Home / Romance / Tame Me: Sweet Defiance / The Iron Standard

Share

The Iron Standard

Author: Fleurdelis
last update Last Updated: 2026-01-12 00:15:46

“ATTENTION!”

Isang sabay-sabay at malakas na sigaw ang umalingawngaw sa training ground nang maramdaman ng mga sundalo ang pagdating ng isang mataas na opisyal. Agad silang pumuwesto tuwid ang likod, magkadikit ang sakong, at nakapako ang mga mata sa unahan.

Napatingin si Rowen sa direksiyong tinutumbok ng kanilang mga mata.

Isang binata ang nakatayo sa likuran niya nakasuot ng camouflage uniform, may insignia ng pinakamataas na ranggo sa dibdib, at may presensyang hindi kailangang magsalita para sundin.

“GENERAL ON DECK!” sigaw ng isang sundalo.

Mabilis na humarap si Rowen at sumaludo.

“General!”

Sumaludo rin si Lysander maikli, eksakto, walang labis na galaw. Sa isang iglap, ibinaba ng lahat ang kanilang kamay sa utos na hindi na kailangang bigkasin.

Nanatiling nakatayo si Lysander, sinusuri ang buong hanay. Dumaan ang malamig niyang tingin sa bawat sundalo tila sinusukat ang kanilang disip

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Tame Me: Sweet Defiance   The Iron Standard

    “ATTENTION!”Isang sabay-sabay at malakas na sigaw ang umalingawngaw sa training ground nang maramdaman ng mga sundalo ang pagdating ng isang mataas na opisyal. Agad silang pumuwesto tuwid ang likod, magkadikit ang sakong, at nakapako ang mga mata sa unahan.Napatingin si Rowen sa direksiyong tinutumbok ng kanilang mga mata.Isang binata ang nakatayo sa likuran niya nakasuot ng camouflage uniform, may insignia ng pinakamataas na ranggo sa dibdib, at may presensyang hindi kailangang magsalita para sundin.“GENERAL ON DECK!” sigaw ng isang sundalo.Mabilis na humarap si Rowen at sumaludo.“General!”Sumaludo rin si Lysander maikli, eksakto, walang labis na galaw. Sa isang iglap, ibinaba ng lahat ang kanilang kamay sa utos na hindi na kailangang bigkasin.Nanatiling nakatayo si Lysander, sinusuri ang buong hanay. Dumaan ang malamig niyang tingin sa bawat sundalo tila sinusukat ang kanilang disip

  • Tame Me: Sweet Defiance   Terms of Engagement

    Ang reception hall ng Empire Mall ay nilamon ng liwanag at katahimikan, hindi iyong katahimikang mapayapa, kundi iyong pinipili. Crystal chandeliers, mahahabang mesa, at mga taong sanay ngumiti kahit may iniisip na kalkulasyon.Sa sandaling pumasok sina Lysander at Chlorothea, sabay ang palakpakan.Hindi masigla. Hindi rin pilit na masaya. Isa iyong palakpak ng mga taong marunong kumilala ng power shift.Naramdaman agad ni Lysander ang pagbabago sa hangin. Mga opisyal ng gobyerno. Mga board members ng Ashcroft Group at Thessara Corporation. Ilang mataas na opisyal ng militar. Lahat ay may sariling interes sa kasal na ito.Isang strategic union. Yung akala nilang pagpapakasal dahil sa pangako ng dalawang magkaibigan biglang naging isang kasalan na nahaluan nang politika. Hindi na naman siya nagtataka. Dalawang malaking pamilya syempre gagamitin ang selebrasyon na iyon para mapalawak ang network ng mga nandoon. Bukod sa mga business Tycoon na

