Share

THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS
THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS
Author: Loveinyoung

Chapter One

Lakad-takbo ang kanyang ginawa upang hindi maabutan ng mga taong naghahabol sa kanya. Hindi siya lumilingon at mas binilisan pa niya ang pagtakbo nang makarinig ng mga tinig ng sapatos na paparating sa kanya ay nagmamadali siyang nagtago sa mga puno at baging.

"Hanapin ninyo siya!"

"Hindi pa iyon nakakalayo maghiwalay kayo ng daan!"

Pigil ang hininga niya habang tinatakpan nang sariling kamay ang kanyang bibig sa takot na marinig nito ang kanyang hininga dahil ilang hibla na lamang ng baging ang nakapagitan sa kanila ng lalaking isa sa humahabol sa kanya. Halos manginig ang kanyang buong katawan nang makita ang bitbit nitong baril sa kaliwang kamay at kadena naman sa kanang kamay nito.

Nakakubli siya sa lilim ng isang malaking puno na natatabunan ng mga makakapal na baging. Hindi na niya inisip kung may ahas ba sa loob ng malaking punong iyon. Bahala na kung makagat man siya ng ahas di baleng mamatay siya sa kamandang huwag lamang siyang maabutan ng buhay ng mga hayoo na iyon dahil baka kung ano pang gawin nito sa kanya.

"Wala rito!" rinig niyang sabi ng lalaking malapit sa kanyang pinagtataguan.

"Mga p*****a kasi kayo! Hindi kayo marunong sumunod sa utos ko! Ibalik ninyo sa akin ang babaeng iyon kung ayaw ninyong sa inyo ko ibunton ang lahat ng galit ko!"

Gusto niyang humagulhol sa kawalang pag-asa na makatakas pa Lugar na iyon. Ilang oras din siyang nagtago sa lilim ng malaking puno at nang wala na siyang marinig na mga kaluskos ay dahan-dahan niyang hinawi ang baging. Wala na nga ang mga taong dumukot sa kanya. Hinubad niya ang kanyang sapatos at dahan-dahang humakbang pababa sa lilim ng puno hanggang sa makarating siya gilid ng kalsada. Hindi siya pamilyar sa lugar at mas lalong wala siyang ideya kung saan tutungo.

Nang makarinig siya ng mga kaluskos ng sapatos mula sa itaas ay binilisan niya ang pagtakbo. Ilang beses pa siyang nadapa dahil sa takot at dala ng panghihina ng kanyang katawan.

Hindi siya pwedeng maabutan ng mga ito.

"Hinto! Hindi ka pwedeng tumakas!"

Napasigaw siya nang malakas nang makarinig ng putok ng baril habang mabilis na tumatakbo palayo sa lugar na iyon. Nais niyang makatakas sa malupit na kamay ni Diego at mas gugustuhin pa niya ang mamatay kaysa maabutan ng mga hudas na lalaking ito.

Malapit na siyang maabutan ng mga tauhan nito ilang dipa na lamang ay maabutan na siya kaya nagmamadali siyang tumawid sa kabilang kalsada subalit hindi niya nakita ang mabilis na nagpatakbong sasakyan. Tumilapon nang malakas ang kanyang katawan at duguang nakahandusay ang kanyang katawan sa gitna ng kalsada na tila wala ng buhay.

ILANG ORAS nang pinagmamasdan ni Carlos ang dalaga habang mahimbing itong natutulog sa mechanical bed. Lagpas dalawang buwan na itong nakaratay at nanatiling walang malay. Napabuntong hininga siya habang umupo sa gilid ng kama nito at muling pinagmasdan ang maamong mukha ng babae. Hindi niya napigilan ang sarili at maingat niyang hinaplos ang mapulang pisngi nito. Unti-unti na palang nawawala ang mga peklat at pasa nito sa katawan. Bumalik na rin ang mapusyaw nitong kutis at ganoon na rin ang mga labi nito na dati ay sobrang putla.

Napansin din niya ang mahahabang pilikmata nito at perpektong hugis ng ilong.

Kahit tulog ito at walang malay ay hindi niya maiwasang laging mapatingin sa angking kagandahan ng dalaga.

Pumasok ang nurse na naka assigned sa babae. Ngumiti siya rito at kimi naman din itong ngumiti pabalik sa kanya.

"Araw-araw talaga ninyong binibisita ang pasyente sir,"may himig na panunuksong sabi ng nurse sa kanya.

"Gusto ko lang naman makasiguro na okay siya."

"Lagi naman pong okay ang kondisyon niya sir. Bumalik na nga rin ang kulay ng balat niya. Nakakatulong po talaga ang lagi ninyo pagbisita sa kanya at kahit hindi niya po kayo naririnig ay lagi ninyo siyang kinakausap."

