Share

Behind The Lies

last update publish date: 2026-11-16 08:18:51

ZOE'S POV

Hindi naging madali ang pagpasok ko sa opisina kinabukasan. Halos hindi ako nakatulog. Tuwing pumipikit ako, bumabalik sa isip ko ang nakita ko sa apartment ni Adrian. Masakit isipin na dalawang taong lubos na pinagkatiwalaan ko ang siyang unang nanakit sa akin.

Pero wala akong magagawa. Kailangan kong magtrabaho.

“Good morning, Zoe.”

Napatingin ako kay Yvette nang dumaan siya sa desk ko. May dala siyang folder at pilit na ngiti.

Hindi ko siya sinagot. Ipinagpatuloy ko lang ang pag-aayos ng mga dokumento. Pero sa totoo lang gusto kong hilahin ang buhok niya at ikiskis ang mukha niya sa desk.

“Can we talk?” tanong niya.

“Of course," I paused. "No." mariin kong sabi at malamig ang tingin sa kanya.

Napaatras siya sa malamig kong sagot. Ilang segundo siyang nanatili sa tabi ko bago tuluyang umalis.

Hindi ko na kailangang pakinggan ang mga paliwanag niya. Sapat na ang nakita ko.

Maya-maya, tumunog ang intercom. “Ms. Laxamana, come to my office.”

Agad kong inayos ang hawak na folder at tumayo.

---

“Sit down.” Inilapag ni Froilan ang isang dokumento sa harap niya.

Umupo ako sa kabilang panig ng desk at hinintay siyang magsalita.

“Document Control forwarded your inquiry," dagdag niya .

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. “The access history?”

Tumango siya at itinulak sa akin ang kopya ng report.

“Someone accessed the acquisition files using an account connected to the Executive Support Division. The request was approved by a senior executive.”

Sinuri ko ang pangalan sa dokumento. Hindi iyon pamilyar sa akin, pero alam kong kabilang ang taong iyon sa mataas na posisyon sa kumpanya.

“Why would someone access the files before the official release?” I asked halos pabulong.

“That is what we're trying to find out.” Tumingin siya sa akin. Matalim ang kaniyang mga mata, tila sinusuri kung may iba pa akong nalalaman.

“Have you noticed anything unusual recently?” tanong niya sa akin.

Saglit akong nagdalawang-isip. “Nothing beyond the document discrepancy, sir.”

Hindi ko alam kung bakit hindi ko sinabi ang tungkol kina Adrian at Yvette. Hindi naman direktang tungkol sa trabaho ang pagtataksil nila, at ayokong magdala ng personal na problema sa opisina.

“Keep every record related to that file,” utos niya. “Do not share it with anyone outside the authorized team.”

“Yes, sir," agad kong tugon.

“Understood?” tanong niya na bahagyang nakataas ang isang kilay.

Tumango ako. “Yes, sir.”

Tumango din siya at muling bumalik sa binabasa. Tumayo ako at lumabas, dala ang kopya ng report.

Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay mas malaki ang problemang kinakaharap ng kumpanya kaysa sa simpleng pagbabago ng numero sa isang dokumento.

---

Bandang hapon, pumunta ako sa Document Control para hingin ang karagdagang detalye tungkol sa account.

“Ms. Laxamana, I don't think you should dig too deeply into this,” sabi ng empleyadong nakausap ko.

Napakunot ang noo ko. “Why?”

Nag-alangan siyang sumagot bago inilapit sa akin ang isang papel. “The access request was routed through the office of Senior Executive Director Ramon Villareal. But the account itself was used by someone from your department's support network.”

Napatingin ako sa pangalan. Ramon Villareal. Isa siya sa mga senior executive na direktang nakikipag-ugnayan sa chairman.

“Is there anything else?”

Umiling siya. “That's all I can provide without formal authorization.”

Nagpasalamat ako at bumalik sa opisina. Pagdating ko sa desk, may nakita akong bagong email. Galing iyon sa isang internal account na hindi ko kilala. May naka-attach na dokumentong naglalaman ng ilang transaction records.

