MAXI POV:
Sumingasing ako sa galit: “Sa susunod na mag ingay ang anak mo at hindi mo alam ang gagawin, isinusumpa ko sa Dios na kukunin ko siya sa yo kapag nagkita tayo uli.” Ibinalik ko sa kanan ang baril, nakatutok na uli sa lalaking kasama nito. “Tinatanong kita!” Parang hindi na sa akin ang boses na ginagamit ko, sa demonyong pula ang mata at uhaw sa dugo. “Sagot!” Huminto para sa akin mundo, nasa dulo na ako ng kaya kong tiisin. Putang ina, nakakarindi ang iyak ng bata! Kumikislap ang mga mata ko, unang beses kong mangatal sa sobrang pagpipigil na huwag kalabitin ang gatilyo dahil sibilyan ang lintik na kaharap ko. Parang basang sisiw nang magsalita ang babae. Hindi na magawang tumingin sa akin. Nangangatal sa takot. “O-opo. opo. Patawarin ninyo po ako. Hindi na po mauulit.” Kumiskiskis ang mga kamay nito gaya ng taimtim na nagdadasal. Sunod kong tinutukan ng baril ang gwapong pulis, kinapkapan ko sa likod, maharas. Mabigat ang kamay ko na dumadapo dito, tiningnan ko kung may dalang service firearms. Base sa aura ng mukha nito, shocked na shocked ito sa nasaksihan, hindi humihinga at matigas ang buong katawan. Nang matiyak kong wala itong armas, bumaba ako ng bus na parang walang nangyari. Humabol si Debora pero iniwan ko talaga siya. Inagawan ko ng motor na single ang lalaking nagyoyosi sa tabi at pinasibat ko yon palayo doon na kumukulo ang dugo ko sa galit. Mas ligtas si Devora kung hindi ako kasama. Nakakapikon kasi. Bakit ang daming babae na payag magpakaligaya gamit ang mga matres nila pero ang utak parang ipinahid sa talampakan? Hindi puedeng tumitirik lang ang mata habang ginagawa yong bata, kasi may pananagutan ka rin sa paligid mo para sa mga taong nakakasalamuha ninyo. Habangbuhay at napakalaking responsibiladad ang pagiging magulang. At hindi yon bagay sa mga taong iresponsable at tamad mag aral kung ano ang behavioral patterns ng bata. Sa dinami-dami pa ng trauma na puede kong makuha sa puntong makakapatay ako, sa iyak pa ng paslit o kahit ng sanggol. Ibinabalik ako niyon sa bangungot na kasama ko na kahit saan ako pumunta. Kaya masisiraan ako ng bait kapag may umiiyak at hindi marunong mag asikaso ang mga tinamaan ng lintik na mga magulang. Kung wala ang mga gaya nilang pabaya, hindi sana naubos na para lang langaw sa kamay ng mga lalaki sa dilim ang lahat ng batang inaalagaan ko noon. 10 bata, ‘tangina. Wala sanang sumisigaw ng tulong at mga nagmamakaawa sa loob ng mga bangungot ko araw man o gabi. Dapat ay kasama nila ang mga magulang nila at hindi ako nang oras na yon. 5:47 PM nang tumawag sa akin si Anna. 8 Pm daw nito kailangan ng back up pero sa init ng ulo ko, narating ko ang San Luis wala pang alas 7:30pm at ilang bayan ang aking nilampasan. Napaaga ako ng halos isa at kalahating oras. Iniwan ko sa tabing daan ang ninakaw kong motor at sumakay ako ng tricycle na nakasalubong ko. Alam na alam ng mga paa ko kung saan ako pupunta, sa Rosales Hotel. Naglalakad na ako sa lobby niyon nang matanaw ko agad sa railings ng second floor ang lalaking kahit sa panaginip ay hindi ko makakalimutan—si Marco De guia. Ang lalaking yon ang saksi sa pagkamatay ng 10 bata ten years ago pero hindi nagsalita at nanahimik na lang hanggang sa kasalukuyan. Siya rin ang dahilan kaya sobrang init ng ulo ko kahit noong hindi pa nagwawala yong bata sa bus. At kahit umiiwas ako sa gulo dahil ipinagbabawal yon sa samahan, nang agaw ako ng motor dahil kung magagawa ko siyang patayin kaagad, maligaya akong susunod sa kanya sa impyerno. Ang damdaming yon kinain ng buong-buo ang pagkatao ko sa unang segundo na nakilala ko siya sa profile na ipinadala sa akin ni Anna. Hinabol ko siya sa loob ng hotel. Pero nawala sa paningin ko sandali. Nang muli ko siyang makita, kausap na niya ang Boss ko, si Anna at bigla na lang niya itong hinalikan sa bibig, sa loob ng bar na maraming kilalang tao sa San Luis. Natigilan