تسجيل الدخولBahagyang natigilan si Venice sa narinig.
Sa loob ng isang taon, nakita niya kung paano halos mabaliw si Asher sa paghahanap ng paraan para gumaling ang pandinig niya, pero walang naging epekto. Hanggang anim na buwan na ang nakalipas, nang si Dr. Lucas mismo ang humawak sa gamutan niya saka lamang unti-unting bumuti ang lagay niya.
Pero may kakaibang pakiramdam si Venice, paano kung hindi talaga si Asher? Kung ganun ay sino?
Kung talagang malapit sina Asher at Dr. Lucas, bakit parang malamig lagi ang tingin ng doktor kay Asher noon?
Napatingin siya rito, puno ng tanong ang mga mata, ngunit hindi na nagsalita pa si Dr. Lucas mukhang walang balak sabihin sa kanya.
“Sige, hindi na kita guguluhin. Magpahinga ka at alagaan mo ang sarili mo.”
“Salamat, Dr. Lucas.” Bahagya siyang ngumiti bago tumango bilang paalam.
Pagkaalis nito, muling natahimik ang kwarto niya. Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Venice, karamihan sa mensahe ay galing sa mommy niya, nagtatanong kung kailan siya babalik ng Hong Kong.
Mabilis siyang nag-reply dahil nakapag-desisyon na rin naman na siya.
“Mom, may nangyari lang dito. Babalik ako after a few days.” Pagkasend niya, isa pang mensahe ang dumating, mula iyon kay Asher.
“Venice, malala ba ang sugat mo kagabi? Pupuntahan kita mamaya. Ano gusto mong kainin? Dadalhan kita.”
Matagal iyong tinitigan ni Venice, unti-unting umangat ang labi niya sa malamig na ngiti.
Nang igalaw niya ang balikat, agad siyang napangiwi sa sakit. Mabigat pa rin ang benda sa noo niya at kumikirot ang katawan niya dahil sa nangyari kagabi.
Dahan-dahan siyang nag-type. “Asher, maghiwalay na tayo.”
Pagkasend niya, agad niyang binlock at dinelete ang contact nito. Pagkatapos ay ipinikit niya ang mga mat, ikinalma niya ang sarili para sa desisyong nagawa.
…
Samantala, sa gitna ng traffic sa north district, mabagal na umaandar ang itim na Mercedes ni Asher. Nang mabasa niya ang mensahe ni Venice, agad siyang natigilan.
Dahil sa pagkakadistract, muntik niyang mabangga ang sasakyan na nasa harapan.
“Damn it, Asher! Ano bang iniisip mo?” reklamo ni Caleb mula sa passenger seat.
Tahimik lang si Asher habang nakatitig sa cellphone, tila hindi nagproproseso sa kanya ang nabasa.
Napabuntong-hininga si Caleb. “Galit lang si Venice dahil sa nangyari kagabi. Kahit sino naman magagalit.”
Mas humigpit ang hawak ni Asher sa manibela habang iniisip ang nabasa niyang mensahe ni Venice.
“Pero mahal na mahal ka no’n,” dagdag pa ni Caleb. “Suyuin mo lang sa ospital, okay na ’yan.”
Tahimik pa rin si Asher, walang mahanap na salita para sagutin ang kaibigan.
“Iniwan niya ang Hong Kong para sa ’yo,” patuloy ni Caleb. “Wala siyang pamilya rito, tapos wala pa siyang pandinig. Ang dami niyang tiniissa kamay ni Sofia pero hindi siya umalis.” Huminto ito sandali bago nagsalita muli. “Ang babaeng gano’n, madaling suyuin.”
Biglang nagsalita si Asher. “Sabi niya ay makikipaghiwalay na siya.”
“Ano?” gulat na sabi ni Caleb bago natawa. “Imposible. Si Venice? Hindi ’yan seryoso panigurado.”
Hindi sumagot si Asher.
“Hindi ka niyan kayang iwan,” kumpiyansang sabi ni Caleb. “Dahil wala naman siyang ibang aasahan dito bukod sa ’yo.”
Tahimik lang si Asher habang may kakaibang bigat sa dibdib niya. Pagkaraan ng kalahating oras, nakarating sila sa ospital, pero bago pa man siya makababa, biglang humarang si Sofia.
