Share

24 - doubts

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-05-08 11:14:13

BUMUNTONG-HININGA na lamang si Celso matapos pakinggan ang paliwanag ni Rosela. Hindi tama ang ginawa ng dalaga pero hindi rin makatutulong kung sisisihin niya ito. Kung tutuusin may pagkukulang siya. Dapat kinausap niya si Aling Renata at ipinahayag ang sensiridad ng layunin niya sa dalaga.

"Sorry na, natatakot kasi akong may gawin si Tiya para magkahiwalay tayo." Humawak sa braso niya si Rosela habang magkatabi silang nakaupo sa gilid ng kama sa loob ng kuwarto niya.

"Naintindihan ko. Halika na, ayusin natin ang mga gamit mo sa cabinet." Banayad niyang pinisil ang kamay nito at tumayo.

Buti na lang may spare cabinet pa siya roon sa kuwarto niya. Marami rin kasi siyang gamit na dinala sa guard's quarter niya sa mansion kaya naiwang walang laman ang kabilang compartment ng cabinet.

"May duty ka ba ngayon?" tanong ni Rosela. Kahit papaano ay sumigla na ang tono nito. Umaliwalas na rin ang mukha. Nahawi ang ligalig sa mga mata.

"Mamayang alas-diyes ang relibo ko. Kung takot kang matu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   1 - Husband

    Chapter 1NARINIG ni Jovy ang rebolusyon ng motorsiklong pumasok sa bakuran ng bahay nila. Iniwan niya ang hugasin sa lababo at nagpunas ng basang kamay sa suot na apron. Inayos muna ang sarili at ang buhok na nakatakas sa pantali at isinabit sa likod ng tainga. Kumaripas siya palabas ng kusina para salubungin ang asawang si Kristoff. "Kylle, dumating na si Papa!" masaya niyang tawag sa panganay na anak na gumagawa ng assignment sa may study area na kanugnog lang ng sala. "Opo, Ma!" masiglang sagot ng walong taong gulang na batang lalaki. Humabol ito kaniya palabas ng bahay. Nadatnan nilang naglalagay si Kris ng trapal sa motor na ilalim ng resting shed na gawa sa native materials. Bitbit nito ang full-faced helmet at ecobag laman ang ilang groceries. Nasa likod nito ang itim na laptop bagpack. Nakangiting tumingin sa kanilang mag-ina ang lalaki matapos ihulog sa bulsa ang susi ng NMAX. "Papa!" Agad yumapos si Kylle sa ama matapos magmano. "Perfect ako kanina sa test namin sa Math

    Last Updated : 2025-04-14
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   2 - The Mother

    Chapter 2PAGKATAPOS mag-mop sa sala, binitbit ni Jovy ang mop at balde na may tubig at fabric conditioner. Dinala niya ang mga iyon sa laundry area sa likod na konektado lang sa kusina. Binanlawan niya ang mop at isinampay sa tubong sampayan sa labas. Isinunod niyang labhan ang mga pinagbihisan ni Kris at school uniform ni Kylle. Nakababad na sa detergent powder ang mga iyon. Kinusot na lang niya. Ilang piraso lang naman. Araw-araw siyang naglalaba para hindi dumami ang maruruming damit. Pagsapit ng Sabado ay pillow cases, kumot at bed sheet naman ang nilalabhan niya katulong ang asawa. Pagkatapos maglaba at maisampay ang mga damit, pinuntahan niya ang bunsong anak sa kuwarto. Napainom na niya ito ng gamot. Panay ang kislot nito at alumpihit sa higaan. Lumapit siya. Dinama ang noo nito at nagulantang nang halos mapaso ang palad niya sa sobrang init. Inaapoy na naman ito ng lagnat. Tarantang dinampot niya ang cellphone at tinawagan si Kris. Pero hindi siya sinasagot ng asawa. Malam

    Last Updated : 2025-04-15
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   3 - Choices

    Chapter 3SIX O' CLOCK ang dinner meeting na dadaluhan ni Rodjak. Caucus iyon ng partido niya para sa nalalapit na national and local election. Habang naghihintay kay Jovy inabala muna niya ang sarili sa mga legislation na nakabinbin sa kamara. Nagbibihis pa ang babae sa loob ng guest room kasama ang kilala niyang make-up artist. Pumayag itong maging escort niya kapalit ang sampung milyon. Marahil ay may ideya naman ito kung ano ang kasunod ganap nila pagkatapos ng dinner. Mapagsamantala na siyang maituring pero wala siyang balak na pakawalan ang babae ngayong napasok na nito ang pugad niya. "Rosela, confirm the hospital about the money I transferred to their account for the surgery of a child named Karylle Concepcion," utos niya sa staff na pumasok doon."Cong, mas okay po yata kung mag-forward din tayo ng formal letter of transaction galing sa bank account ninyo.""No need, just get the director's name. Making a call is easier than typing a lousy letter.""Okay po, tatawagan ko po

