LOGINOLIVIA'S POV
"Marriage?" Napatayo sa kinauupuang sofa si Mommy nang marinig ang sinabi ko. Hindi makapaniwala ang mga mata niyang nakatitig sa akin, habang si Daddy ay nanatiling tahimik sa sofa, nakayuko at magkahawak ang mga kamay. "Anak..." nanginginig ang boses ni Mommy. "Sigurado ka bang iyon ang sinabi ni Helios?" Tumango ako. "He offered to pay all our debts." Napabuntong-hininga ako bago nagpatuloy. "But in exchange. He wants me to marry him." Muling bumalot ang katahimikan sa buong sala. Hindi na ito ang marangyang tahanang kinalakihan ko. Tatlong araw pa lang ang nakakalipas, puno pa ito ng mga kasambahay, business partners, at mga bisitang halos araw-araw ay pumapasok sa aming bahay. Ngayon, kami na lang ang natitira. Unti-unti nang kinukuha ng bangko ang lahat ng pag-aari namin. Napapikit si Mama habang tahimik na umiiyak. "Hindi kita hahayaang isakripisyo ang buhay mo, Via. Hindi ba nakatakda na ang flight mo papuntang Paris para sa modeling career mo?" "Mommy..." "Enough." Biglang nagsalita si Daddy. Pagod ang mukha niya, mas lalong pumuti ang kanyang buhok sa loob lamang ng ilang araw. Tila sampung taon ang idinagdag ng problema sa kanyang edad. "Kasalanan ko ito." sabi niya. "Dad, please..." "Hindi." Umiling siya. "Hindi ko dapat hinayaang umabot tayo sa ganito." Mahina niyang hinawakan ang kamay ko. "Via, hija... Hindi kita pipilitin. If you don't want this marriage and you still want to pursue your dream of becoming a model, then go on. We'll find another way.” Napalunok ako. Another way? Meron pa ba? Kanina lamang, halos lumuhod na si Daddy sa harap ng mga bangko. Lahat sila, tinanggihan ang pakiusap niya. Wala nang gustong tumulong sa Fajardo Capital Group. Lahat ay takot na madamay. "Daddy..." Mahina kong pinisil ang kamay niya. "You taught me that family always comes first." Napatingin siya sa akin. "If this marriage can save you. If it can save Mom... then maybe it's worth taking the risk." "Olivia!" Agad na tumutol si Mommy. "Hindi negosyo ang kasal." "I know." mababang saad ko. Pilit akong ngumiti, kahit ramdam kong gusto ko nang umiyak. "But Helios isn't forcing me. He gave me a choice." At iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Hindi niya ako tinakot. Hindi niya ako minadali. Hindi niya ako pinilit. He simply made an offer. Isang offer na maaaring magligtas sa pamilya ko. "Olivia..." Mahina ang boses ni Daddy. "May gusto ka ba talaga kay Helios?" Napayuko ako. Wala nang saysay ang pagsisinungaling. "Yes. I've liked him for a long time." Simula pa noong college. Tahimik ko lang siyang hinahangaan, mula sa malayo lihim ko siyang tinitingnan. Hindi niya alam dahil hindi ko naman pinahalata iyon kahit kanino. At malamang hindi na niya malalaman. Napabuntong-hininga si Mommy. "But he doesn't love you." Masakit marinig pero totoo. "I know." Huminga ako nang malalim. "He's honest about it. He never promised me love. He promised respect." At sa panahon ngayon, pakiramdam ko, sapat na iyon. -- Kinabukasan, maaga akong nagising. Halos hindi ako nakatulog buong gabi. Paulit-ulit kong binasa ang marriage agreement. Simple at malinaw ang mga nakasulat, walang nakatagong kondisyon, walang maliit na letra. Parang isa lang talaga itong kasunduan sa pagitan ng dalawang taong may kanya-kanyang responsibilidad. Alas-diyes ng umaga. Muli akong bumalik sa Nexora Technologies. Pagpasok ko sa executive floor, agad akong sinalubong ng secretary ni Helios. "Miss Fajardo, Mr. De Dios is expecting you." anito. Bakit pakiramdam ko, sigurado siyang babalik ako? Marahan akong kumatok. "Come in." Pagpasok