LOGIN“Wow!!!— ang ganda naman ng naggawa nating set- up, ate!,” hiyaw pa ni Nica matapos namin ayusin ang mga balloons sa may parte ng hardin.
Dito ko naisipang e- set ang intimate dinner date namin ni Irven bukas ng gabi. Siguro naman ay nakauwi na rin ito mula sa Cebu. Mula kasi kaninang umaga na umalis siya ay hindi na nakatawag sa akin. Busy lang siguro masyado sa trabaho nito. Hindi na rin ako nag- abala pa disturbuhin si Irven kapag nasa sa trabaho siya. Pwera na lang kung emergency or urgent na talaga. Malaki ang tiwala ko sa aking mister. Wala na akong mahihiling pa sa Diyos dahil binigyan niya ako ng napakaresponsable at matapat na asawa. Kaya lang nararapat lang na pagsilbihan ko siya sa abot ng aking makakaya. Hindi niya lang ako minahal kung hindi ay inako niya ang lahat ng responsibilidad ko sa aking mga kapatid. Siya ang nagpapaaral kay Jerry at Nica. Kung baga inahon niya kaming lahat sa kahirapan. “Sana magustuhan ni Irven ang inihanda natin, Nic!,” may agam agam na sabi ko sa aking bunsong kapatid. “Huwag ka ngang nega ate Bel, ang ganda- ganda kaya ng ginawa mo—- anong tayo, halos ikaw lang nga ang naghanda ng mga ito.. finishing touches na lang nga ako!,” diin pa ni Nica sa kanya. “Sure ka bunso, hindi ba over o ang corny?,” nag-aalanganin kong sabi. “Haist—- ang ate ko talaga, hindi sabi eh, atsaka isa pa ate, napakathoughtful nga ng gestures at efforts mo, kasi ang madalas ang lalake ang gumagawa ng lahat ng ito, pero—- ikaw nag- abala ka ng ganito ka bonggang anniversary date, siguradong mas maiinlove sa iyo si kuya Irven, sure ako doon!,” mahabang pahayag pa sa akin ni Nica kaya’t nabuhayan ako ng loob. “Sana nga!,” pinaglapat ko ang aking dalawang palad bilang panalangin na sana matuwa ang aking mister nang sa gayon masuklian ko ang lahat ng sakripisyo at pagmamahal niya sa akin. “Wait lng ate, tumatawag si kuya Jerry sagutin ko muna!,” sabi pa ni Nica na tinipa ang video call ng kanyang android phone. “Hello Nic, nandiyan ba si ate Bel pakausap naman!,” tumambad ang gwapong mukha ng aking kapatid na si Jerry sa screen nakasuot pa ito ng puting uniforme ng nursing. “Oi, Jerry napatawag ka,” saad ko ng itinapat ni Nica ang screen sa harap naming dalawa. “Ate Bel salamat sa pinadala mong allowance natanggap ko na,” wika pa ni Jerry na nakangiti pero mukhang pagod at puyat sa duty nito. “Walang anuman Jerry, basta’t alagaan mo iyang sarili mo at mag- iingat ka palagi, narito lang si ate mo at kuya Irven mo na handang sumuporta sa iyo!,” wika ko pa sa kanya. “Oo naman ate, kayo diyan mag- iingat din kayo—- Nic, alagaan mo si ate para sa akin ha, hindi pa ako makakauwi diyan ang hectic ng schedule ko!,” sabi pa ni Jerry na humikab na. “Oo kuya— mukhang gusto munang matulog ah—- huwag sobrang trabaho pahinga ka rin—- hindi ka na makakhanap ng chicks niyan!,” buska ni Nica kay Jerry na nakatawa kaya’t nakisabay na rin ako. “Hoy, Nica may ganyan ka ng nalalaman ah—- hindi ko pa iyan iniisip at ikaw rin mag-aral ka munang mabuti bawal muna pagsyosyota, nagkakaintindihan ba tayo?,” seryosong pangaral ni Jerry kay Nica. “Opo kuya, biro lang ikaw naman sobra muna mang seryoso! Alam mo ba kuya fourth wedding anniversary nila ate at kuya Irven bukas ito nga oh, may pasurprise dinner date si kay kuya Irven,” masayang pahayag ni Nica kay Jerry na ipinakita pa ang inaayos naming set- up sa hardin. “Wow, ang ganda ate! advance happy anniversary sa inyo… sayang wala ako makakachibog sana ng masarap na luto mo ate!,” malungkot na saad ni Jerry. “Okay lang iyan… pag- uwi mo dito ipagluluto kita ng paborito mong pagkain, promise iyan!,” pampalubag loob ko sa aking kapatid. “Salmat ate Bel, the best ka talaga! Sige na ate, Nic—- matutulog na ako maaga pa ang duty ko bukas— good night!,” paalam pa ni