    Last Updated : 2025-04-15
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   4 - The Other Man

    Chapter 4NAMALUKTOT si Jovy habang nakasiksik sa headboard ng kama. Niyakap ang magkasalikop na mga tuhod at isinubsob doon ang mukha. Yugyog ang mga balikat. Ayaw na yatang tumila ng mga luha niya tulad ng ulan sa labas na sige pa rin ang pagbuhos. Alam niyang walang saysay ang umiyak dahil pinili naman niyang gawin ang kasalanang iyon. May pagkakataon siyang tumanggi. May lakas siyang tumutol. May karapatan siyang ipaglaban kung ano ang tama pero isinara niya ang katinuan at hinulog ang sarili sa bangin. Kahit buong buhay siyang magsisi, hindi na niya mababawi ang kataksilang ginawa. Kahit araw-gabi pa siyang magluksa para sa namamatay niyang puso, hindi na niya mabubura ang bakas at marka ni Rodjak sa kaniyang pagkababae. At ang masakit, mas nangingibabaw iyon kaysa sa mahabang pinagsamahan nila ni Kris. Tunay nga na kahit isang beses lamang gawin ang pangit na kasalanan, kayang-kayang pa rin nitong takpan ang ganda at dalisay na pagmamahalan katulad kung ano ang mayroon sila ng

    Last Updated : 2025-04-15
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   5 - The Unborn

    Chapter 5PAGDATING kay Jovy, sinasagad ni Kris ang sarili. Pagmamahal, pagsisikap para sa pamilya nila at kung ano ang mga responsibilidad niya bilang asawa at ama ng kanilang mga anak. Binibigay niya ang lahat. Hindi niya naisip na magtira para sa kaniyang sarili dahil naniniwala siyang mahal siya ng asawa at ang pagmamahal nito ay higit pa sa sapat para paulit-ulit siyang buuin araw-araw. Pumihit siya paalis, dama ang humahabol na tanaw ni Jovy kung kailan nakatalikod na siya. Sinadya niyang ibaba ang kaniyang depensa para isipin ng mga bodyguards ni Rodjak na sumuko siya. Nang dumistansiya ng ilang hakbang ang mga ito'y umikot siya pabalik at sinugod ang congressman. Bangkay siyang uuwi kung hindi rin lang niya maisasama ang asawa. "Kris!"Kasabay ng malakas na tili ni Jovy ay ang pagbira niya nang malakas na suntok. Sapul sa mukha si Rodjak na sadyang hindi umilag dahil hinawi nito palayo ang asawa niya at ginawang pananggalang ang saliri sa kaniyang atake. Nasira ang balanse

    Last Updated : 2025-04-15
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   6 - Accusation

    DISPERATE, bumalik ng hospital si Kris. Sa unang pagkakataon sa buhay niya iginupo siya ng pagkatalo at pagod. Nangmamanhid ang puso niya pero bakit walang tigil ang hagupit ng kirot? Para bang gusto na lang niyang tumigil sa paghinga, kung pwede lang. Kahit ilang minuto lang. Isasara muna niya ang utak at kalimutan ang mundo, kalimutang buhay siya. Ang daming plano na tumatakbo sa isip niya pero nangangamba siyang gawin. Baka magkamali siya at lalo lang malagay sa alanganin si Jovy. Para itong babasaging bagay na kunti pa ay tuluyan nang madudurog at baka hindi na niya mahawakan. Kaya wala siyang nagawa kanina kundi ang umalis na lang muna. Hindi niya pwedeng ipilit ang gusto niya dahil hindi nagtatagpo ang katwiran nilang dalawa. "Nasaan ang asawa mo? Kanina pa kita tinatanong?" makulit na utas ng kaniyang ina. "Para kang robot diyan na naubusan ng baterya. Nasaan si Jovy?"Blangkong tiningnan niya ang magulang at saglit na sinuyod ang buong kuwarto. Hindi man lang niya napansing

    Last Updated : 2025-04-16
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   7 - Compromise