ko, nadatnan ko siyang abala sa isang video conference kasama ang ilang foreign executives. Fluent siyang nagsasalita ng English habang kalmadong inilalahad ang business proposal. He is confident, decisive and powerful. Ngayon ko lang muling naalala kung bakit siya hinahangaan ng buong industriya. Napansin niya ang pagpasok ko. Bahagya siyang tumango. "Give me five minutes." Iyon lang pero sapat na para maramdaman kong hindi niya ako tinatratong parang istorbo. Eksaktong limang minuto ang lumipas. Tinapos niya ang meeting at isinara ang laptop. Tumayo siya. "So..." Mahinahon ang boses niya. "Have you made your decision?" Huminga ako nang malalim saka ako tumingin diretso sa kanyang mga mata at sa pagkakataong iyon, tinuluyan ko nang isugal ang puso ko. "I'll marry you, Helios." matatag kong sabi. Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya nagpakita ng excitement pero sa unang pagkakataon parang may kakaibang kislap na dumaan sa malamig niyang mga mata. Iniabot niya ang kamay niya sa akin. "Then welcome to the De Dios family." Nanginginig kong inabot ang kamay niya. The moment our hands touched. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko. May isang desisyon akong ginawa na tuluyan nang magbabago sa buong buhay ko.OLIVIA'S POV Araw ng kasal... "Dearly beloved, we are gathered here today..." Huminga ako nang malalim bago tuluyang bumukas ang malalaking pintuan ng St. Michael Cathedral. Napahinto ang mundo ko nang igala ko ang mga mata ko habang nakatayo sa bungad ng simbahan. Nakatingin na sa akin ang mga tao roon. Nakangiting may paghanga nang makita ako sa napaka eleganteng wedding dress ko. The church looked like something out of a dream. Thousands of white roses adorned every aisle, their sweet fragrance filling the air. Crystal chandeliers shimmered above us, reflecting the warm afternoon sunlight streaming through the stained-glass windows. White silk drapes cascaded elegantly from every pillar, while a string quartet softly played Canon in D, making the entire cathedral feel surreal. It was beautiful. No... It was breathtaking. For a moment, I forgot why I was here. Napatitig ako sa wedding gown na suot ko. It was a masterpiece. I feel like a princess stepping out of a fair
OLIVIA'S POVHindi magtatagal at magiging Mrs. Olivia De Dios na ako. Kinakabahan ako pero malaki ang bahagi ko na masaya dahil sa wakas ang lalaking matagal ko ng lihim na iniibig ay magiging asawa ko na. Bahagya akong napakislot nang bigla na lamang mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng kama. Unknown Number iyon pero sinagot ko pa rin ang tawag."Hello?""Good morning, Miss Fajardo. This is Aaron Sison, Mr. De Dios' executive assistant." pagpapakilala ng caller. Agad akong napaupo ng tuwid. "O-Oh... good morning.""Mr. De Dios would like to see you at ten this morning.""Why?""Regarding your wedding preparations." sabi niya. Nakagat ko ang ibabang labi. Pinigilan kong ilabas ang emosyon ko. "W-Wedding?" kunwa'y sabi ko kahit expected ko na iyon. "Yes, Miss Fajardo." Sandaling natahimik si Aaron bago nagpatuloy, "The wedding will be held next week."Nanlaki ang mga mata ko."N-Next week? So sudden.""Mr. De Dios prefers not to delay unnecessary matters."Pagkababa ng tawag