May sasabihin pa sana siya sa nurse nang mapansin niyang tumunog muli ang monitor na nakasabit sa babae. Napansin niya rin ang paggalaw ng mga daliri nito at ang pagbilis ng hininga ng dalaga.

"Call the doctor now!"

"Yes sir!"

Nakita niyang dahan-dahan itong dumilat at kunot-noong nakatitig lamang sa ceiling ng kwarto.

"Ahmm...miss are you okay? I am Carlos Montenegro. Ako iyong nakabangga sa'yo two months ago.."

"Huh?" mahinang sabi nito subalit halata parin ang pagkalito sa mukha ng babae.

"Miss...are you okay? May masakit ba sa'yo?..." Nanatili lamang itong nakatitig sa kawalan at blangko parin ang eksprisyon sa mga mata nito.

Ilang minuto pa ang lumipas bago pumasok ang doktor kasama nito ang nurse na inutusan niya kanina.

"Dok..is she okay?"

Nababahalang tanong niya sa doktor habang tinitignan nito ang dalaga.

"She's stabel now...na checked ko na ang mga vitas signs niya at blood pressure, okay naman siya. Unti-unti rin namang bumabalik ang kulay ng balat niya which is medicine na ibinigay natin sa kanyang katawan."

"Ehh..bakit parang wala parin siya sa kanyang sarili, Dok? She's still unconscious kanina pa siya parang wala sa sarili. I even introduced and mentioned my name earlier but she never respond."

"It's normal Carlos ilang buwan rin siyang walang malay kaya hindi pa masyado mag-function ang utak at katawan niya. Alam mo sa mga ganitong pangyayari napaka-rare lamang ang mga ganyang condition, she's a survival and I believe it's miracle."

NANGHIHINA siya habang habol parin ang hininga. Napakasakit ng katawan niya at puno ng pawis ang kanyang noo. Parang totoo ang napanagipan niya kung hindi lang siya nagising sa mga ingay ay baka tuluyan na siyang nalunod sa isang nakakatakot na bangungot.

Ipinilig niya ang ulo habang pinagmamasdan ang paligid. Halos berde lahat ang kurtina ng silid at kulay puti rin ang kulay ng wall. May nakadikit na dextrose sa kanyang kanang kamay at nakahiga siya sa isang malambot na kama na tantiya niya ay mechanical bed kung tawagin. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit may benda ang kanyang ulo at ganoon din ang kanyang mga paa. Pinilit niyang bumangon subalit agad siyang pinigilan ng gwapong lalaki na nagpakilala sa kanyang si Carlos at inalalayan narin siya ng kausap nitong doktor at isang magandang nurse.

"Huwag mo munang pilitin ang sarili mo, iha..baka mabinat ka hindi pa masyadong magaling ang mga sugat at buto mo."

Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi ng doktor sa kanya.

Ano ba kasing nangyari sa kanya? Rd

Bakit napakaraming aparatos na nakadikit sa kanyang katawan at hindi pa niya maikilos ang paa dahil nakasablay ito at nakabenda gaya ng nasa ulo niya.

"Mabuti na lamang at dinala ka ni Carlos agad rito. Alam mo bang nag-aagaw buhay ka sa loob ng dalawang linggo at na comma ng halos dalawang buwan? Akala ko nga iha hindi ka na makaka-survive dahil sa malaking pinsala ng iyong katawan. Siyanga pala ano nga ang pangalan mo? Baka hinahanap ka na ng mga pamilya mo, wala ka kasing ibang document o kahit I'd man lang para maipaalam sa pamilya mo."

Bigla siyang napatulala at napatingin sa doktor.

Pangalan?

Ipinikit niya ang mga mata at pilit na inaalala ang kanyang sarili...kahit ang kanyang nakaraan......at..kung may pamilya ba siya o taga saan siya subalit biglang kumirot ang kanyang sentido.

"Iha...are you okay?" tanong ng doktor sa kanya.

Umiiling-iling siya habang hinahaplos ang ulo na may benda.

"Ano nga ulit ang pangalan mo iha?" tanong ulit ng doktor.

Hindi parin siya makasagot dahil pilit niyang inaalala kung ano nga ba ang pangalan niya subalit nanatiling blangko ang lahat sa kanya.

Wala siyang maalala.

"H-hindi ko po alam...w-wala po akong naalala..." mahinang sagot niya.

Nagulat ang doktor sa narinig pati na rin ang lalaking nasa gilid nito ay nabahala na rin.

Ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata nagbabakasakaling maalala ang pangalan niya pero wala parin hanggang sa muling kumirot ang kanyang sentido.

"Miss okay ka lang ba?" tanong ulit ng doktor.

Napahawak siya sa kanyang ulo at naalerto naman ang mga nasa paligid.

Nagmamadali namang binigyan siya ng nurse ng isang basong tubig at gamot. Tumalab naman agad ang gamot na ibinigay sa kanya dahil ilang minuto lamang at naibsan agad ang kanyang nararamdaman.

"Magpahinga na po kayo ma'am para magkaroon ng lakas ang inyong katawan. Pupuntahan ko po ulit kayo rito mamaya para linisin at para na rin po e check ang inyong mga vital signs." Pormal na pagpapaalam ng nurse na siyang nag-alaga sa kanya.

Tumango lamang siya rito at muling sinulyapan ang lalaking nagngangalang Carlos Montenegro.

"Ahhhh..miss simula nang na comma ako... ni isa ba ay walang bumisita sa akin at nagpakilalang pamilya ko?" mahinang tanong niya sa nurse.

Napahinto ito at tinitigan siya para bang sinusuri nito kung okay lang ba talaga siya.

"S-sasagutin ko po ang mga katanungan ninyo mamaya ma'am. Magpahinga na po kayo kinakailangan po ng lakas ang inyong katawan at huwag po ninyo masyadong isipin ang mga sinabi nila sa inyo kanina dahil hindi po pwedeng mapagod ang utak ninyo.... delikado po iyon. Huwag po kayong mag-alala base po sa mga nalaman namin tungkol sa kondisyon ninyo ay babalik muli ang iyong memorya kaya ang mas mabuti po ay ipahinga ninyo po muna iyan. Wala naman po kayong ipag-aalala dahil hindi naman po kayo pababayaan ni Sir Carlos ligtas po kayo sa poder niya."

"Dok what's wrong with her? Is she okay? May results na ba sa tests ninyo?" may pag-aalalang tanong niya sa doktor habang pinagmamasdan ang babae na mahimbing na natutulog.

"I'm sorry pero dahil sa head injury na nangyari sa kanya ay imposibleng nagkaroon siya ng temporarily amnesia."

Hindi siya makapaniwalang tinignan ang doktor.

"W-what?? Temporarily amnesia?"

"In her case Carlos.. it's very complicated kinakailangan pa natin siyang e undergo sa CT scan para malaman ang kondisyon ng utak niya."

"H-hindi naman po iyon magtatagal hindi ba?"

Nagkibit lamang ito ng balikat at tinapik siya sa balikat.

"Maybe a week, a month or a years depende iyon Carlos kung kailan babalik pero mayroon ding posibilidad na hindi na babalik. Ipagdarasal na lang natin ang kanyang kalagayan na mapadali ang kanyang recovery. Sa ngayon kinakailangan muna niya ng karamay lalo pa at wala pa siyang maalala sa nakaraan niya."

"Don't worry Dok, sa resthouse ko muna siya tutuloy sa Tagaytay mas makakatulong iyon para sa kanya."

" I understand Carlos pero paano pagnalaman ng pamilya ni Angelica na may kinakasama kang babae rito?" may pag-aalalang tanong nito sa kanya.

Pinsan ng Daddy niya ang doktor at maliban pa riyan ay ito ang pinaka-close niya sa lahat. Kung may mga problema siya ay ang Tito Rafael agad ang dadamay sa kanya. Hindi rin naman lihim sa Tito Rafael niya ang dahilan kung bakit gusto niyang manatili muna rito sa Batangas, dahil isa rin ito sa mga nakasaksi kung paano siya nalugmok sa pagkabigo niya Kay Angelica.

"Wala silang alam dok at kahit nga si mommy at daddy ay hindi alam ang tungkol sa kanya. At Isa pa ho, obligasyon ko siya kaya nararapat lang na sa akin muna siya tutuloy hanggang sa tuluyan na talaga siyang gumaling."

"Well, that's good tawagan mo lang ako pag may problema. You can trust me, Carlos."

"Maraming salamat sa lahat ng tulong mo, Tito."

Tinapik siya nito sa balikat bago nagpaalam.

Pumasok siya sa loob ng silid at nakita niyang nililinis ng nurse ang dalaga kaya umalis muna siya saglit at pagkatapos ay dumeretso sa may grocery stores. Bumili siya ng mga healthy drinks and snacks. Hindi niya alam kung anong paborito ng dalaga basta bumili na lamang siya ng fruits, cookies at chocolates since it's good for the heart ng pasyente.

