Share

CHAPTER 42

"Oh? Anong mukha 'yan?" bungad na tanong sa akin ni Sabrina. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at basta na lang akong umiyak sa harap ng aking kaibigan. Ramdam ko ang kanyang pagpa-panic. Marahan niya akong hinila papasok sa bahay at ini-lock ang pinto.

"Hoy, bakit, ha? Anong nangyari? May ginawa na naman ba ang biyenan mong tigre sa'yo?!" galit nitong sunod-sunod na tanong. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak nito sa magkabilaang balikat ko.

"A-Ayaw na sa a-akin ni G-Grantt," humihikbi ko pang sabi. "H-Hindi niya man lang kayang pagsabihan ang nanay niya at n-nandon din ang f-first love niya," dire-diretso ngunitl kong sabi. Pakiramdam ko ay para akong batang umiiyak dahil inagawan ng lollipop.

"What?! Sige, umiyak ka muna diyan bago mo sabihin sa'kin ang nangyari at hindi kita maintindihan, Yongsann. Hinaan mo rin ang boses mo at baka magising ang anak mo."

Impit naman akong napahikbi dahil sa huling paalala nito. Ilang minuto rin siguro ang nakalipas bago ako kumalma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status