Tahimik ang gabi sa penthouse. Nasa guest room ako, nakahiga, pero hindi mapakali. Kahit anong pihit ko ay nararamdaman ko pa rin ang bigat ng nangyari kanina. Hindi ako sanay na may taong nakabantay sa bawat kilos ko — lalo na kung ‘yong taong iyon ay si Sebastian Hale.
Pumikit na lang ako at pilit na inaalis sa isip ang matatalim niyang tingin… at ‘yong pagkaka-rescue niya sa akin kanina. Ngunit ilang minuto pa lang ang nakalilipas ay may narinig naman akong kakaibang tunog. Hindi ito normal na hum ng aircon o city traffic. Ito’y parang whirrr — mabilis, paikot-ikot. Dala ng kuryosidad ay bumangon ako at saka lumapit sa bintana. Sa dilim ay may maliit na ilaw akong nakita. Kumikislap. Nang mag-focus ang mata ko ay doon ko lang napagtanto na isa pala 'yong drone. Nakatutok… sa mismong bintana ko. Hindi na ako nag-isip at kaagad nang tumakbo palabas, diretso sa living area kung saan naroon si Sebastian, nakaupo at nakatutok sa kaniyang laptop. “Sebastian!” hingal kong sabi. “May drone sa labas!” Agad naman siyang tumayo na para bang sinindihan ng apoy. “Where?” “Bintana ng guest room.” Mabilis ang lakad niya na para bang isang sundalong may misyon, at ako naman ay nakasunod lang sa kaniya. Binuksan niya ang sliding door papuntang balcony at lumabas habang ako ay hanggang sa pintuan lang. Napayakap na lang ako sa sarili ko nang maramdaman ang malamig na ihip ng hangin na sumasalubong sa akin. Sabay kaming napatingala ni Sebastian nang makita namin ang drone na dahan-dahang lumilipad palapit, at sa ilalim nito ay nakakabit ang isang maliit na camera. Nakasalubong namin ang lente nito — parang isang matang walang emosyon pero pinanonood ang lahat ng pangyayari sa penthouse na 'yon. Mabilis ang reaksyon ni Sebastian. Lumapit siya sa akin at saka ako tinitigan nang matiim. “They’re watching. And they’re going to twist whatever they see.” “Ano—” Hindi ko na nagawa pang tapusin ang tanong ko nang bigla niyang hinawakan ang batok ko at hinila ako palapit. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglapat ng isang malambot na bagay sa mga labi ko. Huli na nang ma-realize ko na hinahalikan niya na pala ako. Gusto ko siyang itulak pero bigla akong nainis sa sarili ko dahil iba ang gusto ng katawan ko. Malamig ang hangin pero ramdam ko ang kakaibang init na nagsisimulang lumukob sa buong sistema ko. Sandali lang ‘yon pero sapat na para magulat ako at mapako sa kinatatayuan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang whirring ng drone at tibok ng puso ko na gatambol na sa lakas. Nang maramdaman naman niyang nakuha na ang footage ay pasimple niyang inabot ang makapal na kurtina sa gilid ng balcony door at isinara iyon, tinatakpan ang buong tanawin mula sa labas. Pagkasara ng kurtina, para akong natauhan. Tinulak ko siya sa dibdib — sapat para mapaatras siya ng isang hakbang. “Are you out of your mind?!” halos sigaw ko. Huminga siya nang malalim, pinipigilan ang tono. “If they think we’re together, they won’t use you as leverage. The story changes. You’re not a leak, you’re my… personal interest.” “Personal interest?” Halos matawa ako sa inis. “That’s your solution? Making me your tabloid headline?” Lumapit siya ulit, pero hindi para halikan ako. Tumingin siya nang diretso sa mata ko na para bang pilit na binabasa ang nasa isip ko. “It’s better than being their next victim, Isla.” “Next time,” balik ko, “try asking before you—” Tumigil ako, napapikit sandali. Ayoko nang sabihin. “Before I what?” tanong niya, may bahagyang ngisi. Alam ko, inaasar niya ako. “Forget it,” iritado kong sabi at naglakad palayo. Pero bago pa ako makarating sa pinto ng guest room, may narinig kaming tunog mula sa hallway. Malakas 'yon na para bang may bumagsak na kung ano. Nagkatinginan kami ni Sebastian. “Stay here,” utos niya. Kinuha niya ang phone sa bulsa at mabilis na nag-type. Kahit pa sinabi niyang doon lang ako ay sumunod pa rin ako sa kaniya. Nang makita ko siyang