Share

CHAPTER 107 (MAY BAGO NA...)

MACOY’S POV

NANANAKIT... ang buo niyang katawan. Pakiramdam niya ay may nakapatong na tig-isang sako ng bigas sa magkabila niyang mga mata sa bigat ng mga iyon. Kung siya lang ang masusunod, gusto niya lang na manatiling nakapikit.

Pero may pamilyar na boses na paulit-ulit na tumatawag sa pangalan niya.

Macoy. Macoy. Gumising ka na, please.

Kaya kahit hirap, ay pilit na idinilat niya ang mga mata.

Mukhang nananaginip nga siya dahil mukha agad ni Jade ang nakita niya.

Imposibleng naroon ito hindi na sila nito nag-uusap matapos itong lumipat ng di umano’y ‘pansamantala’ sa military base, kasama ang tatay ni JM.

May kung anong kumurot sa puso niya sa isiping iyon.

Pero hindi natigil ang pagtawag nito sa pangalan niya, at kung hindi nga siya nagkakamali ay umiiyak pa ito.

Kaya muli niyang pinilit ang sarili na magmulat ng mga mata.

Hindi nga siya nananaginip lang, nandito nga talaga si Jade sa tabi niya.

Pinakatitigan niya ito.

Ang daming pumasok sa isipan niya.

Gusto niyang maghina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status