ANMELDENMATALIM ang mga matang tiningnan niya si Nathan. “Anong klaseng rules ito?!” hindi niya na napigilan pang mapasigaw. Kahit na boss niya pa ito ay wala na siyang pakialam pa dahil hindi niya akalain na aabot sila sa ganito.
Sa halip na sagutin siya ay isang ngiti ang dahan-dahang sumilay sa mga labi nito habang nakatingin sa kaniya. Nagtagis ang mga bagang niya habang nakatingin sa gwapong mukha nito at kung pwede lang niyang burahin ang ngiti sa labi nito ng mga oras na iyon ay gagawin niya dahil lang sa inis na inis siya sa lalaking ito. Ang kupal na ito!
Sa sobrang inis niya ay inuntog na lang niya ang kanyang ulo sa pinto ng opisina nito. Nagkaroon ng malakas na tunog.
Gulat na gulat at nanlalaki naman ang mga mata ni Nathan nang makita ang ginawa nito at pagkatapos ay malamig ang mga matang napatingin sa namumula na nitong noo. “Jazz anong…”
Halos manigas sa kinatatayuan si Jasmine nang mga oras na iyon ngunit nanaig pa rin ang galit niya at mabilis na itinulak ang lalaki. “Lumayo ka sa akin! Nakakainis ka!” sigaw niya rito at pagkatapos ay mabilis na tumalikod at lumabas ng opisina nito. Sa totoo lang ay hindi niya nama talaga sinasadyang iuntog ang sarili niya sa pinto pero nagulat din siya sa ginawa niya.
Ngunit ang ipinagtataka niya ay tinawag siya nito sa pangalang palagi nitong itinatawag sa kaniya noong mag-asawa pa sila. Ngayong napakataas na nito ay sinasadya na nitong gawin iyon para lang manliit siya hindi ba? Gusto nitong ipamukha sa kaniya na isang pagkakamali ang pag-iwan dito.
~~~~
NANG bandang alas kwatro y medya ng hapon ay may isang message ang pumasok sa kanilang group chat. Nakatag iyon sa kaniya at ang kanilang boss ang nag-chat. Isang address ang ibinigay nito at inuutusan siya nitong pumunta doon. Wala siyang choice kundi ang sumunod na lang sa gusto nito kaya dali-dali siyang tumayo dala ang kanyang bag at lumabas ng kumpanya.
Nag-book lang siya ng sasakyan niya at nang makasakay na ay bigla siyang napaisip. Ang kontratang pinirmahan niya isang buwan na ang nakakaraan ay magiging napakalaking pagkakamali pala sa buhay niya. Dahil dito ay hindi siya pwedeng mag-resign dahil kung gagawin niya iyon ay kailangan niyang magbayad sa kumpanya ng ilang daang libo at wala naman siyang ganun kalaking pera kaya saan siya kukuha kung sakali?
Kaya ang tanging magagawa niya na lang sa ngayon ay ang magtiis sa nakakainis na lalaking iyon. Pero makakaya niya kaya ng hindi siya nababaliw?
Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang nakarating sa kanyang destinasyon. Nang makita niya ang pangalan ng store ay alam niya na kaagad na napakamahal ng item na kukunin niya roon. Pinagbuksan siya ng pinto ng guard at pagkatapos ay pumasok na siya sa loob. Sinabi niya lang ang pangalan ni Nathan at doon ay naintindihan na kaagad siya ng mga ito.
Lumabas ang isang staff kung saan ay nakasuot pa ito ng guwantes. “Pirma po kayo dito ma’am.” sabi nito sa kaniya at may ibinigay na form sa kanyang harapan. Hindi naman sinasadyang mapasulyap siya sa presyo ng kwintas at halos malula siya ng wala sa oras nang makita ang numerong nakasulat doon.
Dalawampung milyon lang naman ang halaga ng kwintas! Hindi niya namamalayan ay bigla na lang nanginig ang kanyang kamay sa takot at pagkatapos ay pinirmahan ang pinapapirmahan ng staff sa kaniya. Habang iniisip ang presyo ng kwintas ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Paano na lang kung mawala niya ito ng hindi sinasadya? Anong ipambabayad niya rito kung sakali?
Hindi nagtagal ay tuluyan nang ibinigay sa kaniya ang maliit na kahon na nakalagay sa isang paper bag. Halos yakapin niya ito dahil mas mahal pa nga iyon sa buhay niya at kung sakaling mawala niya ito, anong gagawin niya?
Dali-dali siyang naglakad palabas ng store. Nagpahintay na lang din siya sa kotseng sinakyan niya kanina para hindi na siya mamoroblema pa ng sasakyan niya pabalik ng kumpanya. Habang nakaupo sa likod ng sasakyan ay napakahigpit ng yakap niya sa kahon.
Biglang pumasok sa isip niya kung kanino kaya nito ibibigay ang kwintas na iyon? Marahil ay sa girlfriend nito hindi ba? Hindi niya akalain na gagastos ito ng ilang milyon para lang sa isang kwintas. Iba na talaga ang madaming pera dahil kung gumasta ay akala mo barya lang ang ilang milyon sa kaniya.
