LOGINZoe's POV Halos maghapon akong nakatutok sa mga documents na ipinagawa sa akin ni Froilan. Ilang beses kong kinumpara ang financial records, approval history, at transaction dates para matiyak na walang detalye akong makakaligtaan.Hindi ko namalayang lampas alas-sais na pala nang matapos ko ang initial report.I stretched my arms and leaned back against my chair. Medyo mabigat na ang pakiramdam ng mga mata ko dahil sa matagal na pagtitig sa computer, pero kailangan ko pang i-review ang ilang pages bago ko iyon ipadala kay Froilan.Nang tiningnan ko ang cellphone ko, may tatlong missed calls mula kay Adrian. At may message din siya.Adrian: Are you still busy? We need to talk.Napabuntong-hininga ako. Mukhang hindi pa rin siya kontento sa mga maikling sagot ko nitong mga nakaraang araw.I picked up my phone and typed a reply.Me: We need to talk, too. Let's meet tonight.Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Inayos ko ang mga documents sa isang folder at tumayo para dalhin ang report
Zoe's POV Maaga akong dumating sa del Fierro Technologies kinabukasan. Hindi naman bago sa akin ang gumising nang maaga para pumasok sa trabaho, pero iba ang pakiramdam ko ngayon. I was no longer the woman who would spend her mornings checking Adrian's messages or wondering if he had eaten breakfast. I had more important things to think about. Pagpasok ko sa building, ilang empleyado ang nakasalubong ko. May ilan na bumati sa akin, habang ang iba ay napatingin nang bahagya sa bagong ayos kong buhok at suot. “Good morning, Zoe!” “Morning!” nakangiting sagot ko sa isang kasamahan bago ako dumiretso sa elevator. Pagdating sa executive floor, agad kong inayos ang mga gamit sa desk ko. Binuksan ko ang computer at sinimulang tingnan ang schedule ni Chairman del Fierro. May meeting siya with the finance department at alas-diyes, followed by a lunch appointment with one of the company's investors. I was reviewing the documents when I heard familiar footsteps approaching. “Good m
Zoe's POV Hindi pa rin ako makapaniwala na nakabalik ako sa nakaraan.After checking my emails sa laptop ko, isinara ko iyon at naupo sa harap ng vanity mirror. Ilang minuto akong tahimik na nakatingin sa sarili kong repleksiyon, trying to process everything that had happened.Hinawakan ko ang maalon kong buhok na madalas kong itali sa isang simpleng ponytail. My pale face, the eyeglasses I always wore, and the familiar reflection staring back at me.Ito ang Zoe na kilala ko.Pero habang tinitingnan ko ang sarili ko, napagtanto kong marami na pala akong binago sa itsura ko dahil lang sa kagustuhan ng ibang tao.Naalala ko ang sinabi ni Adrian noong minsang bumili ako ng lipstick at tinanong ko kung bagay ba sa akin ang kulay nito.“You look prettier when you're simple, babe. You don't need all that makeup.”Noon, natuwa pa ako sa sinabi niya. I thought he was simply appreciating me for who I was. Kaya mula noon, unti-unti kong iniwasan ang paggamit ng makeup. Hindi na rin ako masyado
ZOE'S POVMadilim ang paligid. Wala akong naririnig na tunog. Walang sakit. Wala akong maramdaman kundi ang kakaibang gaan na bumalot sa buong katawan ko.Patay na ba talaga ako?Iyon ang huling tanong na pumasok sa isip ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.Pero kung patay na ako, bakit may naririnig akong alarm?Paulit-ulit iyon. Nakakairita. Parang may kung anong gustong gumising sa akin.Napakunot-noo ako.“Five more minutes...” bulong ko.Sandali.Bakit nakapagsalita ako?Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Isang puting kisame ang bumungad sa akin. Walang hospital lights. Walang monitor. Walang oxygen tube sa ilong ko.Nakahiga ako sa isang malambot na kama.Napatingin ako sa paligid.Pamilyar ang silid. Ang kulay cream na kurtina, ang maliit na bookshelf sa tabi ng desk, pati ang framed photograph na nakapatong sa bedside table.Kwarto ko.Pero bakit?Agad akong bumangon. Napahawak ako sa dibdib ko, hinihintay ang kirot na naramdaman ko bago amamataytay.Wala.Walang sug
ZOE'S POV Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Ang huling naaalala ko ay ang malakas na impact, ang tunog ng nababasag na salamin, at ang bigat ng katawan kong tumama sa gilid ng sasakyan. Pagmulat ko, malabo ang lahat. May mga boses akong naririnig sa paligid. May sumisigaw. May mga yabag na papalapit. Sa malayo, naroon ang tunog ng sirena na papalakas nang papalakas. “Miss? Can you hear me?” Pinilit kong igalaw ang mga daliri ko, pero halos wala akong maramdaman. Masakit ang dibdib ko. Bawat paghinga ay parang may matalim na bagay na tumutusok sa loob nito. “Please, don't move. Help is coming.” Gusto kong magtanong kung ano ang nangyari, pero hindi ko mailabas ang mga salita. Bahagya lamang na bumuka ang mga labi ko. Nang subukan kong dumilat muli, nakita ko ang mga ilaw ng sasakyang huminto sa tabi ng kalsada. May mga taong nakapaligid sa akin, ngunit hindi ko na makilala ang kanilang mga mukha. Pagkatapos, may isang boses na tumawag sa pangalan ko. “
ZOE'S POVHindi naging madali ang pagpasok ko sa opisina kinabukasan. Halos hindi ako nakatulog. Tuwing pumipikit ako, bumabalik sa isip ko ang nakita ko sa apartment ni Adrian. Masakit isipin na dalawang taong lubos na pinagkatiwalaan ko ang siyang unang nanakit sa akin.Pero wala akong magagawa. Kailangan kong magtrabaho.“Good morning, Zoe.”Napatingin ako kay Yvette nang dumaan siya sa desk ko. May dala siyang folder at pilit na ngiti.Hindi ko siya sinagot. Ipinagpatuloy ko lang ang pag-aayos ng mga dokumento. Pero sa totoo lang gusto kong hilahin ang buhok niya at ikiskis ang mukha niya sa desk.“Can we talk?” tanong niya.“Of course," I paused. "No." mariin kong sabi at malamig ang tingin sa kanya.Napaatras siya sa malamig kong sagot. Ilang segundo siyang nanatili sa tabi ko bago tuluyang umalis.Hindi ko na kailangang pakinggan ang mga paliwanag niya. Sapat na ang nakita ko.Maya-maya, tumunog ang intercom. “Ms. Laxamana, come to my office.”Agad kong inayos ang hawak na fold