Kanina pa pinagmamasdan ng dalaga si Carlos na busy sa pagbabalat ng mangga at orange. Parang nakita na kasi niya ito rati pero hindi lang talaga niya maalala kung saan at kailan. Basta ba pakiramdam niya ay kilala na niya ang binata.

Napansin naman ng nurse ang kanyang mga titig sa binata kaya napasipol ito.

"Naku ma'am..sobrang gwapo ano?"

Napangiti siya sa sinabing ito at muling pinagmasdan ang binata.

Gwapo naman talaga ito at bukod sa maamong mukha ay halatang mabait at maalaga.

Ito iyong tipo ng lalaking papangarapin ng mga kababaihan.

"Alam mo ba ma'am na halos lahat ng mga nurses dito ay crush na crush iyang si sir Carlos? Bukod kasi sa gwapo ay sobrang yaman pa niyan. Bata pa lang siya ay kilala na bilang Isa sa pinaka-succesful na business man at pintor. Sikat na sikat ang pangalan niya hindi lang sa Pilipinas kundi halos sa buong Asya na ata kaya hindi maitatanggi kung bakit maraming nagkakandaparapa riyan," mahabang litanya ng nurse sa kanya. Napansin niya rin na namumula ang mga pisngi nito.

"Sus! Ako pa talaga binola mo kanina eh, ikaw pala itong may gusto riyan eh."

Napangisi ito at halatang nangingilid ang luha sa gilid ng mga mata nito.

"Hay naku! Sigurado akong babaero iyan!"

"Naku! Hindi naman ata! Kasi parang Isa lang atang babae ang naging nobya ni Sir Carlos, si Angelica."

Bigla siyang natigilan sa sinabing iyon ng nurse sa kanya. Parang familiar sa kanya ang pangalan...

Angelica.....

Angelica....

Saan ko ba narinig ang pangalang iyan?

"Eh, sino ba kasing hindi magkakagusto riyan ma'am? Kayo nga po na hindi niya ka ano-ano eh pinag-tiyagaan kayong alagaan. Alam po ba ninyo na walang paltas sa oras si sir Carlos sa pagbabantay sa inyo? Napagkamalan nga po kayong nobya niyan eh, 24 hours kasi siyang nakabantay sa gilid mo. Hinihintay ka niyang magising kasi nga po raw excited siyang makilala ka at makausap."

"I think you need to eat para naman lumakas kaagad ang katawan mo. Don't worry more on healthy foods tayo today and since hindi ka pa pwede sa mga solid foods gumawa na lamang ako ng chicken soup and papaya shake para sa'yo."

Tahimik lamang niyang pinagmamasdan ang binata habang nilalagyan nito ng chicken soup ang maliit na bowl at nilagay sa mini table na katabi ng kanyang kama. Naglagay din ito ng isang basong tubig at isang basong gatas sa lamesa.

Medyo nahiya siya sa presensiya ng binata sa pagiging maalaga nito sa kanya. Hindi naman nito responsibilidad na alagaan siya dahil lamang sa ito ang nakabangga sa kanya. Alam niyang may buhay din ito sa labas na kailangang atupagin. Naiintindihan niyang nakokonsesya ito sa pagkabangga sa kanya pero sinalo naman lahat nito ang gastusin sa hospital kaya sapat na iyon para sa kanya.

"Susubuan kita..."

Papalag pa sana siya pero napansin nito na ang kanyang mga tingin at kilos kaya ito na mismo ang nagsubo sa kanya.

"Alam kong nahihiya ka pero sa ngayon huwag mo na lang ipairal iyang hiyang nararamdaman mo dahil hindi iyan nakakatulong sa iyong kondisyon. Kailangan mong kumain at magpakalakas. At pagkatapos pwede ng ikaw ang sususubo ng pagkain para sa sarili mo.." mahabang litanya nito sa kanya.

"Salamat..sa lahat ng tulong at pag-aalaga mo sa akin. Huwag Kang mag-alala kapag bumalik na ang nakaraan ko susuklian ko itong lahat na kabutihang ginawa mo sa akin," masayang sabi niya sa binata na tango lamang ang tanging sagot.

"Ay! Siyanga pala nakalimutan kung ibigay sa'yo ito," sabi ng binata at ibinigay sa kanya ang tatlong malalaking paper bags."

"Ahh..ano ang mga ito?" nagtatakang tanong niya sa binata.

Nagkibit lamang ito ng balikat.

"See for yourself."

"Ahmm..I think mamaya na siguro kapag darating si—"

"Oh! I'm sorry..ahh ako na lang mamaya nakalimutan ko pala," medyo nahihiyang sabi nito.

