang loob ng sasakyan at sa likod na upuan ay may lalaking nakaupo.
Nakatingin ito sa labas ng bintana habang suot ang itim na silk polo na nakabukas ang dalawang butones sa itaas, dahilan para makita niya ang maputi nitong leeg pababa sa gitnang dibdib. Mahahaba ang mga binti nitong nakapaloob sa suit pants habang kampanteng naka-cross. Halos okupado nito ang buong space sa likod.
Marahil narinig nito ang pagbukas ng pinto kaya dahan-dahan itong nag-angat ng tingin at sa mismong sandaling nagtama ang mga mata nila parang natigil ang paghinga ni Venice.
Masyadong gwapo at nakakapanghina ng tuhod ang prisensya nito. Ito na ba ang lalaking mapapangasawa niya?
Kararating lang ni Venice sa North City Airport nang marinig niya ang sunod-sunod na boarding announcements mula sa malalaking speakers sa paligid. Tahimik siyang naglakad habang hinihila ang maleta, ngunit halatang mabigat ang bawat hakbang niya.Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa cellphone, ngunit nananatiling tahimik ang screen nito walang tawag, at walang message. Mula nang makipaghiwalay siya kay Asher, ni minsan ay hindi siya nito sinubukang kontakin o gawan ng paraan para makausap siya. Bahagyang natawa si Venice ngunit walang emosyon ang mga mata. Dati, akala niya ay si Asher na ang lalaking makakasama niya habang buhay, handa niyang talikuran ang lahat para rito. Pero sa huli, napatunayan niyang mali pala siya.Sakto namang muling nag-vibrate ang cellphone niya, message iyon mula sa mommy niya, “Venice, one last time kitang tatanungin. Sigurado ka na ba talaga sa substitute marriage? Ayokong pinipilit ka.”Matagal na nakatitig si Venice sa mensahe, bahagyang huminto an
Pagkalipas ng dalawang araw, ang mga sugat ni Venice ay unti-unti na ring gumagaling at bumalik na rin sa normal ang boses niya. Sa loob ng dalawang araw na iyon, ni minsan ay hindi siya dinalaw ni Asher. Ang tanging natanggap niya ay isang package mula sa mommy niya sa Hong Kong.Tahimik siyang nakatayo sa tabi ng bintana ng ward habang pinagmamasdan ang masikip na daloy ng mga sasakyan sa ibaba. Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok si Dr. Lucas.Hindi ito nakasuot ng puting coat ngayon kundi dark gray na polo na nakatiklop hanggang siko ang manggas. Mas mukhang approachable ito kumpara sa dati nitong malamig na aura.“Naayos ko na ang lahat ng documents.” Iniabot nito ang folder sa kaniya. “Pwede ka nang umalis.”Tinanggap iyon ni Venice at bahagyang yumuko. “Salamat, Dr. Lucas.”Hindi agad sumagot si Dr. Lucas, nakatitig lang ito sa kaniya na para bang may iniisip.“Dr. Lucas? May problema ba?”“Babalik ka na ba talaga ng Hong Kong ngayon?”Tumango si Venice, bigla namang napa
Bahagyang natigilan si Venice sa narinig.Sa loob ng isang taon, nakita niya kung paano halos mabaliw si Asher sa paghahanap ng paraan para gumaling ang pandinig niya, pero walang naging epekto. Hanggang anim na buwan na ang nakalipas, nang si Dr. Lucas mismo ang humawak sa gamutan niya saka lamang unti-unting bumuti ang lagay niya.Pero may kakaibang pakiramdam si Venice, paano kung hindi talaga si Asher? Kung ganun ay sino? Kung talagang malapit sina Asher at Dr. Lucas, bakit parang malamig lagi ang tingin ng doktor kay Asher noon?Napatingin siya rito, puno ng tanong ang mga mata, ngunit hindi na nagsalita pa si Dr. Lucas mukhang walang balak sabihin sa kanya.“Sige, hindi na kita guguluhin. Magpahinga ka at alagaan mo ang sarili mo.”“Salamat, Dr. Lucas.” Bahagya siyang ngumiti bago tumango bilang paalam.Pagkaalis nito, muling natahimik ang kwarto niya. Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Venice, karamihan sa mensahe ay galing sa mommy niya, nagtatanong kung kailan siya babalik
Mabilis na namula ang mukha ni Sofia bakas dito ang sampal na ibinigay ni Venice.Napahawak ito sa namumulang pisngi habang nakatitig kay Venice nang hindi makapaniwala. Ilang segundo rin bago ito nakapagsalita.“Ikaw, sinampal mo ba talaga ako?!”Galit nitong itinaas ang kamay para gumanti, pero mas mabilis na nasalo ni Venice ang pulsuhan ni Sofia.Kasunod no’n ay isa pang malakas na sampal.*Pak!*Napaling sa kabila ang ulo ni Sofia sa lakas ng tama. Nagulo ang maayos nitong buhok at tumabing iyon sa kaniyang mukha. Nanlalaki ang mga mata at tila hindi pa rin matanggap na dalawang beses siyang nasampal.Biglang tumahimik ang buong VIP room. Lahat ay natigilan at nakatingin sa dalawa.Si Asher ang unang natauhan, pero para siyang napako sa kinatatayuan. Talaga bang naririnig na siya ni Venice?“Malandi ka! Papatayin kita!” Sa sigaw ni Sofia ang nagpabalik kay Asher sa katinuan.Galit na galit itong sumugod kay Venice, diretso ang mga kuko sa mukha nito. Ngunit mabilis na nahawakan n
“Asher, totoo bang pinabalik mo si Sofia dito sa bansa? Hindi ka ba natatakot na magalit si Venice?” tanong ng kung sino ang bumungad kay Venice, lingid sa kaalaman ng mga taong naroon na nakaririnig na siya. Matapos ang isang taong pagkawala ng kanyang pandinig ay sa wakas muling bumalik ang pandinig si Venice. Ngunit sa sandaling marinig niya ang usapan mula sa loob ng pribadong silid ng club, tila nanigas ang buong pagkatao niya.“Kapag wala kayong sinabi, wala siyang malalaman,” malamig na sagot ni Asher. “Mahigit isang taon na ring nasa abroad si Sofia. Namimiss na niya rito kaya mabuti lang na umuwi siya dito.”Napatawa ang isa nilang kasama. “Sa tingin ko hindi rito ang nami-miss niya—ikaw.”Sabay-sabay na nagtawanan ang nasa loob, habang siya ay unti-unti ng namumuo ang sakit sa kanyang dibdib. “Kung anu-ano ang sinasabi niyo,” sagot ni Asher. “Kapatid lang ang turing ko sa kaniya.”“Talaga ba? Eh nakita kitang hinalikan niya kanina. Mukhang hindi kapatid ang tingin niya sa’