ako. Akala ko ba puede kong lumpuhin ang lalaking yan sa utos nito kanina habang nasa biyahe ako? Ano ang nangyari? May relasyon ba sila? Sa layong limang dipa, binasa ko ang mga body language nila at nakita kong parang may malaki silang problema na pinag uusapan nang matapos ang halik. At sa gitna ng eskandalo, naglakad si Anna sa akin palapit na parang walang nangyari. Naiwan si Marco na umiiyak, na sobrang nagpalito sa akin. May kahinaan pala ang lalaking yon at sa dinami-dami ng babae ay ang Boss ko pa? “Mission abort. Iwasan mo siya.” Si Anna na halos hindi ko narinig ang bulong. Umiwas? Ako? Papatayin ko na ngayon ang lalaking yan at hindi na ako magpapakita pa sa yo! Yon ang nasa isip ko kaya pumasok ako sa loob ng bar. Inihanda ko ang baril sa aking likuran na nakakubli sa jacket na jeans, hawak ko na agad para mas madaling gamitin. Malamig ang daliri ko na nasa trigger, nangangati. Pero bago ko pa mailabas ang baril, bumalik si Marco sa kinauupuan at tinungga ang alak mula sa bote na parang tubig lang. Umagos sa lalamunan pababa sa bukas na dress shirt ang likido at ewan kung bakit parang natigilan ako sa tanawing yon samantalang nakatagilid siya sa direksyon ko. Dalawang segundo lang ang kailangan ko para pasabugin ang kanyang sentido na hindi niya mapapansin. Sumpa sa Dios, nasusuklam ako sa kanya at walang araw na gusto ko siyang patayin. Pero ang paghihirap sa mata niya, totoo at nararamdaman ko. Kung gaano siya kamiserable at nagdurusa. Lintik, ano ba ang nangyayari sa akin? Naging poste ako sa tabi niya at pinanood ko siyang lunurin ang sarili sa alak sa mga sumunod na sandali. At nanatili ako sa pagkakatayo ko na parang tinamaan ng gayuma. Paglingon niya, pinagbayaran ko ang matagal kong pagkakatulala. Napatitig siya sa akin at mabuway na tumayo.MAXI POV: Big Boy ang tawag ng bata, gawa sa handmade na tela, may hawak na baril na itinahi lang ng sinulid para manatiling nakadikit sa laruan.Dalawang dangkal ang taas at matigas ang laman, hula ko, mga tela na pinagtabasan ang nasa loob.At yong plastic na baril ay free lang sa nabibiling chichira na piso o baka dos lang ang isa.Ang mukha ng laruan, walang mata, ilong at bibig kaya nilagyan ko na rin kahit drawing lang sa pentel pen.Dito sa San Luis, maraming kabataan na ang mga laruan gawa sa bahagi ng mga puno, mga plastic na pinulot sa tabing aplaya o kawanggawa ng iilang mayaman.Posibleng ang nanay ni Gunter ay iisang mananahi.Pulido ang pinaka buhok ng laruan na gawa sa sinama-samang sinulid na lumang luma na.Katsa ang kabuuan. Marumi na sa sobrang kalumaan.Pero halatang binuo ng mapagmahal na kamay kaya naman matunog na halik ang nakuha kong gantimpala mula kay Gunter hindi ko pa man nalalagyan ng bigote.Ang tatay raw kasi niya, mahilig sa baril at may bigote.
MAXI POV:“Iwanan mo na ako. Huwag mo akong pilitin kapag ayoko. O magpapakamatay na lang ako sa harap mo.” Humihikbi ako na parang bata. Nanginginig ang labi ko habang nagsasalita.Totoo ang sinasabi ko. Biglang-bigla ang pagod na naramdaman ko. Parang kaya kong matulog ng isang linggo o mag hibernate ng ilang buwan.O baka hindi ko na gustuhing magising pa kahit kailan.“Shit,” umigkas siya sa pagkakadagan sa puno ng mga hita ko. “Pero kailangan mong bumangon bukas. May gusto akong puntahan kasama ka.”Lintek ka. Wala ka talagang pakialam kahit mabaliw ako. Wala kang ibang naiintindihan kundi sarili mo lang at pangangailangan mo sa sex.Mamatay ka na.Hindi niya makikita sa mata ko ang emosyong kalakip ng mga salitang yon.Nakapikit pa rin ako at ayoko nang buksan ang mga mata ko.Pagod na pagod ako. Ibinaon ko ang buong mukha ko sa loob ng palad ko. Namaluktot ako nang umatras siya palayo ng kama. Nag fetus position ako. At naramdaman kong hinablot niya ang unan, ikinalang sa ul