Binuksan ko iyon at agad na napakunot ang noo. May mga bayad na dumaan sa isang third-party consulting firm. Paulit-ulit ang pangalan ng kumpanyang iyon sa mga transaksyong may kaugnayan sa acquisition project.

Mas lalong naging kahina-hinala ang lahat nang makita ko ang pangalan ng isang investor sa huling pahina.

Si Victor Salcedo. Isa siya sa pinakamalaking investors na matagal nang gustong magkaroon ng mas malaking impluwensiya sa del Fierro Technologies.

At kung tama ang hinala ko, may koneksiyon siya sa mga pagbabagong nangyayari sa acquisition records.

Mabilis kong kinopya ang mga detalye at inilagay sa isang secure folder.

Hindi ko pa alam ang buong plano nila, pero malinaw na may gustong magpahina sa kumpanya ni Froilan.

At may posibilidad na ginagamit nila ang mga dokumentong hawak ko para isisi sa akin ang lahat.

---

“Zoe.”

Napalingon ako nang marinig ang boses ni Adrian.

Nakatayo siya malapit sa reception area, nakatingin sa akin na para bang walang nangyari sa pagitan namin.

“Can we talk?”

Hindi ako gumalaw mula sa kinauupuan ko. “There's nothing to talk about.”

“Please. Just five minutes.”

Napabuntong-hininga ako bago tumayo. “Make it quick.”

Lumapit siya at bahagyang ibinaba ang boses. “You need to stop looking into those company files.”

Nanlamig ang mga kamay ko. “Paano mo nalaman?”

Sandali siyang natahimik bago tumingin sa paligid. “I'm just trying to help you.”

“Hindi kita tinanong kung tinutulungan mo ako. Tinanong kita kung paano mo nalaman.”

Napailing siya at napakamot sa batok. “Zoe, don't make things difficult. You don't know what you're getting yourself into.”

Tinitigan ko siya. Hindi na iyon ang lalaking nakilala ko noon. “Are you involved in this?”

Hindi siya sumagot. Sa halip, umiwas siya ng tingin at tuluyang umalis. Naiwan akong nakatayo roon, mas lalong naguguluhan sa nalaman ko.

Hindi nagtagal, nakatanggap ako ng mensahe mula sa hindi kilalang numero.

Unknown: Stop accessing the acquisition records.

Kasunod nito ang isa pang mensahe.

Unknown: Your next mistake will be your last.

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Hindi na ito simpleng babala. May gustong manakot sa akin.

---

Gabi na nang matapos ko ang ilang natitirang trabaho. Bago umalis, kinopya ko sa personal kong encrypted drive ang mga dokumentong nakuha ko.

Plano kong isumite ang lahat sa Compliance kinabukasan.

Paglabas ko ng building, agad kong tinungo ang parking area.

Habang nagmamaneho, paulit-ulit kong iniisip ang mga pangalan sa dokumento—Ramon Villareal, Victor Salcedo, at ang mga transaksyong hindi maipaliwanag.

May isa pang bagay na hindi mawala sa isip ko.

Paano kung hindi lang pala ako basta nakadiskubre ng problema?

Paano kung matagal na nila akong minamanmanan?

Napatingin ako sa rearview mirror.

May itim na SUV na ilang minuto nang sumusunod sa akin.

Una, inisip kong nagkataon lang. Pero nang lumiko ako sa ibang kalsada, sumunod din ito.

Mabilis kong hinawakan ang cellphone at tinawagan ang emergency contact ko.

Walang sumagot.

Muli kong sinubukan, ngunit hindi pa rin makapasok ang tawag.

Biglang bumilis ang SUV sa likuran ko.

Napalingon ako sa salamin.

“Shit!”

Mabilis akong kumabig nang sumingit ito sa kabilang lane. Ngunit hindi ito bumagal. Sa halip, mas lalo nitong binilisan ang takbo.

Nakita ko ang paparating na intersection. Pula ang traffic light.

Tinapakan ko ang preno. Pero bago pa tuluyang huminto ang sasakyan ko, isang malakas na impact ang tumama sa gilid nito.

Bumangga ang isang SUV.

Umikot ang sasakyan ko bago tuluyang tumama sa barrier. Kumalat ang mga bubog sa paligid at tumama ang ulo ko sa gilid ng bintana.

