Share

Chapter 4

Daniexsa's POV

HABANG prente akong nakaupo sa isang couch na pag-aari pa rin ng kompanya ay kaharap ko naman ay ang nagpakilalang si Officer Genji Feliciano, ang pulis na kanina lamang ay inimbitahan ako para sa ilang mga personal na katanungan.

      "Anong ginagawa mo sa parking lot ng mga oras na naganap ang krimen?"

Diretso lamang akong nakatingin sa mga mata nito bago tumikhim upang magsalita.

      "Kakatapos lang ng aking final interview kay Mrs. Sison nang mapagdesisyonan kong umuwi na, sa kasamaang palad nang makarating ako sa parking lot ay nakarinig ako ng mahinang hikbi kaya dali-dali kong tinungo ang pinagmumulan ng boses," pinakatitigan ko muna ito sa kanyang mga mata bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "D-Doon ko nasaksihan ang babaeng naliligo na sa kanyang sariling dugo," pahayag ko at saka naman ito natahimik sandali habang malalim na nag-iisip.

Mukhang inaanalisa nitong mabuti ang aking naging pahayag upang mas maintindihan nito ang aking nasaksihan. Kung sino man ang hayop na gumawa no'n, siguraduhin n'yang hinding-hindi s'ya magpapahuli dahil mukhang hindi titigil ang mga kapulisan upang mahuli ang salarin.

Paniguradong uulanin na naman ng samut-saring komento ang kompanyang ito at hindi lamang iyon, mas madudungisan na naman ang pangalan ni Mr. Riego kapag nagkataon.

Napapaisip tuloy ako kung lalantad ba s'ya sa mga interview na maaaring maganap lalo pa't tao na ang sangkot rito.

      "Sir, burado na ho ang CCTV footage-"

Awtomatiko akong napahinto dahil sa narinig. Kakarating lang din ng isa pang pulis ngunit nakasibilyan lamang ito. Base sa naging reaksyon ni Officer Feliciano, mukhang dismayado ito sa narinig dahil iyon na lang sa ngayon ang paraan upang malaman ang totoong nangyari sa parking lot.

      "A-Ang totoo n'yan, may dalawa pang bangkay sa control room kung saan minomonitor ang CCTV camera. Sa kasamaang palad, mukhang naunang bawian ng buhay ang mga iyon bago ang krimen na naganap sa parking lot." Dagdag pa ng pulis na nasa aking harapan kaya maging ako ay napaisip na din.

Masyadong malinis ang pagkakagawa nang krimen, ngunit kahit anong linis pa iyan ay naniniwala akong may isang butas pa rin akong makikita sa krimen na ito.

      "Wala muna kayong papalabasing empleyado, kailangan nating makakuha ng sapat na alibi bago sila pauwiin." Utos pa nito na ikinatango naman ng pulis na nagreport patungkol sa control room.

Muling bumalik ang tingin nito sa akin at mukhang pinag-iisipan pa ang kanyang sasabihin. Sa huli ay bumuntong hininga muna ito at kasabay no'n ay ang pagdating naman ni Mrs. Sison.

      "Officer Feliciano?"

Nawala ang atensyon nito sa akin at kasabay no'n ay ang tuluyang paglapit ni Mrs. Sison sa aming kinaroroonan.

      "Gaano ba katagal ang aabutin bago mapauwi ang mga empleyado? They're been panicking-"

      "Mabilis lamang ito, Mrs. Sison."

Hindi ko alam pero mukhang base sa kanilang bawat tugon at ekspresyon, mukhang matagal na silang magkakilala. The way how they cut off each other's line, there must be something between them.

Naging mabilis naman ang interogasyon sa bawat empleyado, upang malaman ang kani-kaniyang alibi habang nasa oras ng trabaho at hanggang sa maisagawa ang krimen. Ayon kasi sa guard, wala namang ibang panauhing dumating bukod sa akin na may final interview nga para sa posisyong aking inaplayan.

Naisugod na rin sa ospital ang babaeng naliligo sa kaniyang sariling dugo habang ang dalawang bangkay ay iexamine pa kung ano ang kanilang ikinamatay dahil walang mababakas na kakaiba sa mga katawan ng mga ito, mukha lamang silang natutulog ngunit hindi na pala humihinga.

      "Miss Alcantara?"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses. Pinayagan na kasi akong makauwi dahil may sapat naman akong alibi, isa pa si Mrs. Sison ang kasama ko kaya kung ako man ang salarin, wala akong maibibigay na matibay na alibi sa sitwasyong ito.

      "May sasakyan ka ba? I can drop you by, kung saan mo gustong bumaba." Malumanay na sabi pa ni Mrs. Sison at napatingin naman ako sa paligid at napansin kong dadalawa na lang pala kaming nandito.

Gusto kong tanggihan ang alok nito ngunit ayoko namang sayangin ang pagkakataon upang mas magkaroon pa ng malalim na koneksyon sa isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ni Mr. Pierro Raizon Riego.

      KALAUNA'Y natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa isang magarang coffee shop at mahinang musika lamang ang aking naririnig. Pino at masyadong malinis ang bawat galaw ni Mrs. Sison habang ninanamnam ang masarap nitong kape.

      "I hope hindi ko marinig sayo na aatras ka sa trabaho at posisyong handang ibigay sayo ng kompanyan," marahan nitong inilapag ang tasa bago tuluyang tumitig sa akin.

May mapaglarong ngiti ang mababakas sa kabuuan nang mukha nito kaya naman bahagya akong napalunok dahil sa aking narinig.