Dahil sa pag-iisip ay bigla na lang niyang naalala ang buhay nila noong mag-asawa pa sila. Mahilig din naman itong bumili ng regalo para sa kaniya ngunit ang halaga ng mga regalo nito ay mura lang at hindi ganun kamahal. Ang singsing nga na binili nito noong ikinasal sila ay silver lang na nagkakahalaga ng ilang libo lang.
Noong araw na nakipaghiwalay siya rito ay itinapon niya ang singsing na iyon sa harapan ng kanilang bahay at hindi na niya muling nahanap pa kahit na ginawa niya ang lahat para hanapin ito. Nagsisi siya sa bigla niyang pagtapon dito ngunit wala na siyang nagawa pa dahil hindi na niya ito nakita pa. Ang tanging naiwan na lang sa kaniya ay ang isang purselas na napakasimple ng design. Kung titingnan nga iyon ay masasabi niyang isang ordinaryo lang na purselas pero itinago niya pa rin iyon.
Ito kasi ang unang regalo nito sa kaniya noong bago pa lang silang magkarelasyon at kahit na sinunog na niya ang mga ibang binigay nito ay hindi niya magawang itapon at sunugin ang bagay na iyon. Sinabi niya sa sarili niya na remembrance na lang niya iyon sa naging relasyon nila dahil minsan din naman silang naging masaya.
…
PAGKASAKAY ni Jeddah sa sasakyan ay kaagad niyang tinawagan si Jace. “may ginagawa ka ba ngayon? Kailangan ko ng tulong mo. handa akong magbayad kahit na—” hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lang siya nitong pinutol sa pagsasalita.“Wala, busy ako.” at pagkasabi lang nito iyon ay pinatayan na siya nito ng tawag. Napakunot ang noo ni Jeddah at hindi makapaniwalang napatitig sa kanyang cellphone. Talaga bang tinatanggihan na siya nitong tulungan ngayon?Muli niyang tinawagan ang isa pa ngunit pareho lang ang sagot ng mga ito. Ayaw ba nilang magkaroon ng pera? Talaga bang tinatanggihan na nila ngayon ang grasya?Napasimangot na lang siya at pagkatapos ay itinago ang kanyang cellphone. Hindi nagtagal ay tuluyan nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng napakataas na gusali ng kumpanya ng mga Villanueva. Tuloy-tuloy siyang pumasok at sinabi niya sa front desk ang sadya niya at hind nagtagal, sinamahan na siya ng isa sa mga staff patungo sa pinakamataas na palapag ng g
PINAGHAHAMPAS ni Jasmine ang dibdib ni Nathan dahil sa galit niya. Ngunit hinawakan lang nito ang kanyang mga kamay at mas lalo pang diniinan ang paghalik sa kaniya. Halos maubusan na siya ng hininga nang sa wakas ay binitawan na siya ni Nathan.Hindi niya na nagawa pang umangal ng buhatin siya nito at pinaupo sa mesa. Ilang sandali pa ay bigla na lang siya nitong niyakap. “I’m sorry Jazz…” mahina at halos puno ng pagsisisi na sambit nito. “I am really sorry…” paghingi nito ng paumanhin sa kaniya.Mas lalo lang tuloy umagos ang luha mula sa kanyang mga mata at mabilis naman nitong pinunasan iyon. “Huwag ka ng umiyak please… papalitan ko na lang ang bracelet mo okay?” Pagkasabi nito iyon ay dinukot nito ang cellphone sa bulsa. May pinindot ito doon kaso ay hindi na niya ito pinansin pa. Tinabig niya ang kamay nito at sinubukang bumaba mula sa mesa. “Pwede ba sir na hayaan niyo muna ako please?” pagkasabi niya nun ay itinulak na niya ito at bumaba siya sa mesa tyaka lumas ng hindi na i
LUMABAs si Nathan pagkatapos ng ilang sandali at mabilis nila itong sinundan ni Sally. Samantalang si Yvonne namay ay nagdala ulit ng panibagong kape sa tatlong nasa conference room noong mga oras na iyon. Habang naglalakad sila ni Sally at pinupuri siya nito dahil sa ginawa niya. Sino nga ba naman ang mag-aakala na gagawin niya iyon hindi ba?Ipinabago sa kaniya ni Nathan ang kontrata na mabilis niya namang ginawa. Pagkatapos niya itong gawin ay bumalik siya s a opisina ng lalaki at sabay-sabay silang tatlo nila Sally na bumalik sa conference room para tuluyang mapirmahan na ang kontrata.Nang matapos ay nagpaalam na rin para umalis sina Mr. Ross at pagkaalis ng mga ito ay kaagad siyang tinawag ng lalaki sa opisina nito. “You did an impressive job there.” hindi niya alam kung ituturing niya ba iyong compliment o ano dahil kung siya ang tatanungin, baka mamaya ay puno lang pala iyon ng panunuya. Baka mapahiya pa siya kung isipin niyang medyo na-amazed nga ito sa pinakita niya.“Do you