“Asher!” May benda pa rin ang bukung-bukong kaya mukha itong kawawa.
“Bakit ka lumabas?” tanong ni Asher. “Hindi na ba masakit ang paa mo?”
“Masakit pa pero tinitiis ko lang,” mahina nitong sagot.
Bago pa ito magsalitang muli ay biglang tumunog ang cellphone nito, nang makita ang caller ID, agad itongkinabahan.
“Asher ang Dad mo! Ikaw na ang sumagot please?”
Napakunot-noo si Asher pero tinanggap pa rin niya ang tawag.
“Asher,” seryosong bungad ng ama nito, “narinig ko ang nangyari kagabi. Totoo bang sinaktan ni Venice si Sofia?”
“Dad, hindi gano’n ang nangyari—”
“Wala akong pakialam!” galit nitong putol. “Kapatid mo si Sofia! Hindi mo ba naaalalang iniligtas ng ama niya ang buhay ko noon?”
Umigting ang panga ni Asher, hindi niya magawang sumabat sa sinasabi ng ama.
“At isa pa,” dagdag ng ama niya, “isama mo si Sofia mamaya sa bahay. Miss na siya ng mommy mo.”
Pagkatapos no’n ay pinatay na agad ang tawag. Tahimik na nakatitig si Asher sa cellphone nang hilahin ni Sofia ang manggas niya.
“Asher… huwag ka nang magalit sa akin, please? Magiging mabait na ako.”
Mariin na napapikit si Asher bago nagsalita. “Huwag mo ng sasaktan si Venice. Siya ang magiging asawa ko.”
Ngumuso si Sofia ngunit agad ding ngumiti. “Gusto nila Mom at Dad na umuwi tayo for dinner. Tara na?”
Hindi agad nakasagot si Asher, napatingin siya sa direksyon ng ospital at naalala ang mensahe ni Venice.
Makikipaghiwalay? Paniguradong hindi at dala lang ito ng galit. Kailangan lang nitong kumalma, huminga siya nang malalim saka ibinalik ang cellphone kay Sofia.
“Tara na.” alok ni Asher.
Agad namang sumunod si Sofia sa sasakyan, pagkasara ng pinto, mabilis na nag-type si Asher.
“Venice, kailangan ako ni Dad. Pupuntahan kita mamaya. Magpahinga ka at alagaan mo sarili mo.”
Pagkasend niya, ibinulsa niya agad ang cellphone, hindi niya napansin ang pulang notification sa screen. Failed to send ang message niya.
Kararating lang ni Venice sa North City Airport nang marinig niya ang sunod-sunod na boarding announcements mula sa malalaking speakers sa paligid. Tahimik siyang naglakad habang hinihila ang maleta, ngunit halatang mabigat ang bawat hakbang niya.Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa cellphone, ngunit nananatiling tahimik ang screen nito walang tawag, at walang message. Mula nang makipaghiwalay siya kay Asher, ni minsan ay hindi siya nito sinubukang kontakin o gawan ng paraan para makausap siya. Bahagyang natawa si Venice ngunit walang emosyon ang mga mata. Dati, akala niya ay si Asher na ang lalaking makakasama niya habang buhay, handa niyang talikuran ang lahat para rito. Pero sa huli, napatunayan niyang mali pala siya.Sakto namang muling nag-vibrate ang cellphone niya, message iyon mula sa mommy niya, “Venice, one last time kitang tatanungin. Sigurado ka na ba talaga sa substitute marriage? Ayokong pinipilit ka.”Matagal na nakatitig si Venice sa mensahe, bahagyang huminto an
Pagkalipas ng dalawang araw, ang mga sugat ni Venice ay unti-unti na ring gumagaling at bumalik na rin sa normal ang boses niya. Sa loob ng dalawang araw na iyon, ni minsan ay hindi siya dinalaw ni Asher. Ang tanging natanggap niya ay isang package mula sa mommy niya sa Hong Kong.Tahimik siyang nakatayo sa tabi ng bintana ng ward habang pinagmamasdan ang masikip na daloy ng mga sasakyan sa ibaba. Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok si Dr. Lucas.Hindi ito nakasuot ng puting coat ngayon kundi dark gray na polo na nakatiklop hanggang siko ang manggas. Mas mukhang approachable ito kumpara sa dati nitong malamig na aura.“Naayos ko na ang lahat ng documents.” Iniabot nito ang folder sa kaniya. “Pwede ka nang umalis.”Tinanggap iyon ni Venice at bahagyang yumuko. “Salamat, Dr. Lucas.”Hindi agad sumagot si Dr. Lucas, nakatitig lang ito sa kaniya na para bang may iniisip.“Dr. Lucas? May problema ba?”“Babalik ka na ba talaga ng Hong Kong ngayon?”Tumango si Venice, bigla namang napa