huminto sa may harap ng main door ay huminto rin ako. Doon ko na nakita ang isang maliit na papel na nakasabit sa pagitan ng pinto na kaagad niya namang kinuha at binasa. Hindi ko man malaman kung anong nakasulat sa maliit na papel na 'yon ay kita ko naman kung paano nagbago ang ekspresyon niya — mula sa isang malamig na CEO, para siyang naging isang leon na handang umatake anumang oras. Tiim-bagang niyang nilukot ang papel na 'yon at nang bumaling siya sa akin ay halos mapatalon ako dahil sa takot. Para siyang naging ibang tao sa loob lang ng ilang segundo. At aaminin kong hindi ko gugustuhing makalaban ang isang taong kagaya niya. Mabilis niyang itinapon sa malapit na trash bin ang papel at saka tumuloy sa ginagawa niyang naudlot kanina. Wala na rin tuloy akong nagawa kundi ang bumalik sa guest room at pilitin ang sarili kong matulog. Kinabukasan, paglabas ko ng kuwarto ay walang bakas ni Sebastian doon kaya ipinagpalagay kong baka natutulog pa siya. Babalik na lang sana ulit ako sa kama nang bigla namang kumulo ang tiyan ko. "Anak ng tinapay naman, o. Ngayon ka pa talaga nagreklamo? Hay..." Muli akong lumabas ng kuwarto at saka nagmasid. At dahil baka natutulog pa nga si Sebastian ay nagpasya akong mangalkal na lang sa kusina niya. Sigurado naman kasi akong marami siyang stock ng pagkain dito sa penthouse niya. Ngunit nang makita ko ang bin ay kaagad na sumagi sa isip ko ang maliit na papel na itinapon niya kagabi. Dahil nga curious ako sa kung anong nakasulat doon ay luminga pa muna ako sa paligid bago magsimulang kalkalin ang basurahan. Mabuti na lang at 'yon lang ang laman ng bin kaya kaagad ko 'yong pinulot at binuklat. At katulad ni Sebastian ay kaagad ding kumunot ang noo ko dahil sa nabasa. “Nice kiss. Let’s see what happens when she finds out about Paris.”Parang biglang natigil ang oras. Nakatayo kami sa gitna ng dilim, habang kumakalat ang malamig na boses mula sa loob mismo ng silid. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko na para bang kulog na umaalingawngaw sa loob ng tenga ko.Sebastian’s grip on my wrist tightened, steady and unyielding. Parang siya lang ang nagsisilbing anchor ko habang nilalamon kami ng takot.“Show yourself,” malamig na sabi niya, ang baril niya nakataas, handang pumutok.Mula sa dilim ay narinig ko ang mga yabag ng taong nagsasalita. Ilang sandali lang ay nasa tapat na siya ng bintana, dahilan para makita namin siya nang bahagya sa pamamagitan ng ilaw na nanggagaling sa buwan. Maayos ang kaniyang tindig, naka-suit na perpektong nakayakap sa kaniyang katawan habang ang buhok naman niya ay tila ba nilagyan ng sangkatutak na pomada.“Sebastian Hale,” aniya, naglalakad na parang nasa sarili niyang opisina lang. “The untouchable king of his empire. And yet…” tumigil ang tingin niya sa akin, “…you brought someone fragil
Nagulat ako sa biglaang pagsabog ng ingay mula sa labas. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakadikit ako sa sahig, hawak ang gilid ng sofa na para bang doon lang nakadepende ang buhay ko. Nanginginig ang katawan ko at ang mga mata ko ay mariin lang na nakapikit. At nang magdilat ako ay awtomatikong dumapo kay Sebastian ang tingin ko. Para siyang ibang tao nang mga oras na 'yon. Hindi na lang siya ang lalaking nakasuot ng mamahaling suit at laging seryoso... Kundi isang sundalo. Isang protektor. Isang pader sa pagitan ko at ng mga bala sa labas. “Stay low,” madiin niyang bilin habang nakayuko siya, hawak ang baril at nakatingin sa labas ng kurtina. “They’re testing us.” Nanginginig pa rin ang boses ko nang sagutin ko siya. “Testing? You call that testing? Sebastian, they’re shooting at us!” His jaw tightened, but his eyes never left the window. “If they wanted you dead, Isla, you wouldn’t be breathing right now. They want to scare us. To send us a message.” Napakagat
