LOGINZoe's POV
“Are you free tonight?” Napatingin ako sa cellphone na nasa tabi ng keyboard ko. Mensahe iyon mula kay Adrian. Napangiti ako bago mabilis na nag-type ng sagot. Me: I thought we're having dinner tonight? Adrian: Something came up. Can we move it to tomorrow? Bahagyang bumaba ang ngiti ko. Ilang araw na rin kaming hindi nagkakasama dahil pareho kaming abala sa trabaho. Me: Sure. Is everything okay? Adrian: Just work. I'll make it up to you. Inilapag ko ang cellphone at pilit na binalewala ang kaunting pagkadismaya. Ayokong maging demanding na girlfriend. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya. “Canceled again?” Napalingon ako kay Yvette na nakatayo sa tabi ng desk ko. May hawak siyang folder at nakatingin sa cellphone ko. “May kailangan daw siyang tapusin sa trabaho,” sagot ko habang inaayos ang mga dokumento. “Zoe, you should tell him kapag hindi ka na natutuwa.” Napangiti ako nang bahagya. “It's fine. Tomorrow na lang kami.” Umupo siya sa bakanteng upuan at inilapag ang folder. “Anyway, about Friday. Tuloy pa rin tayo, ha?” “Of course.” “Good. I need a break, too.” Nagpatuloy kami sa pag-uusap tungkol sa mga plano namin. Hindi ko napansin ang ilang beses niyang pagtingin sa cellphone niya. Nang may pumasok na mensahe, mabilis niya itong kinuha at ngumiti sa screen. “Someone special?” biro ko. Agad niyang itinago ang cellphone sa likod ng folder. “Work lang.” Hindi na ako nagtanong. Marami rin naman kaming kailangang asikasuhin. --- “Surprise!" Napangiti ako nang makita si Adrian. Hindi ko inaasahang pupunta siya matapos kanselahin ang dinner namin. “You said you were busy," sabi ko na medyo nagtatampo . Lumapit siya at hinalikan ako sa noo. Bahagya akong napatingin sa paligid dahil nasa reception area kami. “I was. But I wanted to see you.” Tinanggap ko ang paper bag at sinilip ang laman. “My favorite?” Tumango siya habang nakangiti. “Of course. I know what you like.” Sandaling gumaan ang pakiramdam ko. Kahit papaano, naisip kong baka masyado lang akong nag-o-overthink. “Thank you, Adrian.” Hinawakan niya ang kamay ko bago ito marahang pinisil. “I have to go. I'll call you later.” Tumango ako at pinanood siyang maglakad palayo. Hindi ko napigilang ngumiti habang hawak ang pagkain. Minsan, sapat na ang maliliit na bagay para maniwala kang maayos pa ang lahat. --- Kinagabihan, habang pauwi ako, tumawag si Adrian. “I'm sorry about tonight, babe. I really wanted to spend time with you.” Napahawak ako sa manibela habang nakikinig sa kaniya. “It's okay. You don't have to apologize.” “Can you come over tomorrow? I'll make dinner.” Napangiti ako. “Sure. I'll bring dessert.” “Looking forward to it.” Pagkatapos ng tawag, napagpasyahan kong bumili ng ilang sangkap para sa dessert na balak kong gawin. Matagal ko na ring hindi siya napaglulutuan. Kinabukasan, natapos ko nang mas maaga ang trabaho. Wala ring urgent na kailangan kong asikasuhin, kaya dumiretso ako sa apartment ni Adrian. May dala akong pagkain at maliit na kahon ng dessert. Hindi ko muna siya tinawagan dahil gusto ko siyang sorpresahin. Pagdating ko sa p***o, napansin kong hindi ito tuluyang nakasara. Mahina akong kumatok bago itinulak iyon. “Adrian?” Walang sumasagot. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang makarinig ako ng mahinang halakhak mula sa loob ng kuwarto. Pamilyar ang boses na ikinahinto ko sa paglalakad. “Stop it, Adrian.