LOGIN
ANG PAGTATAKSIL
Nanginginig ang mga kamay ni Lily, matapos mapanood ang video ng pagtataksil ng asawa. HIndi siya makapaniwalang pinagtaksilan siya ni Gino, ang lalaking una niyang minahal at pinaglaanan ng kanyang buhay. Paulit- ulit na pumasok sa isipan niya ang eksenang, tila isang bangungot na ayaw mawala sa sistema niya. Sa napanood niyang video, isang babae ang kasama ni Gino na pumasok sa kwarto ng isang hotel. Ang sabi nito ay may business meeting ito, ngunit hindi niya inakalang business with pleasure pala ang pinuntahan nito. Sa sweetness ng dalawa, alam niyang may namamagitan sa mga ito, not only business ngunit higit pa doon. Hindi na nga makapaghintay ang mga ito na makapasok sa loob ng kwarto, sa labas pa lang ay nagyayakapan at naghahalikan na ang mga ito. Ang unang pumasok sa isip niya ay marahil nalungkot lang si Gino, lalaki ito at may pangangailangang pisikal din ito at dahil wala siya sa tabi nito kaya naghanap ito ng babae para pawiin ang init ng katawan nito. After all, he is a vigorous man. He look decent sa panlabas na anyo, ngunit siya lang ang nakakaalam kung gaano ito kahalimaw pagdating sa kama tuwing gabi, sa loob ng dalawang taong magkasama sila, mabibilang lang ng mga daliri niya ang mga gabing hindi siya nito inangkin. Ngunit iba ang sinasabi ng puso niya, salungat sa dinidikta ng utak niya, nasasaktan siya at tila gumuho ang mundo niya sa nakita. Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga at pinatay ang cellphone na hawak, at tiningnan niya ang cake na nasa harapan niya na ilang oras niyang pinaghirapang gawin. Alam naman niyang hindi mahilig sa mga selebrasyon si Gino, sa dalawang taong nilang pagsasama ni hindi man lang naalala at pinagdiwang nito ang karaarawan niya. Ngunit espesyal ang araw na iyon, I’ts Gino’s birthday at pinag-aralan talaga niya ang paggawa ng paborito nitong ice cream cake, para sorpresahin ito. Masyado niya itong mahal at gagawin niya ang lahat, para mapasaya ito. Nagdadalawang isip siya kung tatawagan ang asawa at tatanungin kung anong oras ito babalik o kakainin niyang mag-isa ang ice cream cake na gawa, unti-unti ng nalulusaw ito at mga bulaklak na design sa paligid nito ay nagmukha ng dugyot. Okupado pa rin ang utak niya sa videong napanood, at nakatulala siya habang matamang pinagmamasadan ang hawak na phone at hindi niya namalayan ang pagpasok ng sasakyan ni Gino sa garahe. Napalingon siya at napatuwid ng upo ng biglang makarinig ng pag-click ng p***o, napako ang mga mata niya doon at hinintay na magbukas iyon. Maya-maya lang bumukas ang p***o at iniluwa nito ng pamilyar na bulto ng katawang ilang taong niyang hinangaan, ang kanyang asawa, si Gino. He looked devastatingly handsome, matangkad, matangos ang ilong, manipis ang mga labi, malapad ang mga balikat at makasig ang pangangatawan at bukod pa doon nanggaling pa ito sa isang makapangyarihang pamilya. He's wearing a black suit that suits him well. Sa nakalipas na dalawang taong nilang pagsasama, araw-araw niyang nasisilayan ang kagwapohan at kakisigan nito, but everytime na nakikita niya ito ay naantig pa rin ang puso niya sa taglay nitong karisma. Kaya naman, nang una niya itong makita at makilala at malaman na ito ang ka-arrange marriage niya na itinakda ng pamilya niya ay hindi niya maiwasang umibig dito sa unang tingin. Yes, it was love at first sight, taliwas sa nararamdaman ni Gino para sa kanya. Ngunit ganun pa man, pumayag siya sa isang lihim na kasal, tinalikuran ang kanyang mga pangarap, at naging Mrs. Tan, isang babaeng hindi maaaring makita sa publiko. Ginugol niya ang kanyang mga araw sa pag-aalaga kay Gino at naging isang mabuting asawa tulad ng kanyang ina. Hindi man sila pareho ng nararamdaman ni Gino pero alam niyang may puwang din siya sa puso nito, sariwa pa sa isip niya two years ago ng malugmok ang negosyo ng pamilya nila at binalak ng ama niya na ipakasal siya sa matandang negosyante para makalikom ng pera. It was Gino who saved