Hindi agad nakapasok si Daniel sa bahay ni Victoria nang gabing iyon.Nakatayo siya sa harap ng p***o habang hinihintay na pagbuksan siya ng babae. Ilang minuto na ang lumipas mula nang sabihin niyang kailangan nilang mag-usap tungkol sa nangyari limang taon na ang nakalipas, pero wala pa ring lumalabas.
Alam niyang hindi magiging madali ang pag-uusap nila. Sa mga nakaraang araw, unti-unti niyang natuklasan na may mga dokumentong hindi tugma sa mga impormasyong matagal nang pinaniniwalaan ni Adrian. At habang mas marami siyang nalalaman, mas lalo niyang nararamdamang may malaking pagkakamaling nagawa ang mga taong nakapaligid sa dating magkasintahan.
Nang bumukas ang p***o, bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Victoria.
“Daniel, it's late. Ano ang kailangan mo?”
“May nakita akong pangalan mo sa mga dokumentong may kinalaman kay Isabella.”
Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Victoria. Mabilis niyang itinago ang kanyang pagkagulat, pero hindi iyon nakaligtas kay Daniel.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Sabay taas ng kilay nito
“Victoria, please. Huwag na tayong magkunwari. Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Adrian ang totoong nangyari.”
Napahigpit ang hawak ni Victoria sa gilid ng p***o at tiningnan ng malalim si Daniel.
“Pumasok ka muna.”
Tahimik na sumunod si Daniel pagdating sa sala, napansin niyang may mga lumang kahon sa ibabaw ng mesa. May ilan sa mga iyon na bukas, at sa loob ay may mga papel na tila matagal nang hindi nagagalaw.
Hindi niya agad tinanong kung ano ang mga iyon. Sa halip, umupo siya at inilabas ang litrato nina Victoria at Celeste na natagpuan niya kanina.
“Do you remember this picture?”
Nang makita iyon ni Victoria, tila biglang nawala ang lakas sa kanyang mga kamay. Namutla ang mukha niya ng makita yon.
“Where did you get that?”
“Hindi mahalaga kung saan ko nakuha. Ang mahalaga, bakit kayo magkasama ni Celeste noong panahong nagkahiwalay sina Adrian at Isabella?”
Hindi sumagot si Victoria.
Matagal siyang nakatitig sa litrato bago ito ibinalik sa mesa.
“May mga bagay na ginawa ko dahil akala ko iyon ang pinakamabuti para sa anak ko.”
Napailing si Daniel at napatawa hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkadismaya. Sa loob ng maraming taon, kilala niya si Victoria bilang isang babaeng sanay makuha ang gusto niya. Ngunit hindi niya inakalang maaaring umabot sa puntong pati ang buhay ng ibang tao ay madadamay sa mga desisyon nito.
“Kung talagang para kay Adrian ang lahat ng ginawa mo, bakit siya ang isa sa mga taong pinakanasaktan?”
Napayuko si Victoria ng marinig yon.
“Hindi mo naiintindihan ang lahat.”
“Then help me understand.”
Hindi na nagsalita ang babae.
Sa katahimikan nito, mas lalong nakumbinsi si Daniel na may mga impormasyong matagal nang itinatago. Pero hindi niya gustong gumawa ng konklusyon nang walang sapat na ebidensiya.
Tumayo siya at tumingin sa mga kahon sa mesa.
“May medical record ba ni Isabella rito?”
Biglang napatingin si Victoria sa kanya.
“Bakit mo hinahanap iyon?”
“Dahil may dokumentong may pirma ni Isabella, pero walang sapat na impormasyong magpapatunay na siya mismo ang gumawa o pumirma nito. Kailangan naming makita ang original record para malaman kung may binago.”
“Wala akong alam sa mga dokumentong sinasabi mo.”
Napabuntong-hininga si Daniel.
“Victoria, kung wala kang alam, bakit ka natatakot?” Tanong ni Daniel.