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa katawan ko nang marinig ko ang pangalan niya kasunod ng tawang iyon. Dahan-dahan akong lumapit sa nakasiwang na p***o. At doon ko sila nakita. Magkasama sila sa kama. Hinahalikan ng boyfriend ko ang leeg ni Yvette. Habang nasa pagitan siya ng hita nito at umiindayog. Si Adrian, ang boyfriend kong halos dalawang taon kong pinagkatiwalaan, at si Yvette, ang kaibigang ilang beses kong pinagsabihan ng mga problema ko sa relasyon. Hindi ko agad nagawang magsalita. Nanatiling nakahawak ang mga daliri ko sa paper bag habang unti-unting nawawala ang lakas ng mga tuhod ko. Napalingon si Adrian nang marinig ang pagbagsak ng kahon mula sa kamay ko. “Zoe?” Agad siyang bumangon at hinila ang kumot para takpan ang sarili. Si Yvette naman ay mabilis na umupo, ngunit wala akong makita sa mukha niya kundi gulat. “Ano'ng ginagawa mo rito?” tanong ni Adrian. Napatawa ako nang mahina, kahit nanginginig na ang labi ko. “That's what you're going to ask me?” Wala siyang naisagot. Napatingin ako kay Yvette, umaasang may sasabihin siya para ipaliwanag ang nakikita ko. Pero umiwas lang siya ng tingin. “Zoe, I can explain,” mahinang sabi ni Yvette. Napailing ako. “Ikaw talaga?” Bumaba siya ng kama at kinuha ang damit niya. “Please, let me talk.” “Talk about what?” Naramdaman kong namumuo ang luha sa mga mata ko. “How long has this been happening?” Hindi agad sumagot si Adrian. “Adrian, answer me!" tanong ko na pasigaw dahil sa galit. Napakamot siya sa batok bago tuluyang tumingin sa akin. “Months.” Parang may kung anong dumurog sa dibdib ko. “Months?” ulit ko, halos pabulong. Tumango siya. Ilang buwan. Ibig sabihin, habang nagkukuwento ako kay Yvette tungkol sa mga plano namin ni Adrian, alam na niyang niloloko ako ng lalaking ito? “Alam mo ang lahat Yvette. I told you everything!” singhal ko sa kaniya. Hindi siya makatingin sa akin. "I'm sorry, Zoe.” Napahawak ako sa dibdib ko. Mas masakit pa sa pagkakita ko sa kanilang dalawa ang marinig ang paghingi niya ng tawad na para bang sapat na iyon para burahin ang lahat. “Hindi mo ba naisip na kaibigan mo ako?” tanong ko sa kanya. “Things just happened,” depensa niya. “Things just happened?” Napailing ako. “I trusted you.” “Zoe, don't make this harder than it already is,” singit ni Adrian. Napatingin ako sa kaniya. “Harder for who? For me? Or for the two of you?” Napayuko siya. “I haven't been happy for a while,” paliwanag niya. “You've always been busy. I needed someone who was there for me.” I scoff. "Edi sana sinabi mong hindi kana masaya, hindi yung ginagago mo pa ako Adrian. Palalayain naman kita." Kuyom ang aking mga kamao sa inisyal, galit dahil sa pagtataksil nila. Napatitig ako sa kaniya. Ang dami ko pang gustong sabihin, pero wala nang point 'yon. Ako ang nag-adjust sa schedule niya. Ako ang naghintay sa mga gabing hindi siya makauwi. Ako ang paulit-ulit na umunawa kapag kinansela niya ang mga plano namin. At ngayon, ako pa ang dahilan? Kinuha ko ang bag ko at pinunasan ang luhang tuluyan nang tumulo sa pisngi ko. “Don't contact me again.” “Zoe, wait.” Hindi ako lumingon. Mabilis akong lumabas ng apartment bago pa nila makita kung gaano ako nasasaktan. --- Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Pagkapasok ko sa unit, inilapag ko ang bag sa sahig at naupo sa tabi ng kama. Ilang minuto akong nakatitig lang sa kawalan. Maya-maya, nag-vibrate ang cellphone ko. Yvette: Please answer me. I didn't want you to find out this way. Napatawa ako nang mapait. Hindi