    Chapter 7BINUKSAN ni Jovy ang walk-in cabinet at kinagat ang ibabang labi nang tumama ang mga mata niya sa mga mamahaling gamit sa loob. Kasing-laki ng kuwarto niya ang area na iyon. Laman ang signature dresses na naka-patent mismo sa gumawa, designer bags, footwears, mga alahas at ibang fashion items. Lahat nang mayroon sa kuwartong iyon ay ginto-ginto ang halaga. Ipinaramdam sa kaniya kung ganoon kayaman ang nagmamay-ari ng mansion. Kahit kurtina at simpleng place mat sa coffee table ay pwede yatang mai-sangla dahil sa nakalululang presyo. Pumasada ang mga mata niya sa mga bestidang nakahilera sa gawing kanan at nakasabit sa stand. Pumili siya ng dark green dress, kimono style at may flutter sleeves. Hanggang sa ibaba ng tuhod niya ang haba at malambot ang tela. Kinuha niya iyon mula sa hanger at binalingan ang shoes. Dinampot niya sa rack ang puting high heel, lace up knot at hindi ganoon kahaba ang takong, mga 1¹/² inch lang siguro. Binitbit niya ang mga iyon palabas. Nahinto

    Last Updated : 2025-04-19
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   8 - misplaced

    Chapter 8 ST. ELIZABETH Village. Bumaba ng sasakyan si Jovy mga ilang metro ang layo mula sa bahay nila. Naglakad na lang siya habang mabagal na bumubuntot sa kaniya si Rodjak at ang mga bodyguards nito sakay ng dalawang SUV. Tahimik ang bahay nang pumasok siya ng gate. Gusto lang niyang pumuslit doon at kumuha ng isang photo album para may masilip siya tuwing namimiss niya ang kaniyang mag-aama. Maglilinis na rin siya saglit at maglalaba. Siguradong tambak na ang labahin dahil abala sa trabaho at sa hospital si Kris. Hindi rin sila sanay dati pa na umasa sa pamilya nito. Nahinto siya nang may naamoy na parang may nasusunog. Natilihan siya nang makita ang pagbulusok ng usok pataas sa papawirin. Nagmula iyon sa likod-bahay. Taranta siyang tumakbo papunta roon. Baka ang tambakan ng wood scraps ang nasusunog. Awang ang mga bibig na nag-ugat siya sa lupa nang madatnan doon ang biyenan niya at isang babaeng nakatalikod sa kaniyang gawi pero pamilyar sa kaniya ang hubog ng katawan. Sa

    Last Updated : 2025-04-20

Latest chapter

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   24 - doubts

    BUMUNTONG-HININGA na lamang si Celso matapos pakinggan ang paliwanag ni Rosela. Hindi tama ang ginawa ng dalaga pero hindi rin makatutulong kung sisisihin niya ito. Kung tutuusin may pagkukulang siya. Dapat kinausap niya si Aling Renata at ipinahayag ang sensiridad ng layunin niya sa dalaga. "Sorry na, natatakot kasi akong may gawin si Tiya para magkahiwalay tayo." Humawak sa braso niya si Rosela habang magkatabi silang nakaupo sa gilid ng kama sa loob ng kuwarto niya."Naintindihan ko. Halika na, ayusin natin ang mga gamit mo sa cabinet." Banayad niyang pinisil ang kamay nito at tumayo.Buti na lang may spare cabinet pa siya roon sa kuwarto niya. Marami rin kasi siyang gamit na dinala sa guard's quarter niya sa mansion kaya naiwang walang laman ang kabilang compartment ng cabinet. "May duty ka ba ngayon?" tanong ni Rosela. Kahit papaano ay sumigla na ang tono nito. Umaliwalas na rin ang mukha. Nahawi ang ligalig sa mga mata. "Mamayang alas-diyes ang relibo ko. Kung takot kang matu

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   23 -escape

    "LUMAYAS ka! Layas!" singhal ni Aling Renata kasunod ang sampal na nagpatulig kay Rosela. "Tiya..." naiiyak na sambit ng dalaga, tutop ang kanang pisngi. Natatakot siya sa poot na nakikita sa mga mata ng tiyahin. Pero kung aalis siya, saan siya pupunta? Kina Celso? Hindi ba siya magiging pabigat doon? May dalawang kapatid ang lalaki na pinagpaaral nito bukod sa ito pa ang bread winner sa pamilya. Dadagdag ba siya roon?Pwede siyang humingi ng tulong kay RJ, alam niyang hindi siya papabayaan n'on. Kaya lang magkikita pa rin sila roon ng tiyahin niya. "Renata," si Mang Lando, ang tiyuhin niya. Umahon sa kahoy na sofa ang lalaki at nilapitan ang asawa. "Pag-usapan ninyo ng maayos iyan. Dalaga iyang si Rose, normal lang ang magkaroon ng boyfriend sa ganyang edad."Pero hindi ito pinansin ng tiya niya, bagkus ay hinaklit siya sa braso at nagmartsa patungo sa silid niya. Kinakaladkad siya. "Sabi ko naman kasi sa inyo, hindi iyan makakatapos ng pag-aaral. Siguradong mabubuntis iyan. Pina