Hindi sumagot ang babae
At sa pagkakataong iyon, napagtanto ni Daniel na hindi niya makukuha ang buong katotohanan sa pamamagitan lamang ng pagtatanong.
Kailangan niyang hanapin ang sagot sa ibang lugar.
Kinabukasan, maagang pumunta si Daniel sa opisina ni Adrian.Pagpasok niya, nadatnan niyang nakatayo ang kaibigan sa harap ng malawak na bintana. Hawak nito ang isang tasa ng kape, pero halatang hindi pa nakakainom kahit isang lagok.
Mula nang matuklasan ni Adrian ang dokumentong may pirma ni Isabella, hindi na ito mapakali. Sa bawat bagong impormasyong lumalabas, tila may bahagi ng paniniwalang matagal nitong pinanghawakan ang unti-unting nasisira.
“Any updates?” tanong ni Adrian nang mapansin siya.
Umupo si Daniel sa harap ng mesa at inilapag ang folder na dala niya.
“I spoke to your mother last night.”
Agad na lumingon si Adrian ng marinig yon.
“What did she say?”
“Hindi siya umamin ng kahit ano. Pero halatang may alam siya tungkol sa mga dokumento.”
Napapikit si Adrian at napahawak sa noo na para bang sumasakit na naman ito.
“Of course she does.”
“Adrian, I don't want you to jump to conclusions. Wala pa tayong sapat na ebidensiya para sabihing siya ang nagbago ng record.”
“I'm not jumping to conclusions, Daniel. I'm trying to understand why my own mother refuses to answer simple questions.”
Bumigat ang boses niya sa huling pangungusap.
Hindi iyon simpleng galit lamang. Nasasaktan siya sa posibilidad na ang taong pinakamalapit sa kanya ay may itinatagong katotohanang maaaring tuluyang magbago sa pananaw niya sa nakaraan.
“I'm going to find the original medical record,” sabi ni Daniel. “May pangalan ng ospital sa dokumentong nakita natin. Kung may natitira silang record mula noon, we can ask about the proper process for obtaining a copy.”
Tumango si Adrian na sang-ayon sa sinabi ni Daniel.
“Do whatever it takes, but make sure we do it legally. Ayokong may masira tayong ebidensiya dahil nagmadali tayo.”
“That's exactly what I'm planning to do.”
Bago umalis si Daniel, napansin niyang nakatitig si Adrian sa isang litrato sa ibabaw ng mesa.
Litrato iyon ng kambal.
Si Alexander ay seryoso ang mukha habang nakatingin sa camera, samantalang si Alessandra ay nakangiting nakasandal sa kapatid.
“Have you seen them recently?” tanong ni Daniel para umiling si Adrian.
“Not yet.”
“Then maybe you should focus on getting to know them, too. Hindi lahat ng sagot ay makukuha natin sa mga dokumento.”
Matagal na tinitigan ni Adrian ang litrato bago sumagot.
“I know. Pero paano ako magsisimulang maging ama nila kung hindi ko pa nga kayang ayusin ang sarili kong nakaraan?” Tanong niya.
Walang agarang sagot si Daniel.
Alam niyang hindi madaling buuin ang relasyon sa mga batang halos buong buhay ay wala ang kanilang ama. At kahit mapatunayan pang may nanloko kay Adrian, hindi nito mabubura ang limang taong nawala sa buhay ng kambal.
“Start by being honest,” mahinahon niyang sabi.
“At huwag mong ipilit sa mga bata na tanggapin ka agad. They need time, Adrian. Just like Isabella.”
Tahimik na tumango ang kaibigan.
Sa unang pagkakataon, naunawaan niyang hindi sapat ang pera, impluwensiya, o kapangyarihan upang mabawi ang mga panahong hindi niya nakasama ang kanyang mga anak.
Kailangan niyang magsimula sa maliliit na bagay.
At higit sa lahat, kailangan niyang matutong maghintay.
