LOGINNagulat si Sofia sa kaniyang narinig, parang biglang tumigil sandali ang mundo niya. Ibig sabihin, sa loob ng limang taon, niloko at nagsinungaling si Eduardo sa kaniya na namatay sa aksidente ang mga magulang ni Kale. Na estatuwa siya sa kaniyang kintatayuan at ‘di makapaniwala sa kaniyang nalaman, at dahil doon ay tuluyan ng gumuho at nawala ang katiting na pag-asa na mamahalin siya pabalik ni Eduardo at maging totoo na ang pagsasama nila pero hindi, dahil kasal lang sila pero buo na ang pamilya ni Eduardo, bagay na di niya mabigay.
Kusang dumaloy ang luha sa mga mata niya habang tinutulak si Luciana paalis ng mansion, si Kale naman ay panay ang iyak at sigaw habang tinatawag siya.
“Mama! ‘Wag kang umalis! ‘Wag mong paalisin ang mama ko lola! Gusto ko sa mama ko!” umiiyak na sabi nito.
“Anak pakiusap tahan na, hindi ka dapat umiyak, nandito ako oh, ako ang totoong mommy mo!” Ani ni Felise kay Kale.
“Ayoko sa’yo, hindi kita mommy dahil may mama na ako!” tinulak ni Kale si Felize at tinulak din ng bata ang lola niya na noon ay hinihila paalis si Sofia, dahilan para gaya ni Felise ay mawala rin ito sa balanse at halos matumba. Muli yumakap ang bata kay Sofia na umiiyak.
“Ganiyan mo ba pinalaki si Kale ha, Sofia? Walang modo?!” gali na galit na wika ni Luciana. Nilapitan na ni Felize si Sofia para pakiusapan na umalis na at iwan si Kale sa kanila.
“Please Sofia, kung mahal mo si Kale, hahayaan mo siya sa kaniyang ang totoong nanay niya at ako ‘yon, umalis ka na!” saad ni Felize kay Sofia sabay hila kay Kale papasok ng mansion. Nabigla pa rin si Sofia sa mga narinig niya, umiiyak na habang nagwawala ang bata sa kagustuhan sa sumama sa ina na kinikilala niya. Dahil natulala si Sofia at napipikon na rin si Luciana, lumapit na ito kay Sofia at marahas na tinulak ito, bumangga si Sofia sa isang nakaparadang kotse na kulay pula, sasakyan pala iyon ni Felize.
Napahawak si Felize sa puson niya dahil mas lalong sumakit ito, nakita ito ni Kale, at dahil ayaw nga siya bitiwan ni Felize, kinagat niya ito sa kamay at tinulak dahilan para mawalan ito ng balanse at matumba kaya bumangga ang noo nito sa isang matigas na dahil para masugatan ito. Habang nagkakagulo sila, dumating naman ang isang Black Bentley na sasakyan at lulan nito si Eduardo. Dali-dali itong bumaba ng kotse, nakita niyang halos mawalan na ng boses ang anak na si Kale sa kakaiyak at kakasigaw kaya nilapitan niya ito agad, halos mawalan na ito ng boses sa kaiiyak, pinapatahan na ito ni Sofia pero ayaw pa ring tumigil.
“Hayaan niyo na munang sumama sa ‘kin ang bata, hindi siya puwede na hayaang umiyak ng sobra dahil may hika siya at baka ano ang mangyari sa kaniya!”
“Ang sabihin mo, nilalason mo ang utak ng bata para mapalapit sa’yo ng sobra!” galit na giit ng ina ni Eduardo.
“Alam kong ayaw niyo sa’kin bilang manugang niyo pero ‘wag naman sana sa harap ng batang 5 years old lang na umasta kayong parang walang pinag-aralan!” naiinis na sabi ni Sofia kay Luciana.
“Napakabastos mong babae ka! Kunwari ka lang pa lang mabaiy pero nasa loob pala ang kulo mo!”
“Tita, hayaan niyo na po na sumama muna si Kale sa kaniya, limang taon din kasing lumaki ang bata sa kaniya di talaga bastang hihiwalay ito sa kaniya,” saad ni Felize na hawak ang ulo na may sugat, nakita ito ni Eduardo, agad nitong nilapitan si Felize at sobrang nag-alala.
“Anong nangyari ba’t may sugat ang noo mo?”nag-aalalang tanong nito sa babae.