  • Tame Me: Sweet Defiance   An Oath Without Faith

    Tahimik ang convention hall nang bumukas ang malalaking pinto.Sabay na humakbang sina Lysander at Chlorothea patungo sa altar. Hindi magkadikit ang kanilang mga balikat, ngunit hindi rin magkalayo isang distansyang sinadya, kontrolado.Ramdam ni Lysander ang mga matang nakatutok sa kanila. Mga dignitaryo. Mga kaibigan ng pamilya. Mga taong sanay sa kasunduan at alyansa.Pero sa bawat hakbang, mas malinaw ang isang bagay: hindi ito operasyon.At iyon ang unang pagkakataong nalito siya.Huminto sila sa harap ng altar. Ang officiant ay nagsalita mga salitang pamilyar sa kasal ngunit hindi iyon ang naririnig ni Lysander. Ang naririnig niya ay ang tibok ng sariling dibdib. Steady. Pero mas mabigat kaysa dati.“Do you, Lysander Ashcroft-----”Tumayo siya nang tuwid. Automatic. Parang nasa formation.“----Take Chlorothea Thessara as your lawfully wedded wife?”Isang segundo ang lumipas.Isang seg

  • Tame Me: Sweet Defiance   What Marriage Couldn’t Save

    “Are you sure ayaw mong ihatid kita sa altar?” tanong ni Draven habang nakatayo sa gilid ng dressing room.Araw iyon ng kasal ni Chlorothea at Lysander. Sa malaking convention hall ng Empire Mall, pag-aari ng mga Ashcroft,idaos ang seremonya. Isang linggo pa lamang mula nang ipahayag ng dalawang matanda ang kasunduan, ngunit agad na itinulak ang kasal. Parang may hinahabol. Parang may kinatatakutan, lalo na’t lantad ang pagtutol ng dalaga mula pa sa simula.Hindi agad sumagot si Chlorothea. Nakatayo siya sa harap ng salamin, tuwid ang likod, hindi nanginginig ang kamay.“You don’t need to,” wika niya, malamig ang tinig. “It’s not like I’m marrying this man because I like him.”Hindi siya tumingin sa ama.“Your family wanted this. I’m just a pawn.”Sa wakas, humarap siya kay Draven.“And don’t act like you’re a father to me.” Parang ma

  • Tame Me: Sweet Defiance   The Price of Belonging

    “Nice to meet you po,” magalang na wika ni Chlorothea kasabay ng isang maingat na ngiti.Ngunit walang tugon. Hindi man lang gumalaw ang mga labi ng dalawang lalaki sa halip, tinitigan lamang siya nang diretso, malamig at mapanuri. Para bang sinusukat ang kanyang presensya, hinuhusgahan kung karapat-dapat ba siyang naroon.Unti-unting gumuhit ang pagkailang sa dibdib ng dalaga.Magkapatid nga sila, bulong ng isip niya. Parehong hindi marunong ngumiti.Pinilit pa rin niyang panatilihin ang ngiti, kahit ramdam niyang unti-unti itong naninigas.“Come,” wika ng matanda, saka siya marahang inakay papasok ng mansyon.Hindi na kumibo si Chlorothea. Sa halip, napatingin siya kay Lysander, na nanatiling tahimik at walang bakas ng emosyon sa mukha. Samantala, inutusan ni Aurelian ang mga maid servant na kunin ang mga gamit ng dalaga at dalhin sa silid ni Lysander isang utos na muling nagpabigat sa dibdib niya.Habang naglalakad pa

  • Tame Me: Sweet Defiance   Cold Hands, Warmer Intentions

    Matapos ang ilang minutong paghihintay sa labas ng bangko, dumating ang assistant ni Lolo Lucien sakay ng isang itim na sedan. Mahinang huminto ang sasakyan sa harap nila. Mabilis na bumaba ang lalaki at binuksan ang pinto sa likod isang kilos na sanay na sanay, walang sinasayang na oras.Hindi nagsalita si Chlorothea. Tahimik siyang sumakay, diretso ang likod, walang emosyon sa mukha.Napansin agad iyon ni Lysander.Kanina lamang, may lambot pa sa kilos ng dalaga may init kahit nakikipagtalo. But the moment the assistant arrived, parang may switch na pinindot. The softness vanished. Napalitan ng malamig, kontroladong ekspresyon.Isang maskara.Tahimik na umupo si Lysander sa passenger seat. Nang makasakay na silang lahat, agad na binuhay ng assistant ang makina at umalis ang sasakyan.Walang nagsalita.Sa loob ng kotse, tanging ingay ng makina at ng kalsada ang maririnig. Mula sa rearview mirror, sinulyapan ni Lysander ang dalaga. Nakahilig ang ulo nito sa headrest, nakapikit ang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status