Hindi pa kasi niya maigalaw nang maayos ang kanyang mga kamay kaya ito na ang nagbukas NH paper bags at ipinakita sa kanya ang mga laman niyon.

Namula ang kanyang mga pisngi nang masilip ang laman niyon lalo na ang dalawang boxes ng underwear. May mga groceries din itong pinamili napkins, cologne, toothbrush at iba pa.

"Nag-abala ka pa, pero salamat talaga."

Tumango ito habang nakangiting tumitig sa kanyang mukha.

"Ohhh.. sorry,..ahmm nagpa mall kasi ako kanina and nakita kong may nag sale na isang boutique kaya ipinamili na kita ng mga damit. I know kasya iyon sa iyo lahat."

Nakailang subo rin siya ng sopas at ilang pirasong prutas at sa tingin niya ay hindi na siya makakahinga sa sobrang busog. Nahiya rin kasi siyang sabihin sa binata na ayaw na niyang kumain dahil sayang naman ang mga pinamili at niluto nitong sopas kung hindi niya uubusin.

Wala silang imikan tanging solemn music lamang ang maririnig sa buong silid. Napakaseryuso at napakagwapo nitong tignan at medyo nakakahiya sa hitsura nitong nag-aalaga ng babaeng may sakit. Pinagmasdan niya ito ng maigi mula sa perpektong hugis ng ilong nito, dark black eyes at maninipis na mga labi. Lihim siyang napalunok nang mapatingin na sa malapad na dibdib nito na natatabunan ng puting polo shirt at hindi na siya magtataka pa kung gaano ka ganda ang hitsura nito kapag n*******d.

Ang sarap sigurong himasin ang mga nagtitigasing abs nito.

"So is it okay?"

"H-huh?" tila naalimpungatan siya sa tanong ng binata.

"Ahmmm..I said is it okay if I call you Rose?"

Napakunot ang noo niyang tinitignan ang binata.

"R-rose?"

"Ahhmm... sorry..I really like your red cheeks so I thought of calling you...Rose since you haven't remembered yet. Is it okay?"

Namula siya sa sinabing iyon ng binata lalo pa at nakatingin ito sa kanyang mukha.

"Is.. it okay..if I call you Rose?'

Kimi siyang tumango sa paghingi ng pabor sa kanya ng binata.

Medyo nakaramdam nga siya ng munting kiliti nang tawagin siya nitong Rose.

"Okay naman iyan..."

Sinubuan siya nito ng saging at agad naman niyang kinagat iyon at ngumuya.

"Ahhh...i can handle myself...kaya ko namang kumain gamit ang kanang kamay ko," kinakabahang sabi niya sa binata.

Hindi pa sana ito papayag sa gagawin niya subalit nginitian na lamang niya ito.

Gutom na gutom siya kaya halos hindi na niya naririnig ang mga sinasabi sa kanya ng binata. Naka-focos kasi ang kanyang atensiyon sa pagkain. Sino ba kasi ang hindi magugutom eh halos tatlong buwan daw siyang nakahiga at walang kain.

"So okay lang ba sa'yo iyon?" tanong ng binata na siyang ikinatigil niya sa pagkain.

"Huh?"

"I think by end of this month pwede ka ng lumabas kaya ipinahanda ko na ang kwarto mo sa bahay."

"W-what do you mean?"

" Since wala ka pang maalala sa bahay kana muna tutuloy hanggat sa maging okay ka na talaga. Don't worry hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang pamilya mo," seryusong saad ng binata sa kanya.

"Hindi mo naman ito kailangang gawin, sir gagastos lamang kayo ng malaki sa pagpapahanap sa pamilya ko. Huwag na po dahil kung totoong may pamilya nga ako dapat noon pa ay ipinahanap na nila ako..p-pero wala naman po diba?" may pag-aalalang saad niya rito.

Ginagap ng binata ang kanyang kamay at pinisil-pisil iyon.

"Huwag ka nang mag isip nang ganyan dahil walang magulang na hindi natitiis ang kanilang anak. Kaya hindi ka dapat susuko... kailangan mong magpakatatag para gumaling agad iyang mga buto mo. Paano kung meron ka ngang pamilyang naghihintay sa pag-uwi mo tapos hindi lang nila alam ang tungkol sa nangyari sa'yo."

Siya naman ngayon ang natahimik.

Paano nga ba kung may mga kapatid at magulang siyang naghihintay?

Kung meron man ay natitiyak siyang sobra na itong nag-aalala sa pagkawala niya.

Pero paano pagwala siyang pamilya?

Paano kung ulilang lubos siya tulad ng mga batang nasa lansangan. Kahit saan mapadpad at kahit anong mangyari ay walang maghahanap.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status