Share

Tainted Hearts 13

Hindi ako tuluyang bumaba nang matanaw si Lennox na kausap si Mena at Rico sa sala. Naririnig ko sa kusina sina Mama at Along na nagluluto. Nakasundo niya ang mga kapatid ko dahil sa araw-araw na paghatid-sundo niya sa akin sa bahay. Kahit walang pasok, nandito siya. Mayroon pa siyang dalang mga pagkain o laruan at ni minsa'y hindi nagpunta sa bahay na walang bitbit.

"It should be placed here because it's his hand."

"It's the foot," si Rico.

"No, I'm telling you it's the hand."

"It's the foot," pilit ng kapatid ko.

Nagtatalo sila. Tumawa si Lennox. Itinuro niya kay Rico kung nasaan ang mga paa na ikakabit nila. Sa huli, natawa ulit si Lennox dahil si Rico ang tama. Matalino si Rico. Mabagal nga lang niyang matutunan ang mga bagay-bagay. Hindi ko siya napag-aral sa eskuwelahan ng mga kagaya niyang may special na kalagayan. Masyadong mahal ang bayad nang magtanong ako noon kaya't ako lang ang nagt-tiyaga na magturo sa kanya sa tuwing may oras ako.

"Smart boy!" Lennox lightly patted Rico's head. Rico didn't look at him and just continued fixing the toy.

Nanatili ako sa itaas at pinagmamasdan siya. Binubuo nila ni Rico ang laruan na dinala niya at si Mena nama'y kumakain sa gilid at pinapanood sila. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa mga narinig ko pero kung gagawin ko iyon, dapat alam ko muna ang lugar ko.

Ngayon ko napagtanto na pagkatapos kong sabihin sa kanya na gusto ko rin siya'y wala kaming naging pormal na pag-uusap. Walang malinaw na pag-uusap. Pareho naming gusto ang isa't isa. Mutual ang nararamdaman namin. Pero hanggang doon lang.

Napatayo siya nang matanaw ako na nakatayo sa dulo ng hagdan. Nilakihan ko ang pagkakangiti para hindi niya malaman na kanina ko pa siya pinagmamasdan. Lumapit siya at hinintay ako sa kabilang dulo habang naglalakad ako pababa.

"Kanina ka pa?" Sabi ko. "Hindi mo ako pinagising kay mama?"

Seryoso ang mga mata niya. Tumigil ako sa huling baitang para magpantay kami. Kaya lang, mas mataas pa rin siya kahit nakatungtong ako sa mataas na baitang. Humalik siya sa gilid ng labi ko at saka inabot ang hawak ko na bag.

"Ayos lang. Nalibang naman ako sa mga bata habang hinihintay ka."

Nagpaalam ako kay mama at sa mga kapatid ko bago sumunod sa kanya palabas. Nasa loob na siya ng sasakyan at nakabukas ang pinto sa front seat kung saan ako palaging nakaupo. Inikot ko ang tingin sa loob ng sasakyan niya pagkapasok.

"Bago?"

Tumango siya. Sinimulan niyang paandarin ang sasakyan.

"I will teach you to drive. It is smaller and easier to maneuver."

Napalabi ako habang isinusuot ang seatbelt.

"Bakit kailangan pa bumili ng bago?"

"It is the same size as your car. Isa pa, marami na ang nakasakay sa mga sasakyan ko. Dito, ikaw lang."

Nakatingin ako sa kanya habang seryoso siyang nagmamaneho. Ano ba ang ginagawa namin? Wala pa kaming napag-uusapan tungkol sa amin pero kung kumilos kami'y tila kami magka-relasyon. Sinabi niya na gusto niya ako at ganoon din ako. Sapat na ba iyon para gawin namin ang mga bagay na ginagawa ng mga tao na mayroong relasyon?

Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko pagkarating sa paaralan. Hinila niya ang braso ko at hinawakan ako sa aking leeg upang mailapit ang mukha ko sa kanya. Maaga niya akong sinusundo sa bahay dahil ganito kami ng ilang minuto sa sasakyan niya.

