Share

CHAPTER 2

Author: Author Krixx
last update Huling Na-update: 2025-09-13 07:06:56

VHON'S POV

Sira nanaman ang araw ko dahil sa mga magulang ko na wala nang ginawa kundi pakaialaman ang buhay single ko. Kasama ko ngayon sa opisina ko ang tatlo kong kapatid na lalake. Isang taon hanggang tatlong taon lang ang gap naming apat dahil sunud-sunod ang pagbubuntis ni mommy noon sa amin. Ako ang panganay-ang pinakaseryoso sa lahat,,pangalawa si John Hendrix-ang baliw saming apat,pangatlo si Jhanzen-ang self-centered, at bunso naming si Blake-ang pinakamature saming mag-isip.

Isa ito sa mga negosyo ko pero apat kaming namamahala. Ayokong makialam sa paglapatakbo sa negosyo ng mga magulang ko. Napakalaking responsibilidad yon,stress na nga ako sa buhay ay iistressin pa nila ako sa pagpapakasal sa babaeng hindi ko naman kilala.

Naalala kopa nang magkasagutan kaming mag-ama dahil pinipilit nanaman nila akong mamanhikan sa bahay ng mga Choi.

"I want you to be there whether you like it or not.",dumadagundong ang boses ng aking ama habang kausap ako nito sa sala.

Naikuyom ko ang aking kamao.

"Dad,ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na marriage is not my cup of tea? Bakit nyo ba pinagpipilitan ang babaeng yon sa akin? Ni hindi ko pa nga nakikita yon."

"Kaya nga pumunta ka para makita mo sya.",pilit nanaman nito sa akin.

"Basta ayoko,my decision is final Dad. Kung gusto mo bakit hindi na lang ang tatlo kong kapatid ang ipakasal nyo?"

Agad akong binatulkan ng kapatid kong si Blake.

"Aray ko gago!

Huwag mo akong batukan,ako ang panganay."

"Wag mo akong isali dyan bata pa ako,at may gatas pa sa labi.',saad naman ni Jhanzen.

"Anong gatas sa labing sinasabi mo eh 22 kana gago!.",natatawa namang saad ni John.

"Eh ikaw John?",tanong ko.

"Never!Baka gusto nilang pasabugin ko silang lahat!."

"Mga tarantado kayong lahat!.Kanino ba kayo nagmana?",pinagbabatok kaming lahat ni daddy.

"Eh di sayo,kanino paba?",tawa ni John,natawa rin ang dalawa kong kapatid kaya lalo lamang umusok ang ilong ng aming ama.

"Mga putang'---" napatingin ito kay mommy.

"Sorry mhie.",baling nito kay mommy. " Mga wala kayong kwentang anak,magsilayas nga kayong lahat dito. Kayo ang papatay sa akin."

Agad kaming nagsitakbuhan palabas ng sala.

"Hindi pa tayo tapos Vhon! I will call you again kapag hindi ka nagpunta sa kanila bukas,prepare your soon to be wife,or else I will be the one to make your business go bankrupt.

That's the least you could do.

"Dad!!!!"

Sabay-sabay kaming sigaw sa aming ama,dahil ang aking business ay kasama na sa mga business narin ng mga kapatid ko dahil pare-pareho kaming mga co-owner.

"End of the story,magsilayas na kayo."

----------------------------------------

Nasa condo kami ni Blake at nag-iisip ng kung anong magandang plano para gawin bukas. Kailangan kong makaisip agad ng paraan para may maiharap na mapapangasawa sa aking ama. Tutulungan ako ng tatlong itlog dahil damay din sila sa laro ng aming ama.

Hindi biro ang pawis at perang pinuhunan namin para lang mapalago ang aming negosyo tapos sa isang iglap ay papabagsakin lang ng aming ama dahil makapangyarihan ito sa larangan ng negosyo.

We are already billionaires yes,pero wala pa rin kami sa kalingkingan ng aming ama.

Nasa car company ang aming negosyo at mga games software development. Samantalang ang aming ama ay nagmamay-ari ng mga oil companies,airports,hotels,banks at iba pa.

Anong laban namin sa kanya. Isang pitik lang nito ay tapos agad ang maliligayang araw namin.

"Alam ko na!"

Napapitik sa hangin ang kapatid naming si John,sana lang ay nakaisip ito ng magandang solusyon.

"Wala na,pumunta ka na lang bukas kuya,yun na ang pinakamabilis na paraan.",binuntutan nanaman nito ng tawa. Gago talaga.

Ipinakita ko sa kanya ang gitna kong daliri saka itinaas ito.(fck you!)

Tawa lang ito ng tawa sabay hawak sa kanyang tyan. Napahiga pa ito sa sofa.

"Any suggestion Jhanz."

"Nah,wala akong maisip. Just accept your future kuya."

"Isa ka pa!."

