2013Hestia
Hanggang ngayon ‘di pa rin ako masanay-sanay sa mabilis na pagbabago ng buhay namin ni papa. Heto ako ngayon nakatayo malapit sa gate ng isang exclusive school at sampung minutong naghihintay kay papa. Karamihan ng mga nag-aaral sa school na ‘to ay may kaya o nakakaangat sa buhay. Hatid-sundo ng mga magulang o may sariling driver kaya naman hindi ako mag-isa sa waiting shade.
Maya-maya ay may humintong magarang sasakyan sa labas ng school gate. Laki gulat ko nang bumaba si papa. Tinginan kay papa ang mga kasama kong naghihintay, na lalo nakapagparandam sa ‘kin ng kaba. Halos araw-araw ay paiba-iba ng sasakyang dala si papa sa pagsundo sa ‘kin. Hindi kami mayaman at driver lang si papa ng isang mayamang pamilya. Alam ko na pinag-uusapan kami ng mga magulang at guro sa school na ito. Hindi ako manhid upang hindi maramdaman ‘yon.
Hindi ko na hinintay na makapasok sa gate si papa at kaagad ko siyang sinalubong sabay halik sa kaniyang pisngi, “Tara na, pa.”
“Ang napakaganda ko anak, masyadong nagmamadali,” tugon ni papa na may ngiti sa labi. Para itong wala pakialam sa ibang tao na nasa paligid.
Gumanti ako ng tipid na ngiti at hinila ang kamay niya palapit sa sasakyan. Diretso ako pumasok sa magarang sasakyan upang makaiwas na sa mga mapanghusga mata ng ibang tao. ‘Di lingid sa kaalaman ng nakararami ang estado namin sa buhay. Ganoon pa man ay alam ko marangal ang trabaho ni papa at walang dapat na ikahiya.
“Pa, sabi ko naman sa inyo na huwag na huwag niyo dadalhin ang magagarang sasakyan ng boss niyo sa school,” pagmamaktol ko sabi pagkaupo ni papa sa driver seat. Naiinis ako sinusundo niya dala ang magarang sasakyan dahil alam naman ng karamihan na isang hamak na driver lamang si papa. Kaya nakakapasok ako sa isang exclusive school ay dahil sa kaniyang boss. Ang employer ni papa ang nagbabayad sa lahat ng gastos ko sa school. Alam ko malaki ang binabayaran sa mga exclusive school, kung ako lamang ang masusunod ay sa isang public school na lamang mag-aaral.
“Huwag ka ng magalit. Wala na ‘ko oras na magpalit ng sasakyan dahil susunduin ko rin si madam, pagkahatid ko sa ‘yo sa bahay,” tugon ni papa.
Limang taon na rin driver si papa sa pamilyang Frouch at hindi na niya binalak ulit mag-abroad dahil sapat naman ang nakukuha suweldo para sa mga gastusin araw-araw. Isa pa, wala siyang mapag-iiwanan sa akin sakaling mangibang bansa. Ang tangi ayaw ko lamang ay ang oras ng trabaho ni papa. Kahit Linggo ay tinatawagan siya upang ipagmaneho si Madam Frouch. Kaya naman napapasimangot na lang sa tuwing maiisip ito.“Bakit isang bakol ‘yang mukha mo?” tanong ni papa. Humarap ako sa kaniya, marahil napansin niya nagtatampo ako.
“Papa, limang taon kana sa mga Frouch at halos lahat ng oras mo nasa kanila. Nakakasama lang kita sa tuwing ihahatid at susunduin ako sa school. Papa kita at hindi driver lang,” tugon ko na nakalabi.
“Ang anak ko talaga nagtatampo na naman,” wika ni papa sabay tawa.
Binawi ko na lang ang aking tingin at nagpikit ng mga mata. Ayoko makipagtalo sa kanya dahil hihirit lamang ito na ang lahat ng kanyang ginagawa ay para sa kinabukasan ko.“Ang batang ‘to oh, para kang matanda na kung magtampo at mag-isip. Talaga ba 13 taon ka lang?” tanong ni papa at muling tumawa.Karaniwan na sa ‘kin marinig kay papa at sa ibang tao na para ba matanda ako kung mag-isip. Sa edad kong 13 taon ay marunong na ako sa mga gawaing bahay dahil ayaw ko kay papa lahat umasa.
Hindi ko tinugon si papa kaya nagpatuloy ito sa pagsasalita at kuwento tungkol sa trabaho nang may mapansin ako sa ‘king paanan na isang larawan. Inabot ko kaagad ang larawan upang titigan, namangha ako sa hitsura ng batang lalaki na marahil matanda lamang ako ng ilang taon.
“Siya ang anak ni madam, si Gunther,” ani papa.
Nakatingin pa rin ako sa larawan na para bang nahipnotismo. “Tunay ba ang mga mata niya?” tanong ko. Namamangha ako sa wangis ng bata lalo na sa mga mata nito na parang berdeng kristal ang kulay.
“Tunay ‘yan. Alam mo naman hindi purong Pinoy ang lahi ng mga Frouch,” sagot ni papa.