Lennox groaned the moment our lips touched. He kissed my lips like he was savoring his favorite dessert. Just one kiss and I'm hooked. I got excited and suddenly forgot what I was worried about. I closed my eyes and quickly responded to his kiss.

He kisses me intimately, showing me how experienced he is. At first, I was so overwhelm and didn't know how should I return his kisses. He's good in kissing and I'm not experienced. Kalaunan, nasanay na lamang ako dahil naging madalas namin ito na ginagawa.

I clung my arms around his neck then pulled him more closer to me. I stroke his hair with my fingers while kissing him like how I always did. He growled as my tongue brushed his. He then sucked my tongue and bit it gently.

"Hmm...you are good. I can't believe you are dominating me in kissing now," he chuckled then used his right hand to unbuckle my seatbelt.

Mabilis niya akong nahila at nailagay sa kandungan niya. Pagkasaklalay ko sa kanya'y nadagdagan ang intensidad ng halik niya. Mainit at lasang mint ang kanyang bibig. Tila ba nakikipagpaligsahan siya. Aniya'y gumaling akong humalik kaya ngayon ay mas ginagalingan niya pa.

"Oh!" Napapitlag ako sa naramdamang tumusok sa akin na matigas na bagay.

"Xena..." Napunta sa aking leeg ang halik niya nang tumingala ako. Inangat niya ang suot ko na dress at ginabayan ang balakang ko sa paggalaw padiin sa kanya.

Hindi ko suot ang uniporme ko pagpasok. Iniiwan ko 'yon sa locker simula nang naging ganito ang routine namin. Madiin niya akong hinawakan sa bewang. Pagkaraa'y tumigil siya at niyakap ako. Mabilis ang paghinga niya habang pinapakalma ang sarili.

"Go inside. I'll just calm myself down."

Tumango ako at umalis sa ibabaw niya para makapagbihis na rin ng uniporme. Ilang minuto pa bago ang klase niya kaya't nasa kuwarto lang ako at naghihintay. Umasa akong ilang minuto lang ay papasok na siya. Kaya naman nagtaka ako nang magtagal at hindi siya dumating.

"Nasa labas si Sir! May kausap na babae!"

Napatingin ako sa grupo nila Abigail nang nagmamadali na pumasok ang isa sa mga kaibigan niya at malakas na ibinulong iyon sa mga kaibigan.

"Babae? Sino?"

"Hindi ko kilala ang mukha! Baka 'yong ka-live in niya?"

Kinabahan ako at nanikip ang dibdib sa narinig. Tumayo ako at hindi na pinakinggan ang pinag-uusapan nila. Hinanap ko kung saang parte sa paaralan siya nandoon.

"What's your plan? Bakit papaabutin mo pa yata ng isang taon?"

Nasa pinto ako ng parking lot, nasa gilid at hindi na lumabas dahil naririnig ko na sila mula rito. Sumilip ako ng kaonti at nakita ang kaparehong babae na kausap niya sa restaurant noon.

"Leave! I told you not to come here!" Nakasandal si Lennox sa sasakyan niya't salubong ang kilay na pinapaalis ang babae.

"How can I leave when you're not coming home?!"

The woman angrily brush her hair with her fingers. Mahaba ang buhok niya, matangkad, at maganda. Isa siya sa mga babae na aakalain mong modelo kapag nakasalubong mo sa daan. Na kahit nakalagpas na'y susundan mo pa ng mata.

"Leave! I'm not going—"

"Why?" Nilapitan na siya ng babae.

Pagkadampi ng kamay ng babae sa braso niya'y patakbo ako na umalis doon. Nagkulong ako sa banyo. Nalasahan ko ang dugo sa labi ko dahil sa madiin na pagkagat. Pinipigilan ko ang nararamdaman ko at kinakalma ang sarili sa kaisipan na wala naman silang ginagawa at nag-uusap lang. Ni hindi ko alam kung kamag-anak niya lang ba iyon o ano.

He's spending his time with me and not with another girl. He's teaching me new things and I'm happy with him. Kapag kasama ko siya pakiramdam ko ngayon lang ako may nagawa para sa sarili ko. Walang iniisip na kahit sino. Walang iniisip na paparating na problema. Ang tanging umuokupa sa isip ko'y tungkol lang sa aming dalawa.

