LOGINTHIRD PERSON:
Pagkaalis ni Don Ricardo, nanatiling balot ng katahimikan ang buong bahay. Mabigat, nakabibingi—tila ba ang mismong hangin ay natigil sa paggalaw. Tanging mabilis na pintig ng puso ni Althea ang gumuguhit sa kanyang pandinig, kasabay ng marurupok na hikbi na pilit niyang pinipigilan. Ang malamyos na hangin mula sa bintana ay tila ba hindi nakapansin sa kanyang pagluha, malamig ngunit walang kaaliwan.
Dahan-dahan niyang sinilip ang pasilyo, sinigurong wala na ang anino ng kanyang ama at maging ang ina niya ay hindi rin naroroon. Nang makatiyak, agad siyang bumalik sa kuwarto, halos manginig ang bawat hakbang. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa cellphone—para bang iyon na lamang ang natitirang sandalan niya sa gitna ng unos.
At sa loob ng apat na sulok ng silid, tanging mga hikbi niya na lamang ang umaalingawngaw, kasabay ng maliliit na kalansing ng mga preno ng bintana at bahagyang pag-ikot ng ilaw mula sa cellphone na sumasalamin sa madilim na dingding.
“Rod! Please, pick up the phone!” garalgal ang boses ni Althea, nanginginig sa hikbi habang paulit-ulit na pinipindot ang tawag. Ramdam niya ang bigat ng luha na walang humpay na umaagos sa kanyang mga pisngi.
Ilang beses na nag-ring, pero walang sumasagot. Lalong bumibigat ang dibdib niya sa bawat segundo ng katahimikan.
“Please… Rod, kailangan kita ngayon…” halos pabulong na sambit niya, nanginginig pa rin ang boses.
Habang humahaba ang oras, dahan-dahang sumisingit sa isip niya ang isang mapait na pangamba: Baka nakita na niya… baka nakita na rin ni Rod ang litrato namin ni Gov. Silas.
Unti-unting nanghina ang kanyang mga tuhod, napaupo siya sa gilid ng kama. Pinagdikit ang kanyang noo at telepono, tila ba iyon na lamang ang tanging lifeline na kumakapit siya. Ngunit wala—tanging paulit-ulit na ring lang ang sagot.
Hanggang sa unti-unti nang nawawala ang kanyang pag-asa. Ang kamay na kanina’y mahigpit ang kapit sa cellphone, ngayo’y bumitaw at bumagsak sa kama. Ang luha’y tuluyan nang nagpatulo, kasabay ng pabulong na mga salita—
“Rod… wag mo naman akong iwan…” bulong ni Althea, halos punitin ng luha ang kanyang tinig. Napapakagat na siya sa kanyang daliri, pilit pinipigilan ang sarili sa matinding panginginig ng katawan, habang nanlalabo ang paningin sa walang tigil na pagtulo ng luha. Nakatitig siya sa cellphone na para bang iyon na lamang ang tanging sagot sa kanyang pagdurusa—ang huling sinag ng pag-asa sa dilim na unti-unting lumalamon sa kanya.
Biglang nag-vibrate ang cellphone sa kanyang tabi, sinundan ng matinis na tunog ng ringtone na pumunit sa katahimikan ng silid. Kumabog nang mariin ang dibdib ni Althea—tiyak na si Rod na ito! Ngunit nang igawi niya ang tingin sa screen, dahan-dahan siyang napakunot-noo. Hindi pangalan ni Rod ang nakasulat doon… kundi: Unknown Number.
Nanlaki ang mga mata ni Althea nang marinig ang boses mula sa kabilang linya. Halos mawalan siya ng lakas sa bigat ng malamig na tinig na iyon.
“Althea…” mabagal, mababa, at nakapanghihilakbot. “Kahit anong gawin mo, wala ka nang takas.”
Nanginginig siyang sumagot, halos mabaliw sa kaba. “P-paano mo nakuha ang number ko?!” galit niyang sigaw, kahit nanginginig ang kanyang boses.