      "You know, things might get worse." She winked at me while giving me this kind of feeling, "What can you say about what happened earlier? You seemed so interested with the case, Miss Alcantara."

Agad na namutawi ang ngiti sa aking labi nang marinig ang sinabi nito. Marahan kong kinuha ang tasa na naglalaman nang isang black coffee saka ito tinikman.

Humagod sa aking lalamunan ang bahagyang mapait na lasa nito ngunit kalaunan ay agad rin namang nawala at mas nagbigay pa ito sa akin ng sigla dahil ito lang naman ang paborito kong kape na kahit araw-arawin ko mang inumin ay hinding-hindi ko pagsasawaan.

      "I will never ever let this opportunity pass by me, Mrs. Sison." Buong loob kong tugon rito at saka naman ito napaayos ng pagkakaupo dahilan upang agad akong magpakawala ng isang matamis na ngiti. "I'm just curious about the case, nothing else." Pagsisinungaling ko kahit na ang totoo ay kating-kati akong mangialam sa imbestigasyon.

      "Well, curiosity kills a cat." She said in a serious tone of her voice. It gives chill down to my spine but I still manage to maintain my expression. "It always happened. It's like a curse that will hunt you everyday of your life."

Napakunot ang aking noo dahil sa aking narinig. Maybe she's talking about what happened earlier, hindi naman na ata ito bago pa. But still, kahit sino man ang nasa katayuan ng mga empleyadong naroon ay makakaramdam rin nang takot para sa sariling kaligtasan.

     "I'm looking forward na ikaw na ang huling sikretaryang aking tatanggapin sa Maxsteel Corporation, Miss Alcantara. I'm looking forward to work-"

Hindi na nito nagawa pang tapusin ang kaniyang sinasabi nang agad na nagring ang cellphone nito na nakalagay sa kaniyang handbag. Agad n'ya itong kinuha at dali-daling sinagot ang tawag, nagawa pa nitong sumenyas sa akin na maghintay kaya naman marahan akong tumango bilang tugon.

Mukha pa itong nataranta kaya napainom na lamang ako sa aking kape na lumamig na pala.

     [Y-Yes, Mr. Riego?]

Halos mapako ako sa aking kinauupan nang marinig ang pangalan ng importanteng tao sa misyon ko. Nagpanggap na lamang akong may pinagkakaabalahan sa aking cellphone kahit na ang totoo ay wala naman.

     [A-Ano? P-Patay na yung babaeng natagpuan sa parking lot?!]

Agad akong nag-angat ng tingin dahil sa aking narinig. Mabuti na lang at bahagya pang nakatalikod sa akin si Mrs. Sison at wala rin namang masyadong tao rito.

Sa dami ng natamo ng babaeng nakita ko kanina sa parking lot kanina, imposible ngang makaligtas pa s'ya sa bingit ng kamatayan. Marahil marami na ring nawalang dugo sa kaniya kaya hindi na rin kinaya ng katawan n'ya.

Anong gagawin mo ngayon, Riego?

Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan. Halos pangalan n'ya ang nasasangkot sa bawat gulo na nagaganap. Ganoon ba talaga s'ya kasama? Kung hindi pangalan n'ya ang madadawit, pangalan naman ng kompanya.

     [Alright, don't worry. Mayroon na akong ipapalit sa posisyong iyon. Bukas na bukas rin ay mag-uumpisa s'ya sa trabaho.]

Napaayos ako ng upo at akmang iinom pa ng kape ngunit wala na pa lang laman ang aking tasa. Saka naman humarap sa akin si Mrs. Sison at bahagya itong ngumiti.

     "You should prepare yourself, Miss Alcantara." Panimula nito habang dahan-dahang ibinabalik sa kanyang bag ang cellphone na kaniyang hawak. "Tomorrow will be your first day as the secretary of Maxsteel Corporation, and honestly.., maraming nakatambak na gawain." She smiled at me kaya napangiti rin ako.

     "I am well prepared and excited to work with anyone tomorrow, Mrs. Sison. I am willing to work under pressure." Tugon ko pa at mas lalong lumawak ang ngiti nito sa kaniyang mga labi.

Ilang segundo pa nang ilapag nito sa aking harapan ang medyo may kakapalang mga papel kaya naman napatingin ako sa kaniyang mga mata at sumenyas itong basahin ko.

Maxsteel Corporation Empire. Iyan ang unang sumalubong sa aking mga matang nakalathala sa papeles na aking hawak. Mga importanteng bagay na dapat kong malaman patungkol sa kompanya.

     "Don't forget to read it, by the way.. I have to go." Aniya at agad na tumayo kaya naman ibinaba ko ang hawak na papeles saka ito pinakatitigan. "Thanks for your time, Miss Alcantara. I enjoy having a small talk with you. I'll see you tomorrow." Dagdag pa nito at bago ito tuluyang umalis ay nakuha pa nitong makipagkamay sa akin.

Wala na akong nagawa kundi sundan na lamang ito ng tingin papalabas nang coffee shop at muli akong naupo at agad na pinasadahan ng tingin ang papeles na nasa aking harapan.

Lihim akong napangiti dahil napagtagumpayan ko ang aking unang hakbang para sa aking misyon,

     "There's no turning back.." bulong kong saad habang masayang binabasa ang bawat salitang nakasulat sa papeles na aking hawak.

I'll make sure I'm going to accomplish this mission, even if death will go after me.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status