Huminga ako ng malalim at ngumiti. Hindi ko dapat siya pinag-iisipan ng masama. Kung totoo na may kinakasama siya, hindi niya ako lalapitan. Kaya naniniwala ako sa kabilang isip ko na hindi totoo iyon. Lumabas ako sa pinagtaguang cubicle sa banyo at naghihilamos na ng mukha nang tumunog ang telepono ko.

"Nasaan ka? Wala ka sa klase."

Napangiti ako nang marinig ang boses niya.

"Nasa banyo ako. Pabalik na ako."

Ibinaba ko ang tawag. Hindi pa nakakalapit ay natanaw ko na siya sa pinto. Umayos siya ng tayo nang matanaw ako. Napangisi siya at pumasok na sa loob. Habang nasa klase'y panay ang sulyap niya sa akin. Sa pangatlong sulyap, salubong ang kilay niya habang tinatanaw ang labi ko. Kinapa ko iyon at naalala na nakagat ko pala kanina kaya nagkasugat.

"Diana," tawag niya sa babaeng nasa harapan for recitation.

Hindi na nawala ang madilim na mata at salubong na kilay niya sa buong durasyon ng klase. Umalis siya na hindi ako pinapansin kaya hindi ko alam kung susunduin niya ba ako mamaya. Nagalit ba siya dahil na-late ako? Na sinasamantala ko ang pagiging malapit namin para ma-excuse sa pagiging late?

Wala ako sa wisyo habang nasa ibang klase. Napagalitan pa ako ng professor sa huling subject dahil hindi ko nasagot ang tanong niya. Okupado kasi ako sa mga nangyari kanina. Siya at ang babae na sinabi na kinakasama niya. Ang pagtataka kung sino ang babae na kausap niya sa parking lot. Idagdag pa ang malamig na tungo niya sa akin.

Hindi ako sa parking lot nagpunta dahil wala naman sinabi si Lennox na susunduin niya ako. Diretso labas ako sa gate at nag-abang ng jeep para maka-uwi. Nakapagbihis na ako ng pambahay na damit nang makatanggap ako ng tawag mula kay Lennox.

"Nasaan ka? Bakit ang tagal mong lumabas?" Pagalit na tanong niya.

"Ano?" Tanong ko kasabay ng tawag ni Along sa akin mula sa first floor.

"Ba't may boses lalaki? Sinong kasama mo? Papasok ako sa loob kung hindi ka pa lalabas!"

"Saan ka papasok? Nasaan ka ba? Nasa bahay ako at si Along ang narinig mo."

Natahimik siya sa kabilang linya. Kasunod ay iritado niyang pinatunog ang dila niya.

"Alam mo naman na sinusundo kita, bakit umuwi kang mag-isa?!"

Narinig ko ang pagsara ng sasakyan niya at ang pag-andar.

"Wala ka naman sinabi na maghihintay ka! Hindi mo nga ako pinapansin sa klase!" Balik na sigaw ko.

Naiiyak ako dahil sa pagalit at halatang iritado na sigaw niya. Natahimik siya. Narinig ko ang malalim niyang buntonghininga.

"Pupunta ako diyan," hindi na galit ang boses niya pero masama na ang loob ko.

"Huwag na. Inaantok na rin ako."

"Pupunta ako. Hintayin mo na ako."

"Inaantok na nga ako!" Mas malakas na ulit ko.

Natahimik siya at nagbitaw ulit ng malalim na paghinga. Naririnig ko ang mga busina ng sasakyan at mukhang nasa gitna ng kalsada siya't nagmamaneho na.

"Fine. I'll go home now. Maaga na lang kitang susunduin bukas."

Pinatay ko ang tawag sabay dapa at iyak sa kama. Ayokong masaktan pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. Masiyado ba akong sensitive o talagang may mali sa nararamdaman ko? May mali kasi nagdududa ako? Pakiramdam ko totoong may ka-live in siya pero paano ko ipapaliwanag ang pag-uwi niya sa akin? Hindi ko maituro kung ano o siguro'y dahil nagpapabulag ako sa nararamdaman ko kaya hindi ko makita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status