Nataranta ang mga tao sa ER nang magpatawag bigla ang Director ng emergency meeting gawa nang may darating na VIP.
“Makinig kayo! Darating ang babaeng nangngangalang Roief, inutos ito ng Chairman at assistant niya mismo ang tumawag para dito lunasan ang isang buntis na may concussion, hindi pa tiyak kung anong lagay ngunit kailangan niya ng immediate attention sa ICU. Dra. Nelia, Benny at Ana kayo ang aatasan ko sa babaeng ‘yun,” utos ng Director sa mga doktor na kaka-break pa lang. Mabilis namang sumunod ang mga ito at naghanda na.Katatapos lang magsalita ng Director nang dumating ang pamilyar na sasakyan at iniluwa nito ang isang lalaking may kanlong ang babaeng sugatan ang ulo.Agad na nilagay sa stretcher bed ang buntis at mabilis na rumisponde ang mga doktor. Matapos ang operasyon ay nagising din si Roief, hindi nga lang niya alam kung ilang araw na siyang nakaratay sa kama at namimigat ang ulo at masakit ang sugat niya. Pakiramdam niya ay may nakadagan na bagay sa ulo at tila umiikot pa ang paningin niya. Kumurap-kurap siya ng ilang beses at nang luminaw ang paningin ay inikot niya ang mata sa apat na sulok ng silid. “Kumusta na ang pakiramdam mo Roief?” tanong sa kanya ng lalaking nakasuot ng puting damit. Nakatayo ito sa may pintuan, nilapitan siya nito nang makitang magkamalay siya.Hindi niya magawang makapagsalita dahil inaalam pa lang niya kung nasaan siya ngayon. Hindi pa magawang magtugma ng isip niya sa kung anong nakikita ng mga mata sa paligid dahil sa trauma at matagal na pagkawala ng malay niya. Kinapa niya ang tiyan at naramdaman ng palad ang telang nakabalot roon. Tinanggal niya ang kumot at tiningnan ang tiyan. “Nasaan ang anak ko?” tanong niya rito nang magtapat ang mga mata nila. Tinitigan lang siya ng doktor nang marinig ang tinuran niya at ibinulsa nito ang ballpen pagkatapos magsulat sa talaan nito. Hindi muna nito pinapasok ang nurse at sinenyasan na mamaya na bumalik. “Gusto kong makita ang anak ko,” pagmamakaawa niya rito ngunit nagkamot lang ito sa noo at tinanggal nito ang suot na antipara saka inilagay sa damit. Nanikip ang dibdib niya sa ikinilos ng doktor at mas lalong naramdaman niyang bumigat ang paghinga niya sa pananahimik nito.“I know this is difficult to hear, Roief but we lost him. Na-force ang paglabas niya, hindi niya kinayanan. I'm sorry for your lost.” maikling pahayag ng doktor at saka nanahimik ito. Hindi niya alam kung nananaginip ba siya at binabangungot siya ngayon o ano. Ang bigat ngayon ng pakiramdam niya at parang may pumipiga sa dibdib niya. Maski ang tyan niya ay nanakit na sinasabayan ng paninikip ng dibdib. Bago pa niya namalayan ay tumulo na ang mga luha niya.Muli niyang tinitigan ang doktor at hinintay niyang magsalita ito para klaruhin ang sinabi ngunit nagtitigan lang sila nito. “Hindi pwede!” sigaw niya nang maproseso na niya ang sitwasyon. Hindi niya na nakontrol ang sakit ng damdamin at napahagulgol siya. "Anak ko! Bakit kailangang mangyari sa akin 'to!"Ang munting anghel na dinala niya sa sinapupunan ng ilang buwan ay hindi niya sukat akalaing babawiin agad bago niya pa ito makita. Hindi man lang niya nadama ang mga maliliit na palad nito ni ipaghele o di naman’y kantahan ito sa gabi. Ang kakapiranggot na pag-asa niya sa buhay ay tuluyan nang tinangay sa kanya. Kung kailan malapit na niyang maabot ang mga pangarap noon ay hinadlangan siya, ngayon naman na handa na siyang maging isang mabuting ina para sa anak ay binawi ito sa kanya. Walang makakapuno o makakapagpagaan sa nararamdaman niyang pagluluksa ngayon. Parang pinipiga at dinidikdik ngayon ang puso niya. Wala nang pagsidlan ang sakit na nararamdan niya. Iniwan muna siya nga doktor para mabigyan siya ng sapat na oras para makapagdalamhati at makapagpahinga pagkatapos nitong turukan ng