Bahagyang natigilan si Venice sa narinig.Sa loob ng isang taon, nakita niya kung paano halos mabaliw si Asher sa paghahanap ng paraan para gumaling ang pandinig niya, pero walang naging epekto. Hanggang anim na buwan na ang nakalipas, nang si Dr. Lucas mismo ang humawak sa gamutan niya saka lamang unti-unting bumuti ang lagay niya.Pero may kakaibang pakiramdam si Venice, paano kung hindi talaga si Asher? Kung ganun ay sino? Kung talagang malapit sina Asher at Dr. Lucas, bakit parang malamig lagi ang tingin ng doktor kay Asher noon?Napatingin siya rito, puno ng tanong ang mga mata, ngunit hindi na nagsalita pa si Dr. Lucas mukhang walang balak sabihin sa kanya.“Sige, hindi na kita guguluhin. Magpahinga ka at alagaan mo ang sarili mo.”“Salamat, Dr. Lucas.” Bahagya siyang ngumiti bago tumango bilang paalam.Pagkaalis nito, muling natahimik ang kwarto niya. Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Venice, karamihan sa mensahe ay galing sa mommy niya, nagtatanong kung kailan siya babalik
Mabilis na namula ang mukha ni Sofia bakas dito ang sampal na ibinigay ni Venice.Napahawak ito sa namumulang pisngi habang nakatitig kay Venice nang hindi makapaniwala. Ilang segundo rin bago ito nakapagsalita.“Ikaw, sinampal mo ba talaga ako?!”Galit nitong itinaas ang kamay para gumanti, pero mas mabilis na nasalo ni Venice ang pulsuhan ni Sofia.Kasunod no’n ay isa pang malakas na sampal.*Pak!*Napaling sa kabila ang ulo ni Sofia sa lakas ng tama. Nagulo ang maayos nitong buhok at tumabing iyon sa kaniyang mukha. Nanlalaki ang mga mata at tila hindi pa rin matanggap na dalawang beses siyang nasampal.Biglang tumahimik ang buong VIP room. Lahat ay natigilan at nakatingin sa dalawa.Si Asher ang unang natauhan, pero para siyang napako sa kinatatayuan. Talaga bang naririnig na siya ni Venice?“Malandi ka! Papatayin kita!” Sa sigaw ni Sofia ang nagpabalik kay Asher sa katinuan.Galit na galit itong sumugod kay Venice, diretso ang mga kuko sa mukha nito. Ngunit mabilis na nahawakan n
“Asher, totoo bang pinabalik mo si Sofia dito sa bansa? Hindi ka ba natatakot na magalit si Venice?” tanong ng kung sino ang bumungad kay Venice, lingid sa kaalaman ng mga taong naroon na nakaririnig na siya. Matapos ang isang taong pagkawala ng kanyang pandinig ay sa wakas muling bumalik ang pandinig si Venice. Ngunit sa sandaling marinig niya ang usapan mula sa loob ng pribadong silid ng club, tila nanigas ang buong pagkatao niya.“Kapag wala kayong sinabi, wala siyang malalaman,” malamig na sagot ni Asher. “Mahigit isang taon na ring nasa abroad si Sofia. Namimiss na niya rito kaya mabuti lang na umuwi siya dito.”Napatawa ang isa nilang kasama. “Sa tingin ko hindi rito ang nami-miss niya—ikaw.”Sabay-sabay na nagtawanan ang nasa loob, habang siya ay unti-unti ng namumuo ang sakit sa kanyang dibdib. “Kung anu-ano ang sinasabi niyo,” sagot ni Asher. “Kapatid lang ang turing ko sa kaniya.”“Talaga ba? Eh nakita kitang hinalikan niya kanina. Mukhang hindi kapatid ang tingin niya sa’







