LOGINNAPAKISLOT ako ng pilit akong pinapanganga ni Yeshua para subuan ng pancake. "Mahal, open your mouth, please." wika sa akin ni Yeshua habang naka-ipit sa chopsticks ang maliit na hiwa ng pancake. Hindi ko ibinuka ang aking bibig. Ayokong nagmumukha one year old na kailangan subuan. "Mahal, open your mouth, dali na." pamimilit ni Yeshua sa akin."Ayoko. Mr. Ventura, for your information, I am 28 years at hindi one year old. Kaya hindi mo ma ako kailangan subuan.” nakasimangot na wika ko kay Yeshua. Ngunit tumawa lang ito. Mukhang ipipilit talaga ang gusto nito."Nasaan na ang sweetness sa katawan ni, Miss Desiree Bonaverde? Naubos na ba lahat?” nanunudyong wika sa akin ni Yeshua. "Umayos ka kung ayaw mo tawagin ko si daddy." banta ko kay Yeshua. "Umalis si tito Zaldy kanina pa, pumunta ng farm niyo." "Ah. Kaya pala malakas ang loob mo pumasok dito sa kwarto ko. Kasi wala si daddy. Pero puwede ko naman siyang tawagan at pauwiin.” banta ko."Mahal, sorry na. Kung ayaw mo, sige, ikaw
Nakangiti akong natulog kagabi at gumising nang may ngiti pa rin sa mga labi. Nakikita ko kung gaano ka pursigido si Yeshua na hingiin ang kamay ko. Ngunit si Daddy ang kontrabida sa lahat ng gusto ni Yeshua. At tama lang aa kaniya iyon, soya na ang bahala kung paano niya paamuhin ang mga magulang ko. At masaya ako kasi nakikita ko kung paano suya mag-effort. Pero hindi pa rin mawala sa isi ko ang pagdududa. Ngunit habang tumatagal nakikita ko ang dating sarili ko kay Yeshua, hindi pala nakakatuwa ang mga ginagawa ko dati. Kaya pala galit na galit sa akin ang lalaki. Kaya pala iniiwasan ako nito, na kung puwede lang lumipat sa Mars, lumipat na ito kaagad. Hindi ko nga alam kung totoo nga ang mga sinasabi ni Yeshua kay daddy, baka mamaya ay binabawian lang ako nito. Baka sinisira niya lang ang buhay ko, katulad sa mga pinagagawa ko sa kaniya dati. Bigla akong nakaramdam nang lungkot dahil sa mga negatibong naiisip ko. Nagpakawala ako ng sunud-sunod na buntong hininga para gumaan nang
"DESIREE! May kasalanan ka sa akin!" sigaw sa akin ni Yannah na nasa kabilang linya. "It's your fault, na admit si Kuya Yeshua dahil sa binigay mong pagkain! Kung alam ko lang na mangyayari 'to, tinapon ko na lang sana ang iyon." inis na wika nito. Ako naman ay biglang nagpanic. "Sang hospital dinala ang Kapatid mo?" nag-alala kong tanong."Huwag ka nang pumunta, baka pati ma-admit pa. Galit na galit si Kuya. Pasalamat ka, hindi ko sinabi na luto mo 'yon. Ang sabi ko sa kaniya, binili ko sa canteen at nakalimutan mo sa initan, kaya nasira ang tiyan niya. Nagsinungaling ako para sa'yo, Babae, kaya 'wag mo akong inisin." mahabang wika ni Yannah sa akin. "H'wag ka na magluto. Kalimutan mo na ang pagluluto at hindi mo talaga makuha 'yon. Wala kang talent kaya tumahimik ka na lang sa tabi. H'wag si Kuya ang habolin mo, hindi rin siya marunong magluto. Mamamatay lang kayo sa gutom kapag wala ang katulong n’yo." Biglang uminit ang pisngi ko sa hiya, sa dami ng sinabi ni Yannah, lahat 'yon
“TASTED it already, many times.” mabilis na sagot ni Yeshua kay daddy. Parang proud pa ito na nakatikim na ng pangit kong luto. Hindi ko maiwasan na balikan ang nakaraan, noong binigyan ko siya ng pagkain gawa ko. Nag-bake din ako para sa kaniya, ang kaso- “Ano ‘to?” nagtataka nitong tanong habang nakatingin sa cookies na gawa ko. Nakalagay sa isang clear container ang cookies kaya kita kaagad ang loob.“Cookies.” masaya kong wika.Binuksan ni Yeshua ang container at sinipat ang mga cookies. “Cookies ba talaga ang mga ito? Bakit maitim? Ano ‘to, dark chocolate?” tanong nito. Hindi ako nagsalita dahil hindi naman dark chocolate ang ginamit ko sa cookies. Talagang maitim lang ang nagawa ko, pero okay naman ang lasa nang iba. Kumuha si Yeshua nang isa at saka kinagat ang cookies. “Cookies ba ‘to o bato?” tanong nito nang hindi nito makagat-kagat ang gawa kong cookies. Tumingin ang lalaki sa akin at saka ibinalik sa baunan ang kinuha nito. Kumuha ulit siya ang isa at kumagat, ngunit na
