Share

CHAPTER SIX

last update Last Updated: 2025-09-15 07:22:02

THIRD PERSON:

Tahimik ang loob ng opisina ng gobernador. Nakasalansan ang mga dokumento sa mesa habang si Silas ay seryosong nakayuko, abala sa pagbabasa at pagpirma. Tanging tik-tak ng orasan ang umaalingawngaw, kasabay ng bigat ng kanyang presensya.

Biglang bumukas ang pinto. “Governor…” maingat na tawag ni Lucas, ang personal assistant. Kita ang kaba sa kanyang mukha habang hawak ang cellphone.

Hindi inalis ni Silas ang tingin sa papeles na kanyang pinipirmahan. “Ano iyon?” malamig na tanong niya.

“Mas mabuting kayo na po ang makakita, Gov.” Dahan-dahang iniabot ni Lucas ang cellphone.

Kinuha ito ni Silas, bahagyang nagtaas ng kilay. At nang makita ang laman ng screen—tumigil siya sa paghinga ng ilang segundo.

Larawan niya iyon—siya mismo, buhat-buhat si Althea sa kanyang mga bisig. Isang kuha na parang eksena sa nobela: siya, ang makapangyarihang gobernador; at si Althea, ang dalagang wari’y isang prinsesang mahigpit niyang inaalagaan.

Bahagyang kumunot ang noo ni Silas habang pinagmamasdan ang litrato sa screen, ngunit isang malamig na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Imbes na ikahiya, tila ba ikinatuwa pa niya ang pagkakahuli ng sandaling iyon. “Mas mapapadali nito ang lahat,” mahina niyang bulong, na para bang may planong unti-unting nabubuo sa kanyang isipan.

Sa ilalim ng litrato, sunod-sunod ang mga komentaryo:

“Bagay na bagay sila! Power couple!”

“Finally, may love life na rin si Governor Montenegro.”

“Royalty vibes. Sila na talaga.”

Puno ng kumpiyansa—ang gumuhit sa kanyang labi.

“Hmm…” mahina niyang sambit, nakasandal sa upuan. “Minsan, Lucas, maganda rin pala ang tsismis.”

Nagulat si Lucas, hindi inaasahan ang reaksyon ng gobernador. “Gov.?”

“Hindi ko na kailangang magpaliwanag,” malamig ngunit tiyak na wika ni Silas, habang nakapako ang tingin sa litrato. “Ang publiko na mismo ang nagsasabi kung sino ang para sa akin. Kung mahirap kumbinsihin si Althea… dahil dito, wala na siyang magagawa.”

Saglit siyang tumigil. Mas lalong tumalim ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang larawan nilang dalawa. Mabigat ang katahimikan sa opisina, tila ba ang mismong dingding ay nakikinig.

“…Ngayon, wala nang atrasan,” madiin niyang sambit, kasabay ng mabagal ngunit matatag na ngiti na sumilay sa kanyang labi—ngiting nagbabadya ng kapalarang hindi na matatakasan ni Althea.

Hindi naiwasang mapalunok ni Lucas na kanina pa nakatayo sa gilid ng pinto, mahigpit na hawak ang mga dokumentong dala. “G-Governor…” maingat niyang sambit, ngunit agad na sumilay sa kanyang mukha ang takot nang magtama ang kanilang mga mata.

Tumikhim si Silas, saka dahan-dahang isinara ang folder sa harap niya. “Lucas,” malamig ang tinig na bumaon sa hangin. “Sabihin mo sa pamilya Cruz… Sabihin mong oras na para plantsahin ang kasal.”

Halos matigilan ang PA, nag-aalinlangan. “Governor, baka po hindi pa—”

Naputol siya ng malamig na tingin ni Silas. “Hindi ako nagtatanong, Lucas. Gusto ko itong matapos agad. Habang mainit ang usapan, habang buo ang suporta ng publiko. Hindi ko hahayaang mawala ang momentum na ito.”

Tumango na lamang si Lucas at mabilis na umalis ng opisina.

Naiwan si Silas, nakapikit sandali habang hawak muli ang cellphone. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ni Althea sa larawan—ang takot at pagkabigla na hindi napansin ng karamihan, natabunan ng ilusyon ng isang “perfect couple.”

