LOGINItinukod ni Aeros ang kaniyang siko sa gilid ng sasakyan para idiin ang mga daliri sa kaniyang sentido. Sumasakit ang kaniyang ulo. Gusto niyang murahin ang sarili. Tatlong beses sa isang araw niya dapat iniinom ang kaniyang gamot. Sa umaga, tanghali at gabi. Ngunit nawala sa kaniyang isip ang bagay na ‘yon nang umakyat siya sa kuwarto pagkatapos na maghugas ng mga plato, dahil nasulyapan niyang nag-aayos ng sarili ang kaniyang asawa sa harap ng vanity table.Nakita niya ang repleksyon nito sa salamin, hindi pa man tapos sa pagpapaganda ay talagang maganda na ito. Noong lumabas naman siya sa banyo, nakita niyang tapos na ito, at talagang nablangko ang kaniyang isip. Wala na siyang ibang gustong gawin kung hindi ipulupot ang mga kamay sa bewang nito at mapalapit dito. She's too beautiful not to be noticed by everyone. Hindi pa man lumalabas ng bahay ay parang gusto na niya itong ipagdamot sa lahat ng pwedeng makakita. Naglagay ito ng kaunting makeup, sapat para maging prese
“Tigilan mo nga ako, alam kong gano’n din ang gusto mo, iyong tipong subsob sa trabaho.“ Ismid niya sa kaibigan.Ngumisi si Lavender.“Actually I like the setup. Maganda ang sistema sa kompanya, may sarili din akong opisina. Ikaw rin... may opisina ka.” Alangan ang pagdagdag nito sa huling salita, parang naninimbang.Ngumiti siya ng maliit, ayaw munang marinig ang detalye tungkol doon.Hindi niya pa nasasabi kay Aeros ang tungkol sa napag-usapan nila ni Lavender. At tingin niya, hindi niya rin kayang sabihin kay Aeros na may trabaho nang naghihintay sa kaniya.Uminom siya ng kape. “Nakaalis na ang kapatid mo papuntang ibang bansa?” Pag-iiba niya agad sa usapan. Tumango si Lavender, ramdam na ayaw na niyang ituloy nito ang tungkol sa usapan sa trabaho. “Ewan ko ba, ang sabi ko pwede naman sila sa El Nido. Mas malapit pa. Pwede rin naman silang mag-eroplano papuntang Palawan. Pero ayaw nila, gusto nila doon sa malayo, para daw hindi ko sila maisturbo.” Pinilit niyang ngumiti dah
“Hindi ko talaga gusto si Dale para sa’yo. Alam mo ’yan. Kahit noong nanliligaw pa lang siya at puro magagandang katangian pa lang ang ipinapakita niya, nagdududa talaga ako.” Naging malungkot ang kaniyang ngiti. Naalala niya kung paano noon kwinestyun ni Lavender ang nararamdaman niya para kay Dale. Iniisip nito na baka hindi talaga niya gusto ang lalaki, baka raw naho-homesick lamang siya at naghahanap ng taong magpaparamdam sa kaniya na may lugar na 'belong' siya. Like a feeling of a home. Dahil no’ng mga panahon na ’yon, kapag magkasama sila ni Dale, pinaparamdam nito na tila ito ang kaniyang tahanan. Panatag siya sa piling ni Dale, at sa totoo lang, don din nagsimula na parang lumalambot ang puso niya sa para sa lalaki. Palagi nitong pinaparamdam na maaari siyang dumepende rito. For years, she never felt that. Simula nang mag-asawa ulit ang kaniyang Mommy, parang wala na siyang ibang kakampi kun’di ang sarili niya. Hindi siya pwedeng dumepende sa iba, kailangan na magi