Nanatili akong nakatulala habang umiikot sa isip ko ang mga sinabi niya. Marriage. Ang bigat ng salitang iyon. Parang bomba na biglang sumabog sa katahimikan ng penthouse.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Dahil sa totoo lang, hindi biro ang salitang kasal.“Sebastian…” halos pabulong kong sambit, “…are you out of your mind?”Mataman niya lang akong tiningnan, diretso sa mga mata at bakas ang kaseryosohan. “This is the only way, Isla. If they see a woman by my side — legally bound to me — they’ll think twice before making a move.”Napailing ako. “So, kasal ang solusyon mo? What am I to you, some kind of… shield? A convenient prop?”“You’re more than that.” Diretso niyang sagot. Kalmado ngunit madiin ang bawat pagbitiw niya ng mga salita. Kita ko rin sa mga mata niya ang determinasyon na parang hindi ko na kayang suwayin pa ang mga sinabi niya.Naramdaman ko ang unti-unting paghigpit ng dibdib ko. Parang wala akong hangin. Paano kung totoo ang mga sinasabi niya? Paano kung kasa
Hindi ko na namalayan kung gaano kabilis akong nadala ni Sebastian palabas ng apartment ko. Halos hatakin niya ako papunta sa kotse niya nang hindi man lang nag-aksaya ng oras para magpaliwanag. Para siyang may hinahabol — o may iniiwasan. Mabilibniya akong naisakay at saka kinabitan ng seatbelt bago umikot papunta sa driver's seat. Kita ko ang pag-igting ng panga niya habang pinaaandar ang kotse na para bang hindi niya na talaga nagugustuhan ang mga nangyayari.Tahimik lang kami sa biyahe. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pintig ng dibdib ko at ang malinis na ugong ng makina ng mamahalin niyang sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas, pinagmamasdan ang mga ilaw ng siyudad na parang kumikislap habang nadaraanan namin.Maya-maya pa ay siya na mismo ang bumasag sa nakakabinging katahimikan. “You shouldn’t have stayed there alone. Not after what happened.”Napalingon ako. Kita ko ang matalim na panga niya, ang seryosong anyo ng kaniyang mga mata. Para siyang sundalong sanay
Hindi ko na maalala kung gaano katagal na ba akong nakatulala sa hawak kong flash drive. Para akong nahulog sa isang maze na walang exit — bawat daan may tanong, bawat sulok may banta.Dalawa na. Dalawang ebidensya. Dalawang kuwento. Pero alin ang totoo?Napasapo ako sa noo at mariing napapikit. Kung anuman ang nasa loob ng flash drive na ‘to, sigurado akong hindi magugustuhan ni Sebastian na hawak ko 'to. Pero paano kung ito lang ang paraan para malaman ko kung sino talaga siya? Kung anong klase ng tao ba talaga siya?Napalundag na lamang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko naman itong nilapitan at saka tiningnan ang caller ID. Ngunit nagtaka ako nang makitang hindi ito naka-register sa contacts ko. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung sasagutin ko ba 'yon o hindi. Hindi ko naman kasi talaga ugaling sumagot lalo na't hindi ko kilala ang caller. Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko hanggang sa mamatay ang tawag. Ngunit ilang sandali pa lang ay muli na naman i
Kinabukasan, halos mabingi ako sa ingay ng cellphone ko. Notifications. Messengers. Emails.Pero ang pinaka-masakit sa mata? Ang headline:#HaleAffair Takes Over Social Media: The Billionaire and the Mystery WomanMay mga blurred drone shots, may mga kuha na parang mula sa balcony ng penthouse, at lahat pare-pareho ang caption: “Hale’s new love interest?”Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa. Sa totoo lang, hindi ko nga siya gusto — tapos ngayon, buong mundo akala kami na?Bago ko pa maiproseso ang lahat ng mga 'yon ay isang staff ang pumasok sa workroom. “Miss Navarro, the CEO wants you in the boardroom. Now.”Napalunok ako. Ito na ba ‘yon? 'Yong meeting na matatanggal ako?Pagbukas ko ng pinto ng boardroom, puro matatandang lalaki at babae ang nakaupo. Nakaupo sa head chair si Sebastian, parang walang nangyari, nakasuot ng perfect dark suit na para bang galing sa isang magazine cover.“Mr. Hale,” wika ng isa sa shareholders, “care to explain why your name and this… employee’