Kasunod noon, isang nakabibinging halakhak ang gumapang mula sa kabilang linya. Malamig. Malalim. Para bang isang multong bumabalot sa kanyang paligid.
“Ha…ha…ha…” mahaba at nanunuot ang tawa ni Silas. "Sa sobrang kalasingan mo, hindi mo man lang namalayan na pinakialaman ko na ang cellphone mo. Lahat ng sikreto mo… nasa akin na.”
Nanlaki ang mga mata ni Althea, halos mabitawan ang telepono. Pinipigilan niya ang luha, ngunit tuluy-tuloy ang pag-agos nito. Ang malamig na hangin mula sa bintana ay tila ba humihikbi kasama niya.
“At pati iyang Rod Vergara…” biglang lumamig ang boses ni Silas, mabigat at nakababalot ng pananakot. “…asahan mo nang hindi na matutuloy ang mga binabalak niyong dalawa. Hindi ko hahayaang makalapit pa siya sa’yo.”
“Hayop ka!! Anong ginawa mo kay Rod?!!!” halos pasigaw na tinig ni Althea, nanginginig ang kanyang mga kamay habang mahigpit na nakakapit sa cellphone.
“Wala pa naman…” malamig ang tugon ni Silas, sinabayan ng mabagal na pagtawa na lalong nagpatayo ng balahibo niya. “Pero kung pilitin mong suwayin ako, baka may magawa akong pagsisisihan mo—o mas lalo mong ikagalit.”
At sa kabilang linya, sumingit ang mababa at nakapanghihilakbot na tawa ni Silas—mahaba, mabagal, tila ba bawat hagikhik ay may kasamang patalim na humihiwa sa katahimikan.
“Naririnig ko ang bawat hingal mo, Althea,” malamig niyang bulong, puno ng panunuya at kasiyahan. “Nararamdaman ko ang takot mo… at iyon ang nagpapatamis sa lahat.”
Huminto siya sandali, saka muling nagsalita sa mas mabigat na tinig—
“Huwag mong isipin na luha lang ang nakikita ko. Sa bawat patak niyan, mas lalo kitang nakukulong. At tandaan mo ito… habang mas umiiyak ka, mas lalo kang nagiging akin.”Nanatiling tahimik si Althea, pero walang tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha. Bawat salita ni Silas ay parang mga tanikala na dahan-dahang humihigpit sa kanyang leeg, tinatanggalan siya ng paghinga at ng pag-asa.
Parang unti-unti siyang nilulunod sa isang bangungot na hindi niya matakasan—at sa bawat hikbing pinipigilan, mas lalo niyang nararamdaman na nawawala ang lahat ng liwanag sa kanyang paligid.
Sa puntong iyon, ramdam niyang hindi na siya lumalaban… kundi unti-unti nang bumibigay.
“You can cry, beg, you can even hate me…” dumulas ang tinig ni Silas, puno ng kontrol at yabang. “…but nothing will change the truth. You are mine, Althea. Sa ayaw at sa gusto mo… akin ka!”
Click.
Napatigil ang tawag. Naiwan si Althea, hingal na hingal, mahigpit na hawak ang cellphone sa kanyang kamay. Sa katahimikan ng silid, tanging mabilis at basag na hikbi ang umaalingawngaw. Ngunit higit sa lahat—ang mga salitang binitiwan ni Silas ay parang nakaukit na sa kanyang isip, paulit-ulit na bumabalik…
“Akin ka!”Hindi niya matiis ang damdamin sa dibdib. Bumagsak siya sa kama, hinila ang unan sa kanyang mga bisig at doon ibinuhos ang lahat ng galit at lungkot. Ang unan ay basang-basa na sa luha, sumasalo sa bawat sigaw at hikbi na pilit niyang itinatago.
“Napakahayop mo talaga, Silas!!” sumigaw siya, nanginginig ang boses habang patuloy ang luha sa kanyang pisngi. Ang mga sigaw ay bumabalik mula sa mga pader ng silid, tila ba kaakibat ng kanyang damdamin.