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   22 -the past

    9 years ago...NAPAIGTAD si Rosela sa inuupuang bench sa cafeteria nang ibagsak ni Samantha ang mga aklat. Nagtataka siya at nakasimangot na naman ito. "Ano'ng nangyari?" tanong niya sa kaibigan."Lilipasan ka na ng gutom kung hihintayin mo pa sina Celso at RJ. Kumain ka na," sabi nitong binuksan ang box ng special siopao. "Alam mo ba kung nasaan sila?" pahabol niya at nagpasya na ring kumain na. Kanina pa kumukulo sa gutom ang sikmura niya. "Ayon, nakipagrambulan na naman. Binitbit ng mga guwardiya at dinala sa guidance. Malamang suspended na naman ang dalawang iyon. Wala nang ginawa kundi magbasag-ulo, eh." Nilagyan ni Samantha ng sauce ang siopao. "Gusto mo?" alok nitong itinulak palapit sa kaniya ang box. May dalawang siopao pa roon. Paborito nito iyon at solve na ito kahit buong araw siopao lang ang kinakain. "Baka naman may dahilan kaya sila nakipag-away." Depensa niya sa dalawang lalaki. Binuksan niya ang bento box na binili niya roon sa cafeteria. "Itong si Celso talaga

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   21 - Celso

    PASADO ALAS-DIYES na ng gabi. Umaambon kanina pero nawala rin at pumalit ang malamig na simoy ng hangin mula sa direksiyon ng kalakhang bahagi ng iilang unexploited rainforests ng Gallero. Tiningala ni Celso ang buwan na kanina lang ay tila dalagang nahihiya at nagtago sa likod ng makapal na ulap. Inalog niya ang inumin sa loob ng baso kasama ang ice cubes at dinala sa bibig. Ibinuhos para sa isang lagok. Kaharap niya sa pabilog na wine table sina Harry at Ryan. Si RJ ay pasaglit-saglit lang doon. May pinagpupuyatan itong bagong house bill na ihahain nito sa kongreso sa susunod na regular session. Sila na lang ang naiwan pagkatapos ng boodle fight kanina kasama ang buong team ng security. Bumalik na sa trabaho ang ibang naka-assign sa field, mga moving guard at ang mga bantay sa gate. Bawal sa mga itong uminom at maglasing kapag oras ng trabaho. Mahigpit niyang ipinatutupad ang batas na iyon. "Malutong na iyang edad mo, Celso. Wala ka pa bang balak lumagay sa tahimik?" komento ni R

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   20 - the father

    Chapter 20NARINIG ni Jovy ang malakas at matinis na palahaw ng sanggol. Pilit niyang pinanghahawakan ang kaniyang kamalayan kahit pagod na pagod at kumikirot ang buong katawan niya. Naisilang niya ng maayos at matagumpay ang anak niya. Ang batang nabuo sa kasagsagan ng pagsubok at pagsasakripisyo niya pero naging bagong lakas na pinagmumulan ng kaniyang determinasyon bilang ina at pag-asang nagdadala sa kaniya sa mas maliwanag na pananaw ng buhay na gusto niyang tahakin. Karangalan para sa kaniya na itinakda siya ng langit na maging ina at pinaranas sa kaniya ang maging asawa. Biyaya para sa kaniya ang mga anak niya. Mga anghel na ipinagkatiwala ng Diyos sa kaniyang pangangalaga upang hubugin at turuang mamayagpag balang araw. Pumatak ang butil ng luha sa kaniyang mga mata nang ilapag ng nurse sa kaniyang tabi ang umiiyak na sanggol. Huminto ang pagpalahaw nito pagkalapat ng init niya sa mamula-mula nitong pisngi. Agad itong naglikot at hinagilap ng cute na nguso ang nipple niya. M

