공유

Tainted Hearts 12

"See you in the classroom," he gave me a loud kiss on the lips before letting me leave his car.

We're touching and kissing inside and outside the school ground. We are practically breaking the rules and my dreams is on the edge, but I set aside the reasons and let myself be with him. Dito sa loob, hanggang tinginan lang kami. Minsan kapag may pagkakataon, nagkikita kami sa tago na lugar.

Bibilang lang ng ilang minuto pagkapasok ko sa classroom, siya naman ang dumating. Naghihiwalay kami sa parking lot. Magpapalipas siya roon ng ilang minuto para hindi kami magkasabay. We thought that with that, no one will suspect us.

"Everyone, keep your gadgets and check the lesson sixty nine on your textbook!"

"Laptop na lang, Sir—"

"No. I forbid using gadgets in my class," he said with finality. "Now, it's either get your textbook or get out."

Gaya ng lahat, nakalabi akong sumunod sa istriktong mando niya. Pagkaharap ko sa harapan, napangiti ako sa pagkindat niya nang magtama ang tingin namin. Itinakip ko ang hawak na libro sa mukha dahil hindi ko mapigilang mangiti.

Mariin ang pagkagat ko sa ibabang labi nang muling ibinaba ang libro para silipin siya. Nakangisi siya't pinaglalaruan ang labi niya. May ingat niyang iginalaw ang ulo niya para ituro ang pinto. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa senyas niyang gusto niya akong lumabas.

"What?" I mouthed.

"Out," he mouthed too.

Tumikhim ako at walang ingay na isinara ang hawak na libro. Inayos ko ang buhok ko at nilingon ang mga kaklase na abala sa pagbabasa. Tumayo ako at lumapit sa lamesa niya. Magkahinang ang mga mata namin habang naglalakad ako. Tumigil ako sa kanyang harapan.

"May I go out, Sir?" I asked while biting my lower lip.

"Where to?" His eyes darkened.

"Bathroom, Sir."

He faked a cough. "Okay. Just hurry back."

Lumabas ako at nang walang makitang tao sa paligid, pumasok ako sa office niya. As soon as I entered the room, the door behind me flew open again immediately.

Without warning, he quickly pulled my head for a deep kiss. He groaned when I kissed him back. Kusang pumaikot ang mga braso ko sa leeg niya. Habang hinahalikan, itinulak niya ako pasandal sa pader at isa-isang tinatanggal ng kanyang isang kamay ang mga butones ng blouse ko. I let him and continued kissing him.

"Part your lips properly," his wish is my command. I straightly parted my lips, just enough for him to slip his tongue inside.

Salitan ang s****p namin sa labi ng isa't isa. Just like the first time, his lips are always wet, warm, and soft. Para akong ngumunguya ng marshmallows na hindi natutunaw. Parang pagkain na hindi nakakabusog at patuloy kong pinapanabikang kainin.

Malakas akong suminghap para kumuha ng hangin pagkabitaw ng halik niya sa labi ko. Bumaba ang mukha niya. Napunta sa aking panga ang basang labi niya. Pababa pa sa aking leeg. His lips traveled quickly from my mouth to my neck. He licked and gently bit the skin on the side of my neck.

"Lennox, don't leave marks. I still have classes," paos na paalala ko.

Minsan kasi'y nadadala siya at napapadiin ang pagkagat o pagsipsip. Nagkakamarka iyon at matagal nawawala. Ayos lang kung sa parte na nakatago. Kung sa leeg ko, mahirap tabunan kahit pa ng scarf uniform. At sa bahay, mahihirapan akong itago.

"Hmm...right," he answered me with a groan then he kissed down the valley of my breast.

Natanggal na niya ang butones sa parte ng dibdib ko at naibaba na rin niya ang lace bra na suot ko. Magkapanabay ang pagdaing at pagpikit ko nang maramdaman ang pagsubo niya sa tuktok ng dibdib ko. Sisipsipin niya't kakagatin at pagkatapos ay hihilahin niya iyon gamit ang ngipin. Salitan niyang pinaglaruan. Bawat bitaw niya sa isa'y kabila naman ang sasalo no'n. Nakayuko ako't patuloy na nasasaksihan ang ginagawa niya roon.

"Lennox..." Kinagat ko ang ibabang labi ko habang napapasabunot sa buhok niya.

Nang tigilan niya ang dibdib ko, namumula na iyon at bahagyang namamaga. Mayroon ding bakat ng mga kagat niya. Pagka-angat niya ng mukha'y tiningnan niya ako. Pareho kami na halos pumikit na dahil sa pamumungay ng mga mata. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko, ang aking noo, at muli sa aking labi. Malalim iyon, mapaghanap, at gutom. Ilang salitang laway pa at saka siya tumigil. Ibinaon niya ang mukha sa leeg ko. Humihinga ng malalim at nagpipigil.