“Ayos lang ako, nawalan lang ako ng balanse nang magpumiglas ang anak mo, kasalanan ko rin dahil puwersahan ko siyang kinukuha kay Sofia, binigla ring ipaalam na ako ang mama niya, gusto kasing mabawi ang mga panahon na wala ako sa tabi niya at hindi ako ang nag-alaga sa kaniya,” saad ni Felize.
“Ako na ang bahala kay Kale, sasama na muna siya kay Sofia, kailangan madala kita sa ospital to make sure you’re okay.”
Nilapitan ni Eduardo sina Sofia at Kale.
“Dada! Sabi po ng salabahing babae at ni lola, hindi ko raw po mama si mama!” humihikbing turan ni Kale sa kaniyang ama.
“Ah, Kale anak, sumama ka na muna kay mama o but pag-uwi ko mag-uusap tayo sa inasal mo ngayon ah.”
“Opo Dada.”
“Eduardo, totoo bang siya ang totoong ina ni Kale? Ba’t ka nagsinungaling sa’kin?!”
“Patawarin mo ako Sofia, wala lang akong choice ng mga panahong ‘yon at gano’n din si Felize, but now handa na niyang punan ang mga pagkukulang niya sa anak namin, sige na sa bahay na lang tayo mag-uusap kailangan kong dalhin muna sa ospital si Felize.”
Pinasok na ni Sofia si Kale sa kotse at nang nasa loob na rin siya, nakita niya nang buhatin ni Eduardo si Felize at kung paano ito mag-alala sa babae. There she knew that she’s out of a the picture. Gusto ng ina ni Eduardo si Felize, at anak pala ni Felize ang batang inalagaan at pinalaki niya sa loob ng limang taon, at higit sa lahat, siya ang babaeng mahal ng lalaking mahal niya. Hindi na namalayan ni Sofia na dumadaloy na pala ang luha sa pisngi niya, napansin na lamang niya ito ng punasan na ng maliliit na kamay ni Kale ang pisngi niya.
“Mama, ‘wag na po kayo umiyak, hindi po ako naniniwala sa babae na ‘yon, kayo lang po ang mama ko.”
“Anak, siya talaga ang mama mo, sinabi na rin ‘yan ng Dada mo kanina ‘di ba? Pero kahit siya ang totoong mama mo, mama mo pa rin ako, nandito lang ako palagi para sa ‘yo.”
“Ayoko, ayoko ng ibang mama ikaw lang ang gusto ko…” mas lalong umiyak si Kale.
“Shhh… tama na, oo na ako lang ang mama mo, ako lang.”
Nakatulog sa kaiiyak si Kale, nang dumating sila ng mansion ay pinabuhat niya ang bata sa driver at dinala na sa kuwarto nito. Nang nasa kuwarto na niya si Kale ay bumaba at nagpunta sa mini bar si Sofia at kumuha ng isang bote ng red wine. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nalaman niya, pakiramdam niya ay para siyang naging tau-tauhan sa isang kuwento na ‘di alam kung ano ang totoong karakter. Sa bagay, wala nga naman siyang karapatang manumbat o masaktan sa kabila ng mga nalaman niya, Eduardo doesn’t love her, only a contract agreement binds them na kapag natapos na ay tuluyan na siyang mawawala sa buhay ng lalaking mahal niya
Habang iniinom ang alak sa kaniyang baso ay nakarinig siya nang pagdating ng isang kotse, ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng bahay at pinuntahan niya kung sino ‘yon, si Eduardo ‘yon, walang ekspresyon ang mukhan nakatingin sa kaniya bago nagtanong.“Nasaan si Kale?” “Nasa kuwarto niya, nakatulog kaiiyak kanina.”Hindi na tumugon pa ang lalaki sa kaniya, dumeretso lang to sa taas na para bang walang nangyari ng gabing ‘yon, walang paghingi ng tawad o paliwanag. Ilang sandali pa ay bumaba na ito karga si Kale.“Dadalhin ko na si Kale sa mommy niya, ayokong magka anxiety at depression si Felize sa kaiisip at pag-aalala sa anak namin, maigi na rin ‘yong magkasarilinan silang mag-ina, sige na mauna na kami, tatawag na lang ako.”Hindi man lang hinintay ni Edaurdo na makasagot si Sofia sa kaniya, umalis na lang basta. Mapait na ngumiti si Sofia habang hawak ang basong may lamang alak at nakatingin sa bawat sulod ng mansion. Napakalaki ng bahay, pero tahimik at walang buhay dahil mag-
