Share

THE BILLIONAIRE'S SUBSTITUTE WIFE
THE BILLIONAIRE'S SUBSTITUTE WIFE
Author: MissteriousGuile

CHAPTER 1

CHAPTER 1

"Stop fucking with me Heaven! Kailan man hinding hindi kita mamahalin! Binenta ka ng pamilya mo sa akin, pambayad utang kumbaga kaya pwede ba! Wag kang tangang sunod nang sunod sa akin! I don't like you! I hate you!" Umiiyak ako sa harap ni Ziyo, ang lalaking itinakdang ikasal sa akin. Heck, I love this man so much pero bakit kung kamuhian n'ya ako parang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko? Kung kamuhian nila akong lahat parang hindi ako tao!

"Ziyo, please you will learn how to love me. I promise, just please wag mo naman akong itrato ng ganito. Mamayang gabi na ang engagement natin Ziyo. Hindi tayo pwedeng ganito..." Halos hindi na ako makapag salita dahil sa aking pag iyak. Kung alam ko lang na magiging ganito ang buhay ko sana ako nalang ang namatay, sana 'yong kakambal ko nalang ang nabuhay. Sana, masaya ako ngayon.

"Ziyo ano bang hindi mo gusto sa akin? Kaya kong maging siya, gagawin ko kung ano ang gusto mo. Kaya kong gayahin ang kakambal ko, m-maging ako siya p-para siya nalang ang makita mo sa akin. Nagmamakaawa ako Ziyo." I tried to hug him, niyakap ko siya pero sa halip na yakapin n'ya ako pabalik, tinanggal n'ya ang kamay ko at tinulak ako kaya napaupo ko sa sahig sa lakas ng pagkakatulak n'ya.

"Aray!" D***g ko.

"Stop it! You may have her face but you can't have my heart! Hindi ka magiging siya! Kahit kailan hindi! I hate you! I loathe you! Dahil sayo nawala ang taong mahal na mahal ko! Sana ikaw nalang ang namatay! Sana ikaw nalang! Wala kang kwenta!" Those hurtful words pierced through my heart, para akong tinusok ng ilang libong karayom dahil sa sakit na nararamdaman ko. How can he be so heartless! Nanatili lang akong nakaupo sa gilid at humahagulgol. Hanggang sa may kumatok, tumingin sa akin si Ziyo at dahan dahang naglakad para pagbuksan ang sino mang nasa labas ng pintuan.

"Sir, pinapa labas na raw po kayo ni Madam at kailangan na kayong kausaping dalawa." Tumango si Ziyo at lumingon sa akin. Tila pinapatay n'ya ako sa klase ng tinging binibigay n'ya sa akin.

"Sige susunod kami." Mabilis n'yang saad sa katulong at pinagsarhan agad ito ng pinto. Galit siyang lumapit sa akin at mahigpit na hinawakan ako sa kanang braso. Sa klase ng hawak na binibigay n'ya at sa klase ng tinging ipinupukol n'ya. Makikita mo kung gaano siya kagalit sa akin, kung gaano n'ya ako kinamumuhian.

"This is not your lucky day woman. Dahil sa ginawa mo kaya namatay ang pinakamamahal ko, pagbabayaran mo lahat lahat. Hinding hindi ka magiging masaya, sinisigurado ko 'yon." Malakas n'yang binitawan ang braso ko at naunang maglakad.

"Ayusin mo ang sarili mo, ayaw kong makita nilang umiiyak ka at dalian mo riyan kung ayaw mong kaladkarin pa kita palabas sa kwartong ito Heaven." Matigas n'yang saad na para bang kaya n'ya talagang gawin ito. Dahan dahan akong tumayo at pumunta sa CR, umiiyak akong naghilamos at naglagay ng kaunting make up para ayusin ang sarili ko at maging presentable naman ako sa harap nilang lahat.

"Hurry! Kung si Hope lang ang nandiyan at hindi ikaw sana hindi tayo nagkakaganito!" He told me na nagpasakit na naman sa puso ko, pinipigilan kong umiyak dahil kahit papaano naayos ko na ang sarili ko. Ayaw kong umulit na naman dahil dagdag oras iyon at magagalit na naman siya. Pero lahat naman ng ginagawa ko magagalit siya eh. Lahat ng kilos ko galit silang lahat.

Nang matapos na ako, dahan dahan akong lumabas. Pilit pinipigilan ang emosyon sa dibdib ko. Nang makita n'yang presentable na ako hinawakan n'ya ako sa braso at hinila palabas. Pumunta kami sa living room at doon namin nakita ang mga magulang namin na nag uusap. Napatigil sila nang makita nila kami. My parent's gazes are hurting me, para bang sinusuka nila ako except Ziyo's mom. Sa kanya ko lang naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang ina.

"Oh look here they are. Heaven's really pretty!" Tumayo si tita Astrid at niyakap ako. Yumakap ako pabalik sa kanya, gusto kong umiyak pero pinipigilan ko.

Umupo na si tita, umupo na rin si Ziyo sa tabi n'ya at ako nalang ang nanatiling nakatayo.

"Heaven sit down beside Ziyo. Ano pang tinatayo tayo mo riyan?" I mom said. Ngumiti ako ng pilit sa kanya dahan dahang umupo sa tabi ni Ziyo.

"You know guys kung buhay pa si Hope, she will be really happy. Kasi sila naman talaga si Ziyo unang una palang diba?" Dagdag ni Mommy. Pilit kong pinipigilan ang luha ko. Yumuko ako, na para bang may bara sa lalamunan ko.

"Ah ha ha if she's here yeah why not?" Awkward na saad ni tita Astrid while trying to lighten the atmosphere.

"Anyway, we're all here gathered for the engagement of these two and the merging of our businesses. I just hope this end well dahil lahat naman tayo ang makikinabang dito." Biglang sabat ni Daddy, he isn't the best dad but he's fair one. Sa aming dalawa ni Hope, pinapakita n'yang wala siyang mas mahal sa amin, pinapakita n'yang pantay kaming dalawa pero dahil sa aksidenteng 'yon parang naging iba na ang pag trato n'ya sa akin.

"Well you're right pare. My son Ziyo really needs to think straight dahil ayaw kong mapunta lang siya sa kung sino sinong babae. Though, he really love Hope but I know one day he'll learn how to love Heaven. Isn't it right Ziyo?" Tito Eddie, Ziyo's dad added.

Napatahimik kaming lahat at hinintay na magsalita si Ziyo. He look at me and smiled, hinawakan n'ya ang kamay ko that sent shivers to my heart.

"Of course dad, I know one day I'll learn how to love Heaven. She's Hope's twin magkamukhang magkamukha pa. Ang swerte ko na nga hahahaha." He tried to laugh at napatawa naman silang lahat except for my mom na seryoso lang nakatitig sa akin.

"Okay next month will be your wedding at we still have 1 month for the preparation. I'm sure during that month, Ziyo will surely say I do? Right anak?" Tita Astrid ask Ziyo and held his hand. Biglang napatahimik si Ziyo at dahan dahang lumingon at tumitig sa akin habang nakangiti.

"Yes ma, I'll surely say I do. It will be fun ma, I promise." He said while looking through my eyes.

I know behind that smile is a wicked thoughts or ideas. I know right from the start, I'm an unwanted lover and soon I'll be his unwanted wife.

*********************

Hit it dudes

-MissteriousGuile

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status