Share

2. STRANGER

East State University 2013

Theo POV

I don’t have plan to go home early dahil sigurado sermon aabutin ko kay Maymay kapag nakita ang mukha ko may pasa. Namamaga pa rin ang gilid ng labi ko natamaan ng suntok ni Ryan kanina dahil ‘di ko inaasahan na susugurin ako ng gago sa labas ng university. Ang tulad niya ay hindi kayang makipagbasagan ng ulo sa loob ng university sa takot na masipa, kaya inabangan na lang ako sa labas.

I smacked his head during the basketball tryout, I was upset sa kayabangan nilang magkakaibigan kaya ginawa ko ‘yon. I don’t care if they kicked me out dahil may ibang sports pa naman ako puwedeng salihan. Pinagbigyan ko lamang si Jena sa request nitong pumasok ako as varsity player sa basketball. I love Taekwondo or Judo dahil doon ako mas magaling at bihasa, nagsimula ang pagkahilig ko sa iba’t ibang uri ng Martial Arts since I was 8.

Going back to Ryan, he planned that ambush outside the university. Hindi lang sa basketball ang pinagpuputok ng butsi niya kun’di dahil na rin sa ‘di matanggap na mas pinili ako ni Jena over him.

‘That poor little mutt.’

Jena is not my type but she’s good in bed. Here I am now sa maliit na bar ni Leah, my other girlfriend. Better to stay here for a while with some free beers.

“Hey, Theo Basagulero!”

Annoying jerk, that’s Gerson the son of a bitch.

“What’s up Gerson? Still looking for trouble?” I asked with a smirked.

Gerson raised his two hands as a sign that he came for peace. He knows well that I can give him a fight anywhere and any time. Gerson is the son of Cong. Abuente, he wants to hire me to be his bodyguard but Maymay refused because I was still underage and she wanted me to finish my studies and acquire a better career.

“Where are your bodyguards?” I asked.

“I left them somewhere, alam mo na. Ayaw ko na para ba may aso na sunod nang sunod sa ‘kin.”

“What brought you here? The exclusive bar for rich people are just few steps away.”

Gerson chuckled.

“Hindi ka pa rin nagbabago. Wala ba kami karapatan mga mayayaman na makihalubilo sa katulad niyo dukha?”

Parang nagpantig ang tainga ko sa mga binitawang salita ni Gerson kaya nakuyom ko na lang ang aking kamao. Alam ko nasa tabi-tabi lang mga tauhan nito at nakakalat, ayaw ko magkaroon ulit ng gulo sa bar ni Leah tulad ng nangyari nang nakaraang araw.

“You should ask a poor person like me if we want to be with a rich person like you.” Sabay tayo mula sa kinauupuan ko upang lapitan si Gerson at amuyin ang mamahaling shirt nito at saka kinati ang ilong ko. “I feel like allergic.”

Hindi ko na hinintay pa magsalita ito at humakbang na ako papalayo bago ko pa siya masapak.

“Theo Basagulero! My offer still open just in case you change your mind,” pahabol na lang na sabi ni Gerson.

While walking somewhere I just looked at my Swatch X Omega wrist watch and it was exactly 10pm. I'm sure Maymay is worried with me, but I smiled as I looked at my watch because it was the last gift she gave me before everything was ruined. A year ago, Maymay cosmetic business declared bankruptcy and we moved in a squatter area.

Masyado nagtiwala si Maymay sa isa niyang tauhan na kaniya ring naging karelasyon kaya ang ending, niloko siya nito. Kung nalaman ko lamang ng maaga na may relasyon ang dalawa ay nakagawa ako ng paraan upang masira ang kanilang relasyon, ‘cause I’ve seen that jerk many times dating different women. Wala sa akong kamalay-malay na nilalandi rin niya si Mamay.

‘May araw din sa ‘kin ang lalaki ‘yon.’

I made promise to myself na babawian ko ang taong nanloko at nagpaiyak kay Maymay. But wait, mukha sinuswerte. Ang lalaki hinahanap ko na nanloko kay Maymay nasa may ‘di kalayuan at nakikipaglampungan, there you are Royce Aguilar. Kasama ang isang babaeng may edad na at halatang mayaman, marahil ay isa sa mga biktima nito na papaasahin sa isang pagmamahal at iiwan din matapos makuha ang kayamanan nito.