niya gustong malaman ko ng ganoong sitwasyon? Saang paraan ba dapat? Biwisit na 'yon, itinuring ko siyang kapatid tapos ganoon gagawin niya sa akin? Napasinghal ako at naramdaman na nag-vibrate ang cellphone ko. Isang mensahe naman mula kay Adrian. Adrian: We need to talk. Don't make decisions while you're emotional. Napapikit ako at mahigpit na hinawakan ang cellphone. Wala man lang siyang sinabi na nagsisisi siya. Hindi man lang niya inamin na mali ang ginawa niya. Kinabukasan, kailangan ko pa ring pumasok sa trabaho. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga tao, lalo na ang sarili ko. Pero may isa pang bagay na hindi ko pa alam. Sa likod ng personal na pagtataksil na iyon, may mas malaking kasinungalingang unti-unti nang nabubuo sa loob ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. At hindi magtatagal, malalaman kong hindi lang pala puso ko ang pinaglaruan nila. Kundi buong buhay ko.Zoe's POV Halos maghapon akong nakatutok sa mga documents na ipinagawa sa akin ni Froilan. Ilang beses kong kinumpara ang financial records, approval history, at transaction dates para matiyak na walang detalye akong makakaligtaan.Hindi ko namalayang lampas alas-sais na pala nang matapos ko ang initial report.I stretched my arms and leaned back against my chair. Medyo mabigat na ang pakiramdam ng mga mata ko dahil sa matagal na pagtitig sa computer, pero kailangan ko pang i-review ang ilang pages bago ko iyon ipadala kay Froilan.Nang tiningnan ko ang cellphone ko, may tatlong missed calls mula kay Adrian. At may message din siya.Adrian: Are you still busy? We need to talk.Napabuntong-hininga ako. Mukhang hindi pa rin siya kontento sa mga maikling sagot ko nitong mga nakaraang araw.I picked up my phone and typed a reply.Me: We need to talk, too. Let's meet tonight.Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Inayos ko ang mga documents sa isang folder at tumayo para dalhin ang report
Zoe's POV Maaga akong dumating sa del Fierro Technologies kinabukasan. Hindi naman bago sa akin ang gumising nang maaga para pumasok sa trabaho, pero iba ang pakiramdam ko ngayon. I was no longer the woman who would spend her mornings checking Adrian's messages or wondering if he had eaten breakfast. I had more important things to think about. Pagpasok ko sa building, ilang empleyado ang nakasalubong ko. May ilan na bumati sa akin, habang ang iba ay napatingin nang bahagya sa bagong ayos kong buhok at suot. “Good morning, Zoe!” “Morning!” nakangiting sagot ko sa isang kasamahan bago ako dumiretso sa elevator. Pagdating sa executive floor, agad kong inayos ang mga gamit sa desk ko. Binuksan ko ang computer at sinimulang tingnan ang schedule ni Chairman del Fierro. May meeting siya with the finance department at alas-diyes, followed by a lunch appointment with one of the company's investors. I was reviewing the documents when I heard familiar footsteps approaching. “Good m
Zoe's POV Hindi pa rin ako makapaniwala na nakabalik ako sa nakaraan.After checking my emails sa laptop ko, isinara ko iyon at naupo sa harap ng vanity mirror. Ilang minuto akong tahimik na nakatingin sa sarili kong repleksiyon, trying to process everything that had happened.Hinawakan ko ang maalon kong buhok na madalas kong itali sa isang simpleng ponytail. My pale face, the eyeglasses I always wore, and the familiar reflection staring back at me.Ito ang Zoe na kilala ko.Pero habang tinitingnan ko ang sarili ko, napagtanto kong marami na pala akong binago sa itsura ko dahil lang sa kagustuhan ng ibang tao.Naalala ko ang sinabi ni Adrian noong minsang bumili ako ng lipstick at tinanong ko kung bagay ba sa akin ang kulay nito.“You look prettier when you're simple, babe. You don't need all that makeup.”Noon, natuwa pa ako sa sinabi niya. I thought he was simply appreciating me for who I was. Kaya mula noon, unti-unti kong iniwasan ang paggamit ng makeup. Hindi na rin ako masyado
