เข้าสู่ระบบNIKITA'S POVKasalukuyang nagdidilig ng mga halaman ang kanyang amang si Wesley nang dumating siya mula sa trabaho. Halos isang linggo rin siyang wala sa bahay matapos ang biyahe nila sa iba't ibang bansa sa Europe bilang isang flight stewardess. Ngayong nakauwi na siya, ang unang taong gusto niyang makita ay ang kanyang ama. Miss na miss na niya ito.Tahimik siyang lumapit mula sa likuran at bigla itong niyakap sa baywang."I'm here, Daddy..." nakangiting sambit niya.Nagulat si Wesley at bahagyang napahinto sa pagdidilig. Napalingon ito at agad na napangiti nang makita siya."Nikita... iha! Dumating ka na pala."Agad nitong binitawan ang hose at niyakap siya nang mahigpit. "I miss you, iha.""I miss you too, Dad."Ilang segundo silang nanatiling magkayakap. Sa simpleng yakap pa lang ay ramdam na niya kung gaano siya nito namiss. Ngunit nang kumalas siya ay napansin niyang tila pumayat na naman ang ama."Bakit ikaw ang gumagawa niyan, Dad?" kunot-noo niyang tanong habang itinuro ang
Nang bumalik si Celestine ay may dala na naman itong isang malaking tray ng bagong lutong lechon belly. Kumalat agad sa buong gazebo ang mabangong amoy ng malutong na balat at makatas na karne.Napahawak si Oliver sa noo at napailing. "Wow! Ayaw mo talaga kaming tigilan sa pagpapakain, ha, Miss Celestine?" natatawang sabi nito.Napangiti si Celestine habang inilapag ang tray sa mesa. "Huwag n'yo na akong tawaging "Miss." Celestine na lang... o kaya Ces. After all, friends naman na tayong lahat dito, hindi ba?""Can I call you 'mine,' Ces?" agad na banat ni Philip sabay kindat.Pak! Hindi pa man nakakahirit ang iba ay mabilis na itong binatukan ni Marcus. "Hindi ka talaga titigil, ano?"Napakamot si Philip sa ulo habang nakasimangot. "Aray naman! Nagbibiro lang, eh. Problema sa inyo, puro kayo killjoy."Natawa ang lahat."Hahaha! Kulit mo talaga, Philip," natatawang sabi ni Celestine. "At gaya ng sinabi ko kanina, wala akong gusto kahit isa sa inyo. Kaya tigilan n'yo na ang pambobola a
"Let's go eat, guys!"Masiglang pumalakpak si Celestine bago sila inakay patungo sa pool area. Pagdating nila roon ay halos mapahinto silang lahat.Sa harap ng napakalawak na infinity pool ay nakahanda ang isang mahabang mesa na nababalutan ng puting tablecloth. Halos hindi na makita ang ibabaw nito dahil sa dami ng pagkaing nakahain.Totoo ang sinabi ni Celestine. Halos lahat ng naroon ay puro seafood.May naglalakihang alimango na kulay matingkad na pula, buttered prawns na umaalingasaw ang mabangong aroma, iba't ibang klase ng shellfish, talaba, tahong, scallops, lobster, at malalaking inihaw na isda na bagong hango sa dagat. Mayroon ding sari-saring tropical fruits, desserts, at malamig na inumin. Halos malaglag ang panga ng apat na magkakaibigan."Damn, Celestine..." natatawang sabi ni Chester. "Are you joking? Bibitayin na ba kami?"Sabay-sabay silang nagtawanan."Kapag ganito palagi ang pagkain mahihirapan tayo nitong tunawin sa gym." Sabi naman ni MarcusNapahawak naman si Cel
"Damn, bro... who's that girl?"Pareho silang nakatingin sa direksiyong itinuro ni Philip. Sa dulo ng pribadong pantalan ay may isang babaeng nakatayo habang masiglang kumakaway sa kanila."She's... Celestine," maikling sagot niya. "Siya ang kaibigan kong may-ari ng resort na 'yan... pati ng yacht na sinasakyan natin."Parang sabay-sabay na natigilan ang apat niyang kaibigan."What?!" bulalas ni Marcus. "Hindi mo man lang sinabi na babae pala ang kaibigan mo!""Bakit? Wala naman kasing nagtanong," mahinang tawa niya.Nagkatinginan ang apat bago sabay-sabay na napailing."Grabe ka talaga, Kieran... you're full of surprises!" bulong ni Chester habang natatawa.Hindi na sila nakapagsalita pa dahil tuluyan nang dumaong ang yacht sa pribadong pantalan.Habang isa-isang bumababa ang lahat, sinalubong sila ng isang napakalawak na ngiti ni Celestine. Nakasuot ito ng simpleng puting summer dress na lalo pang nagpatingkad sa maputi nitong kutis. Humahampas ang mahinang simoy ng hangin sa mahaba