*******
Pagdating ni Daniel sa ospital, agad siyang nagtanong kung saan maaaring magsumite ng request para sa lumang medical records.
Hindi niya basta maaaring hingin ang buong medical history ni Isabella. Pribadong impormasyon iyon, at kailangan nila ang pahintulot ng pasyente at ang mga kinakailangang dokumento bago ito ma-access.
Kaya ipinaliwanag niya sa staff na nais nilang ma-verify ang pinagmulan ng isang lumang dokumentong maaaring may kaugnayan sa ospital.
Matapos ang ilang sandali, itinuro siya sa opisina kung saan pinoproseso ang mga kahilingan para sa medical records.
“Sir, may date po ba kayo ng consultation?” tanong ng staff.
Ibinigay ni Daniel ang impormasyong nakasulat sa dokumentong hawak niya.
Kinuha ng empleyado ang mga detalye at nagsimulang mag-check sa kanilang available records.
Makalipas ang ilang minuto, bahagya itong kumunot ng noo.
“Sir, may ilang lumang entries po na maaaring kailangan pang i-check sa archive. Hindi ko pa masasabi kung kumpleto ang record na hinahanap ninyo.”
“May paraan po ba para malaman kung may humingi ng copy noong mga panahong iyon?”
“Depende po kung naitago ang request forms at kung sakop pa sila ng retention policy. Kailangan naming i-verify iyon.”
Tumango si Daniel.
Naiintindihan niyang hindi ganoon kadaling hanapin ang mga dokumentong limang taon nang nakalipas. Hindi rin niya inaasahang ibibigay agad sa kanya ang lahat ng impormasyong kailangan niya.
Ang mahalaga, may pagkakataon silang masuri kung may pagkakaiba ang dokumentong hawak ni Adrian sa anumang opisyal na rekord na maaari nilang legal na makuha.
Habang hinihintay ang susunod na hakbang, may isang matandang empleyado na lumapit sa staff at nakipag-usap nang mahina.
Pagkatapos ay humarap ito kay Daniel.
“Sir, may itatanong lang po sana ako. May kinalaman po ba ito sa isang medical record noong limang taon na ang nakalipas?”
Gulat ang bumalatay sa mukha ni Daniel ng marinig ang tanong ng matanda.
“Opo. Bakit po?”
Nag-alinlangan ang babae bago sumagot.
“May naaalala akong request noon na medyo naging komplikado. May isang babaeng nagtanong tungkol sa record ng isang pasyente. Hindi ko na maalala ang pangalan, pero hindi siya ang pasyente mismo.”
Biglang naging alerto si Daniel at napalingon pa sa paligid.
“May dala po ba siyang authorization?”
“Parang mayroon, sir. Pero hindi ko matiyak kung kumpleto iyon. Matagal na kasi ang nangyari.”
“May naaalala pa po ba kayong ibang detalye?”
Napaisip ang babae.
“May naging problema dahil hindi tugma ang ilang impormasyon sa form na ipinasa niya. Pero hindi ko na matandaan kung paano iyon natapos.”
Napahawak si Daniel sa folder.
“May kopya pa po ba ng request na iyon?”
“Hindi ko po alam. Kailangan pang tingnan sa archive, at hindi ko rin masasabi kung naroon pa.”
Nagpasalamat si Daniel matapos non.
Hindi pa iyon sapat upang patunayan na may gumawa ng mali. Posibleng may simpleng pagkakamali lamang sa form. Posible ring hindi na kumpleto ang mga lumang rekord.
Pero kung may natitirang kopya ng request, maaari nitong ipakita kung sino ang humingi ng dokumento at kung anong pahintulot ang ginamit.
At iyon ang kailangan nilang malaman.
*******
Samantala, nasa bahay si Isabella habang inaayos ang mga dokumentong itinago niya mula noong ipinanganak ang kambal.