Sa bawat hikbi, ramdam ni Althea ang bigat ng sitwasyon—hindi lang sa puso, kundi pati sa isip niya. Sa ilalim ng madilim na silid, nag-iisa siya, ngunit buong puso niyang inilabas ang lahat sa basang-basa niyang unan, kahit alam niyang wala nang makakapigil sa mga nangyayari.
THIRD PERSON:“Yes, Dad! Opo, nakaayos na po ang tutuluyan ninyong hotel,” masiglang sabi ni Althea habang kausap sa telepono si Don Ricardo. “Nasa tapat lang iyon ng art gallery, kaya wala na po kayong lusot ha. Magtatampo talaga ako niyan sa inyo kapag nalate pa kayo ng dating!”Narinig naman sa kabilang linya ang tawa ni Señora Miriam.“Anak, huwag kang mag-alala. Hindi namin palalampasin ‘to. Isusuot ko pa ang bagong gown ko para sa auction mo!”Napatawa si Althea. “Sige po, Mom. Basta promise ha, huwag kayong mawawala sa unang araw. Kailangan ko ang mga cheerleader kong pinakamamahal.”“Cheerleader? Kami pa!” natatawang sagot ni Don Ricardo. “Maghanda ka na, dahil siguradong puno ng bulaklak ang gallery mo pagdating namin.”Ngumiti si Althea habang ibinababa ang tawag. Sa loob-loob niya, hindi lang auction ang mangyayari sa Paris — kundi ang pagtitipon ng lahat ng taong naging bahagi ng kanyang muling pagkabuo.*****Natuloy rin ang matagal nang pinangarap ni Althea na auction —
FLASHBACK: “Gov…” mahina niyang tawag. Nilingon siya ni Silas, mabagal, tila alam na niya ang sasabihin bago pa man ito magsalita. “Gising na si Ma’am Althea,” wika ni Lucas, halos pabulong. “Hinahanap ka na po niya.” Sandaling natahimik si Silas. Ang titig niya ay bumagsak sa sahig, at sa isang iglap, ang malamig na gobernador ay tila nabasag ng alaala. Namalas ni Lucas ang pagdilim ng mga mata nito—isang lungkot na pilit niyang tinatago sa likod ng tikas at disiplina. “Gov…” dagdag ni Lucas, bahagyang lumapit. “Sigurado ho ba kayo sa gagawin natin?” Mabagal na itinungo ni Silas ang ulo, saka tumingin muli sa kanya—malalim, puno ng determinasyon. “Wala nang atrasan, Lucas,” mahinang sagot niya, ngunit ang bigat ng tinig ay parang tunog ng kulog bago ang bagyo. “Kailangan kong gawin ito… alang-alang sa kanya.” “Pero, Gov,” bahagyang nanginginig ang boses ni Lucas, “paano po kung… hindi kayanin ni Ma’am Althea ang mangyayari?” Tumitig si Silas sa malayo, sa malamlam na
THIRD PERSON:Sa paglapit nila ni Professor Marcel Duval at ng kanyang assistant sa isang eleganteng gusali sa Rue Saint-Honoré, yong kabog ng dibdib niya kanina ay mas bumibilis ngayon.Nakasabit sa itaas ng pinto ang pangalan ng gallery—Les Couleurs d’Althea—nakaukit sa gintong titik, may disenyong maliit na bulaklak na pamilyar at maramdamin.“Are you ready, Mrs. Montenegro?” tanong ni Professor Duval, na may ngiti ngunit halatang nakikiramdam sa bigat ng emosyon niya.Huminga siya nang malalim bago tumango. “Yes… I think I am.”Pagbukas ng pinto, bumungad ang malamlam na liwanag mula sa mga ilaw na nakatutok sa bawat obra. Ang sahig ay maputi, makintab, at bawat dingding ay may nakasabit na mga canvas na tila humihinga ng alaala.At doon siya natigilan.Ang bawat painting sa harap niya — lahat — ay kanya.Mga ipininta niya noong kolehiyo. Mga obra na dapat sana’y kasali sa una niyang university auction. Ang mga larawang iniyakan niya noong araw matapos malaman na binili ang lahat