Jerry. “Okay bye,” sabay naming wika ni Nica at ini- off na ang call. “O— bunso, matulog ka na rin, ako na bahala rito!,” nagsimula na akong magligpit ng kalit namin ni Nica. “Sure ka ate!,” sabi ni Nica. “Oo— good night na bunso!,” tinaboy ko na si Nica papasok ng silid nito. May ngiti sa puso at isip ko na maayos ang mga kapatid ko at higit sa lahat ay buo ang pagmamahalan at pagmamalasakit namin sa isa’t isa.Nasa tapat na ako ng gate ng bahay namin ni Irven. Handa na akong magpakita sa kanya upang kausapin siya patungkol sa aking kaligayahan. Tama nga si Manang Weng. Walang kasalanan ang magiging anak ko upang alisan ko siya ng ama. Kahit pa niloko at pinagtaksilan ako ni Irven ay may karapatan pa rin siya sa bata. He deserves to know. Ako lang ang bumaba sa nerentahan naming multicab na pag-aari ng kapit-bahay ni Manang Weng na si Mang Kanor. Hindi ko na pinababa si Manang Weng dahil masyadong mainit ang tirik ng araw. Alas diyes na ng umaga. Madaling araw pa lang ay bumiyahe na kami. Dala ng traffic ay tinanghali na kami ng dating. Ngunit hindi na mahalaga iyon. Ang importante ay nakarating kami ng ligtas at payapa. Linggo ngayon kaya’t marahil naririto si Irven sa bahay. Conjugal property pa rin naman namin itong bahay ni Irven kaya’t may karapatan ako rito at hindi niya ako basta- basta mapapaalis. Wala kaming guwardiya sa bahay. Bagama’t isang bilyonaryo ang mister ko ay ma
“Maraming salamat!,” paalam ko sa nakatalagang doktor ng barangay health center matapos niya akong matingnan. Mapilit kasi si Manang Weng na kailangang magpatingin na ako dahil mag-aapat na buwan na ang tiyan ko at ang huli kong check- up ay noong magdadalawang buwan pa lang ang pagbubuntis ko. Dahil nga sa tuliro ang utak ko ay pati monthly check- up ay nakaligtaan ko na. Buntis nga pala ako at hindi nakakabuti sa kalusugan nating mag-ina ang magpakalugmok ako sa suliranin at kalungkutan. Mabuti na lang ay wala sa isipan kong nabanggit kay Manang Weng na buntis ako. Taimtim akong humingi ng patawad sa anak ko habang himas ko ang aking sinapupunan. Tuloy pati walang kamuwang- muwang na bata na hindi ko pa naisisilang ay nadamay sa pighating aking nararanasan dulot kataksilan ni Irven. Paglabas ko ng barangay health center ay agad na akong sinalubong ni Manang Weng na may bitbit na ring mga gamay na maintenance medicine na bigay sa kanya ng health worker. Hindi na kami nagta
“Kumain ka ng marami, Bel nang lumaki naman iyang tiyan mo!,” mungkahi ni Manang Bel sa akin isang umaga habang nag- aalmusal kami. “Wow—- oo, naman manang mukhang masasarap ho lahat ng niluto ninyo— ahhh— ang aga n’yo namang gumising!,” tinanghali kasi ako ng gising, ang sarap pa kasing matulog marahil dala ito ng aking pagbubuntis. “Hayaan mo naman akong makabawi sa iyong kalagayan ngayon! Lalo na’t buntis ka. Kailangang malusog kayo ng magiging anak mo,Bel,” tugon pa nito. “Maraming salamat po talaga, Manang!,” hindi na ako nagpatumpik- tumpik pa at nagsimula ng kumain, at hindi nga ako nagkamali ang sasarap nga inihaing ulam ni Manang Weng. “Mmmmm—- ang sarap talaga Manang, parang pang- restaurant ang lasa—- mapaparami talaga ang kain ko nito!,” palatak ko pa habang ngumunguya ng karne ng baboy na adobo. “Naawa na kasi ako sa iyo dahil palagi na lang gulay at isda ang kinakain mo. Dapat balanse din ang kinakain ng buntis—— huwag mo na akong intindihin kung iyon ang iniis