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   19 - repentance

    Chapter 19NAPALUHA na lang din si Jovy habang pinapanood ang biyenang babae na yakap ni Kris at histerikal na nag-iiiyak. Nasa labas sila ng ICU at nakaantabay sa doctor at mga nurse sa loob. Tatlong beses nang ni-revive si Karlo at ito ngayon ang pinakamatagal. Parang sasabog ang ulo niya sa takot tuwing tumatalbog ang katawan ng binata dahil sa electric shock para mapatibok muli ang puso nito.Nabangga ng wing van si Karlo at malubha ang injury sa ulo. Marami ring dugo ang nawala sa binata. Nasalinan na ito kanina at kailangang ma-operahan kaagad pero hinihintay pa ang neurosurgeon. Ang ama naman ni Kris ay admitted din dahil inatake sa alta-presyon nang malaman ang aksidenteng sinapit ng bunsong anak. Makaraan ang ilang saglit ay muling nag-register sa vital machine ang pintig ng puso ni Karlo, pumatak na rin mula sa monitor ang blood pressure nito at ang oxygen. Binigyan ng doctor ng instruction ang mga nurse pero hindi nila marinig dahil sa harang na salaming dingding. "Ang ka

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   18 - roses

    Chapter 18KALALABAS lang ni Jovy mula sa banyo. Tuwalya lang ang nakabalot sa katawan. Nakausli na ang kaniyang tiyan. Magpipitong-buwan na rin kasi. Regular naman ang pre-natal check-up niya at sa awa ng Diyos ay maayos ang pagbubuntis niya. Malakas ang pintig ng puso ng sanggol at sakto lang din ang timbang niya. Normal ang blood pressure. Tinungo niya ang bihisang inihanda at nasa ibabaw ng kama. Pero naudlot ang pagbibihis niya nang marinig ang iyak ni Karylle sa kabilang kuwarto. Muli niyang itinapis ang malaking towel at tarantang lumabas ng kuwarto. Nadatnan niya ang mga anak sa loob. Hinahaplos ni Kylle ang peklat ng operasyon ni Karylle sa tiyan na sariwang-sariwa pa habang nagngunguyngoy ang bunso niya."Ano'ng nangyari, Kylle?" tanong niyang dinaluhong ang dalawa. "Kinamot po niya, Mama, ayan namumula tuloy. Sabi ko huwag niyang kamutin at baka magkasugat ulit." Tumabi siya kay Karylle at pinangko ang anak, iniupo sa kaniyang kandungan. "Mama, naiipit po ang baby," sab

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   17 - hatred and healing

    Chapter 17NASA bakuran sina Rodjak at Kylle nang dumating si Jovy kasama si Celso. Naglalaro ang dalawa ng basketball sa mini-court na nasa kaliwang gawi ng bakuran. May tanglaw na bombila roon mula sa lamp post ng gate at pabor doon ang baha ng liwanag. Hinayaan muna niyang maihagis ng bata ang hawak na bola patungo sa ring. Pumasok iyon. Malutong na tumawa si Kylle at pumalakpak saka nakipag-apir kay Rodjak. "Kylle?" Doon na siya lumapit."Mama!" Tumakbo ang bata. Sinalubong siya at yumakap sa kaniya. "I'm sorry hindi ka nasundo ni Mama, matagal ka bang naghintay roon sa school?" Sinapo niya sa dalawang palad ang maliit nitong mukha. Ngayon lang nangyaring nakalimutan ni Kris na sunduin ang anak nila. Marami sigurong iniisip ang asawa niya dahil sa sitwasyon nila ngayon at baka pagod din iyon sa trabaho. "Alam ko naman po kung paano umuwi basta maglalakad lang ako at doon lang sa tabi ng daan. Kapag tatawid makikiusap ako sa mamang traffic enforcer, iyon po ang itinuro n'yo. Bi

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   16 - bewildered

    Chapter 16LUNCH break. Deretso na agad si Kris sa locker room. Pinayagan siya ng section head na mag-undertime. Dalawang grinding machines lang naman ang nag-down at nakumpuni nilang dalawa ni Archie kanina. Sinilip niya ang cellphone na iniwan niya sa locker bakasakaling may message si Jovy. Maingay ang group chat ng barkada, mukhang may ganap na naman. Mamaya na siya magba-backread. Binuksan niya ang text message mula sa asawa.Jovy: ikaw muna ang sumundo kay Kylle mamaya, narito ako sa hospital at baka gabi na ako makauwi. Isang mensahe lang. Dati laging may pahabol na I love you ng messages nito. Hindi siya nag-reply. Nakaiirita. Ibinalik muna niya sa loob ng locker ang cellphone at bumalik sa production area para mag-log out. May limang minuto pa bago ang time. Nilapitan niya si Archie. "Undertime ako, ikaw na muna ang bahala." Tinapik niya sa balikat ang kaibigan. "May problema ba si bunso?" tanong nito. "Wala naman. Ano nga pala ang ganap sa Saturday at maingay ang gc nat

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status