로그인'TREATEN'THIRD PERSON POINT OF VIEWSamantala, sa mansion ng mga Watson, nakaupo si Emma sa kanyang silid habang pinag-aaralan ang iilang mga dokumentong ipinadala ng kanilang finance department. Nang biglang na lamang nagvibrate ang kanyang cellphone. At nang tingnan niya iyon ay nakita niya ang isang mensahe mula sa kanyang kaibigan.From My Friend:Emma, nakita ko si Ryan kanina. Kasama niya iyong babaeng si Vanessa sa isang restaurant. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.Matagal na tinitigan ni Emma ang mensahe.Vanessa.Pamilyar sa kanya ang pangalang iyon. Sa dati niyang buhay ay ito ang babaeng naging dahilan ng maraming problema sa kanilang pagsasama. Bahagyang napangiti si Emma at muling ibinaba sa mesa ang kanyang cellphone."So, you're already looking for someone to comfort you, Ryan? Kung ganon matagal mo na pala talaga akong ginagago, Ryan." Bulong niya sa kanyang sarili.Hindi siya nasaktan gaya ng inaasahan niya. Sahalip, lalo lamang siyang naging determinado na pa
'The Man Who's Only Using Her'THIRD PERSON POINT OF VIEW"Vanessa, are you free tonight?" Unang bungad ni Ryan sa babae matapos nitong sagutin ang kanyang tawag."Why? May kailangan ka ba?" Malanding sagot ni Vanessa mula sa kabilang linya. "I need someone to talk to. Let's meet.""Sure. Same place?" Agad na sagot ni Vanessa gamit ang excited nitong boses na para bang matagal na nila itong ginagawa sa likuran ni Emma."Yes."Pagkababa ng tawag ay napahawak si Ryan sa kanyang noo. Kung ayaw siyang kausapin ni Emma, marami pa naman siyang ibang taong maaaring lapitan. Pagsapit ng gabi, nagtungo si Ryan sa isang mamahaling restaurant kung saan naghihintay na sa kanya si Vanessa. Nakasuot ito ng eleganteng itim na damit at maayos ang pagkakaayos ng buhok nito."Ryan!" Masiglang tawag ni Vanessa kay Ryan nang mamataan siya nito. Ngumiti ang babae nang makita siyang papalapit na sa mismong mesa nito."Hi, Vanessa." Umupo si Ryan sa tapat nito at agad na umorder ng inumin."What's wrong? Y
'Ang Lalaking Hindi Sanay Tanggihan'THIRD PERSON POINT OF VIEW"Of course, baby. I want to marry you as soon as possible. Hindi ba't iyon naman ang plano nating dalawa? Why the sudden change of plan?""Ryan, hindi naman kailangang madaliin ang lahat. Gusto ko munang matutunan ang mga responsibilidad ko bilang tagapagmana ng Watson Group."Saglit na natahimik si Ryan at napakuyom sa kanyang kamao."Is that really necessary? Your father already has people managing the company. At patina ako ay tutulong din pagdating sa kompanya niyo. Kapag ikinasal na tayo ay magiging katuwang ako ni Tito sa trabaho.""Exactly. And it's my family's company, Ryan. I think it's time na matuto rin akong mamahala rito. You have your own work to do and i don't want to bother you anymore."Hindi na nakapagsalita si Ryan."Anyway, I have to go. Talk to you later." Agad na pinatay ni Emma ang tawag.Nang mailapag ni Emma ang cellphone sa mesa ay bumalik ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. Alam niyang ma
'Ang Simula ng Pagbangon'EMMA POINT OF VIEWMaaga akong nagising kinabukasan at ilang mga sandali muna akong nanatiling nakaupo sa gilid ng aking kama habang pinagmamasdan ko ang silid na matagal na ko nang hindi nakita.Bumalik ako sa dating panahon na hindi pa kami kasal ni Ryan. Panahong puno pa ng pangarap at pagmamahal ang puso ko para sa lalaking minsan kong inakalang makakasama ko sa habang buhay.Ngunit ngayon, iba na ang lahat.Hindi na ako ang dating Emma na bulag sa mga nangyayari sa paligid ko. Hindi na ako ang babaeng basta na lamang magtitiwala at magpapagamit sa taong mahal ko. Sa pagkakataong ito, sisiguraduhin kong hindi na mauulit ang lahat ng sakit na naranasan ko noon.Kinuha ko ang aking cellphone at agad na tinawagan ang aking sekretarya."Good morning, Miss Emma! May kailangan po ba kayo?" masiglang bati nito sa akin mula sa kabilang linya."Good morning, Sarah. Gusto kong ipagpaliban muna ang lahat ng paghahanda para sa kasal namin ni Ryan.""Ha? Paano po? Aka
'Postponed' EMMA POINT OF VIEW Bandang alas-diyes na nang umaga ng makatanggap ako ng mensahe galing kay Ryan. 'Good morning, sweetheart. Are you awake? I hope you're doing well. I'll pick you up this afternoon so we can meet the wedding planner.' From: My soon to be husband. Basa ko sa mensahe niya. Ito ang lalaking minsang minahal ko nang buong puso. Tinalikuran ko ang pamilya ko para sa kanya ngunit ano ang ibinigay at isinukli niya sa pagmamahal kong iyon? Sakit at puno nang kataksilan lang ang ibinigay niya sa akin. Hindi ko na hahayaan pa na mapunta ako sa ganoong klase nang sitwasyon. Ang masaya at excited na mukhang naramdaman ko kanina nang kausap ko si mommy ay unti-unting napalitan nang pagkasuklam dahil sa naging mensahe ni Ryan. Kung makapagtext siya sa akin ay para bang wala siyang ginagawang kababalaghan sa aking likuran. Hindi ko alam kung papano ako nakaligtas sa nakaraang buhay, ngunit malinaw sa akin ang isang bagay. At iyon ang katotohanan na hindi na ako a
'The Day I Was Reborn' EMMA POINT OF VIEW "Miss Emma! Miss Emma, wake up!" Isang pamilyar na boses ang marahang tumawag sa akin. Dahan-dahang kong iminulat ang aking mga mata at bahagya pa akong napangiwi dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Nasaan ako? Hindi ba't nasagasaan ako nang sasakyan habang umaalis sa bahay namin ni Ryan? Bakit tila napakapamilyar ng lugar na kinaroroonan ko ngayon? Ano bang nangyayari? Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at naglibot ng tingin sa paligid. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang malawak na silid, ang malalaking bintana, ang puting kurtina, at ang mamahaling chandelier sa kisame. Hindi ako maaaring magkamali! Ito ang aking dating silid sa aming Watson Mansion! "Miss Emma, ok lang po ba kayo?" Napalingon ako sa babaeng nakatayo sa tabi ng aking kama. Si Maria, ang matagal nang kasambahay ng aming pamilya. "Maria?" Puno nang pagtataka kong tawag sa pangalan niya. "Yes, Miss. May kailangan po ba kayo? Ok lang po ba k