“Maraming salamat, Bel!,” sabi pa ni Manang Weng sa akin isang hapong nagkakape kami sa munting terasa ng bahay niya. “Walang anuman ho, Manang Weng!, ako nga ho ang dapat na magpasalamat sa inyo sa pagpapatuloy ninyo sa akin dito,” tapat kong turan. Dahil totoo naman talaga. Hindi niya lang ako kinupkop, tinuring niya rin akong parang tunay niyang kapamilya. Sa kanya ko natagpuan ang pagkakaroon ng panganay na kapatid. Siya ang nagmistula kong karamay sa wasak kong puso. Mabilis ang pagtakbo ng oras. Dalawang buwan na pala ang nakalipas magmula ng maospital si Manang Weng at dahil walang ibang kamag-anak na mag-aalaga sa kanya ay hindi ako natuloy sa pag-alis sa puder niya. Mataas pala ang presyon ng dugo at mataas din ang asukal sa katawan ni Manang Weng. Kinalaingan niya ng maintenance medicines at kontrolin ang kanyang pagkain. Sa tulong ko at pag-aalaga ko sa kanya sa nakalipas na mga araw ay bumuti- buti na rin ang pakiramdam niya. Salamat sa Diyos dahil naagapan kaag
“Mauuna na ho ako Manang Weng, maraming- maraming salamat ho sa pagkupkop ninyo sa akin, napakabuti n’yo ho sa akin!,” saad ko sa matandang babae na naging kaagapay ko sa nakalipas na mga araw. “Walang anuman, Bel, mag-iingat ka sana palagi kung saan ka man pupunta ngayon,” ganti nito sa akin at bigla itong yumakap sa akin. “Kayo rin ho, mag-iingat kayo rito,” ganti kong yakap sa kanya na hinimas-himas ang kanyang likod. Ako na ang nagkusang humiwalay sa kanya. Kahit papaano ay malaki ang naitulong ni Manang Weng sa akin. Hindi ko alam baka napaano na ako kung hindi ako sumama sa kanya. Bubuksan ko na sana ang pinto palabas hila-hila ang aking maleta nang biglang narinig ko si Manang Weng na tila nahihirapang huminga at humihinga ng tulong. “Bel!,” bigla akong napalingon sa kanya, kitang- kita ko ang paghawak niya sa kanyang dibdib bago tuluyang bumagsak sa dibdib. “Manang Weng!,” dali- dali ko siyang dinaluhan at inakay sa aking bisig paupo. Mabuti na lang ay may basic
“Kumusta ang tulog mo, Bel?,” kinaumagahang bati sa akin ni Manang Weng kararating lang nito mula sa palengke. “Magaan na ho ang pakiramdam ko Manang Weng, salamat ho sa inyo!,” saad ko pa sa kanya na tinulungan na siya sa pag-aayos ng mga gulay , isda, at karne na pinamili niya. “Naku, wala iyon! Kumain ka na ba? May pagkain ng nakahain sa mesa, tinakpan ko lang—- masarap pa kasi ang tulog mo kanina, hindi na kita ginising!,” bulalas pa nito. “Wala pa nga ho, kagigising ko lang ho nang dumating kayo—- ah, eh— Manang Weng, sana nagpasabi kayong mamalengke, sana man lang nag- ambag ako sa mga naggasto n’yo,” turan ko pa. “Naku, huwag mo ng intindihin iyon—- may pera pa naman ako! Itabi mo na iyang pera mo baka kasi kakailanganin mo iyan sa mga darating na mga araw—— halika na nga, sabay na tayong kumain, hindi pa ako nag- almusal—- gusto mo ng kape?,” natutuwa ako kay Manang Weng sa concern at paraan ng pag-istema niya sa akin. Para siyang ate kung umasta sa akin. Ang sarap p
“Ate, ang baho muna, maligo ka na nga!,” angal sa akin ni Nica matapos kong magluto ng mga putaheng ihahain ko mamaya sa surprise anniversary dinner date namin ni Irven. “Oo mamaya na, tatapusin ko munang linisin ang mga kalat ko rito,” saad ko pa sa bunsong kapatid. “Hay, naku, ate… ako na baha
“Hello, mom—-,” she cut me short immediately. “Where is Irven? Kanina pa kaming naghihintay sa kanya dito sa airport, his dad is so furious! Hindi mo siguro inaasikaso ng mabuti ang asawa mo kung kaya’t palagi na lang nahuhuli sa mga business meetings and other gatherings ng kumpanya!!,” galit at
“Oi, ate, huwag ka ng malungkot, I am sure may supresa sa iyo si kuya Irven pagbalik niya,” pukaw sa akin ni Nica dahil saglit akong napa-isip. “Haist… iyon na nga bunso, gusto kong supresahin ang kuya mo para maiba naman… buti pa kaya tulungan mo ako!,” untag ko kay Nica. “Ai bet ko iyan ate!!!
“Don’t you worry, hon… babalik naman ako kaagad bukas… in time for our fourth wedding anniversary!,” saad pa ni Irven sa akin ng makabalik ako galing sa pagkuha ng sapatos niya. Nakaupo na siya sa couch at tila hininhintay na suotan ko siya ng sapatos. Hindi naman ako nag- atubiling suotan siya ng