Nagulat si Sofia sa kaniyang narinig, parang biglang tumigil sandali ang mundo niya. Ibig sabihin, sa loob ng limang taon, niloko at nagsinungaling si Eduardo sa kaniya na namatay sa aksidente ang mga magulang ni Kale. Na estatuwa siya sa kaniyang kintatayuan at ‘di makapaniwala sa kaniyang nalaman, at dahil doon ay tuluyan ng gumuho at nawala ang katiting na pag-asa na mamahalin siya pabalik ni Eduardo at maging totoo na ang pagsasama nila pero hindi, dahil kasal lang sila pero buo na ang pamilya ni Eduardo, bagay na di niya mabigay.Kusang dumaloy ang luha sa mga mata niya habang tinutulak si Luciana paalis ng mansion, si Kale naman ay panay ang iyak at sigaw habang tinatawag siya.“Mama! ‘Wag kang umalis! ‘Wag mong paalisin ang mama ko lola! Gusto ko sa mama ko!” umiiyak na sabi nito.“Anak pakiusap tahan na, hindi ka dapat umiyak, nandito ako oh, ako ang totoong mommy mo!” Ani ni Felise kay Kale.“Ayoko sa’yo, hindi kita mommy dahil may mama na ako!” tinulak ni Kale si Felize at t
Masakit pa rin ang puson niya kaya’t huminto na muna siya sa isang malapit na pharmacy para bumili ng pain reliever, at nang nasa botika na siya imbis na gamot lang bibilhin niya ay napabili na rin siya ng pregnancy test, gumagamit naman siya ng pills pero may panahon kasi na nakaliligtaan niya kaya maigi ng makasiguro. Sa kabilang banda ay nag-aalala rin siya kung sakali dahil kapag sakaling buntis siya ay hindi rin niya ito mabibigyan ng buong pamilya dahil tiyak niyang kapag nakalaya na ang mama niya, magpa-file na petition for annulment si Eduardo gaya ng nasa kontrata nila at nalulungkot siya para rito.Alam niyang wala siyang karapatang makaramdam ng lungkot dahil simula pa lang ay alam niyang darating ang pagkakataon na ‘yon, na iiwan din siya ng lalaking sa unang beses pa lang nang makita niya ito ay minahal na siya, pero wala na siyang magagawa kung sakali man at pabor na rin ‘yon para sa kaiya dahil hindi na rin niya dadalhin pa ang bigat na nararamdaman niya araw-araw dahil
“Wala kang pera and you don’t anything to pay me back, and alam mo ba’ng mahirap lusutan ang kaso ng mama mo? Parricide is a serious crime and life imprisonment ang parusa riyan since wala namang death penalty sa’tin.”Hindi nag absorb agad sa utak ni Sofia ang mga sinasabi ni Eduardo sa kaniya, she’s been stunned on the man in front of him. The tall and broad-shoulder, he has the kind of posture that commands a room without a word. His features are sharp and defined — a strong jawline, high cheekbones, and eyes of deep hazel that shift between piercing intensity, surprising warmth in private moments. His dark hair, always neatly combed back, shows the first subtle strands of silver at the temples, adding to his air of authority and maturity.“Hey miss, naririnig mo ba ang mga sinasabi ko? Hindi mo yata sini-seryoso ang mga sinasabi ko eh, if you don’t want to cooperate, then I should leave, may meeting pa ako.”“Sandali lang po, ‘wag po muna kayong umalis. Tulungan niyo po ang nanay
Malamig ang simoy ng hangin, at marahan itong dumadampi sa makinis at maputing balat ni Sofia habang hawak ang baso na may lamang red wine at nasa terrace ng Casa de Altamira. Mula roon ay tanaw niya ang ibang pamilya na nasa kabilang kalye na nagkakasiyahan habang sinasalubong ang bagong taon, napakalayo nila pero abot hanggang mansion ang ingay ng kanilang pagsasaya pati na rin kulay ng mga fireworks nila. While her, only have one meal na in order pa niya sa favorite niyang restaurant online na ilang oras nang ‘di niya nagagalaw.Napaka-ingay sa labas dahil sa selebrasyon habang siya ay nag-iisa sa napakalaking mansyon, lahat ng katiwala nila ay nasa tatlong bakasyon at ang asawa niyang si Eduardo at ‘di niya alam kung nasaan, pero batid niya kung sino ang kasama nito. Limang taon na silang kasal, pero sa limang taon na ‘yon ay siya lang ang may pagmamahal, pagmamahal na alam niyang kailan man ay ‘di masusuklian ni Eduardo. Habang umiinom ng wine sa kaniyang baso ay sunod-







