Share

OUT OF LEAGUE

PAPITO-PITO pa si Alvaro habang inaalis sa oven toaster ang ginawa niyang garlic-butter bread. Pagkatapos ay nagsalin naman siya ng freshly brewed na kape sa dalawang tasa saka niya dinala ang mga iyon sa breakfast table. Kumuha rin siya ng bowl sa cupboard at isinalin doon ang ginawa niyang korean noodles. Mahilig sa korean food si Riko kaya tiyak niyang magugustuhan iyon ng babae.

Nang maalala ang babaeng kasalukuyang nasa loob ng kanyang silid ay napasulyap si Alvaro sa suot niyang relong pambisig. Kumunot ang noo niya. Ang tagal naman ni Riko. Nagpaalam itong makikiligo muna kaya itinuro niya ang nakasaradong pinto ng kanyang silid bago siya tumuloy sa kusina para maghanda ng makakain nila.

Napa-iling si Alvaro nang sumagi sa kanyang isipan kung bakit sila nabasa ng babae. Eksakto kasing patawid na sila pabalik sa kanyang sasakyan galing sa talyer na pinagdalhan nila sa kotse nito nang mapansin nito ang may katandaan na ring babae na kasabay nilang naglalakad.

At ang sumunod na g
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status