“ANG kapag ng mukha mo mag-desisyon. Ano ang akala mo sa bahay namin, hotel?” "Pasensiya na, Mr. Bonaverde hangga't nandito si Desiree, dito din ako titira sa inyo." sagot ni Yeshua kay daddy. Oo nga, ang kapal nga ng mukha ng lalaking ito. Hindi man lang marunong magtanong o makiusap, diretsong nag-desiyon ito na dito na titra sa bahay. Akala niya siguro sa mga taon dito uto-uto. Mabuti pa nga sa hotel may option at kung puno na, hindi na tatanggap at aalis na lang ang costumer. Pero itong si Yeshua, nagpupumilit kahit ayaw ng may-ari.“Anak ko si Desiree, kaya malamang dito siya titira. Bahay ko ito, bahay naming mag-pamilya. Pamilya ka ba namin?” “Pero—- "Wala nang pero-pero, Mr. Ventura. Mas malaki ang bahay ninyo kaysa bahay ko. Umuwi ka na sa inyo at doon tumira. Dahil lahat ng silid sa bahay na ito ay ukupado at wala nang bakante para sa’yo.” wika ni daddy kay Yeshua na namumula na ito sa galit.Tss. Sinungaling si daddy. Labin-dalawa ang kuwarto sa bahay na ito at anim lang
“ZALDY, ang anak natin.” umiiyak na wika ni mommy kay daddy. Yumakap si mommy kay daddy habang si daddy ay mahigpit na naka-kuyom ang mga kamay."God, bakit mo ginawa ‘yon, Desi? Hindi mo ba alam na sobra-sobra ang takot ko ng makita kitang nakalutang sa tubig? Akala ko mawawala ka na sa akin." umiiyak na wika sa akin ni Yeshua saka kinintalan ako ng halik sa noo. Magsasalita na sana ako kaso inunahan ako ni daddy."Mr. Ventura, andito kami na magulang niya, anak ko ‘yan." seryoso na wika ni daddy kay Yeshua."Ano’ng pumasok sa kokote mo at ginawa iyon, Desiree? Tatlong taon na hindi ka namin nakasama ng ama at mga kapatid mo, tapos magpakalunod ka lang sa swimming pool?” hagolgol na wika sa akin ni mommy. At saka pinalo-palo ako nang mahina sa puwet gamit ang isang kamay ni mommy. Nakakahiya ang tanda-tanda ko na para paluin pa sa puwet. Yumakap ako kay mommy at hinawakan ang kamay nitong pumapalo sa akin. ‘Yong nasa harap mo ‘yong taong mahal mo, tapos paluin ka lang ng ina mo sa p
“UMALIS ka na, Mr. Ventura.” mahina kong wika. “Bro, please, umalis ka na. Masyado nang magulo.” si Grayton. “Hindi ako aalis hangga’t hindi ko dala si Desi. Ayokong makasal siya sa’yo.” mariin na wika ni Yeshua sa kaibigan at hinawakang muli ang aking braso. Animo’y takot na takot itong mawala a
“HINDI totoo ‘yan.” si Yeshua.Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni daddy nang marinig ang sinabi ni Yeshua, kaya lahat kami ay nagulat. Tumingin sa akin si daddy at muling tumingin kay Yeshua. "It's not true, dad." sagot ko kay daddy habang umiiling. "Me and Desi have the same thinking,
HINDI ko alam kung ano ang gustong palabasin ni Yeshua. Hindi ko alam kung ano ang plano niya, siguro ang sirain din ang relasyon namin ni Grayton. Siguro, gumaganti siya ngayon sa mga pinagagawa ko noon. Siguro ayaw niya akong makitang masaya. Siguro mas gusto niyang maging miserable ang buhay ko.
“ANO ang ginagawa mo dito?” tanong ulit ni Grayton at saka kinusot ang mata. Akmang lalapit ako kay Gray para sana pigilan ito sa pagkusot ng mata, ngunit pinigilan ako ni Yeshua. Mas lalo lang nito hinigpitan ang pagkapit sa beywang ko.“Para bawiin ang para sa akin." mabilis na sagot nito kay ka







