Share

RAIN

Author: Bryll McTerr
last update Huling Na-update: 2024-03-06 18:32:00

BAGSAK ang magkabilang balikat na napatitig na lamang si Riko sa sasakyan niyang naka-park sa gilid ng kalsada. Mabuti na lamang at naitabi niya pa iyon bago tuluyang tumirik. Naroon siya isang bahagi ng Edsa. Pumunta siya sa bunsong kapatid ng Mama niya dahil mayroon silang pinag-usapan. And as usual, umalis na naman siya sa bahay nito na hindi sila nagkakaintindihan.

Sabagay, ano pa ba ang bago roon? Ganoon naman palagi. Kailan ba siya naunawaan ng pamilya niya? Sanay na si Riko.

Bumuga ng hangin si Riko at wala sa loob na napatingala sa makulimlim na kalangitan. Kapag nga naman minamalas, uulan pa yata nang malakas.

[“Bakit kasi nagta-tiyaga ka riyan sa pagdi-DJ? Ano ba ang mapapala mo riyan? Kaya ka ba niyan buhayin at ang anak mo? Bakit hindi ka na lang umuwi sa atin at pamahalaan ang resort doon?!”]

Tila iyon sirang plaka na muling umalingawngaw sa isipan ni Riko.

No, ayaw niya. Gusto niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Kaya naman niya. Ayaw lang siyang bigyan ng pagkakata
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • THE RANCHER'S OBSESSION   I LOVE YOU

    WALANG IDEYA si Riko kung paano sila nakarating ni Alvaro sa silid niya. Namalayan na lamang niyang naroon na silang dalawa sa ibabaw ng kanyang kama at parehong walang saplot sa katawan. Ramdam na ramdam niya ang mainit na balat ng lalaki na kumikiskis sa hubad niyang katawan. Kung paanong nangyari iyon ay hindi na alam ni Riko. At wala na rin siyang balak na alamin dahil abala na rin ang mga kamay niya sa pagdama sa katawan ni Alvaro.“Hmmm…” mahinang ungol ni Riko nang maramdaman niya ang mga labi ni Alvaro na gumagapang sa kanyang leeg. Napakagat-labi si Riko nang dumako ang mainit na mga labi ni Alvaro sa gilid ng kanyang leeg, patungo sa likod ng tainga niya at nilaro ng pilyong dila nito ang dulo niyon. Bumaon ang mahahaba niyang kuko sa likod ng lalaki nang ang mapagpalang kamay naman nito ang naramdaman niyang dumadama sa mayabang niyang dibdib. Nilaro at pinisil-pisil ni Alvaro ang munting korona sa tuktok niyon na naging dahilan para wala sa loob na napaliyad si Riko.“Ba

  • THE RANCHER'S OBSESSION   YOU ARE MINE

    KAGAYA NG PANGAKO ni Alvaro ay hindi siya tumigil sa pagsuyo kay Riko. Kagaya na lang ngayon, naroon na naman siya sa labas ng bahay ng babae. Kanina pa siya nakatayo sa tapat ng pinto at naka-ilang doorbell na rin siya ngunit tila walang balak ang babae na pagbuksan siya. At wala sa plano ni Alvaro na sumuko. Muling pinindot ni Alvaro ang doorbell sa ika-sampong beses o higit pa nga yatang pagkakataon. At kagaya ng kanyang inaasahan ay wala pa ring Riko na nagbukas ng pinto. Isa pa uling magkakasunod na pagpindot sa doorbell ang ginawa ni Alvaro at sa pagkakataong ito ay hindi na siya nabigo dahil sa wakas ay bumukas ang pinto. At isang tila nag-aalburutong bulkang anyo ang bumungad sa kanya.“What do you want??!” pagalit na tanong ni Riko sa lalaking halos isang linggo na rin siyang hindi tinitigilan. Hindi niya alam kung umuuwi pa ba ito sa Manila o nag-check in na lamang sa hotel.Araw–araw kasing naroon sa labas ng bahay niya si Alvaro at nangunglit. Isang ngiti ang sumilay s

