Mag-log inWARNING!!! DETAILED HOT SCENE AHEAD!Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang humupa ang pagsusuka ni Kristine. Halos wala na itong malay habang nakasandal sa gilid ng kama, mabigat ang paghinga at namumutla ang mukha. Tahimik na inilapag ni Daveron ang basong may tubig sa bedside table at pinagmasdan ang kalagayan nito.Doon lamang niya napansing may mga mantsa na rin ng suka ang damit ng babae. Napabuntong-hininga siya habang napapikit, tila naghahanap ng ibang paraan upang hindi na niya gawin ang susunod na kailangan.“Seriously… this if fvcking torture.” mahina niyang bulong sa sarili. Alam niyang hindi maaaring pabayaan si Kristine na matulog sa ganoong kalagayan dahil baka lalo lamang itong magkasakit. Ngunit ang simpleng ideya ng pagpapalit ng damit nito ay sapat na upang maging hindi siya mapalagay. Hindi iyon dahil sa pagkainis, kundi dahil sa respeto na nananatili pa rin niya para sa babaeng minsan niyang minahal.Gano’n pa man ay wala siyang ibang mapagpipilian sa sandali
Paglabas ni Kristine mula sa comfort room ay bahagya niyang hinilot ang kaniyang sentido. Unti-unti nang umiikot ang kaniyang paningin dahil sa ilang baso ng wine na nainom niya, at pakiramdam niya ay bahagya nang lumulutang ang kaniyang katawan. Humugot siya ng malalim na hininga habang nakasandal sandali sa dingding ng hallway.Nang maramdaman niyang medyo maayos na ang kaniyang balanse ay muli siyang naglakad pabalik sa mesa nila ni Jill. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay may isang matangkad na pigurang papalapit sa kabilang direksiyon.Bahagyang napatigil si Kristine at napakurap nang ilang beses. Nanlalabo ang kaniyang paningin kaya pilit niyang sininagan ng ilaw ang mukha ng lalaking papalapit. Ilang segundo siyang nakatitig rito bago marahan siyang napasimangot.“Leche naman, oh…” bulong niya habang napapailing. “Pati ba naman dito... ginugulo mo pa rin ako?”Samantala, kagagaling lamang ni Daveron sa isang pribadong business dinner sa ikalawang palapag ng Enchanted Bar. H
Ilang sandali pa ay unti-unti nang humupa ang paghikbi mula sa loob ng silid ni Kreivor. Nanatiling nakaupo si Kristine sa labas ng pintuan, tahimik na nakasandal habang nakapikit ang mga mata at pilit na kinokontrol ang sariling emosyon. Pakiramdam niya ay bawat segundo ng katahimikan ay lalo lamang nagpapabigat sa kaniyang dibdib.Ilang beses siyang huminga nang malalim bago marahang kumatok sa pintuan, umaasang pagbubuksan siya ng anak. Nanginginig ang mga labi niya nang tuluyan siyang magsalita, dala ang pag-asang maririnig siya ng batang labis niyang minamahal.“Anak…” mahina niyang tawag habang marahang nakapatong ang noo sa pinto. “I’m sorry kung nasaktan kita, pero please... maniwala ka kay Mommy. Hindi ako ang kumuha ng drawing mo.” Napapikit siya habang pinipigilan ang muling pagtulo ng mga luha. “Kung alam ko lang kung nasaan iyon, ibabalik ko agad sa’yo. Hindi kailan man sisirain ni Mommy ang isang bagay na napakahalaga para sa’yo.”Halos pabulong na lamang ang huli niyang
Nang makaalis si Kristine ay halos sapo pa niya ang kaniyang dibdib habang bumababa ang elevator na sinasakyan niya. Hindi pa rin humuhupa ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay ano mang sandali ay bibigay ang mga tuhod niya sa sobrang tensiyon.Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ang sketchbook ni Kreivor. Paulit-ulit niyang binalikan ang bawat pahina, para makita ang drawing ni Kreivor na kamukha ni Daveron.Pero wala doon ang drawing na kamukha ni Daveron.Napakunot ang noo niya. “Saan napunta ‘yon?” mahina niyang bulong habang mabilis na kinakapa ang bawat pahina.Doon lamang niya napansin ang dalawang manipis na hibla ng papel na nakasabit pa sa spiral binding.Nanlaki ang mga mata niya. May dalawang pahinang maingat na pinunit.“Daveron…” halos mawalan siya ng boses. “Daveron took it?!”Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.“Hindi… Hindi puwedeng mangyari iyon.”Mahigpit niyang niyakap ang sketchbook habang pilit na pinapakalma ang sarili.“Calm down
Bigla ay may kumatok sa pintuan and it was Kristine. Pawis na pawis ito, at tila galing sa pagtakbo para lamang makarating sa opisina ni Daveron.Kaagad naman na naningkit ang mga mata ni Daveron. “What are you doing here? Seems like you forgot to knock Ms. Valdez.” nakatitig na sambit ni Daveron.“Ah, at the hotel my– I mean, my nephew forgot his drawing notebook kung saan siya nag-stay kahapon na hotel. And it turns out the hotel’s employee sent here the notebook. Kukunin ko lang sana.” diretso ngunit hindi maitagong tugon ni Kristine.Bumalik sa alaala ni Kristine ang nangyari kanina, kung paano niya nalaman na wala ang drawing notebook ng anak niya. Kasalukuyan siyang busy sa mga report ng bawat department nang biglang tumawag si Nanay Pasha.“Kristine, busy ka ba? May importante kasi sana akong sasabihin, eh.” bakas sa boses ng matanda ang tila pagkakabado nito.“Hindi naman po, ‘Nay. Bakit po? May nangyari po ba kay Kreivor?” kinakabahang tanong ni Kristine, at sandaling itinigi
Pagkatapos ng meeting, isa-isang nagsialisan ang mga executives at investors mula sa conference room. Naroon pa rin ang ingay ng mga pag-uusap, tunog ng mga upuang itinutulak pabalik sa mesa, at mga pagbati tungkol sa matagumpay na negosasyon.Ngunit para kay Daveron, tila wala siyang naririnig.Tahimik siyang nakaupo sa kaniyang puwesto habang nakatitig sa saradong pinto ng conference room.Kanina pa umalis si Kristine. Hindi man lang ito nagpaalam. Hindi man lang lumingon.Mariing napakuyom si Daveron sa kaniyang kamao. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Kristine mula nang magkita sila.Limang taon.Limang mahabang taon.At sa loob ng limang taong iyon, hindi niya alam kung ilang beses niyang sinubukang hanapin ang babae. Ilang beses niyang tinanong ang sarili kung bakit ito nawala nang walang paliwanag.Kung bakit bigla na lamang siyang iniwan. Kung bakit hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong marinig ang dahilan.Ngunit nang muli niya itong maki