THIRD PERSON:Paris, two days later.Malamig ang simoy ng hangin sa labas ng bintana ng tinutuluyan ni Althea.Sa bawat kislap ng mga ilaw mula sa mga gusali, hindi pa rin siya lubos na makapaniwala na narito na siya — sa lungsod na minsan lang niyang pinangarap, ngunit pinangarap ni Silas para sa kanya nang higit pa.Hindi nawawala ang mga tawag nina Sen. Miriam at Don Ricardo. Panay ang kamustahan, at madalas pa nga’y sabay silang magpaalala sa kanya na huwag kalimutan kumain at magpahinga.Maging sina Jasmine, Carlo, at Rod ay hindi nagpapahuli—panay ang tawag, kulitan, at tawanan tuwing nagvi-video call sila. Minsan ay sabay-sabay pa nilang pinipilit si Althea na magpakita ng mga bagong likhang painting, habang si Jasmine naman ay walang tigil sa pang-aasar, si Carlo sa pagbibiro, at si Rod sa tahimik ngunit maalagang pangungumusta.Sa kabila ng layo at lamig ng gabi sa Paris, ramdam pa rin ni Althea ang init ng mga taong patuloy na nandiyan para sa kanya—mga taong naging sandigan
THIRD PERSON:Unti-unti na ring tinatanggap ng buong bayan ang kanyang pagkawala. Mula sa mga bulaklak na araw-araw na inilalagay ng mga mamamayan sa harap ng munisipyo, hanggang sa mga mural na iginuhit ng kabataan bilang paggunita sa kanya—lahat ay may iisang mensahe:Ang taong nag-alay ng buhay para sa bayan ay mananatiling buhay sa puso ng bawat isa.Ngunit may iniwan pa rin si Silas Montenegro—isang mahigpit na paalala at takot sa sinumang magtatangkang dungisan ang kanyang pangalan o ang bayan na buong puso niyang ipinaglaban.At sa bawat pag-ihip ng hangin sa Montenegro, tila dala nito ang tinig ng dating gobernador—paalala na ang tunay na lider ay hindi nawawala, sapagkat ang kanyang diwa ay nananatili sa bawat pusong minahal niya.Ngunit para kay Althea, bawat umagang dumarating ay tila isang mabigat na paalala. Isang parte ng kanyang kaluluwa ang naiwan sa mga alaala ni Silas—sa kanyang mga pangako, sa mga salitang hindi na natapos, at sa mga pangarap na ngayo’y siya na lama
THIRD PERSON:“Napakatapang niyo po, Ma’am Althea…” mahina ngunit nanginginig na sambit ni Aling Nora, habang dahan-dahang lumapit mula sa likuran niya. Namumugto na ang mga mata nito, hawak ang panyo at pilit pinipigil ang paghikbi. “Nahanap niyo na po ‘yan, Ma’am… kayo lang po talaga ang hinihintay niyan.”“Anong… ibig niyong sabihin?” halos pabulong na tanong ni Althea, nanginginig ang boses habang hawak-hawak pa rin ang lumang sketch pad at mga krayola.Tahimik lamang si Aling Nora sa sandaling iyon, tila pinipilit hawakan ang sariling damdamin bago magsalita.“Matagal na po naming alam,” mahina niyang wika, “na kayo po ang batang nasa painting na iyan… ang batang kasama ni Gov. Silas noon.”Napapikit si Althea, halatang nagulat at naguguluhan. Mabilis ang tibok ng kanyang puso, parang gustong tumalon sa dibdib dahil sa bigat ng katotohanan.“Mahigpit pong inutos ni Gov. Silas,” ipinaliwanag ni Aling Nora, “na huwag namin ipaalam sa inyo. Mas gusto niya po kasi na kayo mismo ang m