Naiinis na ako sa kawalan ng idea ng mga bugok na ito.

"Why don't you hire someone para maging Mrs.Oz?",ani Blake na naglalaro lang ng rubik's cube sa isang sulok.

Namilog ang aking mga mata.

Bingo!.

Napapitik ako sa hangin.

"That's it. Ang talino mo talaga Blake,buti nalang hindi ka katulad ng dalawang itlog na ito,.puro walang laman ang utak." Tumingin pa sa akin ang dalawa.

"No offense meant,just stating facts here."

Itinaas kopa ang dalawa kong kamay tanda ng pagsuko.

"It's a fake marriage I suppose?",tumingin ako kay Blake.

"Of course not. You know dad kuya. Mag-iimbestiga yon,hindi maniniwala yon na tunay na asawa mo ang babaeng ihaharap mo dito. No one can fool him."

Napamulagat ako sa sagot nito.

"Are you out of your mind?"

Tawa nanaman si John.

" Kuya,bakit kasi hindi ka nalang magpalapa dun sa anak ng business partner ni daddy,ipapakasal ka din naman doon,bakit lalayo kapa?"

"Baka gusto mong hindi na masikatan ng araw bukas John Hendrix?",pinanlakihan ko ito ng mga mata.

"Ikaw naman kuya dina mabiro. Chillax."

Sumabat si Blake sa usapan.

"No. There is an annulment or divorce remeber?"

Nabuhayan ako agad dahil sa sinabi nito.

"So wahat's the plan?"I asked.

"Leave it to me."

May pakindat-kindat pang nalalaman ang gago kong kapatid.

------------------------------------

Nasa opisina kami,araw ng paghahanap ng secretary.

"Akala koba ay asawa ang ihahire? Bakit secretary?"

tanong ko na naguguluhan.

"Kuya,kung asawa agad ang hahanapin mo,wala pang isang minuto marami na ang pipila. Baka sa halip divorce e pikutin kapa pag nagkataon. Why don't you test her first?,then tingnan natin,after all kayo din naman ang magsasama.",mahaba nitong paliwanag.

"Ang galing mo talaga bunso."saad naman ni Jhanzen.

Naghihintay kami sa pagbukas ng elevator nang bumukas iyon ay tumambad sa paningin naming apat ang isang parang tangang babae. Anong itsura nito? Parang kakarate ng tao.

And take note,may ganito palang itsura. Ang pangit na nga, baduy pa!

May empleydo pala kaming ganito.

Tawa nanaman ng tawa ang kapatid kong si John.

"Nakita nyo ba sya? Hindi naman sa pang-iinsulto no,pero ang pangit nya!",binuntutan nanaman nito ng tawa,wala ka talagang ibang maririnig dito kundi puro kalokohan .

Pumasok kami sa elevator at pumanhik sa palapag kung nasaan ang conference room. Dumaan kami sa likod kaya hindi kami makikita ng mga aplikante.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • THE OZ JUNESSE DORÈE SERIES 1 (MY UNFETTERED WIFE)   CHAPTER 5

    VHON'S POV "What the fuck are you thinking Blake? Bakit sa pangit na yon mo ako ipapakasal? I am not playing here, kaya magseryoso ka nga.",naiinis kong saad sa bunso namin. Akala ko pa naman ay yung Lacson ang pipiliin nito,best candidate na kasi iyon para maging asawa ko. Ang loko kong kapatid pinili ba naman ang pangit,baduy at bastos na yon. Sino bang maniniwalang papatol ako dun? "I'm dead serious kuya. Maniniwala agad si daddy kapag nakita nya ang sekretarya mo. Para kasing may something sa kanya na hindi ko maipaliwanag.",ani Blake na seryoso naman at walang bakas ng pagbibiro. " Ako rin,gusto ko sya nakakatawa sya,siguaradong hindi magiging boring ang bahay mo kuya,bibisita ako araw-araw."wika naman ni John. "Ikaw Jahnzen,bakit mo pinili yung babaeng pangit na yon?",tanong ko dito. sabay inom ng tubig. "Bagay kayo eh.",bigla tuloy akong nasamid sa sinabi nito. Napaubo ako. "Tarantado ka talaga!" Tumawa lang ang tatlomg itlog. Wala na akong magagawa kundi subuk