Ngumiti siya, mas malalim at mas mapanganib.

“Sa ayaw at sa gusto mo, Althea… wala ka nang takas. Ang buong mundo na ang nagsasabi na akin ka.”

*****

Tumunog ang cellphone ni Althea, paulit-ulit na vibration na para bang nagmamadaling sumabog sa kanyang kamay. Naka-flash sa screen ang pangalan ni Caroline na kaibigan niyang baklang si Carlo.

Agad niya itong sinagot. “Bakla bakit?” mahina ang tanong, halata ang pagod sa tinig.

“NAKITA MO NA BA, ALTHEA?!” halos pasigaw ang boses ng kaibigan sa kabilang linya.

Napakunot ang noo ni Althea. “Ang alin?” takang sagot niya.

“Gaga ka! VIRAL NA VIRAL KAYO NI GOV. SILAS!!” sigaw ni Carlo, halos hindi makapaniwala.

Nanlamig ang buong katawan ni Althea. Mabilis siyang napaupo sa gilid ng kama, nanginginig ang mga daliri. “Ano…?” mahina niyang bulong.

“Buksan mo na lang ang social media!” utos nito sa kanya. “Nasa lahat ng feed—ikaw, si Governor… buhat-buhat ka niya parang prinsesa!”

Dahan-dahan binuksan ni Althea ang cellphone, nanginginig ang kamay. At doon, huminto ang mundo niya sandali.

Nasa harap niya ang litrato—siya, nakayakap kay Silas, at ang mga mata nitong nakatutok sa kanya na parang tanging siya lang ang nasa paligid.

Sunod-sunod ang mga headline at komento:

“Perfect couple! Bagay na bagay si Gov. Silas at ang dalaga!”

“Power couple of the year, walang makakatalo!”

“Royalty vibes. Sana kasal na agad!”

Nanlaki ang mga mata ni Althea, halos malaglag ang cellphone sa kanyang kamay. Tumigil ang oras; sa loob ng silid, tanging malakas na tibok ng puso niya ang maririnig.

“Hindi… hindi ito pwede…” mahina niyang bulong, nanginginig ang labi habang pinagmamasdan ang litrato.

“Althea… mukhang wala ka nang kawala. Ginawa na kayong love story ng buong mundo,” sabi nito nang may lungkot sa boses.

Biglang dumami ang notipikasyon sa screen—mga puso, likes, at komento. Hindi na alam ni Althea kung alin ang mas nakakatakot: ang libong boto ng opinyon ng tao, o ang titig ni Silas mula sa larawan.

“Maghanda ka,” ang paalala pa nito. “Siguradong gagalaw na ang pamilya mo.”

Bago pa siya makasagot, kumalas ang pinto ng silid—pwersado, mabilis.

“ALTHEA!” dagundong ng boses ni Don Ricardo.

Nanigas ang buong katawan ni Althea. Hawak pa rin niya ang cellphone, nanginginig ang mga kamay. Nakatayo sa pintuan ang ama, galit na umiigting ang mukha.

“Ayan! TINGNAN MO!” sumisigaw si Don Ricardo, itinuro ang teleponong hawak ni Althea. “Dahil sa kasuwailan mo—MAPAPAHIYA PA ANG PAMILYANG MONTENEGRO SA’YO!!”

Isang malakas na pak! ang dumapo sa pisngi ni Althea. Napaatras siya, halos mabuwal sa gilid ng kama. Agad niyang nahaplos ang namumulang pisngi habang dumadaloy ang luha sa kanyang mga mata. Pinilit niyang pigilan ang hikbi, ngunit ramdam niya ang bigat ng sakit at panghihina.

Halos wala na siyang makitang daan upang magsalita—tanging mahinang pag-iling at hikbi ang lumabas.

“Simula ngayong gabi, wala ka nang karapatang pumili!” bulyaw ni Don Ricardo, nangingig ang boses sa galit. “Tatawagan tayo ng mga Montenegro—at doon, tatatakan ang kasal mo kay Silas. Tandaan mo ito, Althea: kahit ayaw mo, kahit lumuhod ka pa, wala ka nang ligtas. Mas mabuti pang mawala ka sa mundong ito kaysa sirain mo ang pangalan natin!”

