공유

005

작가: RIDA Writes
last update 게시일: 2026-07-15 12:28:35

MABILIS na lumabas ng hotel room si Anastacia. Dahan-dahan pa niyang isinarado ang p***o para hindi makalikha ng ingay. Hindi niya na muling nilingon ang lalaking nakadapa na kumuha ng kanyang virginity. Wala na siyang pakialam kung sino ang lalaking iyon. Hindi naman na sila magkikita pa kahit kailanman. Iisipin niyang para lamang iyon sa experience.

Nagulat siya nang bumukas ang elevator ay marami itong sakay. Pumasok siya sa loob na itinatago ang mukha. Ayaw niyang may makakilala sa kanya, baka sabihin pa sa Mommy at Daddy niya. Tiyak na sermon ang aabutin niya.

Pinagtitinginan siya sa loob ng elevator. Panay naman ang tago ni Anastacia ng kanyang mukha.

"Nakakahiya...." bulalas niya sa isip. Panay din ang hila niya ng kanyang mini skirt na tumataas sa sobrang iksi.

Nang tumunog ang elevator ay nasa ground floor na sila. Nauna pa siyang lumabas at nagmamadali sa paglalakad palabas ng hotel.

Parang gusto na lang niyang lamunin ng lupa. Inabot siya ng umaga na ganito ang suot at may kasamang estranghero lalaki sa loob ng isang hotel room.

Pagkalabas niya ng hotel ay pumara agad siya ng taxi. Wrong timing pa. Hindi niya nadala ang kanyang kotse dahil sa coding.

"Kuya, sa Green Valley Subdivision. Castellano Residence..." sabi niya sa driver ng taxi.

"Castellano? Alam ko iyon, hija."

Simple lang siyang ngumiti sa matandang lalaki.

Sino bang hindi nakakakilala sa mga Castellano?

Her dad, Gabriel Castellano, ay isang magaling na negosyante. They own Castellano Crest Corporation. At siya si Anastacia Castellano, 20 years old, ang nag-iisang tagapagmana ng kanilang kumpanya.

Tahimik na napasandal si Anastacia sa upuan ng taxi habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana. Hindi niya namalayang napabuntong-hininga siya.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.

Hindi niya akalaing sa isang gabing dulot ng kalasingan at bugso ng damdamin ay mawawala ang matagal niyang iningatang puri sa isang lalaking hindi man lang niya nakilala.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi niya makalimutan ang pulang mantsa sa bedsheet.

Napailing-iling siya at mariing ipinikit ang mga mata.

"Kalimutan mo na lang, Anastacia," bulong niya sa sarili. "Isang pagkakamali lang iyon."

Makalipas ang ilang minuto ay huminto ang taxi sa harap ng malaking gate ng Castellano Residence.

Pagkababa niya ay agad siyang nagbayad sa driver.

"Maraming salamat po."

"Mag-iingat ka, hija. Hindi tama na lumalabas ka na ganyan ang suot mo," nakangiting tugon ng matanda bago umalis.

Tumango si Anastacia sa concern ng matandang lalaki. Umayos siya sa pagkakatayo at inayos ang sarili.

Inumaga na siya ng uwi. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng Daddy at Mommy niya kapag naabutan siya.

Huminga muna nang malalim si Anastacia bago pumasok sa loob ng bakuran.

Tahimik pa ang buong mansyon. Mukhang tulog pa ang karamihan sa mga kasambahay at maging ang kanyang mga magulang.

Naglakad siya nang dahan-dahan, halos nakayapak ang bawat hakbang upang walang makarinig. Nang makapasok sa loob ng mansyon ay agad siyang nagtungo sa ikalawang palapag.

Palapit na siya sa kanyang silid nang biglang may bumukas na p***o.

Natigilan siya.

"Anastacia Castellano?!"

Nahigit niya ang kanyang paghinga. Pamilyar na boses ang kanyang narinig.