her, pumayag ito sa kasunduang ,kasal kaya alam niyang mabuting tao ito, hindi nito kayang Makita na mapunta siya sa isang matandang hukluban, maybe it was just a pity pero malaking bagay sa kanya ang pasgsalba nito sa kanya. Sinabi niya sa sarili na balang araw ay mamahalin din siya nito gaya ng nararamdaman niya dito. Then she suddenly thought na baka fake lang ang video, dahil sa isang anonymous ang nagpadala sa kanya ng video at gusto lang sirain ang samahan nila ni Gino. Ngumiti siya ng tipid at sinalubong ang asawa. “Hindi niya pwedeng malaman, kaarawan niya ngayon, ayokong sirain ang mood niya,” bulong ng isip niya. "Akala ko hindi ka makakauwi, masyado ng late" Lumapit siya kay Gino at tinulungan niya itong hubadin ang suot nitong suit, natigilan siya saglit ng malanghap ang isang matapang na amoy pambabae sa suot nito. Napatingala siya habang mahigpit ang pagkakahawak sa suot nito. "May mga tinapos lang ako sa opisina after the meeting,” kaswal na sagot ni Gino, ngunit ang tingin ay nakatuon sa keyk na nasa mesa, bahagyang nakakunot ang noo. "Happy birthday!" Iniwaksi ni Lily ang hinala sa isipin at masiglang binati ni Gino. She looks sincerely happy, ang tamis ng kanyang ngiti na nagpakita ng dalawang biloy niya sa pisngi at kumikinang ang kanyang mata sa tuwa. “Thank you, pero hindi ka na sana nag-abala pa, I'm tired,” tipid na sagot nito at niluwagan ang suot na kurbata at tuluyang hinubad ito. Bukod sa matapang na amoy ng pabango, amoy din Lily ang samyo ng alak. “Sandali at igagawa lang kita ng hang-over soup saglit, mabuti pa, umakyat ka muna sa taas at maligo at ng mawala ang pagod mo.” Hindi ito pa nga siya tapos makapagsalita ay umakyat na ang asawa sa itaas na wala man lang sagot. Napailing na lang siya sabay kibit ng balikat at tinugo ang kusina. Hindi ito ang unang pagkakataon na na binaliwala siya ng lalaki. Noong una, nakaramdam si Lily ng pagkadismaya ngunit habang tumatagal ay nasanay na rin siya.Sa loob ng western restaurant kung saan pansamantalang tumugtog si Lily. Ang buong silid ay nababalot ng nakakasilaw na ibat ibat liwanag. Magkaharap na nakaupo sina Gino at Maggie sa isang square table habang pinagsisilbihan ng waiter. Binuksan ng waiter ang isang bote ng red wine at sinalinan ang decanter, the brownish red liquid refract the light at ang liwanag nito ay tumama eksakto sa maliit na bahagi ng katawan ni Gino. His sharp features reflected the sense of ease and his narrow elongated eyes ay nakatuon sa piano sa di kalayuan na sinundan ng tingin ni Maggie.“Nakapagtataka, bakit walang tumutugtog ng piano ngayon?” sambit ni Maggie, patunay na pamilyar ito sa lugar.Nakasuot si Maggie ng kulay pink na bestida, ang mahaba at kulot nitong buhok ay nakalugay hanggang likod. Kumpara sa suot nitong pang-opisina kanina mukha itong kaayaya at sopistikadang tingnan.Bahagya itinaas ni Gino ang kilay sabay kibit balikat, habang nakatuon pa rin ang mga mata sa piano.“Hindi
Pagdating ng bahay, sinalubong kaagad si Lily sa kanyang ina. Napatingin siya sa kanyang ina, na gaya ng dati ay nagsasalita sa tonong mapang-asar habang ang mga mata ay puno ng pangungutya.“Tungkol na naman ba ito kay Gino? What are you complaining this time?” tanong ng ina.“Don’t be so naive Lily,” dagdag pa nito, alam niyang sesermonan na naman siya ng inaNoon pa man ganito na ito sa kanya, sanay na siyang palaging pinagsasabihan, sanay na siyang palaging senesermonan.“Ilang beses ko nang sinabi sayo, hindi madali ang trabaho ng asawa mo. Kailangan mong matutong maging mahinahon at maunawain, hindi yung kunting di pagkakaunawaan lang naasar ka na agad, at tapos ano?”Sa nakalipas na dalawang taon, sa tuwing nagrereklamo siya sa malamig na pakikitungo at pambabalewala ni Gino sa kanya ay pare-pareho lang ang sagot sa kanya ng ina. Nagtataka siya kung anak ba talaga ang turing ni Linda Delfin sa kanya. Gayunpaman, sa loob ng dalawang taon ay nagawa niyang magtiis dahil n