I followed them. Kukuha ako ng tiyempo para gantihan ang lalaki na mukhang namumuhay ng may layaw mula sa perang nakulimbat sa kumpanya ni Maymay. ‘Di ko man mabawi ang pera ninakaw niya pero sapat na ang madurog ang pagmumukha ng animal. Dumeretso ito sa likod ng parking lot ng isang exclusive bar kasama ang babae habang naglalampungan. Talaga nga naman buhay mayaman ang loko. I spot his sport car na niregalo ni Maymay sa kaniya at mabilis na ‘ko naglakad upang sunggaban sana siya.

But suddenly a noise stopped me. I looked around and saw a helpless man near a luxuries car na pinagtutulungan bugbugin ng tatlong lalaki. I’m a bit confused if I help the man or grab my revenge.

‘Damn it!’

I guess my conscience pushed me to help him. Nagmadali ako lumapit sa kanila and I immediately kicked the chest of the guy who holding the right hand of the man. Nagulat silang lahat sa pagsulpot ko dahil hindi nila inaasahang makikisali sa gulo, mabilis ko pinatikim ng mga suntok sa panga ang isa sa kanila na may mahabang buhok. I have heavy punch kahit may kapayatan pa ang katawan ko, mabuti ang ganito upang maging maliksi at ayaw ko rin na tumaba. But to my surprised ang pangtatlo sa kanila na halos kasing tangkad ko ay sinunggaban ako sa likod upang sakalin gamit ang kanang braso. Nahihirapan ako makahinga ngunit walang balak na lubayan ng suntok ang lalaking may mahabang buhok habang hawak ang collar nito, hanggang sa mawalan siya ng malay at saka ko lamang binitawan na humandusay sa sahig.

Now I’m trying to tapped hard the arm of the man na sumasakal sa akin ngunit lalo nitong hinigpitan hanggang sa maramdaman ko ang biglang panghihina nito at lumuwag ang brasong sumasakal sa akin. Sinamantala ko ang pagkakataon na maalis ang braso niya at bigla na lamang siyang bumulagta. Then I saw the man that I’m trying to help na may hawak na stainless trash bin na ginamit sa paghampas sa lalaking sumasakal sa akin.

Habol ang hininga ko na hawak ang leeg, pinagmasdan ang tinulungan na lalaki na napasandal sa isang itim na sasakyan at binitiwan ang hawak na trash bin. Sa ‘di kalayuan naman ay nakahandusay na rin ang lalaking sinipa ko kanina ng makalapit sa kanila, marahil na gulpi na siya ni rich boy. Sa aking isipan ay rich boy ang tawag ko sa lalaking tinulungan dahil mukha namang mayaman ito.

“Ayos ka lang?” I asked the man who is confirmed drunk as I smelled the liquor from his breath nang lapitan ko ito.

“Foreigner nagtatagalog.” He smirked.

Hindi na nakakagulat na lagi ako mapagkamalang foreigner dahil sa asul na mga mata at blonde na buhok.

Suddenly some men came to assist him, marahil mga tauhan niya mga ‘to.

“Tumulong lang ako.” Sabay atras papalayo.

“No, no. Come here,” wika ni rich boy.

Ngayon ko lang naaninag ng maayos ang mukha nito. May hitsura siya at tulad ko na marahil hindi purong Pinoy. Sa palagay ko ay mula siya sa isang kilalang pamilya dahil may mga bodyguard ito.

“What is your name?” he asked.

“Theo.”

Dinukot ng lalaki ang wallet sa kaniyang bulsa at naglabas ng pera.

“Here, take this.” Sabay abot sa ‘kin.

“No. I don’t need money.” Pagtanggi ko.

“Then, what do you need?”

“Nothing. Hindi naman kailangan may kapalit kapag tumulong ka.”

The man chuckled and took a small card from his wallet.

“Okay. Just in case you need something in return, call me.”

He handed me the card while one of his men called someone from phone and then, they leave the place like nothing happened. The area is too quiet and I remembered Royce, nawala ang chance ko makapaghiganti sa taong ‘yon.

I decided to leave the place too. Iniwan ko ang tatlong tulog na lalaki gumawa ng gulo kanina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status