Mahigit kalahating oras ang lumipas, nasa kalagitnaan sila ng biyahe nang biglang bumukas ang pinto ng cockpit. Sumulpot si Oliver habang may hawak na dalawang lata ng beer."Bro..."Napalingon si Kieran. "Ano?"Inabot ni Oliver ang isang lata. "Kailangan mo yata nito."Tinanggap niya iyon pero tinaasan niya ng kilay ang kaibigan. "Alam mong bawal uminom habang nagpapalipad.""Alam ko... kaya tubig 'yan."Sinilip niya ang lata, tubig nga. Napailing siya, pinagtripan na naman siya nito. "Gago!"Ngumisi si Oliver bago naupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Ilang segundo silang nanatiling tahimik. Hindi ito nagsasalita, pinapanood lang siya sa kanyang ginagawa habang tuloy-tuloy nilang tinatahak ang himpapawid patungong Boracay.Maya-maya ay nagsalita rin ito. "So... kumusta ka na talaga?"Napabuntong-hininga siya bago ito tiningnan nang masama. "Ngayon mo pa talaga ako tatanungin?" aniya. "Gusto mo bang mag-landing tayo sa dagat?"Biro lang ang sagot niyang iyon pero natakot ito. Agad n
OLIVER'S POV:Tahimik silang lahat na napatingin kay Kieran. Walang nagsalita, walang nagbiro.Kahit gaano pa sila kakulit, kakengkoy, at kapilosopo sa isa't isa, alam nilang hindi madaling pagdaanan ang pinagdaanan ni Kieran.Sa kanilang lahat, si Kieran ang palaging pinakamasayahin. Ito ang unang nagyayaya ng gala kapag nakikita nitong pagod na silang lahat sa trabaho. Ito rin ang unang gumagawa ng kalokohan kapag masyadong seryoso ang usapan at ang pinakamalakas tumawa kapag ito mismo ang napapahiya. Sa grupo nila, si Kieran ang parang tinuturing nilang leader.Hindi dahil ito ang pinakamayaman o pinakamatagumpay sa kanila, kundi dahil ito ang taong laging inuuna ang mga kaibigan bago ang sarili. Kapag may problema ang isa sa kanila, si Kieran ang unang dumarating. Kapag may tagumpay, ito rin ang unang bumabati.Kaya nang makita nilang halos mawalan ito ng sigla matapos ang nangyari kay Nikita, doon nila lubos na naunawaan kung gaano ito kaseryoso.High school pa lang sila ay alam
"A-ano'ng ibig mong sabihin?"Nanlilisik ang mga matang tanong ni Nikita habang pilit inuunawa ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Ralph.Ngumisi ito at bahagyang tumawa. "Si Vivian ay nobya ko. May relasyon kami noon, at inagaw siya ni Wesley sa akin!""Ano?" Napaatras siya ng isang hakbang. "H
"T-totoo po ba ito? Hindi po ba kayo nagbibiro?" Bahagyang nanginginig ang kanyang boses habang nakatitig kay Wesley. Halos hindi niya mapaniwalaan ang mga salitang narinig.Napailing si Wesley at nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga."Gusto ko mang sabihin na biro lang ito, pero hindi, iho."
Nagdaan pa ang mga araw ngunit hindi pa rin nagigising si Tita Vivian. Nanatili pa rin ito sa ospital. Ang pinagpasalamat lang nila ya wala naman masyadong natamong malala dito bukod sa bali at galos sa katawan.Hindi na rin sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap ni Kieran matapos ang huli nilang
Nagising si Vivian kinaumagahan na mabigat ang pakiramdam. Halos hindi siya nakatulog buong gabi. Malalim ang mga mata niya at halatang pagod nang tumingin siya sa salamin.Paulit-ulit pa ring sumasagi sa isip niya ang nangyari kagabi… Ang pagbabanta ni Ralph Santiago.Kilala niya ang lalaki. Hindi