Dahan-dahan siyang napalingon, at halos mawalan siya ng kulay nang makitang ang kanyang ama, si Gabriel Castellano. Nakatayo ito sa may pintuan at nakatingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Katabi nito ang kanyang inang si Victoria Castellano.

She cleared her throat. Saka naglakad palapit sa magulang.

"Good morning, Mom and Dad," pilit niyang umaaktong normal pero sobrang kabado siya.

Kinakabahang hinalikan ang kanyang Mom at Dad sa pisngi. Tumayo si Anastacia ng tuwid at pilit ibinaba ang laylayan ng kanyang suot na black mini skirt.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • THE TYCOON'S SECRET TRIPLETS   160

    INAAYUSAN si Anastacia. Tapos na ring ayusan si Arianna at tahimik na nakaupo. Ngayong gabi ang MGV Gala Night. At buong pamilya sila na pupunta sa event.Napasilip si Victoria sa pinto ng kuwarto ng kaniyang anak. Napangiti siya nang makita niya si Anastacia."You’re already a beautiful, grown-up woman now. I’m so proud of you, anak," sabi niya habang naiiyak.Napangiti si Anastacia sa kaniyang ina habang inaayos ng make-up artist ang huling detalye sa kaniyang mukha."Mom, don't cry. Baka pati ako maiyak. Hindi pa po ako ikakasal, a-attend lang po tayo ng event," natatawang sabi niya.Lumapit si Victoria sa kaniyang anak at hinaplos ang pisngi nito. "I can't help it, anak. Parang kailan lang, maliit ka pa at palaging nakasunod sa akin. Ngayon, isa ka nang ganap na babae na may sarili nang pamilya."Napatingin si Anastacia sa kaniyang ina sa salamin. Hindi niya napigilang ngumiti nang maalala ang mga pinagdaanan niya bago niya muling natagpuan ang kaligayahan sa piling ni Ethan at ng

  • THE TYCOON'S SECRET TRIPLETS   159

    EXCITED na si Veronica sa mangyayari sa gabi ng event ng MGV. 'We should call Evelyn. Dapat andoon din siya sa MGV Gala Night. I want us to be complete, our family," sabi ni Veronica kay Lorenzo. Napangiti si Lorenzo habang nakatingin sa kanyang asawa. Kitang-kita niya kung gaano ito kasabik sa gaganaping MGV Gala Night. Alam niyang espesyal ang gabing iyon para sa kanilang pamilya, lalo na dahil naroon si Ethan kasama si Anastacia at ang kanilang mga anak. "Of course, honey. I'm sure Evelyn would love to be there, too," sagot niya. Agad namang kinuha ni Veronica ang kanyang cellphone at hinanap ang pangalan ng anak. Nang makita niya iyon ay kaagad niya itong tinawagan. Ilang ring lamang ay sinagot na rin ni Evelyn ang tawag. "Mom, what's up?" bungad nito. "Hi, sweetheart! Are you busy right now?" "Not really, Mom. Why?" "May gusto lang akong sabihin sa iyo. The MGV Gala Night is coming, and I want you to be there with us." "Of course, Mom! Hindi ko naman palalampasin ang ev

  • THE TYCOON'S SECRET TRIPLETS   158

    SINAMAHAN nina Luca at Damien si Ethan na magpagawa ng engagement ring para kay Anastacia. Nakapag-proposed na siya sa dalaga, pero gusto niyang ibigay ang pinaka-enggrandeng wedding proposal na nararapat sa kanya. "Pare, sigurado ka bang kailangan mo pang magpagawa ng engagement ring?" tanong ni Luca habang nakaupo sila sa loob ng jewelry store. "Nag-propose ka na kay Anastacia. Tinanggap ka na niya. Hindi ba sapat na iyon?" dagdag naman ni Damien. Napatingin sa kanila si Ethan habang sinusuri ang mga disenyo ng singsing na ipinakita ng jeweler. "No. She deserves something better. Wala pa akong ibinibigay na ring sa kaniya." Napailing si Luca at napangiti. "Kahit na. Nag-agree ang parents ni Anastacia at ang triplets para sa inyong kasal." "I still want the best for her, Luca," sagot ni Ethan habang muling ibinaba ang tingin sa mga singsing. "Hindi ka lang nagbago. Tuluyan ka nang nabaliw kay Anastacia!" natatawang sabi ni Damien. Hindi na sila pinansin ni Ethan. Sa halip, ki