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng pangangailangang balikan ang mga lumang papel. Marahil ay dahil sa dokumentong ipinakita ni Adrian, o marahil ay dahil hindi na niya kayang manatiling walang ginagawa habang may ibang taong gumagamit ng pangalan niya.
Isa-isa niyang inilabas ang mga resibo, laboratory results, at mga kopya ng prenatal checkups.
.
May ilang papel na naninilaw na sa tagal. Ang iba naman ay nakalagay sa maliliit na envelope na maingat niyang nilagyan ng petsa.
Naalala niya ang mga araw na mag-isa siyang pumupunta sa ospital. Minsan, kailangan niyang maghintay nang matagal bago matawag ang pangalan niya. May mga pagkakataong kinakabahan siya sa bawat resulta, lalo na nang malaman niyang kambal ang dinadala niya.
Noong mga panahong iyon, ang tanging gusto niya ay marinig ang boses ni Adrian at maramdaman na hindi niya kailangang harapin ang lahat nang mag-isa.
Pero hindi nangyari iyon.
Sa halip, nauwi sa sakit at pagkalito ang kanilang relasyon.
Napahawak si Isabella sa isang lumang sobre.
Dito niya inilagay noon ang ilang dokumentong ginamit niya sa mga prenatal appointment. Naaalala niyang kasama roon ang unang assessment na ginawa sa kanya, pero wala na iyon ngayon.
Matagal na niyang hinanap ang papel na iyon. Noong una, inakala niyang nawala lamang sa dami ng gamit niya nang lumipat siya ng tirahan.
Ngayon, hindi na siya sigurado.
Paano kung may kumuha nito?
At kung may kumuha nga, bakit?
Napapikit si Isabella at huminga nang malalim.
Ayaw niyang maghinala nang walang ebidensiya. Hindi rin niya gustong sisihin si Victoria dahil lamang sa mga dokumentong nakita ni Adrian.
Pero kung may gumamit sa pangalan niya, may karapatan siyang malaman ang katotohanan.
Kinuha niya ang telepono at tinawagan si Daniel.
Ilang ring muna bago ito sumagot.
“Hello, Isabella?”
“Daniel, may gusto akong itanong.”
“Sure. What's up?”
“May nahanap ba kayo tungkol sa medical record ko?”
Sandaling natahimik si Daniel.
“I'm currently checking with the hospital. Wala pa akong confirmed result, pero may posibilidad na may lumang request form na kailangang hanapin sa archive.”
Napahawak si Isabella sa mesa ng mahigpit.
“Request form? Ibig mong sabihin, may ibang taong humingi ng record ko?”
“May isang dating empleyado na may naaalalang ganoong request, pero hindi pa natin alam kung iyon ang dokumentong hinahanap natin. We need to verify it first.”
Napayuko si Isabella at hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil may direksiyon na ang paghahanap, o matatakot dahil maaaring mas lumalim pa ang problemang matagal na niyang gustong iwan sa nakaraan.
“Daniel, I want the truth. Kung may gumamit sa pangalan ko, kailangan kong malaman.”
“I understand. Pero I don't want to give you false information. Hahanapin muna natin ang record bago tayo mag-conclude.”
“Thank you.”
Bago niya ibaba ang tawag, may naalala pa siyang isang bagay.
“Daniel?”
“Yes?”
“May isa akong naaalala tungkol sa gabing pinalayas ako ni Adrian. May taong tumawag sa akin bago ako umalis sa bahay namin.”
Natahimik si Daniel saglit bago nagsalita.
“Who was it?”
“Hindi ko alam. Hindi ko na-save ang number, at hindi ko na rin maalala ang buong usapan. Pero sinabi sa akin ng taong iyon na kailangan kong mag-ingat dahil may mga taong ayaw na magkasama kami ni Adrian.”
Naramdaman ni Isabella ang paninikip ng dibdib habang binabalikan ang alaala.
“Noong gabing iyon, sobrang gulo ng lahat. Galit si Adrian, at hindi niya ako pinakinggan. Hindi ko na naisip na balikan ang tawag na iyon.”