Dahan-dahang iniwan siya ng ama at marahang isinara ang pinto.

Naiwan si Althea, nanginginig at humahawak sa namumulang pisngi. Ang cellphone ay nakabagsak sa sahig, patuloy na nagliliwanag ng mga notipikasyon—mga taong bumubuti sa isang pag-iisa na hindi naman niya pinili.

Sa dibdib niya, unti-unting lumalamon ang pakiramdam na wala na siyang boses… wala na siyang laban.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   FINAL CHAPTER

    THIRD PERSON:“Yes, Dad! Opo, nakaayos na po ang tutuluyan ninyong hotel,” masiglang sabi ni Althea habang kausap sa telepono si Don Ricardo. “Nasa tapat lang iyon ng art gallery, kaya wala na po kayong lusot ha. Magtatampo talaga ako niyan sa inyo kapag nalate pa kayo ng dating!”Narinig naman sa kabilang linya ang tawa ni Señora Miriam.“Anak, huwag kang mag-alala. Hindi namin palalampasin ‘to. Isusuot ko pa ang bagong gown ko para sa auction mo!”Napatawa si Althea. “Sige po, Mom. Basta promise ha, huwag kayong mawawala sa unang araw. Kailangan ko ang mga cheerleader kong pinakamamahal.”“Cheerleader? Kami pa!” natatawang sagot ni Don Ricardo. “Maghanda ka na, dahil siguradong puno ng bulaklak ang gallery mo pagdating namin.”Ngumiti si Althea habang ibinababa ang tawag. Sa loob-loob niya, hindi lang auction ang mangyayari sa Paris — kundi ang pagtitipon ng lahat ng taong naging bahagi ng kanyang muling pagkabuo.*****Natuloy rin ang matagal nang pinangarap ni Althea na auction —

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER SEVENTY-SIX

    FLASHBACK: “Gov…” mahina niyang tawag. Nilingon siya ni Silas, mabagal, tila alam na niya ang sasabihin bago pa man ito magsalita. “Gising na si Ma’am Althea,” wika ni Lucas, halos pabulong. “Hinahanap ka na po niya.” Sandaling natahimik si Silas. Ang titig niya ay bumagsak sa sahig, at sa isang iglap, ang malamig na gobernador ay tila nabasag ng alaala. Namalas ni Lucas ang pagdilim ng mga mata nito—isang lungkot na pilit niyang tinatago sa likod ng tikas at disiplina. “Gov…” dagdag ni Lucas, bahagyang lumapit. “Sigurado ho ba kayo sa gagawin natin?” Mabagal na itinungo ni Silas ang ulo, saka tumingin muli sa kanya—malalim, puno ng determinasyon. “Wala nang atrasan, Lucas,” mahinang sagot niya, ngunit ang bigat ng tinig ay parang tunog ng kulog bago ang bagyo. “Kailangan kong gawin ito… alang-alang sa kanya.” “Pero, Gov,” bahagyang nanginginig ang boses ni Lucas, “paano po kung… hindi kayanin ni Ma’am Althea ang mangyayari?” Tumitig si Silas sa malayo, sa malamlam na

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER SEVENTY-FIVE

    THIRD PERSON:Sa paglapit nila ni Professor Marcel Duval at ng kanyang assistant sa isang eleganteng gusali sa Rue Saint-Honoré, yong kabog ng dibdib niya kanina ay mas bumibilis ngayon.Nakasabit sa itaas ng pinto ang pangalan ng gallery—Les Couleurs d’Althea—nakaukit sa gintong titik, may disenyong maliit na bulaklak na pamilyar at maramdamin.“Are you ready, Mrs. Montenegro?” tanong ni Professor Duval, na may ngiti ngunit halatang nakikiramdam sa bigat ng emosyon niya.Huminga siya nang malalim bago tumango. “Yes… I think I am.”Pagbukas ng pinto, bumungad ang malamlam na liwanag mula sa mga ilaw na nakatutok sa bawat obra. Ang sahig ay maputi, makintab, at bawat dingding ay may nakasabit na mga canvas na tila humihinga ng alaala.At doon siya natigilan.Ang bawat painting sa harap niya — lahat — ay kanya.Mga ipininta niya noong kolehiyo. Mga obra na dapat sana’y kasali sa una niyang university auction. Ang mga larawang iniyakan niya noong araw matapos malaman na binili ang lahat