“Ano nga ulit pangalan niya papa?”
“Gunther.”
“Pangalan pala ‘yun,” natatawa ‘ko sabi.
“Kakaibang mag-isip si madam, kaya pati pangalan ng anak kakaiba,” ani papa. “Matanda ka lang ng tatlong taon sa kanya,” dagdag pa niya na para bang nanunudyo.
“Papa talaga, bata pa ‘ko.” Tinalikuran ko si papa at binaling ang tingin sa labas.
‘Di namin inakala na maiipit kami sa trapik na malapit sa isang unibersidad dahil sa isang riot ng mga mag-aaral sa ‘di kalayuan. Kita ko ang basagan ng mukha ng dalawang mag-aaral na talaga nagpakaba sa ‘king dibdib. Pero si papa ay abala dahil may kausap sa cellphone at hindi alintana ang mga nag-aaway.
Kapansin-pansin ang galing ng matangkad na estudyante sa pakikipagsuntukan. Ilang beses lamang ‘to natamaan ng kalaban. Hindi lamang suntok ang kinagaling nito kun’di pati ang pag-iwas sa pag-atake ng kalaban.
Naawat naman ang riot ngunit napako ang aking tingin sa matangkad na lalaki. Mukha ‘tong foreigner dahil sa blonde na buhok na marahil kinukulayan lamang. May babae naka-uniporme ang lumapit dito at yumakap, siguro ay nobya niya ‘to.
Padaan sila sa may gawi ng sasakyan at nagulat ako nang huminto ang lalaki sa tapat ng bintana upang manalamin. Napagmasdan ko mabuti ang guwapo mukha nito at ang asul na mga mata na bahagya pa napa-awang ang aking bibig. Para ako nakakita ng prince charming tulad ng mga nababasa ko sa mga fairy tales.
“Tapos na pala ang bakbakan, makakaalis na rin tayo sa lugar na ‘to.” Basag ni papa sa ‘king pagpapantasya.
Bigla ako lumingon kay papa na muli binuhay ang makina ng sasakyan. Ibinalik ko ang tingin sa gawi ng guwapo lalaki na nanalamin kanina ngunit wala na ‘to. Iginala ko ang aking mga mata ngunit hindi ko na mahagilap pa ito.
“Ano ba tinitignan mo d’yan?” tanong ni papa.
“Wala po.” At itinuon na lang ang aking pansin sa dinadaanan ng sasakyan dahil lumuwang na ang kalsada. Ngunit sa isang sulok ng aking isipan ay naiisip ang lalaki kanina. Sana ay muli kaming magkita nito.
Hestia Metro Manila“Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?” tanong ni Lucy.Kakatapos ko lamang na ayusin ang mga gamit sa tatlong may kalakihang bag, “Oo, ito na lang nakikita ko paraan para makatulong kay Tita Cess.”Tinulungan ako ni Lucy na ibaba ang mga dalang gamit at pagdating sa sala ay may kumatok sa pintuan.“Sino ‘yan?” tanong ni Lucy na lumapit sa pinto.“Ako ‘to, si Cess!” boses ni Tita Cess ang narinig namin.Binuksan kaagad ni Lucy ang pintuan upang makapasok si tita, “Sobrang aga niyo naman Tita Cess, madalang araw pa lang.”“Sinadya ko talaga na maaga makapunta rito dahil nag-aalala ako na hindi madatnan si Hestia,” tugon ni tita.“Maupo po kayo, tita. Tama lang naman ang oras ng pagpunta niyo at huwag niyo ng pansinin si Lucy,” wika ko. Nais ko talagang makasama si Tita Cess bago sumama kay Mr. Batobalani.Nag-usap kami ni tita tungkol sa perang kakailanganin ni Cara upang maituloy na ang kanyang operasyon at gamutan. Nang makuha ang detalya ng bank account ni ti
Theo Metro ManilaDahil walang magawa sa hapon kaya nagpasya ako mag-swimming. Tumalon ako sa swimming pool upang lumangoy papunta sa kabila at pabalik. Nang pag-ahon ko ay nasa harapan ko na si Samara at hindi maipinta ang mukha, “What?”“You need to see this,” tugon nito na hawak ang isang envelope.Lumapit ako sa sunlounger upang kunin ang tuwalya at ibinalot sa aking baywang bago muling harapin ito, “What is that?”Iniabot sa akin ni Samara ang envelope at binuksan ito. Laking gulat na lamang nang mabasa ang unang pahina ng papel na nakapaloob dito.“Kahit ako ay nagulat,” wika ni Samara sabay upo sa kabilang sunlounger, “Sino nga ba ang mag-aakalang siya ang nag-iisang anak ni Raul.”Sa pagbanggit ni Samara sa pangalan ni Raul ay muling nabuhay ang galit sa aking puso. Alam ko matagal ng patay ang lalaki at ako mismo ang kumitil sa buhay nito. Naupo ako kasabay ng paglukot sa papel at envelope, napapikit ang mga mata dahil hindi makapaniwala sa nalaman.“Anong balak mo ngayon? W