pampakalma ang dextrose niya.Hindi maubos ang luha niya at malakas na pag-iyak na naririnig sa apat na sulok ng silid. Wala na siyang pakialam kung may makarinig man sa kanya. Nakatulugan na lang niya ang pag-iyak. Nanatili pa siya sa pribadong ospital ng ilang linggo para tuluyang maghilom ang operasyon niya. Tuluyang nabahala ang mga doktor dahil ni hindi man lang niya ginagalaw ang mga pagkain at gamot na ibinibigay sa kanya. “Misis, kinakailangan niyo pong magpagaling para tuluyan na po kayong makalabas ng ospital,” payo sa kanya ng nurse nang dalhin nito ang mga prutas sa kwarto niya. Ngunit kahit anong pilit nito ay hindi siya nagsasalita o nagpapakita ng senyales na nakikinig siya sa sinasabi nito kaya wala itong magawa kung di ang iwan siya. Dahil sa pagbaba ng timbang niya at pangangayayat lalo na ang madalas na pagwawala niya ay hindi siya pinalabas ng ospital bagkus ay inilipat siya sa WeCare foundation. Isang facility kung saan siya tuluyang makapagpapagaling at mabibigyang pansin ang kanyang mental health.Sa tulong ng kanyang psychologist at nila Sally na laging bumibisita sa kanya, kahit papaano ay hindi na siya tulad ng dati na bugnutin at nagwawala. Nabawi rin niya kahit papaano ang timbang at nanumbalik ang sigla ng kanyang katawan. Ipinagpatuloy din ng lalaking nakamaskara ang pakikipaglaro sa kanya ng board games. Matapos ang dalawang buwang tuloy-tuloy na session ay nakalabas na rin siya nang tuluyan. Siniguro ng may-ari ng ospital na matugunan ang kanyang pangangailangan dahil isa ito sa adhikain WeCare Foundation. Ito ang nag-sponsor sa pagpapagamot ni Roief hanggang sa tuluyan siyang gumaling. “Scholar ka pala ng Yane International dati?” tanong ng babaeng maamo ang mukha na kumausap sa kanya nang ipatawag siya sa office.“Opo ma’am.” Kung dati ay masakit sa kanyang mapakingggan ang salitang ‘yun ngayon ay tila normal na lang ito sa pandinig. May kaunti man siyang paghihinayang pero tanggap na niyang hindi iyon para sa kanya.“May natanggap kaming mensahe mula sa mismong sponsor mo at nais ka raw niyang tulungan sa iyong pag-aaral,” pagpapatuloy nito. Napaangat siya ng tingin at maaliwalas na ang kanina’y blankong mukha niya.“Ganun po ba?” Napangiti siya sa balita.“Nakita kasi namin ang record mo habang inaayos ng WeCare ang mga impormasyon tungkol sa’yo. Dahil nalaman ng sponsor mo na isa ka palang scholar ng paaralan na iyon, naisip niyang bigyan ka ng pagkakataon na makabangon,” saad nito. Napaiyak naman aiya sa sinabi nito. Muli siyang nabuhayan nang marinig ang magandang balita, ngunit naroon pa rin ang dumadagan sa kanyang dibdib na hindi maalis-alis. Masaya man ay hindi niya pa rin makalimutan ang sakit ng pagkawala ng kanyang anak.“Maraming salamat po.” Hindi na niya inasahan ang bagay na iyon dahil nakalimutan na niya ang pangarap buhat nang matuklasan niyang mas gusto niyang maging ina. Kahit pa ganun nagpakita pa rin siya ng pasasalamat sa taong nais tumulong sa kanya.“Pinapasabi pala ng sponsor mo na ikaw na raw ang mamili sa nais mong pasukang paaralan,” sabi nito at hinawakan ang mga palad niya. “Maswerte ka dahil isa ka sa matutulungan ng foundation na mabago ang buhay. May isa lang kahilingan ang may-ari ngunit sasabihin ko na lang kapag nakapagpasya ka na." Tinapik nito ang balikat niya."Hindi mo kailangang sumagot agad, kung hindi ka pa handa. Ngunit kung may sagot ka na maaari mong pirmahan ang nasa form na ito," sabi nito at saka inilahad sa kanya ang isang brown envelope.Tinitigan niya sa mata ang babae bago ito abutin. Sandali siyang napatingin sa bintana at huminga ng malalim. Kung babalik siya sa Yane University paniguradong pagdidiskitahan siya ulit ang dalawang kinasusuklamang kamag-aral. Napisil niya ang kaliwang kamay nang maalala ang kaibigan. Wala na nga pala