"I fucking want to kiss you forever," he cursed in frustration.

"Lennox—"

"Don't. Don't move and talk for five minutes to calm me down. No. I just need two minutes. Just two minutes."

Hindi kami puwedeng magtagal dahil nasa gitna siya ng klase. Inayos niya ang pagkakasara ng uniform ko at inayos ang buhok ko. Alam kong hindi pa siya ganap na kalmado pero inayusan na niya ako. Humabol pa siya ng huling maikling halik bago lumabas.

Kalaunan, bumalik ako sa kuwarto. Tapos nang magbasa ang iba. Ang ilan ay napatingin sa pagpasok ko. Wala si Lennox. Siguro'y nasa banyo siya o kung saan para ipagpatuloy ang pagpapakalma sa sarili. Huminga ako ng malalim pagkaupo ko sa aking sariling upuan.

"Tapos na tayo pero hindi pa bumabalik! Baka nakipagkita sa girlfriend!"

Napatingin ako sa grupo nina Abigail na malapit sa akin. Malakas silang nag-uusap usap.

"Wala namang girlfriend iyon!" Umirap si Abigail at tiningnan ng masama ang kaibigan niya.

"Who knows? If he doesn't have a girlfriend, he might want someone else that's why he's ignoring you!"

"Why do you like him, anyway? He's handsome but he's our professor," her friend number two asked. "In case he likes you too and becomes your boyfriend, aren't you afraid of being caught?"

Napangisi si Abigail. Kinagat ko ang labi ko nang mapagtanto na si Lennox ang pinag-uusapan nila.

"Not even a bit. Instead of being afraid, I was more thrilled."

"Are you thrilled even if liking him means getting expelled?"

Ngumisi ng malaki si Abigail.

"You know that my father can handle that."

Sabay-sabay silang nagsitanguan. Mukhang ma-impluwensya ang ama ni Abigail dahilan para mapa-sang ayon sila. Napatigil sa pagtango ang isa, natigil din sa kanya ang mata ko.

"I'm possibly wrong, but this is what I hear. Ang narinig ko'y may ka-live in daw si Sir!"

Nagkumpulan sila at interesado sa sinabi nang isa sa kanila.

"Who told you about that? He's so private that we don't even know his family name!"

Naging interesado rin ako sa pinag-uusapan nila. Nakalapat ang ballpen ko sa malinis na papel at kunwari'y nagsusulat. Nags-scribble lang ako ng kung anu-ano.

"I heard my parents talking about him and..." She paused.

"And?" Kuryusong kuryuso si Abigail. "Stop beating around the bush! Just tell us quickly!"

"And nalaman nila na nagtuturo siya rito. Kilala nila kasi nabanggit nila ang pangalan. Isa lang naman ang may pangalan na Lennox na nagtuturo rito—"

"Ano'ng pangalan ang sinabi? Ano ang surname?"

Natahimik sandali ang kaibigan ni Abigail. Parang nag-isip pero sa huli nagbuntonghininga lang.

"Nakalimutan ko! Mahaba kasi...aw!" Hinampas siya ng libro sa ulo ng isang kaibigan nila.

"Mayaman ka nga, bobo ka naman! Dapat tinandaan mo! S-stalk sana natin sa internet!"

"Eh, nakalimutan ko nga! Kasi tumigil sila sa pag-uusap nang makita ako...pero..." bitin ulit nito sa salita.

Yumuko siya. Isa isa na lumapit ulit ang mga kaibigan niya para makinig. Nagkumpulan ulit sila. Pati ako'y nahinto sa pag-scribble.

"Narinig ko sa parents ko na galit si Sir Lennox sa tatay niya..."

"Sa tatay niya? Ang mama niya nasaan?"

Umasim ang mukha nang nagkukwento "Hindi nabanggit!"

Umirap silang lahat at nagsilayuan ulit. Lumapit lang sila ulit nang yumuko ulit ang kaibigan nila hudyat na mayroon ulit sasabihin.

"Hindi ko alam kung nasaan ang mama niya pero narinig ko ang pangalan ng babae na ka-live in niya!"

"Ano ang pangalan?" Sabay-sabay na tanong nila.

"Addisson! Ang pangalan ng ka-live in niya ay Addisson!"

Mayroon pang kasunod ngunit nabitin iyon at tila kisap matang naghiwa-hiwalay sila nang makita na pumasok si Lennox. Nakangisi siya habang inaayos ang kuwelyo ng kanyang damit.

Matapos ko siyang suriin, nagyuko ako ng ulo. Tiningnan ko ang papel kung saan nakalapat ang dulo ng hawak kong ballpen. Malapit nang mabutas iyon dahil sa madiin na paglapat ko.