TheoMetro Manila “Theo?!” gulat na salubong sa aking ni Betchay. Hindi nito inasahan na magkikita kami muli.“Ako nga,” nakangiti ko tugon sabay abot ng kaniyang mga kamay.Mangiyak-iyak itong pinagpipisil ang aking mga palad dahil sa magkakahalong emosyong nararamdaman, “Akala ko ay hindi na tayo magkikita.”“Hindi puwedeng mangyari ‘yon. Si Nitoy nga pala?”“Mamayang hapon pa darating ‘yon dahil inutusan ko siya magtungo sa supplier upang kunin ang mga orders ko pampaganda,” nakangiting wika ni Betchay, “Halika sa opisina ko at para makapagkuwentuhan tayo ng masinsinan.”Hawak ni Betchay ang kaliwang kamay ko at hinayaan siyang dalhin ako sa sinabing lugar.“Stay outside,” utos ko kay Felix.“Puwede naman siyang pumasok sa opisina,” wika ni Betchay.“Ayos lang siya maghintay sa labas,” tugon ko at isinara ang pintuan ng opisina ni Betchay. “Umaasenso ka, ang laki ng salon na ito.”“Jusko! Kung alam mo lang,” sambit ni Betchay na itinirik pa ang mga mata, “Maupo ka nga muna.”Naupo
HestiaMetro manila“Tita, ano po ba ang dahilan ng pagparito niyo?” tanong ko nang mapansin kalmado na si Tita Cess.Magkatabi kami sa mahabang upuan ni tita at bumaling ito ng tingin sa akin, “A-ang pinsan mo.”“Ano po ang nangyari kay Cara?” nagtataka ko tanong. Lumapit naman sa amin si Lucy upang makiusyoso.“Dinugo na naman siya at sinugod ko ulit sa hospital,” naiiyak na tugon ni Tita Cess.Hinawakan ko ang isang kamay ni Tita Cess upang damayan ito, “Ano po ang sabi ng doctor?”“May tumubong myoma sa pinsan mo at kailangan maoperahan siya. Wala akong pagkukuhanan ng pera kaya nagtungo rito dahil nagbabakasakali matulungan mo ako,” paliwanag ni tita.“Aba! Ang hirap ng ganiyan at baka hindi na kayo magkaapo,” sabat ni Lucy sa usapan.Umiling si Tita Cess, “Wala kaso sa akin kahit hindi na ako magkaapo kay Cara. Ang mahalaga sa akin ay ang gumaling siya.”“Ano po ba ang sabi ni Jason?” tanong ko.“Wala, hindi na nagpakita pa ang lalaking ‘yon simula nang lumabas si Cara sa hospit
HestiaMetro Manila“Ayos ka lang?’ tanong ni Lucy sa akin nang magkita kami sa labas ng building.Umiling ako dahil hangga ngayon ay iniisip ko pa rin ang naging interview ko kanina. Pakiramdam ko ay hindi ko nasagot ng maayos ang mga tanong. Isa pa bumabagabag sa akin ay ang tungkol sa hindi ko pagpasok sa isang unibersidad. Marahil kung buhay lang si papa ay nakapag-aral sana ako sa isang magandang paaralan tulad dati.“Hoy!” tawag pansin sa akin ni Lucy, “Huwag mo ng isipin ‘yon, baka hindi para dito ang kagandahan natin.”Ngumiti ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Lucy, “Uwi na tayo?”“Mamaya na, pahinga muna tayo at mag-picture taking,” tugon ni Lucy na kinuha sa bulsa ang cellphone upang mag-selfie, “Lapit ka pa sa akin.”May katagalan na rin kami sa harapan ng building at dinig ko nagbubulungan ang mga nakasabay namin sa interview. Nagtataka ang mga ito na wala pa natatawag ni isa sa amin para sa final interview. Ang karamihan sa kanila ay mukhang may kaya sa buhay dahil sa
TheoMakatiInilapag ni Wilson na siyang Executive Assistant ko sa Frouch INC. ang mga files ng mga applikanteng nagsumite ng kanilang mga portfolio.Habang tinitignan isa-isa ang mga files ay napapakunot ang aking noo, “Is this all?”Umayos ng tindig si Wilson bago sumagot, “Yes, sir. It seems that you are dissatisfied with the selections.”Inilapag ko sa mesa ang mga hawak na papel at sumandal sa swivel chair. Tumingin ako kay Wilson mula ulo hangga paa, “Are you the one who selected them?”“No, sir. It was the HR department,” mabilis na tugon ni Wilson.“Leave me,” wika ko sabay senyas sa kanya na umalis sa harapan ko.Pagkaalis ni Wilson ay muli ko tinignan ang mga files at para ba ‘di mapakali. Bumaling ako ng tingin kay Felix na nagbabasa ng magazine sa gilid ng opisina, “Ehem…”Napatingin sa akin si Felix at tumayo upang lumapit, “You need something?”“Yes,” tugon ko sabay tayo, “let’s go back to the mansion.”Lumabas na kami ng opisina at naglakad sa hallway. Habang naglalakad