ZOE'S POVMadilim ang paligid. Wala akong naririnig na tunog. Walang sakit. Wala akong maramdaman kundi ang kakaibang gaan na bumalot sa buong katawan ko.Patay na ba talaga ako?Iyon ang huling tanong na pumasok sa isip ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.Pero kung patay na ako, bakit may naririnig akong alarm?Paulit-ulit iyon. Nakakairita. Parang may kung anong gustong gumising sa akin.Napakunot-noo ako.“Five more minutes...” bulong ko.Sandali.Bakit nakapagsalita ako?Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Isang puting kisame ang bumungad sa akin. Walang hospital lights. Walang monitor. Walang oxygen tube sa ilong ko.Nakahiga ako sa isang malambot na kama.Napatingin ako sa paligid.Pamilyar ang silid. Ang kulay cream na kurtina, ang maliit na bookshelf sa tabi ng desk, pati ang framed photograph na nakapatong sa bedside table.Kwarto ko.Pero bakit?Agad akong bumangon. Napahawak ako sa dibdib ko, hinihintay ang kirot na naramdaman ko bago amamataytay.Wala.Walang sug
ZOE'S POV Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Ang huling naaalala ko ay ang malakas na impact, ang tunog ng nababasag na salamin, at ang bigat ng katawan kong tumama sa gilid ng sasakyan. Pagmulat ko, malabo ang lahat. May mga boses akong naririnig sa paligid. May sumisigaw. May mga yabag na papalapit. Sa malayo, naroon ang tunog ng sirena na papalakas nang papalakas. “Miss? Can you hear me?” Pinilit kong igalaw ang mga daliri ko, pero halos wala akong maramdaman. Masakit ang dibdib ko. Bawat paghinga ay parang may matalim na bagay na tumutusok sa loob nito. “Please, don't move. Help is coming.” Gusto kong magtanong kung ano ang nangyari, pero hindi ko mailabas ang mga salita. Bahagya lamang na bumuka ang mga labi ko. Nang subukan kong dumilat muli, nakita ko ang mga ilaw ng sasakyang huminto sa tabi ng kalsada. May mga taong nakapaligid sa akin, ngunit hindi ko na makilala ang kanilang mga mukha. Pagkatapos, may isang boses na tumawag sa pangalan ko. “
ZOE'S POVHindi naging madali ang pagpasok ko sa opisina kinabukasan. Halos hindi ako nakatulog. Tuwing pumipikit ako, bumabalik sa isip ko ang nakita ko sa apartment ni Adrian. Masakit isipin na dalawang taong lubos na pinagkatiwalaan ko ang siyang unang nanakit sa akin.Pero wala akong magagawa. Kailangan kong magtrabaho.“Good morning, Zoe.”Napatingin ako kay Yvette nang dumaan siya sa desk ko. May dala siyang folder at pilit na ngiti.Hindi ko siya sinagot. Ipinagpatuloy ko lang ang pag-aayos ng mga dokumento. Pero sa totoo lang gusto kong hilahin ang buhok niya at ikiskis ang mukha niya sa desk.“Can we talk?” tanong niya.“Of course," I paused. "No." mariin kong sabi at malamig ang tingin sa kanya.Napaatras siya sa malamig kong sagot. Ilang segundo siyang nanatili sa tabi ko bago tuluyang umalis.Hindi ko na kailangang pakinggan ang mga paliwanag niya. Sapat na ang nakita ko.Maya-maya, tumunog ang intercom. “Ms. Laxamana, come to my office.”Agad kong inayos ang hawak na fold