“Do you remember what the caller sounded like?”
“Babae ang boses. Pero hindi ako sigurado kung kilala ko siya.”
Hindi agad nakasagot si Daniel.
Dahil sa unang pagkakataon, may bagong detalye tungkol sa gabing naghiwalay sina Adrian at Isabella—isang tawag na maaaring may kaugnayan sa mga dokumentong ngayon lamang nila natutuklasan.
“Isabella, if you remember anything else, please tell me. Kahit maliit na detalye lang, maaaring makatulong.”
“I will.”
Pagkatapos ng tawag, nanatiling nakaupo si Isabella habang hawak ang lumang sobre.
Hindi niya alam kung sino ang tumawag sa kanya noon.
Pero alam niyang hindi aksidente ang lahat ng nangyari.
******
Kinagabihan, muling nagkita sina Daniel at Adrian sa opisina.
Dala ni Daniel ang mga impormasyong nakuha niya mula sa ospital, kasama ang listahan ng mga susunod na hakbang upang mahanap ang lumang request form.
“May naalala ang isang dating empleyado tungkol sa isang babaeng humingi ng medical record ni Isabella,” paliwanag niya. “Pero wala pa tayong pangalan. Kailangan pa nating malaman kung may natitirang request form sa archive.”
“Could it have been my mother?”
“Possible. But we can't say that yet.”
Napabuntong-hininga si Adrian.
“I'm tired of guessing, Daniel.”
“I know. Pero kung gusto nating malaman ang totoo, kailangan nating maging maingat. One wrong accusation could make everything worse.”
Umupo si Adrian at inilapag ang mga kamay sa mesa.
“Isabella told you something else?”
Tumango si Daniel bilang sagot.
“She remembers receiving a call from an unknown woman on the night you sent her away. The caller warned her that someone didn't want the two of you together.”
Napatayo si Adrian ng marinig yon at napakunot ang noo.
“Why didn't she tell me that before?”
“Maybe she tried. Maybe you were too angry to listen. We don't know.”
Napahawak si Adrian sa dibdib.
Muling bumalik sa isip niya ang gabing iyon. Ang galit niya, ang mga salitang binitiwan niya, at ang mukha ni Isabella habang pilit na ipinapaliwanag ang sarili.
Hindi na niya maalala ang lahat ng sinabi ng babae. Pero malinaw pa rin sa kanya ang isang bagay: hindi niya ito binigyan ng pagkakataong magsalita.
At iyon ang pagkakamaling hindi niya na mababago.
“Daniel, I need to talk to her.”
“Then talk to her. But don't pressure her to forgive you.”
Tumango si Adrian bilang sagot.
“I won't.”
Bago pa sila makapag-usap nang mas matagal, tumunog ang telepono ni Daniel.
May natanggap siyang email mula sa ospital.
Agad niyang binuksan iyon at binasa ang maikling mensahe. Pagkatapos, dahan-dahan siyang napatingin kay Adrian.
“What is it?” tanong nito.
“May nahanap silang lumang request form sa archive.”
Nanlaki ang mga mata ni Adrian at napalunok ng laway.
“Who requested the record?”
Umupo si Daniel at muling binasa ang email, para matiyak na tama ang pagkaunawa niya.
“Hindi pa nila ibinigay ang buong detalye. Kailangan daw ng karagdagang verification bago nila mailabas ang impormasyon. Pero may isang bagay na kinumpirma nila.”
“Ano?”
“May request na ginawa para sa isang kopya ng medical record ni Isabella noong panahong nagkahiwalay kayo.”
Napahawak si Adrian sa mesa at doon binubuhos ang galit.
“So someone really did ask for it.”
“Yes. Pero kailangan pa nating malaman kung sino at kung ano ang dokumentong ibinigay.”
Tahimik na nagkatinginan ang dalawa.