  • THE RANCHER'S OBSESSION   I'M DOING FINE

    SUNOD-SUNOD ang naging pagbuga ni Alvaro ng malalalim na buntong-hininga habang hinihintay niyang sagutin ni Riko ang tawag niya. Naka-ilang tawag na siya at ni isa ay walang sinagot ang babae. Alam naman niyang hindi sumasagot ng tawag si Riko kapag hindi nito kilala ang numero. Nagbabaka-sakali lamang siya.“Come on, Rik…” bulong ni Alvaro habang walang tigil ang pagparoon at parito niya sa loob ng kanyang silid. “Pick up the damn phone.” dugtong niya.Pang-apat na dial na niya iyon ngunit tila wala pa ring balak si Riko na sagutin ang tawag niya. “Please, baby…” muling usal niya. Nang sa wakas ay may sumagot sa tawag niya, isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Alvaro. It was a sign of relief .Finally!Ngunit nang marinig ni Alvaro ang pamilyar na boses ni Riko ay tila naman bigla siyang nawalan ng dila. Hindi kaagad siya nakakibo at kung hindi pa niya narinig ang iritableng tinig ng babae na gusto na siyang pagbabaan ng tawag ay hindi pa sana siya matatauhan.“Rik

  • THE RANCHER'S OBSESSION   STAY AWAY

    TAHIMIK NA NAKAUPO si Riko sa pinakasulok na bahagi ng Route 59, isang kilalang coffee shop na nakatayo sa bahaging iyon ng Ortigas Avenue. Nagkita sila ng pinsan niyang si Tricia dahil nag-usap sila tungkol sa plano nilang negosyo na kanilang pagso-sosyohan. Mahigit kalahating oras na rin siguro ang nakakalipas simula nang magpaalam sa kanya ang pinsan na aalis na dahil may kikitain pa raw itong kliyente.“Oh, look who’s here…” Napatigil si Riko sa akmang paghigop ng kape mula sa hawak niyang tasa nang marinig niya ang maarte at nakaka-iritang boses na iyon mula sa kanyang harapan. Nag-angat ng paningin si Riko at nang makita niya si Tanya na nakatayo sa kanyang harapan ay sandali siyang hindi nakakibo. Sa dinami-dami ng p’wede niyang makita ngayong araw ay ang babae pa talaga. Napasulyap din siya sa babaeng kasama nito at muli siyang natigilan. Si Alile. Lihim na napa-isip si Riko. Kung si Alile ang nililigawan ni Alvaro bago sila nagkakilala, bakit kasama ito ni Tanya na siyang

  • THE RANCHER'S OBSESSION   BREAK UP

    TULUYAN nang nagpasya si Riko na kalimutan si Alvaro. Mahirap at walang gabi na hindi siya umiiyak dahil sa labis na pangungulila sa lalaki pero sa tuwing naaalala niya si Tanya ay mas lalo naman siyang nagiging desidido na layuan ito.Ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang selos na siyang dumudurog sa kanya. Maisip pa lang niya na habang umiiyak at nasasaktan siya nang dahil sa lalaki habang ito ay masaya na sa piling ni Tanya ay para na siyang pinapatay nang paulit–ulit.Hindi tuloy maiwasan ni Riko na sisihin ang kanyang sarili. Kung sana sa una pa lang na nakaramdam siya ng kakaiba para kay Alvaro ay dumistansiya na siya, siguro ay wala siya sa sitwasyon niya ngayon. My god, how can she be so damn foolish?Kagaya na lamang ngayon. Ito na naman siya. Nakatulala sa madilim na kalangitan. Alas onse pasado na ng gabi pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Riko. Well, hindi lang naman ngayon dahil simula nang matuklasan niya ang tungkol kina Alvaro at Tanya ay madalas na lamang na pin

  • THE RANCHER'S OBSESSION   JUST HOW?

    “SO?” Wala sa loob na napatingin si Riko sa kaharap na si Reeze. Kasalukuyang nasa bahay niya ang babae. At oo, naroon din sina Crista at Liza.“Spill it, Rik.” ani naman ni Liza.”Sabihin mo sa amin kung paano kang nagpapakatanga kay Alvaro.” naka–ismid na dugtong pa ng babae. Napangiwi naman si Riko dahil sa sinnabi ni Liza. Brutal talagang magsalita ang babae. Samantalang nangunot naman ang noo ni Reeze. “Alvaro?” Naguguluhang untag ni Reeze na ang mga mata ay palipat–lipat kina Liza at Crista. “Am I missing something here?” tanong pa niyang ang mga tingin ay nakatutok na kay Rik.Kaagad namang nag–iwas ng paningin si Riko nang makita niya ang nanunumbat na mga titig ni Reeze. Umikot ang mga mata ni Crista. “Uhg!” bulalas niyang sinundan pa ng sunod-sunod na iling. “Yes—a lot!” She exclaimed. “Rik?” nagtatanong ang mga mata na tawag ni Reeze kay Riko.Humugot ng malalim na buuntong-hininga si Riko. Mukhang wala na siyang kawala sa pagkakataong ito. Pero sa totoo lang ay nagi-

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status