Dalawang buwan ang nakalipas nagsimula na rin si Kriza at nasa position bilang COO ng business nang mga Clarkson .Masaya siya sa kanyang ginagawa at hindi naman na siya ginugulo ng mag asawang iyon dahil nagbibigay siya ng pera .Kahit nagagalaw na ang kanyang ipon ay ayos lang ang importante may peace of mind na siya kahit ilang buwan lang . '' kamusta ang araw mo ngayon iha ?" uminom muna siya ng tubig saka nagpunas ng labi .Nasa restaurant sila ngayon para sa kanilang dinner . ''naku mommy maayos naman ,hindi naman ako nahirapan dahil sanay naman na ako sa bansang pinanggalingan ko '' opisina rin siya nagtatrabaho noon at sumusunod sa boss pero ngayon mas madali para sa kanya dahil siya ang sinusunod .Nakita niya rin ang sipag na meron si Drake at doon niya nakita na iba ang Drake na nasa bahay at Drake na nasa opisina . ''ayon sa mga nakapansin doon anak . Talagang may dedikasyon ka nga sa trabaho '' marami pang papuri ang sinabi sa kanya ni Dreymond dahil iyon naman talaga an
Ilang oras lang ang nakalipas bumalik na si Aria sa kanyang bahay .Sakto naman nadatnan niya ang kanilang katulong na nakatulala at parang nag aalala . ''manang may problema ba ?" nagulat kaunti ang katulong dahil sa biglaang sulpot ni Aria sa kanyang likuran . Kagat labi siyang humarap at nag aalinlangan kung sasabihin ba niya o hindi ang tungkol sa kape . '' ma'am pasensya na po at baka magalit sa inyo ang bisita niyo kanina .Asin po kasi ang nailagay niyo sa kape niya ,parang ako kasi ang may kasalanan '' nag alinlangan pa ang katulong na sabihin ang totoo sa kanilang amo kung hindi naman niya sasabihin baka ito pa mamaya ang pag awayan nila . ''what ?" gulat nitong tanong .Inisip niya paanong naging asin ang kanyang nilagay sa kape ni Lawrence kanina . ''oo ma'am,kaninang umalis kayo nadatnan kong gusto na niyang masuka .Yun pala naghalo ang maalat at mapait sa kape na kanyang ininom '' napanganga nalang si Aria sa narinig .Parang gusto niyang matawa at sana nakita man l
'' Kriza nakikinig kaba ?" nagsisising sinagot ni Kriza ang tawag ni Cora .Kung alam niya lang na madami na naman itong sasabihin hindi na niya sana sinagot pa tulad ng ginagawa niya nakaraang araw . ''paulit ulit, alam namin ang aming ginagawa kaya pwede ba kung gusto niyo kayo nalang dito '' inis niyang sagot .Namimihasa na ang mga ito kaya para sa kanya kalabisan ang kanilang inuutos .Nagbigay pa siya ng dalawang million dahil sa sobra nilang kulit .Kung tutuusin ang nanay Dhelia niya ang nagtaguyod sa kanya noong bata siya at bihira lang ang mga ito magpadala .Nagpadala lang ang mga ito nung bago sila umuwi dahil may inayos siyang papeles . ''aba sumasagot kana ng ganyan '' galit na salita ni Cora mula sa kabilang linya .Ito ang kauna unahan na pinagtaasan siya ng boses . Nararamdaman ni Cora nagugustuhan na ni Kriza ang buhay nito sa pamilya nila Dreymond at mukhang wala na itong balak gawin ng mas maaga ang kanilang plano . Hindi siya papayag na ganun ang gawin ni Kriza da
Agad sinalubong ng katulong si Aria na pababa na sana ng hagdan .Sinabi ng katulong sa kanya na meron itong bisita at nasa sala na ito . Nagmadali siyang bumaba para tignan kung sino ba ang kanyang bisita . Pagkakita niya sa lalaking nakatayo habang nakatitig sa larawan ng kanyang mommy Aurora ay kunot noo siyang nainis . ''ano naman ginagawa mo dito at biglaang dalaw ka?" padabog siyang umupo sa sofa at wala siyang mood aluking umupo ang lalaki bahala na ito kung uupo o tatayo nalang . '' masama bang dumalaw dito sa mismong bahay ng pamangkin ko ?" nagulat siya sa sinabi nito .HIndi naman totoong pamangkin ang turingan nila dahil tulad ng sabi nito ampon lang siya nang pinsan nito at wala na siyang panahon pa para ilapit ang sarili niya sa mga totoong De vera . '' huwag mo akong tawaging pamangkin .Wala akong panahon makipagplastikan sayo Lawrence '' mahinang tumawa si Lawrence bago umupo sa sofa .Talagang masungit sa kanya ang dalaga at hindi man lang ito nadadala sa kanyang sex
Pumasok na si Dhelia sa kwarto ni Kriza kahit hindi pa ito sumagot .Gusto niyang kausapin ang kanyang alaga tungkol sa kanilang plano .Parang gusto na niyang umalis sa buhay ng mga Clarkson dahil natatakot siya na baka kung ano ang kayang gawin ng mga ito sa kanila pag oras na malaman nila ang tungkol sa pagpapanggap ni Kriza .Magsasalita na sana siya ng makita niya itong nakangiti habang nakatitig sa isang bagay na nasa harapan nito . Nakikita niya ang mukha ni Kriza na malapad ang ngiti sa may salamin dahil ang kanyang alaga ay nakaharap sa kbinet nitong may malaking salamin at puno ng mga pangbabaeng kolerete . '' anong ngiti iyan Kriza?,kanina ko pa napapansin ang ngiting hindi mawala wala sa labi mo ?" tanong nito habang palapit siya sa dalaga .Humarap naman si Kriza sa kanya at lalong lumawak ang labi niya sa pagkakangiti . ''hay naku nay Dhelia amuyin mo ito '' sagot niya habang iniaabot ang isang maliit na bote . '' aww ang bango naman nito talagang kahit dito sa pinas
'' ngayong nakita muna ang anak ng pinsan mo nakapag desisyon kana pala bro '' ito ang kaibigan niyang nakausap tungkol sa plano pero dahil nakapag isip na siya ng maayos kusa nalang gagawin ang plano nang walang inaabalang iba .Wala naman masama kung ma inlove sa kanya si Aria dahil hindi naman totoo na De vera ito .Napatunayan na niya dahil lihim na niyang nakuhanan ng DNA sample ang dalaga. ''yes Erick ako nalang ang bahala sa kanya '' may tiwala naman siya sa kanyang kaibigan pero baka magbago ang isip nito pag nagkita sila ni Aria . Ayaw niyang magkaroon sila ng problema balang araw dahil lang kay Aria . '' what if walang kasalanan ang ampon ng pinsan mo ?" iyan din ang dahilan kung bakit napapaisip siya simula nakausap niya si Aria .Paano kung wala pala itong kasalanan .May punto rin naman ang kanyang kaibigan pero gusto niya siya mismo ang makakaalam lahat . '' paano ko malalaman kung hindi ko siya subukan '' sagot nalang niya pero ang totoo may gusto pa siyang sabihin per