Naramdaman kong may mainit na likidong dumaloy sa noo ko.

Pilit kong iminulat ang mga mata. Malabo ang paligid. May naririnig akong busina at mga sigaw mula sa labas.

Sinubukan kong abutin ang cellphone na nahulog sa passenger seat, pero hindi na gumalaw nang maayos ang kanang braso ko.

“Help…” mahina ang boses ko.

Sa huling pagkakataon, tumingin ako sa rearview mirror.

Bumukas ang p***o ng itim na SUV. May bumabang lalaki. Hindi ko na makita nang malinaw ang mukha niya.

Unti-unting dumilim ang paningin ko. At bago tuluyang mawala ang malay ko, isang pangalan lang ang pumasok sa isip ko.

Froilan.

Hindi ko alam kung bakit siya ang naisip ko sa sandaling iyon.

Ang alam ko lang, may mga katotohanang hindi ko pa naibubunyag.

At baka hindi na ako magkaroon ng pagkakataong sabihin ang mga iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TEB #2: Reborn Secretary: His Only Weakness   The End Of Us

    Zoe's POV Halos maghapon akong nakatutok sa mga documents na ipinagawa sa akin ni Froilan. Ilang beses kong kinumpara ang financial records, approval history, at transaction dates para matiyak na walang detalye akong makakaligtaan.Hindi ko namalayang lampas alas-sais na pala nang matapos ko ang initial report.I stretched my arms and leaned back against my chair. Medyo mabigat na ang pakiramdam ng mga mata ko dahil sa matagal na pagtitig sa computer, pero kailangan ko pang i-review ang ilang pages bago ko iyon ipadala kay Froilan.Nang tiningnan ko ang cellphone ko, may tatlong missed calls mula kay Adrian. At may message din siya.Adrian: Are you still busy? We need to talk.Napabuntong-hininga ako. Mukhang hindi pa rin siya kontento sa mga maikling sagot ko nitong mga nakaraang araw.I picked up my phone and typed a reply.Me: We need to talk, too. Let's meet tonight.Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Inayos ko ang mga documents sa isang folder at tumayo para dalhin ang report

  • TEB #2: Reborn Secretary: His Only Weakness   A Different Kind of Morning

    Zoe's POV Maaga akong dumating sa del Fierro Technologies kinabukasan. Hindi naman bago sa akin ang gumising nang maaga para pumasok sa trabaho, pero iba ang pakiramdam ko ngayon. I was no longer the woman who would spend her mornings checking Adrian's messages or wondering if he had eaten breakfast. I had more important things to think about. Pagpasok ko sa building, ilang empleyado ang nakasalubong ko. May ilan na bumati sa akin, habang ang iba ay napatingin nang bahagya sa bagong ayos kong buhok at suot. “Good morning, Zoe!” “Morning!” nakangiting sagot ko sa isang kasamahan bago ako dumiretso sa elevator. Pagdating sa executive floor, agad kong inayos ang mga gamit sa desk ko. Binuksan ko ang computer at sinimulang tingnan ang schedule ni Chairman del Fierro. May meeting siya with the finance department at alas-diyes, followed by a lunch appointment with one of the company's investors. I was reviewing the documents when I heard familiar footsteps approaching. “Good m

  • TEB #2: Reborn Secretary: His Only Weakness   The First Change

    Zoe's POV Hindi pa rin ako makapaniwala na nakabalik ako sa nakaraan.After checking my emails sa laptop ko, isinara ko iyon at naupo sa harap ng vanity mirror. Ilang minuto akong tahimik na nakatingin sa sarili kong repleksiyon, trying to process everything that had happened.Hinawakan ko ang maalon kong buhok na madalas kong itali sa isang simpleng ponytail. My pale face, the eyeglasses I always wore, and the familiar reflection staring back at me.Ito ang Zoe na kilala ko.Pero habang tinitingnan ko ang sarili ko, napagtanto kong marami na pala akong binago sa itsura ko dahil lang sa kagustuhan ng ibang tao.Naalala ko ang sinabi ni Adrian noong minsang bumili ako ng lipstick at tinanong ko kung bagay ba sa akin ang kulay nito.“You look prettier when you're simple, babe. You don't need all that makeup.”Noon, natuwa pa ako sa sinabi niya. I thought he was simply appreciating me for who I was. Kaya mula noon, unti-unti kong iniwasan ang paggamit ng makeup. Hindi na rin ako masyado