Hindi inasahan ni Lily na mag-krus ang landas nila ni Maggie sa loob ng kompanya. Ng pumasok siya sa CEO’s office wala siyang nadatnang tao sa loob. Wala ang CEO maging ang assistant nitong si Joy. Inilapag niya ng dalang folder sa desk at ang paper bag na may lamang meryenda at naupo sa visitor’s chair habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng opisina. Bigla siyang napatuwid ng tayo ng maramdam ang pagbukas ng pinto ng opisina,inasahan niyang si Gino iyon pero bahagya siyang natigilan ng si Maggie ang iniluwa ng pinto.“Oh, I didn't expect that I would see you here Lily, waiting for Gino perhaps at magmamakaawa ng tanggapin ka niya pabalik?” agad na hirit nito ng makita siya.“Anuman ang pakay ko dito wala kana dun.’ pasaring niyang sagot.“Oh, is that so? But you know, Gino trust me more than you know, so since nandito ka sa office niya, pwede mong sabihin sa akin ang pakay mo, after all I'm the vice president of this company.”Sa inis ni Lily sa gustong palabasin ni Maggi
Nakatingala sI Lily sa harap ng isang matayog na gusali, sa sobrang tayog nito na tila ba ang tuktok nito ay abot na hanggang ulap ay nakaramdam siya ng pangangalay ng leeg habang nakatingin dito. Ito ang unang beses na tumapak siya sa harap ng building ng Tan Group.Alam niyang kung ikukumpara ang katayuan ng pamilya niya sa pamilya ng mga Tan ay wala itong laban. Habang nakatayo sa harap ng gusali at pinagmamasdan ang paglabas- masok ng di mabilang na mga empleyado ng Tan group ay napabuntong hininga si Lily.Noon, hindi niya ugali ang magkumpara ng mga bagay-bagay, lalo na sa estado sa buhay. Pero sa sitwasyon niya ngayon at kasalukuyang katayuan ng pamilya nila na unti-unti ng bumabagsak, ay napagtanto niya na hindi maihahambing ang pamilya Delfin sa pamilya Tan.Pansin niya na maraming empleyadong babae ang Tan group, lahat sila ay nakasuot ng mga prestigious na damit at kapansin-pansin ang ganda ng kanilang mga makeup. Maging ang mga receptionist ay hindi magpapahuli sa ganda
Matapos ang ilang araw ng paghihintay, sa wakas ay nakatanggap si Lily ng tawag mula sa mga kompanyang kanyang inaplayan, kahit natingga at hindi niya nagamit ang kanyang talento sa pagdidisenyo sa loob ng dalawang taon bilang mabuting maybahay ni Gino ay hindi pa rin matatawaran ang kanyang galing sa pagdidisenyo base sa mga portfolio na ipinasa niya sa iilang kompanya.“This is it! This is my chance na e-prove sa lahat, lalong-lalo na kay Gino na kaya kong magtagumpay kahit wala siya, I wasted my two years loving him, caring for him pero hindi man lang niya nakita lahat ng yun,” madamdaming sambit ni Lily matapos makatanggap ng tawag.Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng sigla ang puso si Lily na tuparin ang naudlot niyang pangarap noon. Pinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para magtagumpay, hindi para kay Gino kundi para sa sarili niya.“Iba ang aura mo ngayon ah, anong meron? “ tanong ni Sussie ng dumating ito galing trabaho at nakita siyang p
MALING AKALAPagkatapos nang ilang minuto, isang pink minivan ang huminto sa harapan ng western restaurant kung saan tumugtog si Lily.Maya-maya lang ay bumukas ang pinto ng sasakyan at unang lumabas sa pinto ang binti ng isang babae na nakasuot ng pink stiletto heels, ilang sandali pa ay tuluyang lumabas ang buong pigura ng isang babae na may magandang hubog ng katawan, wearing pink pencil skirt na hanggang tuhod ang iksi at pink haute couture blouse.She’s absolutely beautiful, her dark sharp eyes ay diritsong nakatingin sa entrance ng restaurant. Nang mapansin nito si Gino ay biglang nagliwanag ang mga mata nito, naging demure ito bigla na para bang isang anghel na hindi makabasag pinggan, kitang-kita niya ang paghanga at pagmamahal sa mga mata nito habang nakatingin kay Gino. At nang bumaling ang tingin nito sa kanya, bahagyang tumikwas ang dulo ng labi nito, parang bang may kunting ngisi ng panunuya at pagka-disgusto.Ito ang unang beses na nakita ni Lily ang babae ng harap-ha