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER SEVENTY-FOUR

    THIRD PERSON:Paris, two days later.Malamig ang simoy ng hangin sa labas ng bintana ng tinutuluyan ni Althea.Sa bawat kislap ng mga ilaw mula sa mga gusali, hindi pa rin siya lubos na makapaniwala na narito na siya — sa lungsod na minsan lang niyang pinangarap, ngunit pinangarap ni Silas para sa kanya nang higit pa.Hindi nawawala ang mga tawag nina Sen. Miriam at Don Ricardo. Panay ang kamustahan, at madalas pa nga’y sabay silang magpaalala sa kanya na huwag kalimutan kumain at magpahinga.Maging sina Jasmine, Carlo, at Rod ay hindi nagpapahuli—panay ang tawag, kulitan, at tawanan tuwing nagvi-video call sila. Minsan ay sabay-sabay pa nilang pinipilit si Althea na magpakita ng mga bagong likhang painting, habang si Jasmine naman ay walang tigil sa pang-aasar, si Carlo sa pagbibiro, at si Rod sa tahimik ngunit maalagang pangungumusta.Sa kabila ng layo at lamig ng gabi sa Paris, ramdam pa rin ni Althea ang init ng mga taong patuloy na nandiyan para sa kanya—mga taong naging sandigan

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER SEVENTY-THREE

    THIRD PERSON:Unti-unti na ring tinatanggap ng buong bayan ang kanyang pagkawala. Mula sa mga bulaklak na araw-araw na inilalagay ng mga mamamayan sa harap ng munisipyo, hanggang sa mga mural na iginuhit ng kabataan bilang paggunita sa kanya—lahat ay may iisang mensahe:Ang taong nag-alay ng buhay para sa bayan ay mananatiling buhay sa puso ng bawat isa.Ngunit may iniwan pa rin si Silas Montenegro—isang mahigpit na paalala at takot sa sinumang magtatangkang dungisan ang kanyang pangalan o ang bayan na buong puso niyang ipinaglaban.At sa bawat pag-ihip ng hangin sa Montenegro, tila dala nito ang tinig ng dating gobernador—paalala na ang tunay na lider ay hindi nawawala, sapagkat ang kanyang diwa ay nananatili sa bawat pusong minahal niya.Ngunit para kay Althea, bawat umagang dumarating ay tila isang mabigat na paalala. Isang parte ng kanyang kaluluwa ang naiwan sa mga alaala ni Silas—sa kanyang mga pangako, sa mga salitang hindi na natapos, at sa mga pangarap na ngayo’y siya na lama

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER SEVENTY-TWO

    THIRD PERSON:“Napakatapang niyo po, Ma’am Althea…” mahina ngunit nanginginig na sambit ni Aling Nora, habang dahan-dahang lumapit mula sa likuran niya. Namumugto na ang mga mata nito, hawak ang panyo at pilit pinipigil ang paghikbi. “Nahanap niyo na po ‘yan, Ma’am… kayo lang po talaga ang hinihintay niyan.”“Anong… ibig niyong sabihin?” halos pabulong na tanong ni Althea, nanginginig ang boses habang hawak-hawak pa rin ang lumang sketch pad at mga krayola.Tahimik lamang si Aling Nora sa sandaling iyon, tila pinipilit hawakan ang sariling damdamin bago magsalita.“Matagal na po naming alam,” mahina niyang wika, “na kayo po ang batang nasa painting na iyan… ang batang kasama ni Gov. Silas noon.”Napapikit si Althea, halatang nagulat at naguguluhan. Mabilis ang tibok ng kanyang puso, parang gustong tumalon sa dibdib dahil sa bigat ng katotohanan.“Mahigpit pong inutos ni Gov. Silas,” ipinaliwanag ni Aling Nora, “na huwag namin ipaalam sa inyo. Mas gusto niya po kasi na kayo mismo ang m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status