May ka-live in siya? Totoo ba iyon? Addisson? Parang...narinig ko na ang pangalang iyon. Inisip kong mabuti kung saan. Pagkaraa'y umiling ako't binitawan ang hawak na ballpen.

Sa akin siya nag-pasko at bagong taon. Sa bahay siya natulog no'n. Kung may ka-live in siya, bakit sa akin siya uuwi sa ganoon kahalagang okasyon? Bukod doon ay halos araw-araw siyang nasa bahay. Hindi ako mapakali at nanahan sa utak ko ang mga pinag-usapan nila. Kahit hindi ako sigurado'y hindi iyon mawala sa isipan ko.

Ngumiti ako at pilit inalis sa utak ko ang mga narinig. Nakatitig sa akin si Lennox nang mapunta sa kanya ang aking tingin. Umupo siya at prente na sumandal sa sandalan ng upuan. Malaking nakabuka ang mga paa niya. Nakatingin siya sa akin habang pinaglalaruan sa isang kamay niya ang ballpen na palagi niyang dala-dala.

Pilitin ko man, hindi na talaga naalis sa kukote ko ang mga pinag-usapan nila Abigail. Hanggang sa maihatid niya ako, iyon ang nasa isip ko. Wala sa sarili na binuksan ko ang pintuan ng sasakyan niya. Papasok na sana ako sa gate, naibalik lang ang tingin ko nang marinig ang pagbaba niya sa sasakyan.

"Hindi ka pa uuwi?" Nagtatakang tanong ko.

Ang kamay ko'y nakahawak na sa rehas ng gate para buksan. Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya. Ngumiti ako nang nagtagal ang titig niya. Binuksan ko ang gate at hinarap siya.

"Gusto mong pumasok?" Alok ko sa bahay.

Marahan siyang tumango at naglakad palapit. Bago pa ako makahakbang patungo sa pintuan ng bahay, nahila na niya ako sa bewang mula sa likuran.

"I missed you," pabulong na aniya.

Natawa ako at inalis ang kamay niyang nakapulupot sa akin para maharap ko siya. Nagkatinginan kami.

"Magkasama tayo buong araw at gabi!" Humagikgik ako.

Naging bahaw ang tawa ko nang mapunang seryoso lang siyang nakatingin.

"You're not with me minutes ago. Ang tahimik mo. Parang wala akong kasama sa sasakyan."

Natahimik ako pero kaagad ding binawi ang sarili. Nginitian ko siya. Siguro nga mali lang ang narinig nila Abigail. Hindi siya magiging ganito sa akin kung may iba siya.

"Inaantok kasi ako," pagsisinungaling ko sabay nguso.

Pinanliitan niya ako ng mata at tinawanan. Umiling siya at hinila ako para mayakap. Mukhang kumbinsido naman siya sa dahilan ko lalo pa't nagkunwari rin akong humihikab kanina sa sasakyan.

"My sleepyhead." He teased. I giggled when he bit my ear. "Go inside. I'm leaving now so you can rest."

"Okay!"

Nakangiti ako na tumalikod. Napabalik ako nang hilahin niya ulit ang kamay ko paharap at pagsalubungin ng mariin ang mga labi namin.

"Never forget my goodnight kiss." He chuckled.

Binitiwan niya ako at sinenyasan na pumasok na ako sa loob. Umiling ako at itinuro naman ang sasakyan niya para papasukin muna siya. Tumawa siya at hinila ako papasok sa gate, siya na rin ang nagsara no'n.

"Mauna ka na. Aalis ako pagkapasok mo."

Nakalabi akong naglakad papunta sa pinto. Tahimik ang bahay at maliit na ilaw lang ang nakabukas sa sala. Humarap ako sa kanya na nasa gate pa. Pagkabukas ko sa door knob ng pintuan, kumaway ako sa kanya. Tumango naman siya't naglakad na pabalik sa sasakyan niya.

Kasabay sa pagsara ko sa pinto ang pag-andar paalis ng sasakyan niya. Nanatili ako sa pinto. Tumalikod ako at sumandal doon. Pumikit ako. Ipinatong ko ang kamay sa aking dibdib para pakiramdaman ang puso ko.

Hindi ko alam kung tama pa ba ang mga ginagawa ko dahil unang beses pa lang ako na nakaramdam ng ganito. Alam ng utak kong mali ngunit pakiramdam ng puso kong tama. Wala akong matinong makuhang sagot dahil magkasalungat sila.

"What do I do?"

Bumalik ang tanong sa isip ko kung bakit ako ang una na nilapitan niya. Na baka natapat lang na na-attract din siya sa akin sa unang kita pa lang. O na maaaring may iba siyang dahilan. At napapahiling na lang ako na sana'y kapag nalaman ko ang dahilan niya kung mayroon man, walang magbago sa aming dalawa.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status