siyang babalikan, ngunit natigilan siya nang sumagi sa isipan ang lalaking may pilat sa mukha. Nakaramdam siya ng malamig na hangin na dumampi sa katawan nang maalala ito. Napalunok siya at muling nagsalita. "Nakapagdesisyon na po ako."Pagkalabas niya sa building at hinihintay ang sundo ay biglang...Apat na taon din ang lumipas buhat nang lisanin niya ang Langria at tapusin ang pag-aaral sa ibayong dagat. Hindi niya lubos akalaing maaabot din niya sa wakas ang pinapangarap na akala niya noon ay tatangayin na lang ng hangin.Hindi nga lang niya inasahan na mapapaaga ng isang taon ang pagbalik niya sa bansa. Kung maaari lamang ay ayaw pa sana niyang umuwi dahil hindi pa sapat ang apat na taon para maghilom ang sugat na dumurog sa pagkatao niya.Kahit pa malayo na ang narating ay hindi niya magawang tuluyang maging masaya. Pakiramdam niya ay mayroong butas sa pagkatao niya na hindi kailanman mapupunan.Mabigat man ang loob niyang muling umapak sa lupang nagpapaalala sa kanya ng pagkatao niya ngunit kailangan niyang sumunod sa napagkasunduan nila ni Don Armando.“Miss Levy?” sabi ng babaeng papalapit sa kanya nang mamataan siya nitong naglalakad sa arrival lobby. “Ikaw ba ito?” paniniguro nito at itinuro ang nasa litra
“There is no easy way to say this Ren but after several tests, lumabas na nagtamo ng brain injury ang lolo mo, kaya comatose siya ngayon." sabi ng doktor at hinawakan nito ang balikat niya."Nasa ICU pa siya ngayon pero pwede rin naman siyang ilipat dito tutal may mga personal nurse naman na pwedeng mag asikaso sa kanya. Ang magagawa lang natin sa ngayon ay hintayin kung kailan siya ulit magigising,” paliwanag pa ng doktor. Inanyayahan siya nito sa VIP room para kausapin ukol sa concern sa Lolo niya. “Dahil sa malakas na impact ng pagkakauntog ng bungo niya specially sa frontal lobe ay naapektuhan ang utak niya,” dagdag pa nito habang itinuturo kung saan sa hawak na dummy skull ang parte na tinutukoy nito.“Pero magigising pa rin siya di ba?” sabat ni Yvette na nakatayo malapit sa pinto, hindi niya namalayan ang pagpasok nito at narinig pala nito ang usapan nila.Napakunot noo siya sa hindi inaasahang estado ng babae. Ang dating e
“Kanina ka pa ba rito, Roief?” tanong ni Earl na nasa likuran na pala niya. "Kanina pa ako naghahap pero hindi ako sigurado malaki kasi ang ipinagbago mo."Tinawanan naman niya ang lalaki kaya nahawa rin ito sa kanya. Ito ang nagsuggest sa kanya na magkita sila rito sa Royal’s Den dahil kilala ito sa buong Langria.“Mabuti na lang at dumating ka agad, sakto lang naman wala pa naman yata akong limang minuto rito. Kagagaling mo lang trabaho?” tanong niya rito. May mask kasi at apparatus na nakasabit sa leeg nito.“Oh, pasensya na nakalimutan kong iwan sa sasakyan sa kakamadali ko hindi ko na napansin,” sabi nito at saka natawa.“Grabe namang doktor ‘to, mamaya may pasyente ka pa palang iniwan baka hanapin ka?” tanong niya rito. Mukhang nagmadali nga ang lalaki dahil hindi man lang nito napansin ang stethoscope na nakabitin sa leeg.Pinaikot nito ang mga braso sa baywang niya upang yakapin siya ng mahigpit. H******n pa siya nito sa pisngi matapos siyang pabirong
Mag-uumaga na nang ihatid ng lalaki si Roief sa manor, pagkatapos ng mahaba nilang kwentuhan sa Royal’s Den. Napatingin si Roief sa nakabukas na gate at nakitang walang tao sa station. “Inuwi kaya nila ang Chairman?" bulong niya na sapat na para siya lang ang makarinig.“So paano, see you again after shift?” pahabol pa ni Earl. Nakahawak ito sa pinto ng sasakyan at inilahad ang palad sa kanya para alalayan siya palabas ng sasakyan.“Thanks for the treat! Na-relax talaga ako. I feel invigorated." Inabot naman niya ang kamay nito. "I don’t think I’ll be free tomorrow, kailangan ko pa kasing alamin ang lagay ng Chairman.” Bahagya siyang nguniti at bineso na niya ito bago pa ito iwan. " Goodnight Earl."“I see. We can still see each other pa naman some other time." Alam niyang nakatingin pa rin sa kanya ang lalaki dahil sinisiguro nitong makapasok muna siya bago siya nito iwan.“Goodnight Ro—” hindi nito itinuloy ang buong pangalan niya dahil nili