OLIVIA'S POVPagkatapos kong sabihin na magpapakasal ako sa kanya. Tahimik lang na inilapit ni Helios ang marriage agreement."You can read it one last time. If there's anything you want to change, tell my lawyer."Napatingin ako sa makapal na dokumento."Wala ka bang... ibang kondisyon?" tanong ko."No." maikling sagot niya. "Wala kang ipagbabawal? Wala kang gustong baguhin sa buhay ko?" muling tanong ko. Diretso siyang tumingin sa akin."As long as you respect my privacy... I won't interfere with yours." Simple at diretsong sabi niya.Parang ganoon lang talaga kasimple ang lahat para sa kanya. Kinuha ko ang fountain pen na nasa mesa. Huminga nang malalim at pinirmahan ang pangalan ko.Olivia Fajardo.Tahimik niyang pinanood ang bawat galaw ko.Nang matapos ako, saka lang niya kinuha ang kontrata."Congratulations."Iyon lang. Wala na siyang sinabi pa pero hindi ko alam kung bakit hindi ako nasaktan. Sa halip, pakiramdam ko iyon na ang pinaka-malapit na pagpapakita ng emosyon mula
OLIVIA'S POV "Marriage?" Napatayo sa kinauupuang sofa si Mommy nang marinig ang sinabi ko. Hindi makapaniwala ang mga mata niyang nakatitig sa akin, habang si Daddy ay nanatiling tahimik sa sofa, nakayuko at magkahawak ang mga kamay. "Anak..." nanginginig ang boses ni Mommy. "Sigurado ka bang iyon ang sinabi ni Helios?" Tumango ako. "He offered to pay all our debts." Napabuntong-hininga ako bago nagpatuloy. "But in exchange. He wants me to marry him." Muling bumalot ang katahimikan sa buong sala. Hindi na ito ang marangyang tahanang kinalakihan ko. Tatlong araw pa lang ang nakakalipas, puno pa ito ng mga kasambahay, business partners, at mga bisitang halos araw-araw ay pumapasok sa aming bahay. Ngayon, kami na lang ang natitira. Unti-unti nang kinukuha ng bangko ang lahat ng pag-aari namin. Napapikit si Mama habang tahimik na umiiyak. "Hindi kita hahayaang isakripisyo ang buhay mo, Via. Hindi ba nakatakda na ang flight mo papuntang Paris para sa modeling career mo?"
OLIVIA'S POV "Marry me." Hindi ko alam kung ilang segundo akong natigilan. Akala ko mali ang narinig ko. "W-What?" Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Helios. Nakaupo lamang siya sa executive chair habang tahimik akong pinagmamasdan. His sharp eyes remained unreadable, making it impossible for me to guess what was running through his mind. "You heard me." His voice was calm. Firm. Parang normal lang ang proposal na kakabitaw niya. Napalunok ako. "Hindi ko maintindihan..." mahina kong sabi. "Bakit ako?" Marami namang babae, mas maganda sa akin, mas mayaman, mas kilala sa lipunan at higit sa lahat, mas babagay sa kanya... sa tingin ko. Simula pa lang noong college, wala na akong maalalang pagkakataong naging malapit kami. Palagi siyang malamig at seryoso. Kung magtagpo man ang mga mata namin, isang saglit lang. Kaya bakit ako? Hindi siya agad sumagot. Sa halip ay tumayo siya at naglakad papunta sa glass window. Mula roon ay tanaw ang buong lungsod, tila ba n
OLIVIA'S POV "Miss Olivia..." "Pasensya na po." "We're here under the authority of the court." Nanlalamig ang buo kong katawan habang nakatingin sa mga lalaking unti-unting naglalagay ng pulang notice sa malaking gate ng aming mansion. PROPERTY UNDER SEIZURE Parang isang sampal ang bawat letrang nakadikit doon. "H-Hindi..." mahinang bulong ko. "This can't be happening." Kaninang umaga lang, isa pa rin kami sa pinakarespetadong pamilya sa business industry. Ngayon, sa isang iglap lang nawala na ang lahat. "Olivia!" Napalingon ako nang marinig ang umiiyak na boses ni Mama. Nakahawak siya sa braso ni Daddy na halos hindi na makatayo. Namumutla ang mukha nito habang hawak ang dibdib. "Daddy!" sigaw ko. Agad akong tumakbo palapit sa kanya. "Dad! Please... look at me!" "I'm... okay..." pilit niyang ngumiti, pero halata ang hirap niyang huminga. Hindi ko mapigilang maiyak. "What happened? Bakit biglang ganito?" Kahapon lang, okay pa ang lahat. May investo