MAXI POV:Naging mariin ang pagsipsip niya sa nipple ko, at nang higitin niya yon sa loob ng bibig niya, diniinan niya ang sentro ng clit ko at umungol ako, nangangailangan, halos nagwawala.Umaangat ang balakang ko sa kama at naging mabilis ang aking paghinga.“Akin ka na,” lumipat sa kabila ng dibdib ko ang mainit niyang bibig at umulos sa loob ng pagkababae ko ang daliring galing sa clit ko.“Oh, God!” Namilipit ako sa tindi ng init na nabuhay sa katawan ko. Kinukuyumos ko na ng kamay ko ang mahaba niyang buhok. Ang isa pa ay humihigit sa kanyang balikat para pagbutihin ang pagsipsip niya sa nipple ko.“Sabihin mo sa akin ang gusto mo,” parang apoy ang hininga niya sa ibabaw ng dibdib ko. Mararahas ang paghinga habang pinaliligaya ako.Nagtitiis siya sa sariling pangangailangan para maihanda ako.Naging sakim ang pagkababae ko bilang tugon at pumalibot ako sa isang daliri niyang nasa loob ko. Humigpit ako palibot doon, hinihigit iyon papasok. Sa tindi ng pangangailangan ko sa kany
MAXI POV: Malaki ang dressing room pero hindi ko binigyan ng atensyon ang mga laman ng salaming mga tokador sa magkabilang panig. Kumuha lang ako ng satin na roba, hindi ako nag-bra gaya ng normal na araw ko sa bahay at komportable akong lumabas papunta sa kama ko na adjacent ng bedroom ko.Naroon siya sa hamba ng bukas na pinto, hindi pa rin umaalis. Tila gustong makipag usap pero hindi makadiskarte.Ano ang hindi niya masabi, eh, ang angas ng ugali niya?Bahala ka diyan.Binuksan ko ang mobile service ng phone ko at nagsimula akong mag scroll, nagtatago sa malaking unan. Dahil nang ini-atras ko ang mga binti ko, makikita ang panty ko.Kung sa ibang lalaki siguro, babalutin ko ang sarili ko na parang suman.Kailangan ko bang aminin sa sarili ko na gusto ko talaga ang atensyon niya galit man ako o hindi?Shit. Paghinga ko, wala na siya. Pero iniwan pa ring bukas ang pinto. Saglit pa at narinig ko ang mga kaluskos na ibinabalik niya sa kahon ang mga laruan. Isa-isa. Mabagal.Mabuti
MAXI POV: Pang 3 months mo na ito, Boss. Kung magbago ang isip mo at magsawa ka sa mga ito, alam mo kung saan ako tatawagan.Zoe.Sumikip ang dibdib ko. Pareho sila ng pangalan ng isa sa mga batang inalagaan ko noon at namatay pero alam kong magkaiba silang tao.Tatlong tama ng bala sa ulo ang tinamo ng batang yon. Imposibleng mabuhay.At gaya ng Zoe na ito, mahilig sa note ang batang Zoe.Ang mga gamit ko noon, tadtad ng nakadikit na kapirasong papel. At nag iipit pa yon ng thank you and appreciation letter sa ilalim ng unan ko.Nanginig ang labi ko kaya kinagat ko kaagad sa kagustuhan kong huwag mapaiyak. Kaya nagulat ako na biglang may nagsalita sa likuran ko.“Hindi ka ba pinahirapan ni Zoe habang wala ako?”Hindi ako sumagot. Pinahirapang ano?Eh, nilayasan ko agad ang kampon niya. Isa sa natutunan ko sa buhay, puede akong mamatay ano mang oras. Kung kaya kong iwasan ang mga toxic na tao at sitwasyon, inuunahan ko na agad.Mahalaga ang mental health ko. Na pagdating kay Marco,
Ginamitan niya ng Rambo knife ang ¼ na bahagi. At hindi pa man nabubuksan nang buo, nailalantad ang lahat ng laman, nagwawala na siya.Ang lakas talaga ng sayad niya!“A-Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Sinugod ko siya para awatin. Pero ibinato niya ang kahon sa gitna ng malawak na sala. Nayupi yon at tumalsik pa ang ilang laman.Mga laruan ng bata na hindi ko kayang titigan.Natatakot ako.Baka mabaliw ako.May kutob ako na mga gamit yon ng mga batang nakasama ko sa kubo nang ibigay sa akin ni Anna. At bago pa ako matukso na tapunan ng tingin ang ilang pirasong laruan, sinakal na niya ako sa leeg papunta sa dingding.“Sino ka ba talagang babae ka! Sabihin mo kung sino ka!”Nagdilim agad ang paningin ko at natakot ako nang marinig ko ang buto at laman sa leeg ko na parang nadudurog.Hindi ako makahinga. Masakit. Nanlalabo ang paningin ko.Tinapik ko siya sa magkabilang balikat pero para na siyang demonyo.Ginamitan ko na ng technique: ipinasok ko ang dalawang kamay ko sa pagitan ng