Nanlaki ang mata ni Ren nang makita ang mukha ng babae. Wala nang ispiritu ng alak sa katawan niya ngunit tila yata dinadaya siya ng paningin. Parang pinaglalaruan pa siya ng tadhana na muling magtagpo ang landas nila nito. Para siyang biglang nabuhayan ng loob, nang makita ito. Hindi pa rin siya makapaniwalang ito ang babaeng nakita niya sa Royal's Den ngunit bago pa ito matapos magsalita ay lumabas na siya ng silid. Muli kasing ibinabalik ng pagkakataon ang pakiramdam na pilit niyang kinalimutan."Sh*t!" Sinampal niya ang magkabikang pisngi para gisingin ang sarili. Matagal na niyang alam na patay na ang babaeng iyon ngunit heto at nakikita niya ang mukha nga babaeng iyon sa babaeng nasa loob ng kanyang silid. Napabuntong hininga siyang muli. Naihilamos na lang niya ang kamay sa mukha. “No. This is just pure coincidence. You know she's already dead. That's a different person. It can’t be."Ilang minuto muna siyang tumagal sa hall way na nagpalak
Napalingon si Ren nang biglang bumukas ang pinto."What brings you here? Akala ko ba doon ka na matutulog sa room ko?” sabi niya sa babaeng nakatayo ngayon sa may pintuan. Ngunit bago pa niya buklatin ang passport ay nakalapit na sa kanya ang babae at hinila nito ang passport mula sa mga kamay niya. "That's my thing.""Who are you?" hindi niya mapigilang mapatanong.“Itanong mo na lang kay Leila tutal siya naman ang inutusan ng chairman na sunduin ako,” dagdag pa nito.Nag-ekis ang mga braso nito at masama ang pagkakatitig nito sa kanya kaya mabilis siyang dumistansya rito."Okay. Relax! I didn't say wala akong tiawala sa 'yo. I'm just curious." Naalala niyang madalas ganitong postura ang ipinapakita ng mga babaeng ayaw magbahagi ng impormasyon kaya tiyak na wala rin siyang mapipiga rito.“I see. Ang secretary ko pala ang sumundo sayo. So what brings you here? Reunion? Business?"“Itanong mo
Nakahinga ng maayos si Ren nang mamataan ang lalaking malaki ang katawan na nakatayo sa labas. Labis siyang nag-alala rito kaya hindi niya magawang tawagan ito kagabi dahil sa takot na baka ito ang napabalitang nasawing driver ng Chairman. “It’s good to see you,” bati niya rito at napahawak siya sa sentido para ikubli ang nanggilid na luha sa mata. “Pumasok ka na sa loob,” utos nito sa kanya at tinapik siya nito sa balikat. Gaya ng dati maawtoridad pa rin ang tono ng pananalita nito at seryoso pa rin ang mukha, ni hindi marunong ngumiti. Ito ang nagustuhan ng Chairman sa kaibigan dahil bukod sa masipag ito ay palagi rin itong nasa oras. Hindi nga lang ito emosyonal at tila sarado ang puso nito pagdating sa pag-ibig. Naalala pa niya noon na interesado ang mga kababaihan sa Habitat dito ngunit ni minsan hindi niya ito nakitang nagk
Tinitigan ni Ren ang kaibigan sa rear view mirror na tahimik lang na nagmamaneho at hindi man lang siya binigyan ng kasagutan sa kanyang tanong kanina. “May alam ka ba sa mga nangyayari? Nakapagtataka lang na hindi ako sinabihan ni Paps sa pagdating ni Levy and you know what? Kahawig niya si Roief,” pagpapaliwanag niya sa kaibigan na dahilan upang mapatikhim ito. Ramdam niyang lumakas ang pagtibok ng puso niya sa tuwing mababanggit ang pangalan na ‘yun. “Baka naman may pagkakahawig lang?” walang emosyong nasabi ni Tony. “Kung hindi nga lang ganun ang kurba ng katawan at kulay ng balat niya maiisip kong baka siya na ‘yun,” dismayadong pahayag niya sa kaibigan. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkamangha sa paglalarawan sa babae.