  • THE TYCOON'S SECRET TRIPLETS   157

    "YOU'RE getting married, Ethan! That's good news," masayang sabi ni Luca. Hinawakan niya sa balikat ang kaibigan. Hindi sila makapaniwala ni Damien na ganoon kabilis ito magpo-propose ng kasal kay Anastacia. "At wala pa silang isang araw ni Anastacia na in a relationship, ha. Nakaka-amaze ka, pare. Masyadon mong ginalingan," nangangantiyaw na sabi naman ni Damien. Hindi naitago ni Ethan ang ngiti sa kanyang mukha. "Of course. I need to take action very fast. Anastacia is only mine. At hindi ko papayagan na mawala siya ulit sa buhay ko. Pati na ang mga anak ko." Napatango-tango sina Luca at Damien. "Ah, kaya pala inaya mo agad magpakasal si Anastacia. Inangkin mo na ang nanay ng mga anak mo," tudyo pa ni Damien. "Pero, pare, seryoso ka ba talaga sa pagpapakasal? I mean, kakasagot pa lang sa iyo ni Anastacia kagabi, tapos ngayon kasal na agad ang nasa isip mo?" tanong ni Luca. "Of course, I'm serious," sagot ni Ethan. "I don't want to waste any more time. Limang taon na na wala

  • THE TYCOON'S SECRET TRIPLETS   156

    "I know it's too early, dahil kagabi mo lang ako sinagot," sabi ni Ethan na ikinatawa ng mag-asawang Castellano at ng triplets. "Tinanggap mo na ako na makapasok sa buhay mo. Pagkalipas ng limang taon na dala-dala mo ang mga anak natin. You're the strongest woman I ever meet. Nabuhay mong mag-isa ang ating triplets. But I don't want to spend another day pretending that you're just my girlfriend when, in my heart, you're already the woman I want to spend the rest of my life with," patuloy niyang sabi. Huminga nang malalim si Ethan bago muling nagsalita. He had never been so nervous his entire life. Ngayon lang na nagpo-propose siya kay Anastacia. Pinagpapawisan na ang kanyang mga kamay pero pilit niyang hindi ipinapahalata. "I want to wake up beside you every morning. I want to come home to you and our children. I want to be the man you can depend on, not just today but for the rest of our lives." Hinaplos niya ang mga daliri ng dalaga. "So, sweetheart, will you marry me? Will you

  • THE TYCOON'S SECRET TRIPLETS   155

    KIMING nakaupo si Anastacia sa sofa, katabi niya si Ethan na seryoso ang mukha. Nasa harapan naman nila ang mga magulang ng dalaga at ang tatlo nilang mga anak. Hindi alam ni Anastacia kung paano sasalubungin ang mga tingin ng triplets. Siya ang ina pero siya ang ninenerbyos na kaharap ang mga anak. "Daddy, why did you and Mommy just come home? What time is it?" nakacross arm na mga tanong ni Aiden. Napatingin ang mag-asawang sina Victoria at Gabriel sa kanilang apo. Pinipigilan nila ang matawa dahil sa naging tanong nito. "Oo nga naman. Ethan, hijo, bakit ngayon mo lang inihatid pauwi ang anak namin? Ang paalam niyo ay dinner lang, 11 na ng umaga," segunda rin ni Victoria. Nagkausap na silang apat at ito ang kanilang napag-usapan. Ang isa sa parusa na dapat gawin ni Ethan, ang humarap sa kanilang mga anak ni Anastacia. Sa harapan ng triplets, magpo-propose si Ethan. Wala siyang kamalay-malay sa mga mangyayari. Hindi nakaimik si Ethan. Seryoso pa rin ang kanyang mukha at saka b

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status