Sa wakas, may konkretong ebidensiya silang maaaring sundan. Hindi pa nito pinatutunayang may nagbago ng rekord, pero malinaw na may taong naghanap ng impormasyon tungkol kay Isabella noong panahong nagsisimula nang masira ang relasyon nila.
At kung matutukoy nila ang taong iyon, maaaring mabuksan ang pintong matagal nang nakasara.
********
Bago umuwi, nag-iwan si Daniel ng isang mensahe kay Adrian.
I'll follow up with the hospital tomorrow. We need to verify the request form before taking the next step.
Binasa iyon ni Adrian at tumango.
Pagkaalis ng kaibigan, nanatili siyang mag-isa sa opisina. Kinuha niya ang litrato ng kambal at matagal na pinagmasdan ang mga mukha ng dalawang bata.Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nila kapag nalaman nila ang buong kuwento. Hindi niya rin alam kung kailan siya tuluyang makakabawi sa limang taong nawala.Pero may isang bagay siyang ipinangako sa sarili.Hindi na siya basta maniniwala sa mga dokumentong hindi pa nasusuri.Hindi na siya magdedesisyon batay lamang sa galit.
At hindi na niya hahayaang ang ibang tao ang magdikta kung sino ang dapat niyang mahalin at pagkatiwalaan.
Kinuha niya ang telepono at binuksan ang pangalan ni Isabella.Matagal siyang nag-isip bago nag-type ng mensahe.
Isabella, I know I have no right to ask you for anything. But I want you to know that I'm trying to find out what really happened. I won't make any decisions about you based on unverified information again. I'm sorry for everything I failed to hear five years ago.
Ilang minuto niyang tinitigan ang mensahe bago tuluyang pindutin ang send.Hindi niya inaasahang sasagot si Isabella.At hindi nga ito sumagot.Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi na niya ipinilit.Dahil nagsisimula na niyang maintindihan na ang pagtitiwala ay hindi hinihingi sa pamamagitan ng mga salita.
Kailangan niya itong patunayan sa bawat desisyon niya mula ngayon.
Makalipas ang ilang minuto, nag-vibrate ang telepono ni Adrian.
Akala niya ay sagot iyon ni Isabella, ngunit ibang numero ang lumabas sa screen.
May kalakip itong larawan ng isang lumang dokumento.Binuksan niya iyon.
Sa unang tingin, mukha itong ordinaryong request form mula sa ospital. Ngunit nang mabasa niya ang pangalan ng taong humiling ng medical record ni Isabella, biglang nanlamig ang kanyang mga kamay.
Hindi iyon pangalan ng kanyang ina.
Hindi rin iyon pangalan ni Celeste.
Ang nakasulat sa request form ay ang pangalan ni Daniel.Kasunod ng larawan ay may isang maikling mensahe.
Bago mo sisihin ang iyong ina, itanong mo muna sa kaibigan mo kung bakit niya kinuha ang medical record ni Isabella limang taon na ang nakalipas.
Napatayo si Adrian.
Hindi niya alam kung tunay ang dokumentong hawak niya. Hindi rin niya alam kung sino ang nagpadala nito o kung bakit ngayon lamang ito lumitaw.
Pero kung totoo ang lahat ng nakasulat doon, maaaring ang taong pinagkakatiwalaan niyang tumulong sa paghahanap ng katotohanan ay may sariling papel sa lihim na matagal nilang sinusubukang lutasin.
Muling tumunog ang telepono niya.
Isa pang Mensahe ang natanggap niya.
Huwag kang magtanong kay Daniel hangga't hindi mo nakikita ang original record. Baka hindi mo kayanin ang sagot.
Napatingin si Adrian sa pintuan ng kanyang opisina.Sa unang pagkakataon, hindi niya alam kung kanino siya dapat magtiwala.At sa isip niya, iisa na lamang ang tanong na paulit-ulit na hindi masagot.
Kung si Daniel ang kumuha ng medical record ni Isabella noon, bakit siya mismo ang tumutulong ngayon upang hanapin ang katotohanan?