  • THE OZ JUNESSE DORÈE SERIES 1 (MY UNFETTERED WIFE)   CHAPTER 4

    KAZ'S POV Hindi talaga nagbibiro ang mga lalaking yon nang sabihing nakapasa ako sa interview. Anong nangyari? Labis ang pagkagulat ko at pagtataka nang sabihin ng mga ito na ako ang magiging sekretarya ng kapatid nila na si Mr. Gerlan Martin. Tumingin sa akin ang dalawa kong kasabay na babaeng aplikante. Napangiwi ang isa at napataas ng kilay naman ang isa. Tumayo ang mga ito at magkasunod na lumabas ng conference room. Tumayo rin ang HR Manager saka nito ako tiningnan pataas-pababa. Oo alam ko panget ako kaya pwede ba, huwag nyo akong titigan. Sanay na kasi akong matitigan dahil sa nagagandahan sila sa akin,pero ngayon ay napapangiwi ako dahil naiimagine ko rin ang sarili kong kapangitan. Lumabas na ang babae kaya kaming apat na lang ang naiwan sa loob ng conference room. Nagsalita ang lalake kanina na naghire sa akin. "You need to be here tomorrow morning. Magdala ka ng mga damit mo good for at least three days dahil may mag a out of town kayo ni kuya. Your job is to be

  • THE OZ JUNESSE DORÈE SERIES 1 (MY UNFETTERED WIFE)   CHAPTER 3

    VHON'S POV Isa-isang tinawag ang mga aplikante para sa posisyong ipinalathala ng kapatid ko. Apat kaming magkakapatid ang mag-iinterview sa kanila kasama ang isang HR Manager. Kanina pa ako naiinis sa mga aplikante,akala mo ay beauty pageant ang pinuntahan,kanina pa nagpapacute sa amin ng mga kapatid ko. Isa pa itong HR Manager na narito,lahat na yata ng aplikante ay tinatarayan nito. Nakaharap kami ngayon sa tatlong aplikante. Kung anu-ano lang ang tinatanong ng mga kapatid ko na hindi naman kasama dapat sa trabaho bilang sekretarya. Todo ngiti ang mga ito sa amin pero pagdating sa akin ay lahat natatakot. "Next",sigaw ng taga-tawag sa labas. Ang tatlong babae ay lumabas. Pumasok naman ang isang babaeng maganda at parang modelo ang katawan. Pumangalawa dito ang isang simpleng babae na pwedeng-pwedeng pangsekretarya. At ang sunod,napahinto pa sa salamin nang makita ang sariling repleksyon. Napangiwi ito kaya napangiti ako sa ng wala sa oras. Napapangitan ba sya sa kanyang itsu

  • THE OZ JUNESSE DORÈE SERIES 1 (MY UNFETTERED WIFE)   CHAPTER 2

    VHON'S POV Sira nanaman ang araw ko dahil sa mga magulang ko na wala nang ginawa kundi pakaialaman ang buhay single ko. Kasama ko ngayon sa opisina ko ang tatlo kong kapatid na lalake. Isang taon hanggang tatlong taon lang ang gap naming apat dahil sunud-sunod ang pagbubuntis ni mommy noon sa amin. Ako ang panganay-ang pinakaseryoso sa lahat,,pangalawa si John Hendrix-ang baliw saming apat,pangatlo si Jhanzen-ang self-centered, at bunso naming si Blake-ang pinakamature saming mag-isip. Isa ito sa mga negosyo ko pero apat kaming namamahala. Ayokong makialam sa paglapatakbo sa negosyo ng mga magulang ko. Napakalaking responsibilidad yon,stress na nga ako sa buhay ay iistressin pa nila ako sa pagpapakasal sa babaeng hindi ko naman kilala. Naalala kopa nang magkasagutan kaming mag-ama dahil pinipilit nanaman nila akong mamanhikan sa bahay ng mga Choi. "I want you to be there whether you like it or not.",dumadagundong ang boses ng aking ama habang kausap ako nito sa sala. Naikuyo

  • THE OZ JUNESSE DORÈE SERIES 1 (MY UNFETTERED WIFE)   CHAPTER 1

    KAZ'S POV "Hoy panget! Umalis ka nga diyan sa dinaraanan ko."wika ng isang babae na papasok sa elevator kung saan ay papasok din sana ako. Late na ako sa interview ko. Mag-apply lang naman sana akong office secretary. Tiningnan ko ang babae,luminga-linga pa ako sa paligid ko kung sino ang tinatawag nyang pangit. Wala naman akong makitang pangit kaya tumuloy lang ako sa pagpasok sa elevator. Tinaasaan ako ng kilay ng babae kaya tinaasan ko din ito ng kilay. Anong akala nya sa akin? Papakabog ako sa kanya? Huh!. Never! I wasn't born in this God damn world just to be belittled by others. Hoy panget,bakit kapa pumasok? Baka mahawaan kami ng kapangitan mo!" Nakapamaywang ang babae saka ito tumawa. Dinuro-duro pa ako ng animal. Nagtawanan din ang mga ibang tao sa loob ng elevator. "Excuse me? Sinong pangit? Ako ba ang tinutukoy mo?" Naiinis na ako dito sa babaeng to. Kung hindi ko lang kailangan ng cover ay nungkang magtyatyaga ako makipag unahan sa elevator na ito at makipa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status