  • TEB #2: Reborn Secretary: His Only Weakness   Take Me Back

    ZOE'S POVMadilim ang paligid. Wala akong naririnig na tunog. Walang sakit. Wala akong maramdaman kundi ang kakaibang gaan na bumalot sa buong katawan ko.Patay na ba talaga ako?Iyon ang huling tanong na pumasok sa isip ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.Pero kung patay na ako, bakit may naririnig akong alarm?Paulit-ulit iyon. Nakakairita. Parang may kung anong gustong gumising sa akin.Napakunot-noo ako.“Five more minutes...” bulong ko.Sandali.Bakit nakapagsalita ako?Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Isang puting kisame ang bumungad sa akin. Walang hospital lights. Walang monitor. Walang oxygen tube sa ilong ko.Nakahiga ako sa isang malambot na kama.Napatingin ako sa paligid.Pamilyar ang silid. Ang kulay cream na kurtina, ang maliit na bookshelf sa tabi ng desk, pati ang framed photograph na nakapatong sa bedside table.Kwarto ko.Pero bakit?Agad akong bumangon. Napahawak ako sa dibdib ko, hinihintay ang kirot na naramdaman ko bago amamataytay.Wala.Walang sug

  • TEB #2: Reborn Secretary: His Only Weakness   The Last Embrace

    ZOE'S POV Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Ang huling naaalala ko ay ang malakas na impact, ang tunog ng nababasag na salamin, at ang bigat ng katawan kong tumama sa gilid ng sasakyan. Pagmulat ko, malabo ang lahat. May mga boses akong naririnig sa paligid. May sumisigaw. May mga yabag na papalapit. Sa malayo, naroon ang tunog ng sirena na papalakas nang papalakas. “Miss? Can you hear me?” Pinilit kong igalaw ang mga daliri ko, pero halos wala akong maramdaman. Masakit ang dibdib ko. Bawat paghinga ay parang may matalim na bagay na tumutusok sa loob nito. “Please, don't move. Help is coming.” Gusto kong magtanong kung ano ang nangyari, pero hindi ko mailabas ang mga salita. Bahagya lamang na bumuka ang mga labi ko. Nang subukan kong dumilat muli, nakita ko ang mga ilaw ng sasakyang huminto sa tabi ng kalsada. May mga taong nakapaligid sa akin, ngunit hindi ko na makilala ang kanilang mga mukha. Pagkatapos, may isang boses na tumawag sa pangalan ko. “

  • TEB #2: Reborn Secretary: His Only Weakness   Behind The Lies

    ZOE'S POVHindi naging madali ang pagpasok ko sa opisina kinabukasan. Halos hindi ako nakatulog. Tuwing pumipikit ako, bumabalik sa isip ko ang nakita ko sa apartment ni Adrian. Masakit isipin na dalawang taong lubos na pinagkatiwalaan ko ang siyang unang nanakit sa akin.Pero wala akong magagawa. Kailangan kong magtrabaho.“Good morning, Zoe.”Napatingin ako kay Yvette nang dumaan siya sa desk ko. May dala siyang folder at pilit na ngiti.Hindi ko siya sinagot. Ipinagpatuloy ko lang ang pag-aayos ng mga dokumento. Pero sa totoo lang gusto kong hilahin ang buhok niya at ikiskis ang mukha niya sa desk.“Can we talk?” tanong niya.“Of course," I paused. "No." mariin kong sabi at malamig ang tingin sa kanya.Napaatras siya sa malamig kong sagot. Ilang segundo siyang nanatili sa tabi ko bago tuluyang umalis.Hindi ko na kailangang pakinggan ang mga paliwanag niya. Sapat na ang nakita ko.Maya-maya, tumunog ang intercom. “Ms. Laxamana, come to my office.”Agad kong inayos ang hawak na fold

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status