PAGKATAPOS ihatid ni Jasmine si Diane ay nagpababa siya kay Vincent sa coffee shop malapit lang sa kanilang kumpanya at bumili ng sandwich at kape para sa kanilang dalawa ni Vincent. Paglabas niya ay inabot niya lang ito rito at mag-isa na siyang naglakad patungo sa kumpanya. Ayaw niyang magkaroon ng kung ano-anong balita kapag nakita sialng magkasama nito.Medyo maaga pa noong dumatiing siya sa kanilang opisina kaya naupo muna siya sa kanyang mesa. Habang nagkakape at kumakain ng sandwich ay binasa niya ang kontrata na iniwan ni Mr. Ross kahapon. Kaagad niyang napansin ang pagkakaiba ng nilalaman ng dalawang kontrata. Ang isa kasi ay nakasulat sa English at ang isa naman ay sa Italian language.Napakunot tuloy ang noo niya ng wala sa oras. Ang nilalaman ng kontrata ay magkaibang magkaiba at tiyak na makakaapekto ito sa kumpanya kapag hindi nakita ni Nathan lalo na at hindi pa nito iyon pinipirmahan. Habang napapaisip ay biglang dumating si Nathan na may hindi maipintang mukha kaya sa
NGUNIT katulad kanina ay hindi pa rin siya nito hinayaang makalayo. Mabilis siya nitong muling hinila at isinandal sa pader habang hawak nito ang magkabila niyang mga braso. “Sabihin mo akin, anong gusto mo? Ibibigay ko basta patawarin mo lang ako.” Sinubukan ni Jasmine na makawala mula sa pagkakahawak ng lalaki ngunit mas lalo lang naging mahigpit ang hawak nito sa kaniya na para bang ayaw siya nitong pakawalan. Sa huli ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tumingala at sinalubong ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.“Wala akong ibiang gusto kundi ang tigilan mo na ako.” diretsa niyang sagot dito. Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang mga braso.Bukod pa doon ay naging matalim na ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “Huwag mo akong galitin Jasmine…” halos umigting ang mga panga nito sa galit. Hindi niya alam kung ano bang mali sa sagot niya samantalang iyon naman ang sagot na dapat sa uri ng tanong nito. Sinagot niya lang ang tanong nito.Ngunit kahit na na
HABANG kumakain ang lahat ay patuloy naman sa pakikipag kwentuhan si Nathan kay Mr. Ross habang umiinom. Panay ang salin ng alak nito sa baso ni Nathan na wala namang katanggi-tanggi. Samantalang si Jasmine, kahit na isang baso lang ang nasa harap niya ay hindi niya pa rin ito ginalaw dahil ayaw niyang malasing.Pagkatapos nilang kumain ay halos pulang-pula na rin si Mr. Ross at halos hindi na makapagsalita pa ng maayos. Namumungay na rin ang mga mata nito kaya kaagad na tinawagan ni Jasmine ang driver na maghahatid sa mga ito sa hotel na tutuluyan ng mga ito kasama ang secretary. Pero ang interpreter ay hindi sumama sa mga ito at ngumiti lang ito sa kaniya. “I have something to do so I’ll stay here for a while.” ngumiti lang siya rito.“Enjoy yourself Miss Peterson.” nauna itong pumasok sa kaniya.Ilang minuto pa siyang anatili sa labas dahil sinuguro niya munang nakaalis na sina Mr. Ross at gusto niya munang masiguro na nakarating na ang mga ito sa hotel bago niya planong bumalik s
NANATILING nakapako ang mga mata ni Nathan kay Jasmine noong mga oras na iyon. Nakasuot ito ng kulay itim na dress. Ang mapuputi nitong mga balikat ay nakalantad at ang dibdib nito ay bahagyang nakalabas. Tiyak na kaunting galaw lamang nito ay makikita na ang dibdib nito ngunit hindi naman iyon mal
HALOS alas singko y medya na nang hapon nang makabalik si Jasmine sa kumpanya. Ilang beses siyang huminga ng malalim para kalmahin ang sarili niya. Simula kaninang umaga ay hindi pa rin sila nagkita ngayong buong maghapon ng boss niya at ngayon ay kailangan niyang pumunta sa opisina nito kahit na i
NANG marinig ni Cedric ang pangalan ng lalaki ay hindi siya makapaniwala. Nathan Cruz, siya lang naman ang tycoon na may bilyong ari-arian. Samantala, halos mahulog na mula sa mga paa ni Jasmine ang suot niyang sapatos dahil hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin binibitawan ni Nathan. Nilay
ISANG malamig na boses ang narinig ni Sally at Jasmine mula sa itaas dahilan para sabay silang mapalingon. Bakas ang pagkagulat sa kani-kanilang mga mukha dahil hindi nila akalain na naroon pala ang kanilang boss. Hindi ba at dapat itong nasa opisina nito ito? Bakit naroon ito? Dahil dito ay hindi