“Kailan ‘to?” Tanong ni Lavender, ang tinutukoy ang sinabi niya na muntik na siyang kombulsyunin. Puno ng pag-aalinlangan niyang tiningnan si Lavender. Alam niyang kahit tapos na ang pangyayari, sariwa pa rin ang pag-aalala nito sa kaniya. Kinagat niya ang ibabang labi bago sumagot, “Isang linggo bago ako umalis ng Cagayan de Oro.” Kumunot ang noo ni Lavender. “That’s almost a month now.” Mahina nitong sabi.Tumitig ito sa kaniya at parang may napagtanto. “Bago ka umalis ng Cagayan de Oro? Gosh… yes, narinig ko nga ang nangyari sa club.” Nagdilim ang mga mata ni Lavender. Kapag nangyayari iyon, dalawang emosyon lamang ang posibleng nangingibabaw sa pagkatao nito, galit o takot. “Ibigsabihin kagagaling mo lang sa sakit at… kababalik lang ng pandinig mo nang sugurin mo sila Dale sa club?” Sugurin? Siya naman ang napakunot ang noo. Hindi siya sumugod sa club. Wala sa plano niya ang manggulo sa pagtitipon nila Dale. Nagtungo siya roon dahil gusto niyang ibalita kay Dale na magal
Pagpasok sa coffee shop ay natanaw niya agad ang pamilyar na babae na nakaupo malapit sa salaming pader. Nakasuot ito ng dark mocha brown na asymmetrical knitted sweater kaya nakalantad ang isa nitong balikat. Nakasuot rin ito ng mini-skirt kagaya niya, ngunit mas maiksi at mas sexy na tingnan dahil may mga tali sa gilid nito. Ang suot na ankle boots ay sobrang taas, halatang mamahalin at bago. Para itong modelong nagkakape sa isang mamahaling coffee shop. Nakalugay ang umaalon nitong buhok kaya mas maganda at nakakaakit tingnan. At kung maupo ito ay animo’y pagmamay-ari ang buong coffee shop. Hindi pa rin talaga naglalaho ang obsession nito sa fashion.Matangkad si Lavender at balingkinitan ang katawan. Hindi rin ito ganoon kaputi, ngunit hindi rin naman kayumanggi, sapat lang ang kulay para magmukhang morena at kutis pulselana. Mabagal siyang naglakad papunta sa mesa nito, hindi pa ito nakakapa-order ngunit halatang binigyan na ng complimentary drinks ang babae. Nag-angat ng ti
Gusto niyang murahin ang sarili, hanggang ngayon kasi ay nag-iinit pa rin ang kaniyang pisngi kapag naalala ang mga sinabi ni Aeros sa kaniya kanina.“And you look extra beautiful today.”“You smell like honeysuckle again, Wife.”“Gorgeous…”Iyon ang mga salitang paulit-ulit na bumubulong sa likod ng kaniyang isip.Hindi niya maintindihan kung bakit masyado siyang apektado sa mga papuri ni Aeros! Hanggang ngayon, kahit na nasa sasakyan na sila, at naka-on naman ang air-conditioning ay mainit pa rin ang kaniyang pakiramdam. Lalo na ang kaniyang pisngi, sobrang init no’n at namumula pa.Nakabaling ang kaniyang tingin sa salamin ng pintuan, ayaw niyang lingunin si Aeros kahit na ramdam niya ang madalas nitong pagsulyap sa kaniya.Dapat ay kanina pa sila umalis, ngunit alas otso y media na ngayon ay saka pa lang sila babyahe.Paano ba naman, ayaw siyang pakawalan ni Aeros kanina! Niyayakap siya nito at ibinabaon ang mukha sa kaniyang leeg. Pinapaulanan nito ng halik ang maselang parte sa
Ilang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lah
Ilang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito.Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kan
“Totoo ba na nakauwi na ng Cagayan ang kapatid mo, Dale?” Kuryusong tanong ng isang boses na sadyang nagpatigil kay Rory sa harap ng nakasiwang na pinto.“Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Rory kung sakaling malaman niyang nakauwi na si Samantha?”Nanlamig agad ang sikmura ni Rory nang bangg
Kabanata 5Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan. Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauz







