FAZER LOGINAng kaniyang takot ay agad na napalitan ng kakaibang pakiramdam. Lumaki ang kaniyang puso. Para iyong sasabog sa saya at galak. Nagawa niya! Napatakbo niya si Atlanta sa ganoong distansya nang hindi siya nahuhulog o nabubuwal sa kaniyang kinauupuan. Lumapit ang tauhan, hinawakan nito sa gilid ang lubid at nakangiting nag-angat ng tingin sa kaniya. “Ang galing niyo po, Ma’am. Ang bilis niyo pong matuto!” Masaya nitong sabi. Ngumiti siya ng pagkalaki-laki. Malaking bagay para sa kaniya ang papurihah siya sa ganito dahil hindi niya pa kailanman nasubukan ang ganitong aktibidad. Siguro nga’y mabilis siyang matuto. “Iikot po natin si Atlanta, Ma’am.” Saad ni Jose. Tumango siya. Iginiya ni Jose ang kabayo hanggang sa umikot ito sa kinatatayuan. Ngayon, nakaharap na siya sa direksyon ni Aeros. Nakita niyang nakatayo pa rin ito kung saan niya ito iniwan. Tinatanaw pa rin siya ng lalaki. Tuluyan na napalitan ng saya at kakaibang pakiramdam ang kaba at takot sa kaniyang puso.
Hawak na naman ni Aeros ang kaniyang bewang at tinutulungan siyang umakyat sa saddle. Hindi na ganoon katindi ang kaniyang kaba sa pag-akyat sa likod ng kabayo, ngunit nag-aalangan pa rin siya. Kaya nang iangat siya ni Aeros, kaysa na sumigaw, napasinghap na lamang siya. Biglang gumalaw si Atlanta nang makaupo na siya sa likod nito, agad naman niyang hinawakan ang renda at mariin niyang pinanatili ang sarili sa kinauupuan upang hindi mabuwal. “Atlanta. Easy, girl.” Rinig niyang saway ni Aeros sa kabayo. Bahagya nitong hinila ang lubid para tumigil sa paglulumikot ang kabayo. Wala si Goliath, tanging si Atlanta lamang ang inilabas sa kuwadra. Pakiramdam tuloy niya, magpopokus si Aeros sa pagturo sa kaniya para tuluyan siyang matuto. “Gawin mo lang ang itinuro ko sa’yo.” Bilin nito nang tinangalain siya.Nagtama saglit ang kanilang mga mata, ngunit sandali lamang iyon dahil naglakad si Atlanta at nawala sa paningin niya ang seryosong mukha ni Aeros. Hinila nito ang renda para maka
Pinanatag niya ang kaniyang kaibigan na hindi na siya makikipagbalikan kay Dale kahit pa magkita ulit sila. Sinubukan niya rin ipaliwanag kay Lavender na hindi na siya ganoon ka-active sa social media dahil iniiwasan niyang macontact siya ni Dale sa mga social media platform kaya maliban sa direktang pag-contact nito sa kaniyang numero ay hindi na siya nito macocontact sa ibang paraan.Kailangan niyang limitahan ang sarili sa social media, dahil may pakiramdam siya na kahit e-block niya ang account ni Dale sa mga social media platforms ay gagawa lamang ito ng bagong account para macontact siya.“Kung hindi ka na babalik ng CDO, ibigsabihin may nahanap ka nang trabaho diyan?” Pang-uusisa nito pagkaraan.Mabuti na lang at hindi na nito itinuloy ang usapan ang tungkol kay Dale.Ginalaw niya ang mga paa sa ilalim ng tubig dahil wala siyang ibang mapagkaabalahan. Nakakarelax din iyong gawin.“Wala pa.” Aniya.Kahit na sinabi na sa kaniya ni Aeros na gusto nito na magtrabaho siya sa kompany
“Oh my god, Rory! Nag-aalala na ako sa’yo, ilang araw ka nang walang paramdam!” Pasigaw na sabi ni Lavender sa kaniya nang sagutin niya ang tawag nito. Bakit nga ba kasi nawala sa isip niya na e-check ang cellphone? Simula nang dumating sila ni Aeros sa Casa Verde, ngayon na lang niya ulit ini-open ang kaniyang cellphone. Ngayon niya lang din nabasa ang ilang mensaheng natanggap galing kay Lavender, sa kaniyang Mommy, at sa isang anonymous number na hula niya’y si Lawrence.Kagabi niya pa ichinarge ang phone, bago sila matulog ni Aeros, dahil kahapon pa iyon deadbatt . At ngayon niya lang na-open ulit, kabubukas pa lang ng system ay nakatanggap na siya agad ng tawag. “I’m sorry about that. Ngayon ko lang ulit—” “Do you even know how many times I tried to contact you? Simula pa kahapon, tinatawagan ko na ang number mo pero palagi kang cannot be reach.” Putol nito sa kaniya, tila ayaw na marinig ang dahilan niya. Naupo siya sa gilid ng pool at hinayaang mabasa ang kaniyang paa hang
Posibleng ikatuwa ng kaniyang Mommy at Tito Christian ang balitang ito. Maliban sa may bibili na ng shares sa kompanya at magiging good investor pa, magiging miyembro pa si Aeros ng board of directors.Si Aeros Elizondo. Si Aeros, na isang Elizondo!Kung sakaling pumutok ang balita na isa na sa board of directors sa kanilang kompanya si Aeros, siguradong magkukumahog na bumalik ang mga investors sa kanilang kompanya. Marami ang maghahangad na makasama si Aeros sa isang business meeting o business conference. Marami ang magsisisi na ibinenta ang kanilang shares sa kompanya.Sinubukan niyang ngumiti para ipakita ang kaniyang pagsang-ayon sa plano nito.“Kung ‘yan ang gusto mo.” Wala sa sarili niyang nasabi.Ngunit sandaling napatigil siya nang may maalala.“Pero… hindi kaya mahirapan ka sa trabaho? Ikaw na ang namamahala sa kompanya ninyo. Tapos… magiging board of directors ka pa sa kompanya namin.” Sumubo ito ng pagkain at mabagal na ibinaba ang kamay sa mesa. Bawat galaw nito'y elega
Dahil napagod sa paglangoy at pangangabayo, minabuti na lamang ni Aeros na sa casita na lamang sila maghapunan upang hindi na nila kailangan na umakyat papunta sa casa. Sila Manay Anji ang bumaba para dalhin ang kanilang hapunan. Habang naliligo siya sa banyo, nagsimula namang maghain ng hapunan ang mga kasambahay. Naunang naligo si Aeros sa kaniya kaya ito na ang naabutan ng mga tauhan sa labas nang magsidatingan. Ito rin ang nagmando sa mga tauhan kung saan ilalagay ang kanilang pagkain. Lumabas siya sa banyo na tanging puting roba lamang ang kaniyang suot. Mahigpit niyang itinali sa may tiyan ang tali upang hindi iyon basta-bastang bumukas. Wala siyang bra, kaya kung aksidente iyong mahuhubad ay siguradong malalantad agad ang kaniyang dibdib. Kumuha rin siya ng maliit na tuwalya at pinunasan ang basang buhok. Pagkalabas niya sa sala, naabutan niya pa ang ilang tauhan na naglalakad na palayo sa kanilang casita. Tapos na ang mga ito na ihain ang kanilang hapunan. Mabag
Agad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot.“Walan
Ilang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lah
Ilang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito.Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kan
“Totoo ba na nakauwi na ng Cagayan ang kapatid mo, Dale?” Kuryusong tanong ng isang boses na sadyang nagpatigil kay Rory sa harap ng nakasiwang na pinto.“Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Rory kung sakaling malaman niyang nakauwi na si Samantha?”Nanlamig agad ang sikmura ni Rory nang bangg







